logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 8:Mad Cold Prince

Pagka gising ko ay hindi ko na naabutan si Glim. Sinunod niya talaga yung sinabi ko kagabi na mauuna na siyang pumasok, naisip ko tuloy kung okay na ba talaga siya dahil bukod sa may problema siya at sa nangyari sa bar ay lasing rin siya. Halos tanghali na rin pala akong nagising. 10 o'clock na ng umaga, papasok ako mamaya kaya agad na akong naligo.
Pagkatapos ay pumasok ako sa kwarto ni Glim, I don't know it's just feel ko lang pumasok. Nakita kong may nakatuping uniform sa kama at may note sa gilid nito.
'To my beloved friend Lexie,Xie or whatever. No buts, wear this.'
From Your Goddess Friend
'Glim'
Napangiti nalang ako at iiling-iling sa kayabangan niya at tiningnan ang nakatuping uniform. Blouse top and tie with pleated skirt.
Around 11:45 lumabas na ako ng condo unit niya wearing the uniform and my stuff in my Fav.Chanel sling bag, napapatingin pa sa akin yung mga taong nadadaanan ko habang naghahanap ng taxing masasakyan, alam ko namang halos lahat ng mga mata nila nakatitig lang naman sa exposed flawless legs ko dahil nga sa liit ng skirt, they can see but they can't touch at isa pa wala rin naman akong pakialam sa kanila.
Dala kasi ni Glim yung kotse niya tapos hindi ko rin pwedeng gamitin yung motor ko, of course dahil nga sa naka skirt ako. Matapos kong sumakay ng taxi ay deretso na rin naman akong pumasok sa loob ng Gate. Galit na galit yung araw kaya naghanap na muna ako ng masisilungan, at saktong may nakita akong malaking Puno at natatakpan ng malabong nitong dahon ang isang bench.
Medyo may kalayuan rin naman kasi ang two buildings ng paaralan mula sa gate kaya kailangan ko yung lakarin, kung may kotse lang kasi akong dala ay malamang hindi ko na kailangang maglakad pa, habang nakaupo ako sa bench iniisip ko kung paano ako makakaabot sa mismong silid-aralan ng hindi pinagpapawisan, galit na galit pa naman yung araw. Hinugot ko yung cp ko at ti-next si glim.
To:*Glim panget*
-where are you?-
I'm sure bubuga iyon ng apoy kapag nakita niya itong 'Glim panget' na nilagay ko.Matapos kong mai-sent iyon sa kanya ay wala pang isang minuto ng mag reply ito. At napafacepalm ako sa reply niya, oo nga pala hindi ko nasabi sa kanya na bumili ako ng bagong sim.
From:*Glim panget*
-Who are you?!If you're some kind of my stalkers please LEAVE!ME!ALONE!-
To:*Glim panget*
-Ako yung taga punas ng sipon mo kapag umiiyak ka, and FYI I'm not one of your stalkers. eww!kilabutan ka nga!-
Alam kong sa text palang makikilala na niya ako, yung old sim ko tinago ko muna tapos bumili ako ng bago, baka kasi ma trace ako ng baliw na matandang iyon! Tapos madamay pa si Glim, and speaking of that psycho old man hindi ko muna sinabi kay Glim ang tungkol do'n, ayokong madamay siya sa gulong sisimulan ko palang oh, scratch that dahil nagsisimula na pala at humanda sa akin ang matandang iyon! Nag vibrate ang cp ko sinyales na may notification.
From:*Glim panget*
-eww! Kailan kapa pumunas ng sipon ko?! And yeah kinikilabutan ako don't worry! So now get your ass outa there and be here!ASAP!-
Inayos ko na yung sarili ko at tumayo na, kaysa sa ma-late lalakarin ko nalang na may kasamang pagtakbo para makarating doon, pero hindi paman ako nakakahakbang ng makarinig ako ng tilian na nagmumula sa mga estudyanteng nasa labas ng buildings at yung ibang nasa cafeteria nagsilabasan rin, okay what was happening here? Ng sundan ko ang direksyon kung saan sila nakatingin lumingon pa ako sa likuran, may isang color gray na sports car , hanggang sa tuluyan na itong huminto mismo sa may-tapat ko, kumunot pa yung noo ko hanggang sa unti-unti ding bumababa ang tinted window nito revealing the person who made my eyes to form into circle'O_O', at bago ko pa mabuka yung bibig ko ng magsalita siya.
"Hop in"
Bakit ba napaka-maowtoridad ang boses niya? Yung bawat salita na binibitawan niya parang napaka dominant at bossy, ugali ko dapat iyon ah!
"No tha-----"
Naputol yung sasabihin ko sanang 'No thanks' ng bumaba ito at hinarap ako. Nakasuot din siya ng uniform.
Ang gwapo niya talaga.
I just rolled my eyes on him.
Magsasalita pa sana ako ng mabilis niyang hinawakan ang pulso ko at walang kahirap-hirap na naisakay sa kotse niya, gusto kong magreklamo at magsungit sa kanya para lang pababain niya ako.
Pero pesteng puso to parang nagugustuhan pa atang mangyari ito ngayon!
Nang maramdaman kong huminto na ang kotse, sinusubukan kong buksan 'tong pinto ng kotse niya para lang makababa na, pero hindi ko ito mabuksan okay, I'm now stuck here. Kanina ko pa hindi tinatapunan ng tingin itong lalaking kasama ko ngayon dito sa loob ng kotse niya dahil gaya nga ng sinabi ko, hindi ko kayang salubungin yung mga tingin niya.
I might be dead if I tried to look at him longer, chos lang.
Nasa gano'n ka lalim akong pag-iisip ng isang pares ng pagdampi ng labi ang dumapo sa pisngi ko, at sa totoo lang para akong jelly na nanghihina.
Mabilis ko siyang tiningnan at sinubukang magmukhang masungit o galit but who am I kidding? My cheeks says otherwise, tinaasan ko pa talaga siya ng isang kilay para mas convincing
Sige self push mo iyan!
"Can't help it you're so adorable"
Gusto kong sumagot pero sa halip ay umiwas na lamang ako ng tingin dahil yung pisngi ko mas pumula pa ata. Hindi ko talaga inaakalang kakausapin niya ako ngayon, I mean he seems not interested in me since our first encounter, nasundan pa yung noong sa café at sa bahay then the rest hindi ko na mabilang kung ilang ulit na nga ba kaming nagkita, tapos kung tumingin pa siya wala kang makikitang anumang emosyon, napakagaling na aktor, ang galing magtago ng totoong nararamdaman.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at mabilis itong bumaba tapos pinagbuksan ako ng pinto, okay siya na gentleman, deretso akong bumaba tapos inayos pa kunyari ang uniform ko kahit maayos naman, ng tingnan ko siya nakatingin rin pala siya sa'kin or more on nakatitig siya sa akin.
"I know I'm pretty but geez don't stare at me like that in front of your zombie fans, who's looking at me like in any minute they wanted to attack me and eat my amazing brain"
Confident at seryoso kong sabi sa kanya, yung sinabi kong zombie? Tinutukoy ko yung mga estudyanteng Panay ang tilian kanina na ngayon ay tahimik lahat na nakatingin saming dalawa or more like sa akin, sa tinginan palang nila aakalain mo yung mukha ng mga fans ng isang legendary artist na handang mag protesta dahil sa hindi kaaya-ayang nakikita nila sa kasama ng iniidolo nila.
Kahit gusto ko mang titigan pa siya ng matagal dahil sa ngiti niyang hindi pa rin mabura-bura, tinalikuran ko na siya at naglakad sa dereksyon kung saan walang nakaharang na zombies papasok sa loob ng building.
Hindi pa ako gaanong nakakalayo ng maramdaman kong may sumabay sa paglalakad sa akin, kahit hindi na ako tumingin kilalang-kilala ko na ang taong sumabay sa akin. His scent that can make me wanna turn to him and hugged him, buried my face onto his chest and tell him--wait what?! Ano ba naman itong iniisip ko!
Sumagi sa isip ko ang imahe ng kaibigan ko, oh!no! Hindi niya pwedeng makita na magkasama kami, malamang pag nangyari iyon babahain niya ako ng mga tanong na hindi ko rin naman alam ang isasagot.
I need to find a way para hayaan ako ng lalaking ito na maglakad mag-isa papasok sa loob ng building.
"Hanggang kailan mo ako balak samahang maglakad?"
Tanong ko sa kanya na ikinaharap niya sa akin, at parang kung may ano sa tanong ko na gumuhit na naman sa mga labi niya ang totoong ngiti.
"If it would be possible, I would gladly walk with you forever"
Sabi niya ng hindi pa rin nabubura sa mga labi niya ang mga ngiti, kahit ako nahahawa na rin oh!gosh!no!
"Whatever Just stop this nonsense! saka naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo kaya pwede ba umalis kana?!"
God knows I tried my best just to sound like I'm really annoyed, but we all know that's not true and I'm acting bitchy here just to make sounds more convincing.
And honestly sa ilang pagkakataon na nagkikita kami coincidence man o hindi kilala ko siya bilang isang misteryosong tao, talk less, cold stare at higit sa lahat he seems not interested in everything, it's just like he's living into his own world but right now?
Bakas na bakas sa mga mata niya na nasasaktan siya at disappointed, and it feels like he's letting me to see those things through his eyes.
Gusto ko sanang bawiin ang sinabi ko pero mabilis niya akong tinalikuran at naglakad papalayo.
Natagpuan ko nalang ang sarili ko dito sa loob ng cr, dito ako dinala ng mga paa ko, I stared myself in the mirror, what now? Iiwasan na ba niya ako? Is he going to hate me now? Curse me for what I've said?
I sigh, bakit ba masyado akong apektado? It's not like we're friends or something pero bakit ganito ang nararamdaman ko, gosh! I'm really confused right now.
After 12345 years lumabas na rin ako ng cr, saktong paglabas ko bumungad sa akin ang mukha ng lalaking ininsulto ko kanina at tinalikuran ako, para akong na-istatwa at nanatili lang sa kinatatayuan ko, this time kinaya kong makipagtitigan sa kanya, pero 'di kalaunan ako rin ang unang umiwas, nilakasan ko yung loob ko at unang nagsalita.
"I----"
He cut me off by grabbing my hand papasok sa loob ng cr, did he even know that this is ladies comfort room? I heard The sound of click, means he's locking the door using his free hand dahil yung isa niyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa pulso ko.
And you know what? Kung may speaker lang na nakapaloob sa katawan ko malamang rinig na rinig na niya ang lakas ng kabog ng dibdib ko, I tried to look calm but my heart beat doesn't even help. Totoong kinakabahan na talaga ako, sinubukan kong bawiin yung kamay ko but I guess it was a wrong move dahil halos mapasigaw ako ng mahigpit niya itong hinawakan, I bit my lower lip to stop the tears from falling.
He pinned me through the wall, napapikit pa ako sa lakas ng impact ng pagkakadampi ng likod ko sa malamig na pader, he's totally mad, alam ba niyang nasasaktan ako sa ginagawa niya? No I guess he didn't dahil marahas na sinakop ng mga labi niya ang labi ko.
Funny right?
Dahil pwede ko namang pigilan siya sa ginagawa niya. Pero mas nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon, ng kagatin niya yung ibabang labi ko.
Mabilis kong nalasahan ang dugo na nagmumula sa sugat ng labi ko dahil sa pagkagat niya, ng hindi ko na kinaya hinayaan ko ng umagos ang mga luha ko, nasasaktan ako, dahil doon mabilis niyang binitawan ang kamay ko at tumigil sa ginagawa niya, gusto ko mang pigilan ang sarili ko ay huli na dahil nadala na ako ng emosyon ko, yung ulo ko nakayukong nakasandal sa dibdib niya habang humihikbi sa pag-iyak, damn! Ni hindi ko nga alam kong bakit ganito kasakit ang nararamdaman ko.
Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at nag-angat ng tingin dahilan para magsalubong ang mga mata namin.
"Sha---"
I slapped him. Not once but again and again, gusto kong maramdaman niya ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Don't you dare call me Shasha!"
"Look---"
"What?! Are you happy now huh?!"
Akmang hahawakan niya ako ng mabilis kong inilayo yung sarili ko sa kanya.
"Don't touch me!"
And right then mabilis akong tumakbo patungong pinto saka ito binuksan at mabilis tumakbo papalayo doon, I hate him! And also I hate myself for letting him do this to me! Such stupid Lexie! Hinayaan mo lang na saktan ka niya! Yeah right I'm so stupid.
"Never really messed to a Mad Cold Prince."
I mumbled, bago inayos ang sarili ko.
Votes and comments will highly appreciated.😘
-💗J

หนังสือแสดงความคิดเห็น (65)

  • avatar
    レジル ブ バンドジョ

    ♥️♥️♥️

    2d

      0
  • avatar
    CruzAtasha

    😽😽😽😽😽

    28/07

      0
  • avatar
    Allan Canaria

    I'm so happy

    19/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด