logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

Pumasok sa kanyang kwarto sa hospital si Vhendice at binulaga ng madidilim na mga mukha nina Lyam at Ramses. Gusto na lang niyang tumakas ulit. But instead of doing so, he sighed and shut the door.
"I'm tired. Bukas na ang sermon," seryoso niyang sabi. Hindi pwedeng maunahan siya ng dalawa. Sasabog ang eardrums niya kapag nagsimulang bumanat si Lyam at magtatalak si Ramses.
Naningkit ang mga mata ni Lyam sa likod ng suot nitong eyeglasses. Namula ng husto ang mukha. Tatanda na naman ito ng ilang taon dahil sa kunsumisyon sa kanya. Tingin niya ay marami itong gustong idakdak pero sa matinding inis ay hindi na nito malaman kung mumurahin siya o ano.
"Ang tigas ng ulo mo, Vhendice." Nanggagalaiting asik na lamang nito.
"Up or down? Never mind, parehas ang mga itong matigas." He paced towards the bed.
"Stop fooling around! Baka lumpuhin kita." Hindi masakyan ng doctor ang biro at lalong sumiklab. In a normal calm situation, Lyam would be quiet unless discussing about medical histories.
"Lyam, " inalo ito ni Ramses. "Napaka-insensitive mo, Vhens. Minsan ba naiisip mong mag-aalala kami sa iyo?" Hindi itinago ng kapatid ang pagkadismaya nito sa kanya.
"I'm sorry," is all he can say and massaged the back of his neck.
Kinapa niya sa bulsa ng pantalon ang rosary at ikinulong sa kanyang palad.
"Sorry? We've almost lost you, do you have any idea?" sigaw ni Lyam.
Ano pa bang pwede niyang sabihin bukod sa sorry? Right, he can always tell them the truth. He is trying to break free. But guess, it's too late. He inhaled the fumes already. Embracing the fate that had designed for him. Love. And he is going to bleed for this, badly.
"Seriously, I apologize for my recklessness, Lyam. But you know what? My heart is going to kill me if I'd stay here and do nothing." He sighed and looked away. "I'm fucking inlove with a nun."
Their reaction was melo-dramatic like hearing a buzzing whispers from the unknown. Bumagsak ang balikat ni Lyam at napailing.
"And you go to this extent to play games with us, Vhendice?" Ayaw maniwala ng doctor sa sinabi niya.
"Vhens, bakit sa madre? Nagbibiro ka lang, di ba?" Pati si Ramses ay hindi maseryoso ang ideyang iyon.
Hindi siya magsasayang ng oras para kumbinsihin ang mga ito. That is the truth and that is enough. Nahiga siya at sinubukang matulog kahit ang utak niya ay nanatiling tuliro.
Kinabukasan ay hindi na siya tumakas. Nagpaalam siya ng maayos kay Lyam. Pumayag naman ito at mukhang unti-unti na nitong kinonsidera na seryoso ang ipinagtapat niya nang nakaraang gabi.
With another bunch of Iris for Sister Jhe, he waited patiently at the church. Habang nakaupo sa unang row ng mahabang upuan, pinagmasdan niya ang Diyos na nakapako. Ano bang mayroon siya? Sino siya para isipin niyang hinahamon siya ng langit para sa puso ng babaeng malapit nang ikasal sa panunumpa nito?
Right, he is an Andromida. He is a lawyer. He has 14 companies under his jurisdiction and 14 women to choose with to be his bride. But he is not perfect. He is not invincible.
He was once a victim too of the cruel society.
"Was this Your idea? Is this a punishment? I know, I am not supposed to kill what I did not create, and yet, I did without Your permission. If this is Your way of vengeance, then, I gave up. Take my life if you please, but let me borrow Your bride."
Mula sa pintuan sa gilid ay umagaw sa paningin niya ang kislap ng puting abito ng madreng pumasok sa simbahan.
She's here. His veiled girl.
NAUDLOT ang mga hakbang ni Sister Jhe nang matanaw ang lalaking tumayo mula sa upuan ng unang row. Si Vhendice. Nandito ulit ang lalaki. Umalma ang paghinga niya at tila may sumaklot sa kanyang puso.
What will you do if Haydees is in love with you? How did he know about it? Haydees told him or unless Vhendice is Haydees. Kagabi pa niya iyon iniisip nang makita niya ang benda sa ulo nito ay kinutuban na siya. Lalo pa iyong sumidhi habang pabalik-balik sa utak niya ang sinabi nito. Tila lumang plaka na may lamat.
Nagpasya na siya na iwasan ito at hindi na bibigyan ng dahilan at pagkakataon ang lalaki na lapitan siya at kausapin. Pero paano naman kung mali pala ang hinala niya? She needed a good meditation and she has to pray for enlightenment to be able to decide fair and wise.
Nagtungo siya sa nakagawian niyang pwesto. He was staring at her like always. Lumuhod siya sa step at nagsimulang magdasal ng taimtim habang nakapikit ang mga mata. Nang dumilat siya at umahon mula sa pagkakaluhod, nasa likuran niya at nakatayo si Vhendice.
"Haydees will visit you tonight," mahina nitong sabi at nilapag sa kandungan niya ang bulaklak.
Hindi siya kumibo. Ni hindi niya ito nilingon. Hati ang konsenstrasyon niya habang nasa misa at nakikinig sa pari. Kahit hindi niya sinubukang sulyapan ang lalaki, damang-dama niya ang titig nito. His presence is too strong and imposing that everyone inside the church has to deminish.
Kunti ang nagsisimba nang araw na iyon at apat ang lay ministers kaya hindi na siya tumulong sa communion rites. Pagkatapos ng huling basbas ay saglit siyang lumuhod. Saka tumayo rin agad at nagmamadaling lumabas ng simbahan. Dinala niya ang bulaklak sa malaking kruz at iniwan sa may paanan.
"Para kang binigyan ng flowers ng manliligaw mo tapos ibinigay mo naman sa boyfriend mo." He's there already behind her.
Hindi na talaga maganda ang pakiramdam niya. May malisya na agad ang isip niya dahil sa paglapit nito.
"Vhendice, hindi na ako komportable sa ganito," prangka niyang wika.
"Alam ko. Kaya darating mamaya si Haydees para linawin sa iyo ang lahat."
"May ginawa ba ako para pahabain ninyong dalawa ang pagsasakripisyo ko? Hindi mo ba nakita itong suot ko? Itong damit na nakabalot sa katawan ko? Hindi na ako malaya. Hindi na ako pag-aari ng mundo." Sinubukan niyang ipaintindi sa binata ang kanyang estado.
"I haven't taken my moves yet and there you are, rejecting me. Mas mabilis pa iyan kaysa sa hininga ko, ah." Tumawa ito ng mapakla. Malagkit na nakatitig sa mukha niya. "I know your status, your boundaries and limitations. But you know, love is not just blind, it is also deaf. Somehow, it never missed once the target is on the radar. Goodluck avoiding love, sister, rather, goodluck avoiding me and Haydees." It was not a joke. He's not joking at all.
Tinangay nito ang paningin niya habang papalayo. Nabibigyan ba ng kulay ang pagmamalasakit niya kay Haydees? Malamang. Galing ng simbahan ay nagtungo siya sa terminal ng traysikel. It was a walking distance away from the church.
Nakahabol pa siya sa evening prayer pagkauwi niya ng kombento. Matapos ang kalahating oras na meditation ay sama-sama silang mga sisters na pumanhik ng kusina para maghapunan. Tahimik siyang kumakain habang laman ng isip ang meeting at ang nangyari sa may simbahan.
Hindi lang bulag ang pag-ibig kundi bingi pa. Tama iyon. Kapag puso ang tumibok, wala itong ibang papakinggan na katwiran. Siya na ang nagpresenta na maghugas ng mga pinggan at maglinis ng kusina pagkatapos nilang kumain.
Pag-akyat niya sa kanyang kwarto, naghihintay sa kanya sa loob ang panauhin. Si Haydees. Nagulat man ngunit hindi ulit siya nag-abalang magtanong kung paano ito nakapasok nang hindi napapansin ng security guards at kung saan ito dumaan.
"Hindi na ako makikipag-usap sa taong hindi ko nakikita ang mukha," masungit niyang pahayag matapos isara ang pintuan. "Tatanggalin mo ang maskara mo o aalis ka na lang?"
"What should I get in return if I'll take off this mask?"
"Time and a chance to talk."
"Fair enough."
May pinindot ito sa gilid ng maskara. The three connected buckles at the back of his head snapped, releasing each other from the lock and revealing the face hiding behind the mask.
Vhendice Andromida. Ito nga.
Hindi na siya gaanong nabigla sa rebelasyon. Siguro dahil nai-kondisyon na niya ang sarili na ang dalawang pangalan ay pagmamay-ari lamang ng iisang katauhan.
"I'm here because I refuse to ignore this feeling. I'm inlove with you, Sister Jhe Lenzkie," pahayag ng lalaki na hindi na nag-abala pa ng anumang pasakalye.
He is sincere and determined. Nakikita niya sa mga mata nito. Pero ang damdaming ipinagtatapat nito sa kanya ay ipinagbabawal. Siguro, kung sa naiibang sitwasyon at lugar, matatanggap niya iyon ng buong puso.
"Masaya akong malaman na marunong ka palang magmahal, Haydees. Pero sana, ibaling mo sa ibang babae ang nararamdaman mo. Ang katulad ko ay hindi mo pwedeng mahalin at hawakan. Kahit kailan, hindi pwede."
"I don't need your permission to do that. What I like, I will take. By all means possible, sister. I've made a bargain to your boyfriend. You'll see."
"So, what you are saying is that I am dealing with a demon." Napalunok siya.
"Yeah," he nodded to confirm that he is capable of forcing her if necessary. "But I'm the kind of demon that will take you to heaven."
Muli nitong isinuot ang maskara na napansin niyang may features ng voice cover at umalis ang lalaki. Bumagsak siya sa may paanan ng kama. Pinipilipit ang mga kamay na nanginginig at ang umuugang mga tuhod.
Anong gagawin niya?
Hindi pwedeng panghinaan siya ng loob. Hindi pwede. Pinahid niya ang pumatak na mga luha at lumuhod sa harap ng maliit na crucifix na nasa ibabaw ng sidetable. Hindi niya pwedeng sirain ang pangako niya.
Thirteen years ago...
Sa likod ng makapal na bakod ng golden shower ay nakakubli si Lenlen at sinisilip ang binatilyong mag-isang naglalaro ng basketball sa plaza. Tatlong beses sa isang linggo itong pumupunta roon at lagi niya itong inaabangan.
Vhendice Queruben ang narinig niyang pangalan nito. Sabi ng mga dalagitang nagkukwentuhan noong isang araw doon sa tindahan ni Aling Sela, galing daw sa ibang bansa ang binatilyo. Noong una niya itong makita, akala niya artista ito sa tv.
Napangiti siya nang muli nitong maipasok ang bola sa ring. Mabilis siyang umuklo para magtago nang tumingin ito sa gawi niya matapos nitong hulihin ang tumatalbog na bola. Sumalampak siya sa lupa at kinagat ang mga daliri habang nakabungisngis.
"Who are you?"
Pumitlag siya at dahan-dahang tumingala. Looking down at her is the boy, holding the ball. Gumapang siya paalis pero hinarangan nito ang daan. His cold eyes are scary.
"N-nanood lang ako ng kunti," nauutal niyang sabi at luminga-linga. Walang tutulong sa kanya kung bubuntalin siya nito. Maaga pa kasi kaya walang gaanong tao roon maliban sa mga napapadaang nagjo-jogging.
"Who are you?" inulit lang nito ang tanong sa halip na pansinin ang sinabi niya.
"Lenlen, ako si Lenlen." Kabado siyang ngumiti.
Saglit na kumunot ang kilay nito at nakasimangot na tinalikuran siya. Sasabihin pa sana niyang Jhe Lenzkie ang tunay niyang pangalan pero hindi naman ito interesado. Mula noon ay hindi na niya kailangang magtago at lihim itong panoorin. Tuwing naroon ito at naglalaro ay hinahayaan siya nitong pumasok sa loob ng court at doon manood. Hindi sila nag-uusap. Ni hindi siya nito pinapansin. Pero ayos lang sa kanya.
Ngunit, isang gabi, habang nanonood siya ng tv ay binulabog siya ng malakas na boses ng Mama niya mula sa labas habang kumakatok sa pintuan na para bang may kinatatakutan.
"Lenlen! Lenlen! Buksan mo ang pinto, bilis!" Apura nito.
Tumakbo siya patungong pintuan at binuksan iyon. Tumambad sa kanya ang ina na duguan habang akay-akay ang walang malay na si Vhendice na halos naliligo sa sarili nitong dugo. Natutop niya ang bibig at nanigas sa kinatatayuan.
"Isara mo agad ang pinto, ilock mo pati ang mga bintana, ibaba ang mga kurtina, bilisan mo!" Humihingal na utos ng Mama niya habang iika-ikang tinatangay ang binatilyo sa mahabang sofa.
Tarantang kumilos siya at ni-locked ang mga bintana. Ibinaba ang mga kurtina habang panay ang sulyap sa binatilyong binibigyan ng kanyang ina ng CPR at mouth to mouth resuscitation.
"Ma, ano po ang nangyari?" Lumapit siya. Nanginginig sa takot.
"Mamaya ka na magtanong, ikuha mo ako ng tubig at towel. Bilisan mo!"
Mabilis siyang tumalima kahit pinipilipit ang kanyang mga kalamnan. Sana okay lang si Vhendice. Kumuha siya ng malinis na bimpo sa loob ng banyo.
Nilagyan niya ng tubig ang maliit na planggana pero ilang beses iyon natapon dahil nangangatog ang kanyang mga kamay at hindi mabitbit ng maayos ang planggana.
"Halika, punasan mo siya. Tatawagan ko lang si doc. Ayusin mo at mag-ingat ka."
Hilam sa luha ang kanyang mga mata habang pinagmamasdan ang maputlang mukha ni Vhendice. May sugat ito sa tagiliran at sa tiyan. Parang mga tama ng bala. Binaril ba ito? Pinagpatuloy niya ang pagpupunas.
"Ma, ayaw po tumigil sa pagdugo ang sugat." Hagulgol niya.
"Doc, ako po ito si Nurse Jenna Quilang. Kailangan ko ng tulong, doc. Pakiusap, pumunta po kayo rito sa bahay ko ngayon din. May pasyente po at malubha siya. Hindi ko siya pwedeng dalhin sa hospital. Dito ko na po ipapaliwanag kung bakit."
"Ma!" sigaw niya nang mapansing hindi na humihinga si Vhendice.
Dinakma ito ng kanyang ina at muli ay sinubukang bigyan ng CPR habang siya ay lumuhod sa harap ng naka-kwadrong larawan ng Holy Family.
"Please, Jesus, iligtas Niyo po siya. Magmamadre po ako, promise, promise po, basta mabuhay lang po siya, please po..."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (47)

  • avatar
    Arlene

    Hello!!! Thank you sa pagshare ng story mo.... Galing!!! Klap Kalp!!! Sino kasunod? Excited na ako... hehehehhe... Keep it up!!! Unahin mo ung may mga asawa na sa story na to... hehehhe... Censya ka na... Demanding ba? Excited lang ako sa mga story mong gagawin.... Basta!!! Go lang ng Goooooo!!!

    20/01/2022

      0
  • avatar
    Chillxcold

    it's so good and intense,first time kong makapagbasa ng ganitong plot na madre ang babaing bida.Keep it up po author😊😊

    21/12/2021

      0
  • avatar
    Mark Dharyl Halili

    Every so often a love story so captures our hearts that it becomes more than a story-it becomes an experience to remember forever. The Notebook is such a book. It is a celebration of how passion can be ageless and timeless, a tale that moves us to laughter and tears and makes us believe in true love all over again . . .

    21/12/2021

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด