logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3: Borders

"Auntie, anong ibig sabihin nito?" Hinarap ko si Auntie nang makabawi ako sa shock. Pambihira, nakakaloka! Bakit nandito 'tong dalawa 'to?
"Dito na sila titira." Nakangiting sagot ni Auntie at hinawakan sa braso ang dalawa. Halatang nainis si Raven sa ginawa niya pero hindi naman nito winaksi si Auntie. Si Cyviel naman ay nakangiti parin at kumakaway pa sa'kin.
"Pero... bakit? Auntie, hindi ko pinapaupahan itong bahay alam mo 'yon diba?!" sabi ko at napahawak sa noo.
Jusko, para akong hihimatayin dahil sa kunsime.
"E ano naman? Hindi ka ba natutuwa na dinalhan kita rito ng mga boarders? Pera ito Xyra, wala ka talagang utak," sagot niya at umiling na tila disappointed sa sinabi ko.
"Naririnig mo ba ang sarili mo Auntie? Bahay ito ng kapatid mo, ba't mo patitirahin ang mga estrangherong 'yan?" Paliwanag ko na halos napipikal na.
Okay, may mission ako. Kailangan ko silang patinuin lalo na si Raven pero wala sa usapan na titira sila kasama ko! Hello?
"Patay na siya Xyra. Malaki ang bahay at tayong dalawa lang naman rito. Minsan-minsan lang din ako umuuwi, oh. Aba e, pagkakitaan na natin ang ibang kwarto," sabi niya.
Napapikit ako at napabuntong hininga. Paano ko ba 'to kakausapin ng mahinahon ngayong nakakainis na talaga siya?
"Auntie naman e! Babae ho tayo! Mga lalake 'yang mga 'yan. Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao? Ng mga kapit-bahay?"
Tumataas na ang boses ko. Sa unang pagkakataon ay nasasagot-sagot ko si Auntie. Biglaan naman kasi saka ayoko lang talagang may mga ibang tao sa bahay namin.
"E ano naman? Hindi ka naman siguro papatulan ng mga batang 'to! E ang panget mong bata ka! 'Wag ka nga'ng mag-ilusyon diyan!" Umismid siya.
"Pero Auntie, hindi 'yon 'yong point ko-"
"Isa pa, bahay din 'to ng kapatid ko! May karapatan din ako rito 'no? Oo nga at sa'yo nakapangalan 'to pero kapatid ko parin si Froy! Respetuhin mo naman ang desisyon ko! Nawawalan ka ng galang sa'kin ah? Tinataasan mo na ako ng boses Xyra! Alalahinin mong ako ang kumupkop sa'yo nong namatay ang papa mo! Alalahinin mo ring dahil sa'kin kaya hindi ka kinuha ng mga health worker para dalhin sa ampunan!" Pagalit niyang sinabi.
Nanlumo ako. Wala na. Talo na naman. Hindi na ako umimik at napabuntong hininga nalang. Naamoy ko ang niluluto kong ulam kaya naisip kong baka naubusan na 'yon ng sabaw.
Tahimik na tumalikod ako at hindi na nakipagtalo pa. Kahit ano namang sabihin ko hindi siya makikinig. Ayoko na ring makarinig pa ng mga masasakit na salita galing sa kanya.
"Hoy, sa'n ka pupunta? Bastos kang bata ka!" Narinig kong sigaw niya habang naglalakad ako palayo.
"May niluluto ho ako." Magalang kong sagot at nagtuloy-tuloy sa kusina. Narinig ko pa siyang nagsalita pero hindi ko na naintindihan kasi lumalabo na rin ang paningin ko.
No'ng makapasok ako sa kusina ay doon ko binuhos ang luha. Pinatay ko ang kalan at naghain ng sabaw sa isang bowl. Kumuha na rin ako ng kanin saka umupo sa harap ng lamesa. Pilit kong pinapalis ang luha ko dahil pinapalabo nito ang aking paningin pero kalaunan ay sumuko na ako. Hinayaan ko nalang itong mahulog sa pisnge ko pababa.
Habang sumusubo ay panay ang hikbi ko. Hindi ko na malasahan ang kinakain bagkus, pakiramdam ko mabibilaokan ako. May bumabara kasi sa lalamunan ko.
Nakakainis e. Wala talaga akong kwentang tao, bahay man o school. Wala akong boses. Wala akong lakas ng loob na i-defend 'yong sarili ko.
Excuse ko lang ata 'yong sinabi ko na nagtitiis ako dahil sa mga pangarap ko. Ang totoo, mahina lang talaga akong tao. Hindi ako marunong lumaban para sa sarili ko. Masyado akong sanay na nagpapaapak lang. 'Yon 'yon.
Mabilis kong pinalis ang luha at sipon nang makarinig ng mga yapak papuntang kusina. Umakto akong normal at nagpatuloy sa pagkain.
"Eto naman ang kusina!" Boses ni Auntie.
Hindi ko sila tinignan at nagmistulang bingi na hindi nakakarinig. Nagpatuloy lang ako sa pagkain at hindi sila pinansin.
"Libre ba ang pagkain?" Narinig kong tanong ni Cyviel.
Ha! Spell ASA! Manigas kayo! Bumili kayo ng inyo kung gusto niyong kumain, mga baliw! Hmp!
"Hindi ko alam. Tanungin niyo nalang ang babaeng 'yan," sagot ni Auntie.
Tama 'yan. I-consider mo naman ako bilang pamangkin mo, hindi 'yung puro ikaw nalang ang nasusunod.
"Tyra! Libre ba ang pagkain?" tanong ni Cyviel at lumapit sa'kin.
Tyra? Xyra kaya! Pati pangalan ko nagkamali ata ng banggit si Auntie kaya kung anu-ano tinatawag sa'kin ng Cyviel na 'to.
"Hindi." Simpleng sagot ko at umismid.
Sinubukan kong hindi maging tunog bitter pero hindi ko talaga mapigilan. Bukod sa minurder niya ang pangalan ko, wala rin ako sa mood para maging friendly.
"Magkakilala pala kayo?" tanong ni Auntie.
Anong magkakilala? Iba nga pinangalan sa'kin ng baliw na 'yan e kaya hindi kami magkakilala niyan. Never pa rin kaming nagkausap.
"Opo, classmate po namin siya. Sa Torrington din po kasi kami nag-aaral," sagot ni Cyviel at tinapik ako sa balikat.
Huh? Kilala pala ako nito?
"Medyo famous kasi 'tong pamangkin niyo," puno pa niya na may halong panunuya.
Gusto ko sana siyang samaan ng tingin pero yumuko nalang ako at hindi siya pinansin.
"Ah gano'n ba? Good! Magkakilala na pala kayo. Halika na at ito-tour ko pa kayo sa-"
"Pwede bang ipakita mo na 'yung kwartong tutulugan ko?" singit ni Raven at base sa boses niya ay mukhang hindi na siya natutuwa. "Gusto ko ng magpahinga."
"Ah? O sige, tara!" sabi ni Auntie at naunang maglakad. Sumunod naman ang dalawa.
Huminga ako ng malalim nang mawala sila. Salamat naman-
"Okay lang ba talaga sa'yo na nandito kami?"
"Ay bwisit! Kalabaw na may pakpak!" sigaw ko sa gulat at napahawak sa dibdib.
"Nakakatuwa ka naman mabigla." Tumatawang sabi niya at inabutan ako ng tubig.
Kinuha ko naman 'yon at ininom kasi akin naman talaga 'yon.
Nakakapagtaka. Nakita ko siyang sumunod kina Auntie kanina pero bakit biglang nandito siya sa likod ko? Bukod sa abnormal, maligno yata ang isang 'to. Hinding-hindi ko siya pagkakatiwalaan.
"Bakit ba kayo napadpad dito? Saka, hindi ba kayo mayayaman?" Diretsahang tanong ko at binaba ang baso ng tubig.
Gusto kong isipin na parte 'to ng plano ni Principal. Baka naisip niya na mas mapapadali ang paglalapit ko sa dalawa kung nakatira kami sa iisang bahay. Siguro 'yon 'yon.
Pero sabi niya kasi mayaman daw ang mga magulang ng dalawang 'to so bakit nandito sila? Payag ba ang mga magulang nila na sa lumang bahay na 'to sila manirahan? Marami kaya silang pera!
"E kasi e.." Nagdadalawang isip niyang sabi at nagkamot.
"Ano?" Tinitigan ko siya.
Medyo mahaba ang itim na buhok ni Cyviel. Matangos ang ilong, medyo singkit ang mata, itim na itim ang kilay at may pulang manipis na labi. Bukod pa ro'n maputi rin siya at nasa katamtaman ang taas. May isang hikaw na silver siya na kumikinang sa kaliwang tenga saka may kwintas din na may pendant na dolphin.
Hindi naman gaanong nagkakaiba ang physical na anyo nila ni Raven. Mas matangkad konte 'tong si Cyviel pero magkasing puti lang sila. Bagong gupit si Raven pero mahaba ang buhok niya sa gitna. Hindi singkit ang mata niya at medyo malaki ito na palaging matalim ang tingin. Nipis ang mapulang labi niya sa taas pero medyo makapal ang sa baba kaya para siyang nakanguso palagi. Matangos rin ang ilong niya at makapal ang kilay. Bukod pa ro'n, pansin kong may maliit siyang nunal sa ibaba ng kaliwang mata niya. Napansin ko 'yon lahat kanina no'ng nilapitan nila ako sa klase.
Hindi naman sa gusto ko sila pero hobby ko na talaga maging sekretong chismosa.
"Mayaman naman kami, kaya nga lang e namatay pareho 'yung mga parents namin. Ngayon, naghihirap na kaming dalawa." Malungkot niyang sagot at humila ng mauupuan sa tabi ko.
"Totoo ba 'yan?" tanong ko at nagtaas ng kilay.
Kawawa. Kaya naman pala dito sila nangungupahan kasi naghihirap na. Iba pa naman ang pakiramdam pag nasa taas ka tapos bigla kang babagsak.
Pero teka.. diba sabi ni Pricipal----
Bigla siyang humagalpak ng tawa. "Syempre hindi! Haha! Bakit ko naman iku-kwento sa'yo ang life story namin ni Ven?"
Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya at unti-unting nanliit ang mata ko. Napakawalang kwenta kausap!
"Nga pala, auntie mo ba talaga 'yung kanina?" tanong niya at kinagat ang labi na parang pinipigilan ang pagtawa.
"Oo." Umismid ako.
Sana nga hindi nalang.
"Akala ko scammer siya. Hindi niya kasi halos mabuksan ang pinto e. Alam mo? Na-excite talaga ako sa idea na 'yon. Tipong pagdating namin dito may mga bandido pala at mga tulisan na sasalakay sa'min. Mapapalaban kami ni Ven, then, tugsh!" Ma-action niyang sabi with matching talsik laway pa.
"Naka-drugs ka ba?" tanong ko.
"Hindi." Mabilis siyang umiling. "Tulayan na akong tatanggalan ng mana ni Papa pag nalaman niya na gumagamit ako ng drugs. Bakit mo ba naitanong?"
"Wala lang. Lakas kasi ng imagination mo," sabi ko at tumayo. Nilinis ko ang pinagkainan at lumapit sa lababo. Hinugasan ko ang plato, bowl at kutsara saka naghugas na rin ng kamay.
"Nasaan ang Papa mo? O mama?" tanong niya habang pinapanood akong binabalik sa lagayan ng plato ang mga ginamit ko.
"Seaman ang papa ko. Nanghuhuli siya ng mga sirena. Mama ko naman ay isang tutor na nagtuturo sa mga monggoloid na kagaya mo."
"Weh? Totoo?" Pinanlakihan niya ako ng mata.
"Syempre hindi! Bakit ko naman iku-kwento sa'yo ang personal life ko? Close ba tayo?" sabi ko at nilampasan siya.
Ha! Anong feeling na binalik ko sa'yo ang sinabi mo sa'kin?
"Aba! Ang galing mo do'n ah! Nadale mo ako! Akala ko totoong nanghuhuli ang papa mo ng sirena! Exciting kaya 'yon!" aniya.
Napailing ako at hindi nalang siya pinansin. Napaka abnormal niyang mag-isip at para siyang bata.
"Saan ka pupunta, Sharia?" tanong niya nang makitang tuloy-tuloy ang lakad ko papuntang labas.
Sharia?!
"Manghuhuli ng sirena."
"Weh?"
"Syempre biro lang! Bakit ko naman sasabihin sa'yo? Again, close ba tayo?" Sarcastic kong sabi.
"Funny mo ah? I like you!"aniya at ginulo ang buhok ko. Kaagad kong inalis kamay niya at inirapan siya.
"Pwede ba? Aish! 'Wag mo nga akong hawakan!" sabi ko at tinalikuran siya. Lumabas ako ng gate at sinara 'yon ng malakas. Natanggal ang isang bakal sa ibaba.
Nagkatinginan kaming dalawa.
"Ako na aayos diyan, bye!" Kumaway siya.
"Heh! Babye mo mukha mo!" Inis kong bulong at padabog na naglakad palayo. Tumingin pa ako sa taas at nakitang nakatingin sa'kin si Raven mula sa bintana at nakapamulsa. Kaagad din naman siyang tumalikod at umalis do'n.
Hmp!
Habang naglalakad ay naalala ko ang mga nababaliw kong schoolmates. Bigla kong naisip ang mga posibleng mangyare pag nalaman nila na kasa-kasama ko sa iisang bubong ang mga pinagpapantasyan nila kaya hinilot ko ang sintido.
"Mapapatay ako ng mga 'yon pag naglaman nila 'to. Baka nga kaladkarin nila ako sa impyerno e." Hinilamos ko ang kamay sa mukha.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (18)

  • avatar
    Sheyn Auron

    Very interesting story

    27/02/2023

      0
  • avatar
    Medelyn Enciso

    i give you 5 star. kase super ganda ng story. sana tapusin mo po ung kwento. kac ang ganda talaga.

    24/10/2022

      0
  • avatar
    Mark John Villanueva

    thank you salamat salahat sanamakakuha ako Ng dayas dito para sa ml para mabili ko na yong skin ni zilong Maha nahal kita

    27/09/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด