logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Love Foolosophy

Love Foolosophy

Pilyang Cebuana


Chapter 1: Newbies

"Hi! Senior ka namin hindi ba?" Someone ask while I was walking papasok ng gate.
Unang araw namin ngayon. Syempre, nagmamadali akong maglakad kasi ayokong ma-late sa opening ceremony. Nakakapagtaka nga na wala ng gaanong estudyante. Malapit na kaya mag-alas otso? Nasaan na kaya ang mga 'yon? Nasa gymnasium na ata. Naku, late na ata ako.
"Ako ba?" I asked at tinuro ang sarili.
Nagkatinginan ang tatlong lalake at saka ngumiti sa'kin.
Eh? Ang creepy ah.
"Yep! Ikaw nga!" sagot no'ng isa na may hawak na box.
Kinabahan ako. Teka, baka ano na naman 'to. Alam ko 'to e. Prank na naman 'to. Pasaway talaga 'tong mga schoolmates ko.
"Ah e... ano namang kailangan niyo sa'kin?" tanong ko ulit at nagkamot ng ulo.
Iba talaga ang kutob ko ro'n sa dala nong isa. Feeling ko talaga prank 'to. Feeling ko lang naman e! Feelingera kasi ako, char.
At hindi malakas ang kutob ko ah. Nagkataon lang talaga na kada year ito ang nararanasan ko, ang magawan ng prank sa first day of school. Iba-iba pa nga e. Sobrang ma-effort 'tong mga schoolmates ko na batiin ako--- este, bwisitin pala sa unang araw ng klase. Naiinggit siguro sila sa'kin. Kahit mahirap at halos gumagapang na, nakakapasa pa rin ako at ngayon ay ga-graduate na. Pero sila? Hay nako.
"Ate, ikaw kasi ang pinaka-unang pumasok ngayon sa gate e and ano... we planned kahapon na ang unang senior na papasok ngayong araw dito sa gate ay bibigyan namin ng gift! Ito po oh!" Tinuro no'ng isa ang box na dala no'ng kaibigan niya at ngumiti sa'kin ng matamis.
Nangliit ang mata ko at tinitigan ang box. May extra uniform naman ako rito kung sakaling prank na naman 'to. Kaso, alas otso na e. Wala ng time para mag-shower.
"Ah? Gano'n ba? O sige, sa susunod na tao niyo nalang ibigay 'yan!" sabi ko at nagmamadaling nilampasan sila.
"Ate, teka!"
"Saglit lang ate!"
"Tadah!"
Biglang humarang sa'kin 'yung kasamahan nila na may dalang box at binuksan iyon. Mabilis na tinakpan ko ang mukha para sa pagsabog at saka yumuko. Pinikit ko ng mariin ang mga mata ngunit napadilat din naman nang mapagtantong wala namang sumabog.
Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay sa mukha at tinignan ang box.
"Hindi pumutok?" Confused kong tanong at tinignan ng maigi ang cake. Oo, cake. Chocolate cake at mukhang masarap.
"Ano ka ba Ate? Tingin mo ba masasamang loob kami? True kami. Mabait kami," sagot ng isa sa kanila.
"I don't believe you," sabi ko sa tono na hindi talaga naniniwala.
Natawa sila.
"Oo nga Ate. Mabait kami. Mga junior lang kami na walang alam. Since bago kami rito, may pa-treat kami. Sakto naman at ikaw ang nauna. Grabe, narinig kasi namin sikat ka rito," paliwanag no'ng isa with hand gesture pa.
Tumango-tango ako habang nakikinig sa kanya. Mukha namang totoo ang mga sinasabi niya.
"Ah, gano'n ba? O sige kukunin ko na nga 'yan para matapos na 'to. Akin na," sabi ko.
Inabot naman nila sa'kin ang box ng cake. Tinitigan ko ito at saka ko lang napansin na may nakasulat pala. May pa- happy first day of school pa, ay ang sweet.
Ang bait naman pala ng mga junior na 'to. Akala ko pa naman kung ano na. Tunay nga na marumi ang utak ng tao.
"Sindihan na na'tin 'yung candle, ate," sabi no'ng isa na may hawak kaagad na lighter. Hindi pa man ako nakakasagot ay dali-dali niyang sinindihan 'yung kandila na nasa gitna ng cake. Ipinagkibit balikat ko nalang.
"Wow, so parang birthday ko ito gano'n?" tanong ko sa kanilang tatlo at nagsitanguan naman sila bilang sagot.
Ay bongga! Senyales ba ito na maganda ang pasok ng school year na 'to sa'kin?
"Pikit ka Ate! Wish ka!" sabi naman no'ng isa. Napangiti ako. Ang sweet talaga nilang tatlo.
Sana may kapatid din akong kagaya nila kaso, nag-iisa lang akong anak e. Ulila na rin. Si Auntie Tamara nalang ang meron ako.
Nakaka-touch talaga. First time kasi talaga ito na may gumanito sa'kin e. Wala pang nag-surprise sa'kin buong buhay ko.
"Sige." Mahinang sabi ko at pumikit ng mariin. Ngumiti ako. "Sana, maayos ang school year na 'to sa'ki--"
"Boom!"
Napadilat kaagad ako nang biglang may tumalsik sa mukha ko at nakarinig ako ng pagputok sa mismong harap ko!
Ouch! Teka? Ano 'yon? Bakit pumutok? Anong nangyare? Sumabog!
"Wahahaha!"
"Bwahahaha!"
"Nyahahaha!"
Tawa nang tawa yung tatlong junior student na nasa malayo na pala. Napatingin naman ako sa sarili ko at punong-puno ako ng cake. Maraming maraming cake.
Nagulat nalang ako kasi ang dami ng tao sa paligid. Narito na rin 'yung ibang mga schoolmates ko at nagtatawanan sila na parang wala ng bukas. Saka ko lang napagtanto na prank lang pala ang lahat ng 'to.
Aish! Nakakainis naman. Hindi na talaga nagbago 'tong mga schoolmates ko. Ako nalang talaga palagi pinagti-tripan. Hays.
"Sana, maayosh ang school year na 'to sa'kin!" kantyaw ng lalake kong schoolmate na ginagaya ako. Mas lalong lumakas ang tawanan at hagikhikan ng iba.
Napasimangot nalang ako.
"Ano? Bongga ba ang first day of school surprise namin sa'yo? Espesyal 'yon! Last year mo nalang kasi rito!" sabi ni Malou.
Siya ang leader ng pinakasikat na bully sa campus and sadly, ako ang paborito niyang i-bully palagi...
Ah! Scratch that! Lahat pala ng narito ako ang favorite i-bully!
Ako raw kasi diumano ang reyna ng katangahan, dyosa ng kabobohan at nag-iisang uto-uto princess nila. Kung ano-ano nalang ang pinapangalan nila sa'kin dito pero ano namang magagawa ko? Anak mayayaman ang mga 'yan samantalang ako, isang hamak na scholar lang dito. Kung hindi ako magtitiis, malaki ang tsansang ma-kick out ako kaya bahala na. Kaya ko namang magtiis e para sa pangarap ko. Sanay na rin ako sa kanila at last year ko nalang ito rito. Pagkatapos nito, okay na.
Ang engot ko rin kasi e. Umaasa talaga ako kada taon na magiging maayos dito e palagi namang hindi.
"Omg! Natulala siya dahil sa surprise natin Malou! Hihi!" sabi ni Malou II habang nakangisi sa'kin.
Oo, Malou II talaga ang pangalan niya. Masyado kasing loyal kay Malou kaya ayan, pumayag siyang palitan ang name niya. Actually, lahat ng taga-sunod ni Malou may number. Ito lang talaga ang pinaka-engot at talagang pinapalitan talaga ang pangalan for real. Wala e, idol niya raw kasi. As in super idol.
Binitawan ko ang pira-pirasong box at hindi na umimik saka kinuha ang panyo ko sa bulsa.
Mabuti nalang talaga at may dala akong extra uniform palagi rito sa bag ko. Kung wala, papasok sana akong marungis ngayun. Buti nalang at gumagana rin naman itong utak ko kahit konte. Sanayan nalang din kasi. Na-register na yata sa utak ko kasi paulit-ulit nalang nangyayare. Wala ng bago.
Wala ng bago pero nauuto parin ako. Tama nga siguro sila, engot talaga ako.
Hindi ko pa man napupunasan ng maayos ang mga icings na dumikit sa mukha ko, biglang nagsalita si Malou kaya kaagad akong natigilan.
"And who told you na bitawan mo 'yung gift ko sa'yo ha?!" singhal niya at lumapit sa'kin. Marahas na hinila niya ang buhok ko at hinarap ako sa kanya.
Kumalabog ang puso ko sa takot.
"H-ha? Ah, e ano." Utal kong sabi dahil sa pagkabigla. Ang sama kasi ng tingin niya sa'kin.
"Binitawan mo 'yung gift ko at alam mong hindi ako papayag sa gano'n!" singhal niya at sapilitan akong pina-upo sa lupa. "Upo!"
Kaagad naman akong umupo. Napaharap ako sa mga natapong cake na naroon sa may paanan ko.
"Kainin mo 'yan!" Utos niya. "Bilisin mo ha!"
"Ha?" Muntanga kong tugon at nilingon siya.
Pinanlisikan niya ako ng mata."Kainin mo 'yan sabi ko!"
"Pero-"
"No buts!"
"'Pero' yung sinabi ko hindi buts."
"Whatever! Go on at kainin mo na lahat 'yan! 'Wag na 'wag kang magtitira kung ayaw mong bugahan kita ng apoy! Mahal 'yan!" singhal niya at pinaharap ulit ako sa lupa.
Napatingin ako sa cake na nandoon at napalagok ng laway. Kaya ko ba?
Pero kadire e! Hindi ko yata talaga kaya!
"Kainin mo na-"
Natigilan siya nang biglang pumasok sa gate ng campus ang dalawang motor na animo'y nag-uunahan. Nagulat at nataranta ang lahat kasi ang bilis ng pagpapatakbo nila na para bang nagre-race! Nahawi at natahimik ang mga schoolmates kong kanina ay nagtatawanan.
Mas lalong nagulat din naman ako kasi dumaan sa mismong harap ko 'yung isang motor!
Aba't! Muntikan na ako ro'n ah!
"Sino ang mga 'yon?!" Pasigaw na tanong ni Malou. Syempre nagulat din siya kagaya ko kasi nga nakahawak nga siya sa buhok ko diba? Dumaan nga kasi sa harap ko 'yung isang motor diba kaya malamang muntik rin siyang mahagip! Pareho lang kami!
Walang sumagot.
Nanatili ang mga mata namin sa dalawang motor na parang 'ewan' na nag-uunahan. Ang bilis-bilis ng takbo nilang dalawa. Dagdagan mo pang ang ingay no'ng mga motor na gamit nila. Nakakasindak!
Ano kayang problema ng mga 'yan?
Maya-maya pa ay huminto rin naman 'yung dalawang motor at parehong nag-park sa 'di kalayuan. Nagtanggal ng helmet 'yung mga riders.
Napangiwi ako. Mga dugyot sila. Basa kasi ang mga buhok nila at pinagpapawisan. Tingin ko parang hindi sila naligo ng isang buwan. Mapuputi nga lang. Ewan ko lang ha, pero ang pangit nila sa paningin ko.
Napatingin ako sa paligid.
Natahimik ang lahat pero 'yung iba, lalo na babae, halos maiyak nang makita ang mga mukha nila.
Narinig kong sabi no'ng isa na sobrang gwapo raw kasi ng dalawa!
What?!
"Grabe! 'Di mo sinabi sa'kin Ven! Ang laki pala talaga ng school na 'to!" sabi no'ng isa na medyo may kahinaan ang boses saka pinatong sa motor niya ang helmet. Luminga-linga sa paligid ang singkit niyang mga mata na tila ba manghang-mangha siya.
"Gago. Malay ko na ganito dito? First time ko lang din dito 'no!" Nababanas na sagot no'ng isa na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa. Nakasimangot siya at salubong ang mga makakapal niyang kilay. Mukhang hindi siya natutuwa at pabagsak na nilapag ang helmet sa motor na ginamit niya.
Teka? Mukhang siya 'yung muntik ng makasagasa sa'kin ah! Yung motor niya kasi e natatandaan ko!
"Anyway, panalo ako Ven. Sa akin na 'yang motor mo." Nakalahad ang isang kamay na sabi no'ng mahina ang boses. Nakangisi siya na tila ba nang-aasar ro'n sa lalakeng mukhang si Vegita.
So, nagre-race nga sila? Grabe rin naman 'tong dalawang 'to oh! Mukha bang race school 'tong pinasukan nila? Hello?
"Tsk! Kung wala lang talagang mga sagabal diyan sa gate e!" sagot nong masungit at inabot sa lalake ang susi ng motor niya. "Tutubusin ko 'to kaya 'wag mong gasgasan!"
Ha! Natalo siya! Buti nga sa kanya! Muntik niya kaya ako i-hit and run! Bwesit siya!
Napatigil ako sa kakaisip nang biglang napatingin 'yung dalawa sa direction namin.
Nagpanic 'yung mga schoolmates ko at pati na rin si Malou na nakahawak pa rin pala sa buhok ko. Binitiwan niya ito at aligagang kinagat lahat ng dalire niya.
"Hoy, kayo dyan! Ano ba kasing ginagawa ninyo?" Maangas na tanong no'ng masungit and in an instance, biglang nagsi-alisan 'yung mga schoolmates ko at naiwan ako.
Natuon ang mata nilang dalawa sa'kin. Sa hindi mawaring kadahilanan, kumalabog ang puso ko lalo na nang makitang akmang lalakad sila palapit sa'kin.
At syempre kagaya ng mga schoolmates ko, kumaripas ako ng takbo palayo doon.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (18)

  • avatar
    Sheyn Auron

    Very interesting story

    27/02/2023

      0
  • avatar
    Medelyn Enciso

    i give you 5 star. kase super ganda ng story. sana tapusin mo po ung kwento. kac ang ganda talaga.

    24/10/2022

      0
  • avatar
    Mark John Villanueva

    thank you salamat salahat sanamakakuha ako Ng dayas dito para sa ml para mabili ko na yong skin ni zilong Maha nahal kita

    27/09/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด