logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7

Maingat niyang iangat ang isang paa at kasabay nang pag-upo niya sa likuran ng motor nito. Naninibago siya. He never rides on a motorcycle. Napakapit pa siya sa balikat ni Tadeo nang muling pinaandar nito ang motor nito at umalis na sila sa lugar na iyon.
Hindi sementado ang daan bagay na sa tingin niya ay normal doon dahil na rin siguro sa panahon at hindi pa masyadong moderno hindi katulad ng lungsod. Lubak-lubak din ang daang iyon. Minsa’y patay ang makina ng motor ni Tadeo pero kumalma’t ngumiti lamang siya sa tuwing humihingi ito ng paumanhin.
Masukal ang lugar na iyon sapagkat wala siyang nakikita kundi mga talahib at mga malalaking punong kahoy. Sa madaling salita ang kulay na sumalubong sa kanyang mga mata ay berde. Saan man siya lumingon ay luntian ang nakikita niya.
Huminto ang motor sa ilalim ng malaking balete. Marami rin ang mga punong kahoy sa lugar na iyon. Dinig na dinig niya ang huni ng mga ibon na papalipat sa bawat sanga ng balete. He looked up. The leaves of the balete were serene and calm. It looks lovely somehow. Pero ang malaking katawan ng balete ay puno ng baging.
“Hanggang dito na lang tayo, sir. Hindi na kasi kaya ang daan papasok sa Sitio. May kalaliman na kasi ang putik.”
“Okay lang, Kuya.” Mahinahon na sambit niya habang maingat na bumaba. “Hindi naman siguro malayo rito ang Sitio Sekwel?”
“Humigit kumulang dalawang minutong paglalakad, sir. At baka palarin ka na may dumaang taga roon na sumakay ng kabayo maari kang sumakay.”
He smiled. He would love it. Nabanggit din iyon ng Mommy niya na lokal transportasyon din doon ang mga kabayo lalo na sa pagluluwas ng mga taga-roon ng kanilang produkto tulad ng mais, gulay, palay, at iba pang ani ng kanilang pananim.
He gave the driver five hundred pesos deserved nito iyon dahil sa lubak-lubak na daan kanina at ang mga malalim na putikan na dapat sana ay ipinababa siya nito pero mas pinili nitong tawirin iyon kaysa ipababa siya.
Nahiyang tinanggap iyon ni Tadeo. Pagkatapos nagpasalamat sa ikasampung beses ay nagpaalam na ito. Palayo nang palayo si Tadeo ay minamasdan pa rin niya ito. When Tadeo’s motor had vanished from view, all of a sudden, he noticed an elderly woman’s silhouette slowly leaving the road and entering the talahiban. Hindi niya alam kung saan ito galing. Basta-basta na lang niya nakita ang matandang iyon.
Alam niyang tao iyon. Matandang babae. Malabo lang kasi ang mga mata niya dahil siguro sa biyahe at pagod. Kaya parang sliweta na lang ito sa paningin niya.
Hindi siya naniniwala sa mga usapang sa iba ay nakapanindig balahibo. Katulad ng mga kababalaghan sa dating pinapasukang High School sa Makati. Paanong may multo? Kaya nga sinakmal ng lagim ang kanilang utak sanhi ng kanilang malikot na pag-iisip. Ang sindak o pagkatakot ay likha ng bahagi ng utak dulot ng kung anumang iniisip o napanood.
He ruefully smiled. Pagod lang siguro siya at dahil na rin hindi niya maalis ang matandang niyakap niya kanina. Hanggang
yaong oras ay tila bumubulong pa rin ang boses nito at ang ibinulong nito sa kanya. Kahit man hindi niya naiintindihan iyon ay palagay niya ay wikang pagpasasalamat iyon.
Hindi na niya iniisip iyon at tumalikod na siya. Muli siyang tumingala sa mga sanga at dahon ng balete. Nang ibinaba niya ang tingin niya ay dahan-dahan siyang humakbang sa puno ng balete upang umihi roon. Kanina pa niya pinipigil ang ihi niya. He loosen his belt, close his eyes, and whistled as he peed. Maya maya ay may narinig siyang kililing. Nagdilat siya ng mga mata at eksaktong tapos na rin siya sa pag-iihi.
Napatingin siya sa lupa at may nakita siyang lumang metal na pulseras at may palawit na t’loyong (hawkbell). Iyon marahil ang lumikha ng kililing kanina. Yumuko siya nang bahagya at pinulot iyon at umalis na roon.
Wala man siyang nakasalubong na mga tao ay dire-diretso ang kanyang paglalakad. He was panting when he reached the spot where he sight houses—that was the Sitio Sekwel.
He leaned himself against the body of the dead tree. He gave a profound sigh. From the first home, he could see smoke billowing. Cairo questioned whether or not his Mother had told his grandparents that he was coming.
Pagkatapos ng halos limang minutong pagpahinga ay nagpatuloy na siya sa paglalakad. Ang problema niya ngayon ay kung paano hanapin ang bahay ni Lolo Elmo at ni Lola Tanya.
“Sabel!” sigaw na tawag ng aleng nakasalubong niya. “Gehelu mulek ne. Deng ne yo kehampang ye. Mungu dou motok tangkung bo busung Teme ‘em Elmo.” (Sabel, tama na ‘yang paglalaro, samahan mo ako at pumitas tayo ng kangkong sa palaisdaan ni Lolo Elmo mo)
Napatigil siya sa paglalakad nang marinig ang pangalang nabanggit ng Ale. Ang pangalang Sabel at Elmo lang ang naiintindihan niya sa sinabi nito. Huminga siya nang malalim at harapin ang Ale. Marahil ay anak nito ang tinawag nito.
“Magandang hapon po. Maari bang magtanong?”
Napatigil ang ale at bumaling ito sa kanya. “Moem dú nga?” (bakit anak?) anito sa tila mabagsik na tono.
Napakamot siya sa ulo. “Paumanhin hindi ko po naiintindihan.” Nang wala siyang natanggap na sagot mula sa Ale ay muli niyang kinausap ito. “Si Lolo Elmo... ‘yong nabanggit n’yo po. Si Elmo Faan po ba?”
Tumango ang babae.
“Ako po si Cairo ang apo ni Lolo Elmo at Lola Tanya Faan po,” sambit niyang sabay turo sa sarili niya. “Hindi ko po alam kung nasaan ang bahay nila. Maari po bang ituro n’yo sa akin ang kanilang bahay?”
Ngumiti ang babae. “Anak ka ba ni Cecilia?”
Huminga siya nang malalim nang nagsasalita na sa Tagalog ang Ale. “Opo ako nga po. Ako ang bunso ni Mommy.”
“Kaibigan ko ang ‘yong inay. Nasaan ba ang iyong inay?” sambit at tanong nito sa masiglang tono.
“Nasa Makati po abala sa trabaho. Naisipan kasi ni Mommy na ibabakasyon ako rito.” He lied. Vacation wasn’t the reason why he was there, but it was the incident that happened a week ago. Kung ano pa ang ibang rason ay hindi na niya alam pa.
“Mabuti naman kung gano’n. Halos hindi na rin nagbabakasyon dito ang iyong ina.” Parang nagtatampo ang boses nito. “Matalik kong kaibigan si Cecilia. Akala ko nga ng bumalik sila rito ng Tatay mo noong sampung taong nakalipas ay hindi na sila babalik sa Makati.” Tumingin ito sa kanya mula ulo hanggang paa. “Kung hindi lang dahil sa masamang nangyari sayo sa panahong ‘yon—”
“Nangyari? Masama?” Napakamot sa ulong usisa niya. He knew that he was born in that place. But because his Dad has worked on Makati at taga-roon ang ito ay napilitan ang parents niya na lisanin ang Sitio at naninirahan sa Makati. Doon na rin tinapos ng Mommy niya ang pag-aaral nito.
The woman shrugged. “Sa tingin ko hindi ‘yon nabanggit ni Cecilia sayo. Ang yaong karanasan ay nabaon na sa limot. Ang batang nawala... Ang butong natagpuan.”
He smirked. “Ale, paumanhin po. Hindi ko po ang alam mga sinasabi n’yo.”
Ngumiti ito. “Halika na, samahan kita. Sigurado ako na matutuwa ang Lolo at Lola mo.” Masayang sambit ng ale.
Ngumiting sumunod siya sa ale. Parang mas excited ito kaysa kanya sa muling pagkikita nila ng kanyang Lola at Lolo.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (847)

  • avatar
    ireaderchris

    Super scary

    10d

      0
  • avatar
    NavarroMateo

    roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox roblox hhhhhhhhhhhhhhhjjjjjjjjjjjjjjggggtttttttttttreerrdddfvhhhhhbjjjjjkjuijuytreeeghjkjytrefbnhgfhrufkjcudoej8vidjfokejdofjdkdoroejvkfojforkjrogjkfkjdkjcoejjdojfjdoofjfofkjfododcoodjfoodjfodkkffopdkdofpfkfkfofodoofofofofofofofokfodofofkfofjfjofofkfififjfifjfififojf9dkxidjjxoxoxodjdofkfkfpfjgoofkfpfkrpogofkfofoorororororororofoof

    12d

      0
  • avatar
    ConcepcionKathleen

    subrang ganda nito.

    13d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด