logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7

2007
Bitbit ang bola ng basketball, nagtungo sa concrete bench si Vhendice at naupo roon. Across the lawn are Ramses and their daddy talking about the needed improvement of Archrio estate, especially the security structure of the entire acre compound.
Binawi niya ang paningin at ipinukol sa malayo. Sa direksiyon na tingin niya ay papuntang plaza kungsaan may basketball court na madalas niyang bisitahin tuwing umaga. Kadarating lamang nila rito sa Rio Verona tatlong linggo na ang nakaraan. Umuwi sila dahil sasabak sa politika ang kanyang ama kapalit ng lolo niya na kasalukuyang gobernador ng probinsya.
Pwede naman silang magpaiwan sana ni Ramses doon sa California at tapusin ang kanilang pag-aaral pero ayaw pumayag ng mommy nila. Walang kaso naman sa kanya kahit saan sila titira basta't kasama niya ang mga magulang at ang kapatid.
They both grew up abroad. He had friends there. He never thought it would be hard to adjust to getting himself in the circle of his generation in this place. He had trouble blending in. Been three weeks and nobody wants to be his friend so far.
"An ogre face again, Vhens? What happened?" Lumapit sa kanya si Ramses.
Pinatalbog niya ang bola. "I think they're afraid of me. The boys at the plaza earlier, they're all avoiding me, Ram. I don't know why, but I'm just trying to be friendly." Nagsumbong siya sa kapatid. Muling sinulyapan ang direksiyong tinitingnan kanina.
Naupo si Ramses sa may dulo ng bench. "Can't expect them to trust you right away. Besides, you don't get to go out frequently, and...you have the worst tagalog ever in the history." Sinabayan nito ng halakhak iyon.
Lalo naman siyang bumusangot. Kasalanan ba niya kung nabubulol siya sa wikang tagalog? Pinag-aaralan naman niya iyon bago sila umuwi rito sa Pilipinas. Siguro, nagkulang lang siya sa practice kasi roon sa California kapag nag-uusap sila sa bahay, english pa rin ang karaniwang ginagamit niyang lengguwahe.
"Anong tagalog ng rusty?" pilyong tanong ni Ramses. Aasarin na naman siya nito.
Mabilis siyang nag-isip. Pero hindi siya sigurado sa nahagilap na sagot. "Kinawag? Kinalawag?" He tried at his best rather than forfeiting in order to save face.
"Kinakalawang," tawa nito. "You should get a tutor for the Filipino subject, Vhens. Baka ma-retain ka niyan sa grade 10. The last time, iyong baboy tinawag mong baby."
"I just didn't saw the letter O, you jerk!" angil niyang namumula ang mukha sa hiya. Pati mga katulong nila pinagtatawanan siya dahil sa baboy na naging baby.
"Paano naman iyong pato na naging paso? The duck turned into a flower pot? Sounds magical." Ayaw pa rin nitong tumigil sa kaaasar sa kanya.
"Shut up! Don't be so cocky just because you're good at dealing linguistics." Hinambalos niya rito ang bola. Nasalo nito iyon at ipinasa pabalik sa kanya.
"Kailangan mong matutong magsalita ng maayos, Vhendice, para mapakinabangan kita balang araw. I'll ask dad for a tutor as soon as possible."
But the next day, it was not a tutor that his father brought for him and Ramses. Bodyguards. Tig-tatatlo sila ng kapatid. Nasira ang mood niya. Ayaw niyang may bubuntot-buntot sa kanya at babantayan ang kanyang mga kilos. That would be annoying.
"Where's that tutor you're talking about, smug face?" Sita niya sa kapatid na kumakain ng cake sa may swimming pool habang nanonood ng latest movie ni Jason Statham sa laptop.
Nginuya muna nito ang malaking tipak ng cheese cake na isinubo at nilunok sabay sipsip ng grape juice mula sa baso.
"Soon, mom's been working on it," nadidighay pa nitong sagot. "For the meantime, kay Eddie ka muna magpaturo. Magaling daw iyon sa Filipino."
Eddie is one of his close-in. He didn't much have of a choice. Sinunod niya ang kapatid. Nagpaturo siya kay Eddie ng mga termino sa tagalog na hirap siyang mabigkas ng maayos. Everyday, he spared some time to talk to their house helps as well so to learn the accent. Nakikipagkwentuhan siya ng kung anu-ano. Kahit walang kwentang tsismis sa showbiz dito sa bansa ay pinatulan niya para lang ma-improve ang pagsasalita niya ng tagalog.
"Faster, Vhens! They're waiting!" apura ni Ramses sa kanya na nakasilip sa may pinto ng kwarto niya.
Nagsusuot pa siya ng high-cut boots niya. May pupuntahan silang social gathering sa bayan. Debut party ng apo ng isa sa mga kaibigan ng lolo nila ni Ramses. Ayaw niya sanang sumama pero mapilit ang mommy niya. He's not fond of parties. Even in California, he seldom goes out unless he is really required to attend like in the school which can affect his grades.
Hinintay siya ng kapatid sa labas ng kwarto niya at tulad ng nakasanayan ay nagkakarera sila pababa ng hagdanan habang nagpapadulas sa magkakabilang railing.
"I won!" Hiyaw niyang napapasuntok sa hangin pagkalapag ng mga paa niya sa sahig.
"Asa ka pa!" Kantiyaw ni Ramses. "You lost for 3 seconds."
"No, you lost by that margin, Ram. Admit it." He insisted, laughing.
"How many times do I have to tell you that it's dangerous! Keep doing that and you'll get your brain strolling on the floor one day." Litanya ng mommy nila habang palabas sila ng bahay.
"Boys, listen to your mother. You've been warned several times now. You're not kids anymore. Be responsible." Sumabat ang daddy nila.
Nagkatinginan sila ni Ramses. Parehas na nakangisi.
Their grandfather, the governor, Rio Verona Queruben is waving at them from his car outside the wide-opened main gate. Gumanti sila ni Ramses ng kaway bago pumasok ang matanda sa sasakyan nito.
Sumampa na rin sila ni Ramses sa loob ng van kasama ang nga magulang at ng driver. Ang mga bodyguards ay nasa hiwalay na sasakyan sa likuran nila. Kinuha niya ang cellphone pero inagaw iyon ni Ramses.
"How's your ordeal? Have you found a friend? Napapansin kong napapadalas ang pagpunta mo roon sa plaza." Magsisimula na naman itong banasin siya.
"None. I told you they don't like me," iritado niyang sagot at tumingin sa labas ng bintana. Not exactly. May isa pala na hindi umiiwas sa kanya at lagi siyang pinanonood roon habang naglalaro. Si Lenlen. Pero magkaibigan ba sila? Isang beses lang yata niyang kinausap iyon.
"Vernie, what's wrong!" Mabangis na bagsak ng tono ng daddy niya mula sa unahan nila habang katabi nito ang mommy niya.
"Honey, why-"
"Sir, ambush po-"
Tumili ang mommy niya nang mabasag ang windshield ng sasakyan. Ang driver ay nasubsob sa manibela, may tama sa ulo at katawan. At bumulusok ang van papunta sa guardrail. Nakita pa niya kung paano tadtarin ng bala ang sasakyan ng kanyang lolo sa unahan nila bago sila sumalpok sa guardrail at inulan din ng mga bala.
"Get down!" Kinabig siya ni Ramses papunta sa ilalim nito. He is covering him with his body.
"Ram," he gasped. Nabibingi siya sa matalim na ingay ng mga binatanang sumasabog at sa mga balang tumatagos doon. He felt the tight pressure on his side and stomach. Bullets went through him, burning on his nerves and pulled everything out of place but into absolute agony.
***
Hindi inaalis ni Lenlen ang paningin kay Vhendice na tatlong araw nang walang malay sa loob ng clinic ng doctor na kaibigan ng mama niya. Kompleto roon sa kagamitan tulad ng isang Intensice Care Unit. Saglit niyang sinulyapan ang mga magulang na nasa sofa at nag-uusap. Ang Papa niya napaka-haggard. Halatang walang tulog. Ganoon din ang kanyang mama na siyang nag-aasikaso sa pagpapalipat dito ng binatilyo upang mabantayang maigi ang kalagayan.
"Wala ba talagang ibang survivors maliban sa kanilang dalawa?" tanong ni Jenna sa asawa.
Umiling si Jerson matapos huminga ng malalim. "Ang kapatid niya ay kritikal pa hanggang ngayon."
"Kawawa naman ang mga bata."
Umiyak ang mama niya. Nag-ulap na rin tuloy ang kanyang mga mata. Nasa balita ang nangyaring ambush. Patay ang gobernador at ang mag-asawang Rainier at Venice Queruben, ang mga magulang ni Vhendice. Sa escorts naman ay isa lang ang nakaligtas, si Eddie, na kaibigan ng kanyang Papa. Ang sinabing dahilan ay politika. Pero bakit ganoon? Kailangan ba talagang ubusin ng mga taong iyon ang buong pamilya ng binatilyo?
Mabilis niyang pinahid sa likod ng kamay ang luhang nanlandas sa kanyang pisngi. Tumingala siya sa krus na nasa dingding. "Salamat po at ibinigay Niyo ang hiling ko. Niligtas Niyo po siya. Pero sana po pagkagising niya tulungan Niyo rin po siyang matanggap ang nangyari." Taimtim niyang dasal.
"Sinabi ni Eddie sa akin na kailangan nating lumayo muna. Pinaghahanap daw ngayon ng grupong iyon ang nagligtas sa magkapatid."
"Saan tayo pupunta?"
"Naisip kong doon muna tayo magtatago sa kombento ng kapatid ko. Siguradong hindi tayo tatanggihan ng mga madre," pahayag ng kanyang ama.
"Sa Cebu? Pero ang layo roon, Jerson. Paano ang trabaho ko sa hospital?" Salungat ni Jenna.
"Pansamantala lang naman ito. Kapag lumamig na ang lahat, pwede na tayong bumalik dito."
Tumayo siya sa silyang inuupuan at lumapit sa mga magulang. "Papa, kung aalis po tayo paano po si Vhendice? Iiwan po natin?"
Tumingin sa kanya ang ama. "May susundo sa kanya sabi ni Eddie."
Huli niyang nakita ang binatilyo nang sunduin ito ng air ambulance na may tatak na Andromida Conglomerate. Sa araw ding iyon ay lumagak sila ng mga magulang niya patungong Cebu. Tulad nang sabi ng Papa niya nagtago sila sa kombento ng Daughters of St. Teresa. Madre roon ang kanyang tiyahin. 
Dahil sa biglang pagpapalit ng pamunuan ng Rio Verona ay hindi na sila nakabalik pa ng probinsya. Sa Cebu niya ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral at tulad ng kanyang pangako, pumasok siya sa pagmamadre sa edad na disi-otso.
***
Maayos na ibinalik ni Sister Jhe sa loob ng expanded envelope ang modules na ibinigay sa kanya ng superintent. Bukas ay sisimulan na nila ang programa. Kailangan niyang maghanda mamaya pag-uwi niya ng kombento. Isinabit niya sa balikat ang dalang bag at binitbit ang envelope. May mga bumabati sa kanyang mga empleyado habang palabas siya ng meeting room. Maaga pa, aabot pa siguro siya sa misa ng alas-tres.
"Pwede ba akong sumabay papuntang simbahan?"
Naipikit niya ang mga mata nang marinig ang boses na iyon paglampas niya ng main door ng executive building.
Vhendice Andromida. Hindi ba talaga siya titigilan ng lalaking ito?
Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad na kunyari wala siyang narinig. Then she heard his slow chuckle.
"I don't really understand myself, why I find you literally sexy in that sacred attire? I think I'm crazy. But then grateful at the same time because I know, the moment you show me some skin, I will die, definitely."
Huminto siya at pumihit. "Binabastos mo ba ako, Atty. Andromida?" She knew her cheeks are blushing and there's no stopping it.
"I thought you've decided to ignore me." He smiled, really, really sexy, and rolled his tongue to wet his lower lip.
"Tigilan mo na ako," sikmat niya at dinoble pa ang bilis ng paglalakad.
Pero hindi man lang nadagdagan ang distansiya niya mula sa binata. She's fast but his strides are longer, covering much distance than her. Hanggang sa nagawa na nitong pantayan siya.
"Hold me close...Let Your love surround me...Bring me near...Draw me to Your side...And as I wait...I'll rise up like the eagle...And I will soar with You...Your spirit leads me on...In the power of Your love..." He sang in a modulated tone. "Are my lyrics correct?" he asked after then.
Kinagat niya ang labi. No way. She really is in big trouble. Bakit pakiramdam niya pinariringgan siya nito gamit ang kantang iyon? Hindi maaari. Hindi siya pwedeng madarang. Nang hindi siya sumagot ay ibang kanta na naman ang sinubukan nitong awitin.
"Ikaw lamang ang pangakong mahalin...Sa sumpang sa iyo magpakailan paman...Yakapin mong bawat sandali...Ang buhay kong sumpang sa'yo lamang alay...At mapapawi ang takot sa kin...
Pangakong walang hanggan..."
"Ang pangit ng boses mo." Umirap siya. May idadagdag na naman siya sa mga kasalanang ikokompisal niya sa Diyos.
"I know, I'm not a singer. Nanliligaw kasi ako, kailangan kong kapalan ang mukha ko. Later on, when you heard those songs, you will remember me."
She looked away to hide a smile. Nanliligaw ito gamit ang mga kanta ng simbahan? That's a good tactic of cheating originality. Hindi siya nakatanggi nang kunin nito sa kanya ang bitbit niyang envelope. Kung magmamatigas kasi siya siguradong makikipag-agawan ito at nasa gitna sila ng kalye.  Pagdating ng simbahan ay hindi nito ibinalik sa kanya ang envelope at sa halip ay dinala kungsaan ito madalas umupo. Napailing na lamang siya. Mamaya pagkatapos ng misa, may dahilan na naman itong lumapit sa kanya at kausapin siya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (47)

  • avatar
    Arlene

    Hello!!! Thank you sa pagshare ng story mo.... Galing!!! Klap Kalp!!! Sino kasunod? Excited na ako... hehehehhe... Keep it up!!! Unahin mo ung may mga asawa na sa story na to... hehehhe... Censya ka na... Demanding ba? Excited lang ako sa mga story mong gagawin.... Basta!!! Go lang ng Goooooo!!!

    20/01/2022

      0
  • avatar
    Chillxcold

    it's so good and intense,first time kong makapagbasa ng ganitong plot na madre ang babaing bida.Keep it up po author😊😊

    21/12/2021

      0
  • avatar
    Mark Dharyl Halili

    Every so often a love story so captures our hearts that it becomes more than a story-it becomes an experience to remember forever. The Notebook is such a book. It is a celebration of how passion can be ageless and timeless, a tale that moves us to laughter and tears and makes us believe in true love all over again . . .

    21/12/2021

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด