logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

BDW 3

SHION's POV:
"Anong gusto mong gawin ngayon?" Tanong niya habang nasa sofa kaming dalawa.
I mean ako lang pala. Samantalang siya naman ay nasa ibaba ko. Nakaupo siya sa sahig habang ang hita ko naman ay nakasandal sa kaniyang balikat.
Wala lang, ganon talaga ako noong nasa poder pa ako ng mga taong 'yun. Ngayong umalis na ako, nakaka-miss din pala silang asarin.
Ayaw nilang gawin ko 'yun sa kanila. Sobrang bigat daw ng paa ko. Saka ang likot daw nito. Kung saan pumupunta. Minsan muntikan ng matapon 'yung kape sa laptop, buti na lang natabig bigla ang paa ko.
"Hindi ka ba nabibigatan sa paa ko?" Tanong ko rin sa kabila ng tanong niya. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko ngayon.
May hihintayin pa ako. Baka mawala at bumalik. Sayang.
"Nah, it's relaxing. Huwag ka lang malikot. Natatamaan mo 'yung laptop ko." Napalingon naman ako sa paa ko.
Tama nga siya. Kung saan-saan na naman napupunta ang paa ko. Kung bakit ba naman long legs ako?
'Char. Yabang ko rin.'
"Okie sorrie! Pero pake ko. Kasalanan na 'yan ng laptop mo hindi umiiwas—aray! Bakit nangungurot ka?!" Inis na sinapok ko naman siya para tie na kami.
Amazon din pala ang lalaking ito.
"Ang kulit mo. Hindi ako maka-focus sa ginagawa ko." Inis na singhal niya sa akin.
Naparolyo na lang ang mata ko sa lumabas sa bunganga niya.
" Ano bang ginagawa mo?" Takang tanong ko naman at saka  isinandal din ang dalawa kong braso sa may hita ko na nasa balikat niya.
Tiningnan ko ang laptop niya. Isang business proposal. Pero ang nagpatigil sa akin sa pagbabasa ang isang name ng negosyo niya. Naka-indicate rin sa business proposal ang pangalan.
"So you're the owner of Franco Art's Gallery. Akala ko papa mo o kapatid mo? Hindi ka kasi halatang mukha na mahilig sa mga arts. Akala ko sa cologne brands ka. Ang bango mo kasi." Inalis ko na ang hita ko sa pagkakasandal sa balikat niya.
At saka inamoy naman ang damit niya sa bandang batok niya. Dahil na rin sa naaadik ako ay hindi ko napigilang kagatin 'yon.
"Aray! Shiyah!" Matalim ako nitong nilingon pero patay malisya lang akong sumipol.
Nakatingin ako sa may pintuan sa labas. Saktong may narinig akong nag-do-doorbell.
"Yes! He's here!" Malakas na sigaw ko sa saya at mabilis na umalis sa sofa.
"Say what? Who the heck that guy is?!" Bulyaw niya sa kaniyang nalaman.
Narinig ko rin ang kaniyang mga yapak na palapit na rin sa akin.  Pero hindi ko pinansin 'yon. Binuksan ng aking kaliwang kamay ang doorknob.
Unti-unting sumilay sa aming paningin ang mga kalalakihan na may dala-dalang box.
"Hello ma'am. Are you Mrs. Shion Franco?" Tanong ni Kuyang Delivery na ikinatango ko naman.
"Opo. Ako nga po. Kompleto po ba lahat 'yan?"
"Opo ma'am. Hindi naman po kami mag-de-deliver ng hindi kompleto." Ay namilosopo pa si Kuya.
" Sipain kita 'e—aray! Tama naman 'a. Nagtatanong lang naman ako." Masama ko pang tiningnan itong si Kio pero nakatingin lang siya sa delivery boy. Kasama ang mga alagad niya rin.
"Amazona ka talaga. Kuya para saan 'yang binili ng misis ko? Bakit ang dami naman ata?"
" Painting material po, Sir." Ngayon ay tuluyan ng napunta sa akin ang mukha nito.
Nagtataka ang kaniyang mga mata sa binili ko pero napakibit balikat na lang ako at muling itinuon ang tingin sa harapan.
"Salamat po sa pag-deliver kuya. Dahil sa namilosopo ka, may 20 thousands pesos ka! Hati na kayo ng mga alagad mong pinagbuhat mo. Habang ikaw ay may hawak na papel lamang." Napakamot naman siya sa kaniyang batok sa sinaad ko.
Binunot ko naman sa aking likuran ang 20,000 na ibibigay ko. Saka ito inilahad sa kanila. Halata sa kaniya ang gulat, akala niya nang-go-good time lang ako.
"H-hindi na po ma'am… nakakahiya po sa pera ng mister mo." Pagtatanggi naman niya na ikinawala ng ngiti sa labi ko.
" Sariling pera ko 'yan. Dugo't pawis ko ang ipinagpuhunan ko para lang makaipon ng ganiyang kalaking pera. Nagpunta pa ako sa pinakailalim ng dagat para lang makakuha ng maraming isda. Pumunta pa ako sa gubat para makahuli ng mga mababangis na turo. At pumunta pa ako sa kinatatakutang lawa para lang maniwala ang lahat na nakakatakot talaga. Kaya kung ayaw mong kunin 'yan, parang sinasabi mo na rin sa akin na walang kwenta ang ginawa ko. Hindi ako gold digger na sinasabi nila. Kaya please kunin mo na. Pagod na akong magsalita. Baka gusto mo pang alamin lahat ng mga napagdaanan ko sa mga perang nakuha ko na sa—"
" Shut up, Shion. Ang daldal mo." Naparolyo naman ako at muling  nilahad ang aking pera.
"Kukunin ninyo o pupunitin ko ito sa mismong harapan ninyo." Nakangiti ako niyan habang sinasabi ang katagang 'yon.
" Get it. She'll totally gonna do that. And about gold digger 'thingy' that you seen or heard in T.V. is a false alarm. We already taking an action sa mga kumakalat na balita na mali. My wife is not like them. Don't judge if you don't know her."
" Wala naman po akong masamang sinasabi sa asawa ninyo. Nagkamali lang po ako ng hinuha. Ang misis ko po kasi ang humahawak ng pera na pinagtrabahunan ko. Kaya akala ko ginagasta ni Misis mo ang pera na para sa bubuuin ninyong pamilya."  Kinuha na rin ni Kuya ang pera sa nangangalay kong kamay.
'Ang bagal-bagal 'e.'
Awts! 'E di ako na ang mali. Kasalanan ko na kung mali ang iniisip ko.
=_=
" Ah ganon ba kuya. Sorry talaga sa asal ng asawa ko. Bayad na po ba 'yan?"
" Opo sir. P'wede na po ba naming ipasok?"
" Hindi kuya p'wede mo ng iuwi sa inyo." Sarkastiko ko namang sagot na ikinasiko sa akin nitong si Kio pero binelatan ko lang siya.
Hinila niya ako palayo sa direksyon ng pintuan. At isa-isa na silang pumasok sa loob dala ang mga box. May maliit, malaki, medyo maliit at may medyo malaki rin.
Painting materials lahat ang nandiyan. Canvas, Canvas Stand, different kind of pens, brush, paint and such.
Sobrang dami. At ang mahal. Inabot ata ng hundred thousand ang bili ko. Matagal ko na 'yun binili. Kaya nakalimutan ko na rin.
"Kailan mo pa na-order 'yan?" Tanong niya sa akin nang makaalis na ang mga delivery guy. Nakasandal na naman ang hita ko sa kaniyang balikat. Samantalang nakapukos naman siya sa laptop niya.
Hindi na rin ako kumikibot. Baka makurot na naman ako sa oras. At saka ngayong kompleto na ang materyales, 'yun namang bubuuin kong design ang pag-iisipan ko.
Naidala na rin naming dalawa ang mga ito sa kwarto ko. Ayaw niya sana na ilagay roon, at doon na lang sa kabilang kwarto nang umiling ako.
Ayoko kasing naalis sa aking paningin ang ginagawa ko. Gusto ko nasa harapan ko lang siya.
" Two days after the wedding. Nakakaburyo kaya sa bahay mo. Ang lawak nga, sa sobrang lawak gusto ko na lang sunugin. Pero ang cute sa garden mo. Kaya napag-isipan ko na lang na ibaling ang tingin ko sa pagpinta. " Ngumiti naman ako nang maalala ang mga araw na nakatitig lang ako sa canvas ko.
Pinagmamasdan ang ginawa ko. Alam kong hindi ako kasinggaling ng mga idolo ko. Pero I'm trying my best to be one of them.
"Kapag sinunog mo, mas mahal ang ibabayad mo sa akin. Billion is not enough."
" I know. Ganiyan naman kayong mayayaman. Pero teka nga lang, ano 'yung sinabi mo na 'action' para saan 'yon?" Naalala ko kasi ang pagsambit niya nito sa delivery guy.
Medyo lutang kasi ako ng mga oras na 'yon. Hindi ko na medyo naiintindihan ang pinag-uusapan nila.
"About someone who spreading false rumor about you. I don't know where they find that false news." Napatigil naman ako saglit.
" Hindi ikaw ang may gawa no'n? Hindi ikaw ang nagpakalat na gold digger ako?"
" Huh?! Why would I?" Binigyan na naman niya ako ng blangkong tingin. Pero binalewala ko lang 'yon.
Halata sa kaniyang mukha na totoo ang sinasabi niya. My bad. Akala ko siya pa naman ang may gawa.
Akala ko pinapakita niya sa lahat ng mga tao na ako 'yung babaeng napikot sa pera.
Pero hindi pala.
"Siguro 'yung mga nasa hulihan. Sila lang naman ang nakakarinig. Saka lahat din pala dahil malakas ang boses ko no'n. Tapos ngayon nahusgahan kita. I thought it was you. Kung sinabi mo lang kasi ang totoo at hindi ka pa nag-te-take ng mga script para sa business mong pakulo. Sana natulungan kita. Saka ano bang rason mo para magpakasal sa isang tulad ko?" Natahimik naman siya sa saglit.
Nakita ko pa ang panginginig ng kaniyang kamay. Natigilan din siya sa pagtipa ng keyboard sa laptop. At maging ang paghinga niya ay parang naglimita.
"I-I…" medyo nauutal na sagot niya.
"I? Ano? Wala tayo sa kindergarten para magbigkas ng letra isa isa." Magsisimula na naman sana siya sa pagsasalita nang may maramdaman kaming mga yapak palapit sa aming harapan.
Napalingon kaming parehas do'n ni Kio at nakita namin ang tatlo na mga nakangisi sa amin.
"Anong meron? Mukhang close na ata kayo dre?" Hindi pa rin mawala-wala sa mukha nitong si Hansel ang kakaibang ngiti.
Ano bang meron sa pagsandal ko ng paa ko sa balikat niya? Ganon ba talaga ka-big deal sa kanila ang pagiging mag-close naming dalawa ni Kio?
"Bakit ano namang mali sa mag-close kami nitong si Lampa? Mag-asawa naman na kami. Gusto mo tadyak at sipa?" Binigyan ko pa siya nang mapanghamon na tingin.
Itinaas ko pa ang ulo ko para malaman niya na totoo ang ipinapahiwatig ko. Pero isang ngiwi lang ang isinagot niya sabay takbo sa likuran nitong si Naver na may suot na ngayong salamin.
"Naks! Ang gwapo natin ngayon Naver ah! Nag-a-ala detective conan ka na rin ba? Alam mo bang crush na crush ko si Conan. Child abuse raw ako pero pake nila. Ang gwapo niya noong maliit siya. Pero mas gwa—aray! Ilang sapok na ba ang natatanggap ko sa iyo mula kanina? Ang sakit ah!" Inis na singhal ko naman kay Kio na walang emosyon lang akong tiningnan.
Bumabalik na naman siya sa dating ugali niya kapag kasama ang mga kaibigan. Ano bang mali sa paglabas ng tunay na kulay?
"Ingay mo. Kanina ka pa."
"Wala kang pake. Karate-hin kita 'e. Handang-handa pa naman ang mga paa ko na umatake."
" Umayos ka, Shion. Kung ayaw mong mabalibag ng wala sa oras."
" Bakit segundo lang ba o minuto? Ako nga .1 seconds lang. May kasama ng tadyak, sapak at kitil sa buhay mo." Pagbabanta ko na ikinailing lang niya.
" Huwag mo akong bolahin. Gaya ni Kuya Delivery Guy na inuto mo. Sinong tanga ang pupunta sa kinatatakutang lawa para lang mapatunayan na nakakatakot talaga? At sinong tanga ang maniniwala na may lawa ngang ganon? " Kitang-kita ko na ang paglabas ng litid sa may leeg niya dahil sa inis sa akin.
Natigilan naman ako saglit at pinagmamasdan lang ang lalaking ito na kung makatingin sa akin ay napakatalim. But I'm just happy to see how he pissed off. Nakikita ko ang mata niya na nagiging dark green na. Wow! Cool!
"Anong say mo kay Dre, Shion? Para naman marinig namin ang boses niya. Once in a while lang siya maging madaldal. Ay since birth na pala." Pagpapabalik naman sa aking diwa ni Jrake.
Napalingon naman ako sa direksyon niya. Medyo ayos na rin ang nahablot niyang hawaiian polo. At ganon na lang ang pagkadismaya ko sa suot niya sa ibaba.
Ayos pa sana kung sa ibaba iyon. Sa mismong tuhod na. Pero hindi 'e. Nakakaalibadbad tingnan.
"Trip mo talagang sira-sira ang pantalon mo 'e 'no? Pumunta ka rito at ako na ang tuluyang sisira sa pantalon mo. "
" Style kaya 'yan. Style? "Pagpapaintindi naman niya sa akin na ikinaismid ko.
" Style ba 'yan? Try mong umupo. Tingnan lang natin kung wala akong makikitang singit mo? " Siniko naman ako ni Kio sa sinabi ko pero tinaasan ko lang siya ng tingin. "I'm just concern about his figure. Ang dami na kayang mapanghusgang tao ngayon. Baka isipin nila na blah blah blah blah... "Hindi ko na diniretso pa ang sasabihin ko dahil wala rin naman akong sasabihin na mas maganda.
Nakita ko naman ang pagtingin sa akin ni Jrake nang nasisiyahan sa sinabi ko. May kasiya-siya ba ro'n?
"Then find him better clothes to wear on." Suhestiyon naman nitong si Kio na ikinatuwa ko.
" Talaga?! "
"Yeah. In one condition, sasama kami."
Napabusangot naman ako at pinasadahan sila ng tingin bawat isa.
Malalaki.
May magandang hubog ng katawan.
Matangkad.
Mga business man.
At mga anak ng bilyones mapa-Pilipinas o ibang bansa.
"Grabe naman. Para naman akong tatakas sa lagay na 'yan." Nakanguso kong sambit na ikinatawa naman ng tatlo.
Samantalang nakatanggap ako ng pitik sa aking nguso
"Aray!"
"Lumalapad nguso mo."
"Pake mo. Gusto mo halikan kita sa harapan nila? "Natahimik naman siya sa sinabi ko. Napansin ko naman ang pamumula ng kaniyang mga tenga.
Na ikinahagalpak ko nang malakas.Tinapik ko pa ang kaniyang ulo sa matinding kasiyahan na ibinigay niya.
Can't believe it!
"AHAHA SI LAMPA NANIWALA AHAHAHA!"
"Shut up, Shion Montavidad Franco." Napatigil naman ako sa aking pagtawa. Napalabi na rin dahil hindi pa nga ako tapos sa aking ginagawa.
Gusto ko sanang ngumuso pero masakit siyang mamitik kaya 'wag na lang. Ayoko munang galitin si King Kong.
" Hmmpp! Pero alam mo ba may endearment na ako sa ating dalawa. Hey mga hangal. Ang ganda ng endearment ko sa kaniya. Gusto ninyo marinig?" Tanong ko sa tatlo na nagsipuntahan na sa kani-kanilang pwesto.
Si Jrake talaga ang tinapunan ko ng tingin. Umupo siya sa katapatan naming upuan. Maraming upuan dito sa sala. May malaking T.V. screen sa dulo nito.
Kaya p'wede kaming manood ng mga palabas. Kaso nga mukhang walang mga taste sa panonood ang mga tao sa pamamahay.
"Anong klaseng tingin 'yan?" Tanong ni Kio sa akin nang mapansin na nakatingin ako sa may pantalon ni Jrake. "Huwag ka ngang manilip." Itinaas pa niya ang kaniyang kamay para tabigin lang ang mukha ko palayo sa direksyon ng pantalon ni Kio.
'Grabe. Wala pa naman akong nakikita.'
"Bakit? Wala pa naman akong nakikita. Ikaw ang nagsabi niyan. May iniisip lang ako. Saka heto na nga! Ang endearment ko kay Kio ay King Kong. Ang cute right?" Ngumiti pa ako nang malapad.
Pero napangiwi rin sa naging resulta. Ano namang tinatawa nila?
"Ahahaha catmother!" Natatawang sabi ni Naver habang tinuturo si Kio.
Napalingon naman ako kay Kio na wala na sa ayos ang mukha. Nandidilim na talaga ang mga mata niya.
"Fackka! What kind of endearment it is?! Ahahaha!" Napairap naman ako sa sinabi ni Jrake.
Ano namang mali sa endearment ko? Ang cool kaya!
"Kio the King Kong. Ahahaha bagay! Ahahaha! Astig ka talaga Shion ahahaha!"
" Salamat—aray! Ang sakit 'a!" Binatukan ko ang lalaking ito nang kurutin na naman niya ako sa aking hita.
Namumula na tuloy!
"Bakit sa lahat pa ng endearment 'yun pa ang naisip mo?" Malamig na aniya sa akin.
Binaling na lang niya ang tingin sa laptop. Halata sa kamay niya na nagtitipa ang sobrang galit sa sinabi ko.
May mali ba talaga?
"Sige na nga hindi na lang 'yun. Mukhang panget ka... I mean nga. Mas maganda pa rin ang lampa. Bakit ba kayo nandito? " Takang tanong ko sa kanila para mawala na ang King Kong na 'yun sa aming lahat.
Napaangat din ang mukha nitong si Kio sa lahat. At saka binalingan ang tatlo.
"Yeah what are you doing here?"
"Inulit mo lang naman ang sinabi kong lampa ka."
"Shut up. Ang daldal mo. Hindi ako matapos-tapos sa ginagawa ko. " Pagpapatigil naman niya sa sinabi ko pero ngumisi lang ako.
" Kasalanan mo na 'yan. Wala akong pake."
"Tsk!" Asik niya at tiningnan na lang ang tatlo na nakatingin na rin sa amin.
" Tapos na kayo? " Sabay-sabay na tanong nila na ikinataas ng aking kilay.
"Saan naman ang tapos? May ginagawa ba kami? Wala naman hindi ba? Itapon ko sa inyo 'tong unan na nasa tabi ko. "
" Brutal. " Naver.
" Amazona. "Jrake.
" Sakit. "Hansel.
" Tsk. Open up! " Walang emosyon na sigaw nitong si Kio sa kanila na ikinaupo nilang lahat nang tuwid.
" The president of Rieza Elite Corporation want to talk to you this afternoon, " panimula nitong si Naver.
Palagi naman ata siya ang nagsisimula. Hindi ko nga alam kung palagi rin bang may script ang tatlo kapag kasama itong si Kio.
Saka ano daw Rieza Elite Corporation?
'Yung kilalang-kilala sa buong mundo na mga negosyante. Mga business tycoon. Mapa-matanda at bagong henerasyon na mga apo ay kilala na rin.
Hinahangaan ng lahat hindi lang dahil sa galing sa pagnenegosyo. Mga open-minded din. Tumutulong sa taong nangangailangan. Sila ang kusang lalapit sa iyo at hindi ang ibang kasapi ng negosyo nila.
At hindi rin nila pinapayagan ang ilan na picture-an o video-han sila para lang masabing tumutulong sila para maging kilala sila sa social media.
Pero kinatatakutan din sila.
Lalong-lalo na ang kakambal ng owner ng R.E.C., may kaniya-kaniya silang negosyo. Hindi lang talaga 'yon.
Ang sa pagkakaalam ko ang pangalan ng pinakakilala sa buong mundo na negosyo ng kakambal ng owner ng R.E.C ay Amaro Sports Corporation. Ang company nila ang gumagawa ng iba't ibang klase ng kotse at ipapadala sa bawat bansa na nakipag-transaction sa kanila.
Lahat ng kotse ay matibay. Maganda. Mabilis. Hindi madaling masira ang mga prangkisa. 'Yun nga lang milyones din ang bayad.
Original talaga.
Ang kakambal talaga ng R.E.C. ang nilalayuan ng lahat. Pero hinahangaan naman sa galing nito sa pagnenegosyo. Wala na raw ang asawa kaya mas itinuon nito ang sarili sa pagpapalaki at pagpapalakas pa ng kaniyang negosyo.
At siya ang pumapangalawang pinakamayaman sa buong mundo.
Kahit na wala lang 'yon sa mukha ng may-ari.
Muli ko na lang ibinalik ang aking sarili sa apat na nag-uusap. Kanina pa pala ako wala sa isip.
"At mukhang mapapasabak ka sa inuman dre." Si Hansel na pala ang nagsalita.
Hindi ko man lang nalaman ang sinabi ni Jrake. Pero ayos na rin.
"Ayoko. My wife would wait me."
"No! You can drink. I can take care of myself. I'm amazona. I can kill every people na papasok sa bahay mo. Kahit sila pa! " Tinuro ko ang tatlo na napataas ang mga kamay.
" Katakot talaga siya."  si Jrake na ang nauna.
Mukha ba talaga akong nakakatakot?
" Sinabi mo pa. "
Nakisang-ayon pa itong si Naver.
'Hmmp!'
"Mabuti parehas silang demonyo. Kaya wala sa kanilang sumusuko. "
"Sana naman wala rito 'yung sinasabihan ninyo. Haler! Nandito lang kaya ako! Uho! Kung magbubulungan kayo sana wala ako rito. Itapon ko sa inyo ang laptop ni Lampa 'e. "
"Tsk. I need to go now."
" Maligo ka muna! Ang baho mo na! Charot lang! Pero maligo ka nga muna! Alas tres pa lang naman. Hindi naman magsisimula ang usapan ninyo. Panigurado na alas sais ang simula o alas singko. "
" Yeah. I know. Thanks wife! "
" Welcome lampa. As always! Sana kainin ka ng gripo papuntang impyerno! Goodluck! " Napailing na lang siya sa sinabi ko at naglakad na nga paitaas ng hagdan.
Napalingon naman ako sa tatlo na nagpipigil ng tawa. Kaya sinenyasan ko na sila gamit ang kanang kamay ko na ilabas na nila.
Kaya sinunod na nga nila.
"Ahaha grabe ka naman Shion sa asawa mo! Mabuti hindi siya nalulugaw sa iyo." Nagtatakang tanong ni Jrake pero tumatawa pa rin.
Nagpalabas na lang ako nang mahinang buntong-hininga.
"Pero lugaw na talaga siya. 'Yung spicy lugaw. Para impyerno na ang mararamdaman niya. Haist! Punta na rin ako sa kwarto. Magpipintura lang ako." Paalam ko sa kanila at hindi na hinintay pa ang kanilang sasabihin.
Kahit na ang totoo ay inaantok talaga ako. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa lalaking 'yon. Pero ngayon sigurado na ako.
Mas lalo ko siyang iinisin dahil sa tunay na pagkatao ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (69)

  • avatar
    Reniel M. Montefalco

    thanks

    04/07

      0
  • avatar
    Riea Obispo

    🥰🥰🥰

    22/06

      0
  • avatar
    Leny Vidallon

    thankyouuuu

    15/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด