logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7

AUBREY'S POV
Parating na daw siya pero halos mag iisang oras na wala pa rin siya. Kagaling mo talaga kahit kailan, Crystal.
*DING DONG*
Mukhang na'ndito na siya. Saang lupalop ba dumaan 'tong babaitang 'to?
Pagbaba ko ng hagdan, pinagbubuksan na siya ng maid namin ng pinto at dire-diretsyong pumasok. Kapal talaga ng mukha. Sabagay, palagi naman siya naandito noon.
"Ano bang sasabihin mo?" Agad na tanong ko.
"Doon tayo sa room mo, bilis!" Hinila niya ako papuntang kwarto ko pagkatapos ay sinarado niya 'yung pinto.
Umupo siya sa kama ko kaya tumabi ako sa kanya.
"Ano ba 'yung tungkol kay Alexis?"
"Ganito kasi 'yon..." Umayos siya ng upo
"I saw her at the mall. Palabas na siya at nakita ko siyang sumakay sa kotse. May kasama pa nga siyang medyo matandang lalaki, hindi naman katandaan pero siguro Daddy niya 'yon. May mga bodyguards pa! Ang pretty niya kanina, hindi siya mapagkakamalang nerd na madaling bully-hin." Hinampas pa niya ko sa balikat.
'Tanggalin ko kaya ulo mo?'
"Sure ka sa kotse siya sumakay?" Tinaasan pa niya ako ng kilay.
"Of course I'm sure! Hindi malabo ang mata ko para hindi ko makita ang scene na 'yon 'no. Dzuh!"
Gusto ko siyang dagukan sa ginagawa niya ngayon.
Ang pinagtataka ko lang, bakit ganu'n? Nakita ko din siya kanina na naka-motor. Tapos nakita rin siya kanina ni Crystal na sumakay sa kotse. Paano nangyari 'yun? Hindi kaya....
" Sa tingin mo may kakambal siya? Triplets kumbaga." Nangunot naman ang noo niya.
'Yung nerd na Alexis. 'Yung girly na Alexis na nakita ni Crystal doon sa mall. At 'yung Alexis na nakita kong naka-motor kanina.
"Sinong may kakambal?"
"Sino bang pinag-uusapan natin ngayon!? Ibaba mo na nga muna 'yang cellphone mo!"
Hinablot ko ang phone niya at in-off.
"Okay, okay. I'm sorry. May nakita kasi akong gwapong lalaki." Napabuga na lang ako ng hangin. "Bakit mo naman natanong? At anong triplets?"
Sinusubukan niyang abutin ang phone ang phone niya ng dahan-dahan kaya kinuha ko agad at nilagay sa tabi ko. Napanguso naman siya bago sumandal sa headboard ng kama ko.
"Kasi kanina habang papunta kami ni Daddy sa isang resto para i-meet ang parents ni David, may nakita akong babaeng naka-motor sa nadaanan naming convenience store. Kamukha siya ni Alexis."
"What? Nakipag-meet ka sa parents ni John David?"
Ponyeta ka.
Posible kayang may kakambal talaga siya?
"Nu'ng makita ko siya kanina, anong suot niya?"
"Dress na color black. Why?"
Dress? Malamang hindi siya naka-dress kanina nu'ng nakita ko siyang naka-motor. Baka naman hindi talaga siya 'yung nakita ko.
"Maiba nga tayo. Bakit nakipag-meet ka sa parents ni John David?"
Hindi ko din pinansin 'yung tinanong niya. Kinuha ko 'yung librong binabasa ko kanina sabay higa sa kama.
"Hala, 'te? Bingi ka na?"
Nakakagutom pala ang magbasa.
"Aubrey!"
Inaantok na ako.
"Sabihin mo na kasi!"
Gusto kong manapak.
"Pag hindi mo sina----." Natigil sa pag sasalita si Crystal ng may biglang nagbukas ng pinto ng kwarto ko.
"AUBREY!" Si Lucas.
"Kailangan mo?"
Tumalon siya bigla sa kama ko kaya muntikan na niyang madaganan si Crystal.
"Uso mag excuse me, Lucas." Pagtataray niya.
"Uso din h'wag magtaray, Crystal." Agad inirapan ni Crystal 'yung nagsalita sa may pintuan.
Akala ko nasa family outing siya?
"Uso din h'wag mangialam, William."
"E, sa gusto kong mangialam. Paki ba mo ba?"
"Sabat ka kasi ng sabat, hindi ka naman kausap."
"E, sa gusto kong sumabat, e!"
Wala na namang katapusang bangayan. Kapag nagkikita sila lagi na lang maingay.
"Kailan ba kayo magkakasundo?" Iritang tanong ni Lucas.
Kahit siya naiirita na din dahil sa bangayan ng dalawa. Sino ba namang hindi maiirita kung kapag palagi silang nagkikita ay nagbabangayan sila.
"Bakit ba kasi may maiingay na babae?" Umupo si William sa kama ko katabi ni Lucas.
Tinaasan siya ng kilay ni Crystal. Guilty.
"Bakit ba kasi may mga pakialamerong mga lalaki?"
"Nangingialam lang sila kapag sa taong mahal lang nila." Lahat kami tiningnan si William ng puno ng pagtataka.
Parang may ibang pinaparating 'yung sinabi niya.
"H-Hoy, baka kung anong iniisip niyo,a." Tinuro turo pa niya kami.
"Ang weird mo,pare." Tatawa tawang saad ni Lucas bago tumingin sa akin. "Ang ganda mo ngayon Aubrey."
"Wala akong pera." Pinagpatuloy ko ulit ang pagbabasa ko.
"Five hundred lang. Please." Niyuyugyog pa niya ako kaya hindi ako makapagbasa ng maayos.
"Nahihilo ako, Lucas. Tumigil ka."
"Please na!"
"May sarili kang pera."
"May pinag-iipunan kasi ako."
"H'wag mo kong lokohin. Hindi mo na alam ang salitang 'ipon'."
"Please na Aubrey. Babayaran ko naman din."
"Manghingi ka kay Tito Kevin o kaya kay Tita Eliza."
"Pinagalitan nga ako ni Mommy,i."
Gastador kasi. Pera ko ang nauubos dahil sa kanya,i.
"Siguraduhin mong babayaran mo,a?" Kinuha ko 'yung wallet ko sa drawer malapit sa kama ko sabay kuha ng limang daan.
Bakit nga ba ko pumayag? Kulit kasi,i.
"Promise!" Itinaas pa niya ang kanang kamay niya na nangangako talaga siya.
"Pag 'to hindi mo binayaran, isusuksok kita dito sa wallet ko!" Inabot ko sa kanya 'yung pera kaya sobrang saya niya.
Ngayon lang 'yan. Pag nalaman ni Tita Eliza na nanghiram ka na naman sa akin ng pera, talagang lagot ka.
Bakit naman kasi ang bilis maubos ng pera nito? E, kada month binibigyan kami ng 5k ni Grandpa. Hindi pa kasama doon 'yung binibigay sa aming pera t'wing pumapasok kami.
"Hoy, Lucas. Nagsusugal ka ba?" Lahat sila napatingin sa akin, halatang nagulat sa itinanong ko.
"H-Huh? Anong pinagsasasabi mo?"
"Bakit ang bilis maubos ng pera mo?"
"May pinag-iipunan nga ako."
"Sigurado ka?"
"Oo nga. Si-sige aalis na kami ni William." Sabay hila niya kay William palabas ng kwarto ko.
Imposible naman kasing sobrang bilis maubos ng pera niya. Dati naman palagi siyang may natitira. Sabay pa nga kaming naghuhulog sa alkansya namin dati.
Nabawasan na naman ang pera ko.
"I need to go home na, Aubrey. Hinahanap na ako ni Kuya." Sabay tago niya ng phone niya.
Inihatid ko siya sa labas ng bahay. Tsaka lang ako pumasok nu'ng nakaalis na 'yung sinasakyan niya.
Papasok na ulit sana ako sa loob ng bahay kaya lang may nahagip 'yung mata kong isang tao. Nakatago siya sa may puno na hindi kalayuan dito sa bahay. Bakit ba kasi ang bilis kong makakita ng mga ganoong bagay?
Naka mask siya at cap kaya hindi ko siya mamukhaan. Mukhang nakatingin din siya sa akin. Pagkatapos ay may sumulpot na motor sa harapan niya. Tumingin muna ulit sa akin 'yung lalaki bago sumakay doon sa motor at tuloy tuloy ng umalis. Weird.
Pumasok na ako ng tuluyan sa bahay at dumiretso ng kwarto. Kanina ko pa hindi nakikita si Grandpa. Saan kaya nagpunta 'yon? Wala na rin si Daddy, samantalang naandito pa siya kanina.
5:33 pa lang naman. May oras pa ako para matulog. Nahiga ako sa kama sabay bukas ng aircon. Mas malamig, mas masarap ang tulog.
Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ng biglang nag vibrate 'yung phone ko. Unknown number.
From: 09*********
Message: I miss you so much.
Agad akong napabangon dahil sa nabasa ko. Parang nawala 'yung antok ko at napalitan ng kaba. Kanino bang number 'to?
I miss you so much.
Sino namang nakaka-miss sa itsurang 'to, aber?
Kinakabahan ako. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Sino ba namang hindi kakabahan kapag may nag text sayo at hindi mo pa alam kung kaninong number tapos ang message pa ay 'I miss you so much.'?
Binura ko na lang 'yung message. Nahiga ulit ako at sinubukan ulit matulog. Kaso nga lang hindi na ako makatulog. Tch. Sino ba kasi 'yung nag text?!
Padabog akong lumabas ng kwarto. Nadatnan ko si Manang Josefina sa kusina na busy sa pagluluto, pati na rin 'yung ibang mga maids. Umalis na lang ako doon. Wala naman akong magagawa doon. Hindi naman ako marunong magluto, ang alam ko lang, kumain ng mga niluluto nila.
Naranasan ko din naman magluto. Nagluto ako ng hotdog tsaka bacon noon para kay Mommy, kaso nga lang sunog. Nagulat pa nga kaming lahat dahil kinain niya 'yung luto ko kahit sunog. The best talaga siya.
"We're home." Boses ni Daddy.
Kasama niya si Grandpa at sina Tita Eliza at Tito Kevin. Mukhang pagod na pagod si Tito, siguro pagkatapos nilang mag-skateboard ni Lucas ay may inasikaso agad sila.
Tumayo ako at naglakad papunta kay Daddy para halikan siya sa pisngi. Pati kay Grandpa at kayna Tita Eliza.
"Magpapahinga muna ako saglit, Aubrey. I'm so tired." Tinanguan ko na lang si Daddy. Umakyat siya sa hagdan at kasunod naman niya sina Tito Kevin.
Samantalang si Grandpa ay nakaupo lang sa couch.
"Aubrey.." Nagulat ako ng bigla niya kong tawagin.
Nakakatakot talaga siya lalo na kapag seryoso siya.
"G-Gandpa. Bakit po?"
"Respect JD as the SSG PRESIDENT of our school. Ayaw kong isipin ng mga students doon na hindi porket apo kita ay pwede mo ng gawin ang lahat ng gusto mo."
"Yes, Grandpa."
Kung alam mo lang Grandpa kung bakit ayaw kong respetuhin 'yang John David na 'yan.
Palaging nakatingin sa akin ng masama, wala naman akong ginagawa. Palaging ako ang sinisisi kahit wala naman akong kasalanan. Lakas ng topak. Pinaglihi ata siya sa sama ng loob.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (83)

  • avatar
    Rowen John Tejada

    good is a great games

    21/07

      0
  • avatar
    DelacruzVickee

    nice,nice

    27/06

      0
  • avatar
    Zedrick Yumul

    it's okay

    01/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด