logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 14

"AALIS ka?" tanong ni Vhendice kay Safhire na inabutan niyang nakabihis na at nag-aayos ng sarili sa harap ng tokador.
"Pupunta ako ng simbahan," sagot nito.
Pinanood niya ang dalaga. Masama pa rin kaya ang loob nito dahil sa nangyari kahapon?
"I'll take you there?"
"No, I can manage. May lakad ka rin 'di ba?"
Tumango siya. "May pupuntahan kami ni Eddie sa San Antonio Municipal."
Sinulyapan siya nito. Tinungo niya ang closet. Kumuha ng maisusuot at nagbihis na rin. He gave her a blinding smile when he catches her staring at him. She smiled sweetly in return and looked away with her face blushing like a naughty little girl caught in an act.
He can't help thinking, maybe she has no idea how beautiful she is and how her beauty makes his heart trembles. But he's glad she's not upset anymore. Kagabi hindi siya nito kinibo. Dahil lamang sa mapangahas na halik. Huminga ng malalim ang lalaki. He could still feel the softness of her lips against his mouth. And the pleasing moist of her tongue teasing him. That alone turns him on.
Nilakad lamang ni Safhire ang private road palabas ng Villamanor. Mabuti at hindi nakahalata si Vhendice na iniiwasan niya ito. Pero hanggang kailan niya gagawin iyon? Nalilito na siya. Nandito siya para hanapin ang hustisya para kay Ray. Ngunit tila unti-unti na siyang napapalayo sa tunay niyang layunin.
Natatakot siya. Kapag nanatili pa siya ng matagal sa villa kasama si Vhendice baka magising na lamang siya isang umaga na nahuhulog na ang loob niya sa lalaki. At maliban pa kay Vhendice, si Athrun ang higit na bumabagabag ngayon sa puso niya.
Habang nag-aabang ng taxi, dalawang sasakyan ng mga taga-media ang namataan niyang nakaparada sa di-kalayuan. Nagimbal ang dalaga. Mukhang alam na niya kung bakit naroon ang mga ito sa lugar na iyon. Tumalikod siya at mabilis ang hakbang na lumayo.
"There she is!" Narinig niyang may sumigaw.
Hindi siya nagkamali. Siya nga ang pakay ng mga ito. Tumakbo si Safhire. Lahat ng ito ba ay tungkol kay Athrun? Dahil nakita silang magkasama. If only she knew that he's the renowned chairman of Andromida Conglomerate! Hinding-hindi siya haharap sa media. Hindi ngayon, hindi kailanman. Naririnig niya ang ingay buhat sa kanyang likuran. Hinahabol siya ng mga taga-media.Tinatawag.
"Damn you all! You can go to hell!" Naiinis niyang bulong at binilisan ang pagtakbo.
Isang itim na Porsche ang huminto sa unahan niya. Agad nagbukas ang passenger's seat niyon at dumungaw ang super-cute na driver na naka-colored sunglasses. Hindi niya matukoy kung babae ito o lalaki. Mahaba ang buhok nito na sa sobrang ganda ng bagsak ay hindi na yata kailangan ng suklay.
"Get in," sabi nito. Boses-barako. He's a boy.
Nilingon niya ang mga reporters. Papalapit na ang mga ito. Nagpasya siyang sumakay na. Hindi naman siguro siya ipapahamak ng magandang lalaking ito.
"Seatbelt," anito.
Nagsuot siya ng seatbelt. Agad nitong pinasibad ang sasakyan. Mula sa side mirror ay natanaw niyang hindi na nagtangkang humabol pa ang mga reporters. Nakahinga ng maluwag si Safhire. Sinulyapan niya ang lalaking nagmamaneho. He's so cute.
"Are you the chairman's woman? If you are, then the media won't stop chasing you." Nagsalita ito.
"They're making a big mistake. Wala akong anumang kaugnayan sa chairman," sagot niya.
"A lot of people saw you in public places."
"Nagkataon lang iyon. I didn't even know that he's the chairman. Hindi ako tagarito."
"Are you a tourist?"
"Parang ganoon."
Tumango ang lalaki. "What's your name?"
"Safhire Magdalene."
"Strange but beautiful name. Single?"
"Married."
"Then you just have to tell the media and bring your husband. But it might not change a thing. The Andromidas can take any woman suits to their liking regardless of her status."
"Thank you nga pala."
"I didn't help you for nothing. Wala ng libre ngayon. Kung wala akong kailangan sa iyo, hindi kita tutulungan." Candid nitong pahayag.
"May kailangan ka sa akin? Who are you, anyway?" tanong ni Safhire. Hindi kaya taga-media rin ang isang ito. Baka freelance writer ito. Lagot na siya!
"I'm Leih. And I want you to pose for my next painting."
Natigagal ang dalaga. Nanlaki ang mga mata. LEIH? This guy is LEIH? The famous Filipino artist na hinangaan niya? Ang lumikha ng Moon-Valley!
"Oh, my God!" bulalas niya. "You're him? The real LEIH?"
"I am."
"Oh, my God!" Natuliro na siya. "At gusto mo akong mag-pose para sa susunod mong painting?"
"Aside from cash, I'll give you additional gifts kung papayag ka."
Kahit walang bayad papayag siya. Sigurado iyon. "Can I ask a favor?" Pinagsalikop niya ang mga kamay sa tapat ng dibdib.
"Let's hear it." He darted an intriguing glance.
"Pwede kong makita ang Moon-Valley?"
"Is that all? No problem."
"Totoo?"
"Ano bang tingin mo sa akin, sinungaling?"
Ow! Suplado at masungit. Napangiti ang babae.
"Pwedeng magtanong?"
"Go ahead."
"Doon sa painting, may silhouette ng dalagita sa lambak na nakatingala sa buwan. Sino siya?"
"Is that part of the favor?"
"No. Curious lang ako. Bakit silhouette lang niya ang ipinakita mo?"
Matagal na katahimikan. Hindi na rin siya nangulit. Masyado yatang personal ang tanong niya.
"Never mind. Huwag mo nang sagutin."
"That girl is my first love." Nagsalita ang lalaki.
"Where is she now?"
Matagal ulit bago sumagot si Leih. Pero naghintay siya.
"She's dead. Moon-Valley is the depiction of her last night on earth."
"I'm sorry, I should'nt have asked." Mabigat ang dibdib na tumitig siya sa lalaki. Lihim siyang nagpapasalamat at may suot itong shades. Ayaw niyang makita sa mga mata nito ang kalungkutan at paghihirap na hatid ng sugat na maaaring hanggang sa mga oras na iyon ay patuloy pa ring kumikirot.
"You've asked why I chose to portray her silhouette instead of her clear image. It's not that I don't want to. But I can't. Probably because until now, I'm still suffering from the pain of losing her. Every time I've tried to paint her smiling pretty face, the image on my mind suddenly shattered like broken glass."
Nag-ulap ang mga mata ni Safhire. Ganoon din ang nangyayari sa kanya tuwing iniisip niya si Ray. "Naiintindihan kita. Nawalan na rin ako ng mahal sa buhay. Nawala sa akin ang taong naging lahat sa buhay ko."
"I don't know why I'm telling you this. It's kind of strange knowing the fact that we've just met."
Napangiti siya. "Baka isipin mo gumamit ako ng spell. Hindi ako fairy."
Fairy? Di ba't iyon ang tawag ni Athrun sa kanya? Napalis ang ngiti sa mga labi ng dalaga at bigla siyang natahimik. Bakit ba patuloy niyang naiisip ang lalaking iyon?
Tumingin siya sa labas ng bintana. Napansin niyang malayo na yata ang narating nila. Nasaan na ba sila? Saan siya balak dalhin ni Leih?
"Saan tayo pupunta?" tanong niya.
"Sa bahay ko." Kaswal na sagot ng lalaki.
"Ha? P-pero hindi ako nakapagpaalam sa asawa ko. Mag-aalala iyon." Nag-panic siya. Hindi lang mag-aalala si Vhendice,siguradong magagalit ng husto iyon.
"Tawagan mo. Magpaalam ka."
Nagtatalo ang isip at kalooban ni Safhire kung anong dapat gawin. Tingin pa naman niya'y wala yatang balak itong si Leih na pakawalan siya.
"Hold on, we've got some company behind." Puna ng lalaki na nakatingin sa rear view mirror.
May sumusunod sa kanila? Ang media kaya? Tumingin siya sa side mirror at natilihan. Hindi siya pwedeng magkamali. Sasakyan ni Vhendice ang nasa likuran nila. Bakit hindi niya agad napansin?
"Ihinto mo," sabi niya kay Leih.
"Bakit?" tanong ng lalaki.
"Ang asawa ko iyang sumusunod sa atin. Si Vhendice."
"Vhendice?"
Bumusina ang sasakyan sa likuran nila. Pinahihinto sila. Muling sumulyap sa rear view mirror si Leih.
"I don't care if he's your husband or what, no one steals a woman out from the VIP seat of my car." Deklarasyon ng lalaki at itinodo ang takbo ng sasakyan.
Napatili si Safhire. "Leih! Anong ginagawa mo? Stop the car! He's my husband!"
But he gave her a devilish smile. "Your husband, is he a tough guy? Saan siya magaling?"
"What are you talking about? Stop this car at once!" bulyaw niya rito. "Leih...!" Nakadama na siya ng takot. Tinapunan niya ng tingin ang side mirror. Nakahabol na sa kanila si Vhendice.
"Damn! I can't shake him off." Nagmura si Leih na panay ang sulyap sa rear view mirror.
"Please, itigil mo na ito. Ano bang ginagawa mo?"
"Shut up!"
Natameme si Safhire. Napahumindig sa takot. Para na silang lilipad sa sobrang bilis. Bumagal ang pagpasok ni Leih sa corner. It must be because of the so much pressure pounding on them from behind.
"Bastard!" he murmured.
Nagawang pumantay ni Vhendice sa kanila. At bago pa ang exit ng kurbada ay sinarhan ng sasakyan nito ang daan para hindi sila makalabas. Halos nakadikit na ang unahan ng sasakyan nila sa side mirror ng Dodge.
Pumikit na lamang si Safhire. Itinutulak sila ni Vhendice patungo sa guardrail. Iyon lang yata ang naisip nitong paraan para mapahinto sila. Umingit sa kalsada ang brake na tinapakan ng mariin ni Leih. The car stops just one meter away from the guardrail. Tumigil din ang Dodge ni Vhendice.
"He's not bad." Komento ni Leih, wearing his devil smile again. Inurong nito ng kunti ang sasakyan palayo sa guardrail.
Agad siyang nagtanggal ng seatbelt at binuksan ang pinto. Ngunit hinawakan siya ng lalaki sa braso bago pa man siya nakababa.
"Tell your husband we're on business."
"After what you've done? Are you serious?"
"No one says no to Leih."
"Then I'll be the first one."
"You can't get away from me." There's no uncertainty in his voice.
"Pipilitin mo ako kahit ayaw ko?" Hindi siya makapaniwalang humanga siya sa lalaking ito. He's completely the opposite of his paintings.
"Wanna try? I'm quite good at it."
"Kung mahahanap mo ako." Naghahamon ang kanyang tono.
"Interesting. You underestimated me. Sa tingin mo, mayroon kang pwedng pagtaguan dito na hindi ko matutunton? This place is my playground."
"Let me go!" angil niya at hinablot ang braso sa pagkakahawak nito. Bumaba siya ng sasakyan.
Bumaba din si Vhendice mula sa Dodge nito at sinalubong siya.
"ARE YOU OKAY?" tanong ni Vhendice na ginagap ang kamay ni Safhire.
Tumango ang babae. "Umalis na tayo rito."
"Sandali lang." Tinapunan ng binata ng sulyap ang sasakyan ni Leih.
Nabasa niya ang anino ng galit na nasa mga mata ni Vhendice. Kinabahan siya. He won't let this go easily. Nang kumilos ang lalaki para lapitan ang sasakyan ay mabilis niya itong napigilan.
"No, Vhendice. Tayo na." Kumapit siya sa bisig nito at hinatak ang binata.
Mabuti na lamang at hindi bumaba ng sasakyan si Leih. Sumakay sila sa Dodge at umalis sa lugar na iyon. Inaasahan niyang magtatanong si Vhendice. Subalit tahimik lang ito habang nagmamaneho.
"Ayaw mo bang malaman kung sino siya?" Basag niya sa katahimikan.
Saglit siyang sinulyapan ng binata. "Gusto mo bang sabihin?" Tinugon siya nito ng tanong.
"I think so. Kaya lang baka hindi ka maniwala."
"Try me."
"He's Leih. The artist."
"Anong kailangan niya sa iyo? Bakit ka niya tinangay?" Tila hindi naman ito nagulat.
"Gusto niya akong maging model sa susunod niyang painting. Okay naman siya noong una. Parang matino naman. Pero nang malaman niyang sinusundan mo kami, he started acting weird." Paliwanag niya.
"Ang bilis mo talagang magtiwala. I've told you, this place is full of unpredictable people."
"Pero kung hindi naman ako sumakay sa kanya siguradong aabutan ako ng mga reporters." Katwiran niya. Nag-aalala siya. Siguradong pati si Vhendice ay magugulo kapag nalaman ng mga taga-media na mag-asawa sila.
"Pupunta ka pa ba ng simbahan?" tanong ng lalaki.
"Next time na lang siguro," sabi niya.
Pagdating nila ng villa ay nagpahinga lamang siya sandali. Bandang alas-dos ay bumaba siya para maghanda ng snacks. Si Vhendice ay hindi na rin tumuloy sa lakad nito. Nakita niya ang binata sa may garahe na may kinakalikot na pundidong ilaw.
Nagtuloy siya sa kusina. Gumawa siya ng potato chips at lemon juice. Eksaktong dumating si Eddie. Nakasalo nila ito sa meryinda. Gustong-gusto niya itong tanungin kung saan ito pumupunta.
Araw-araw itong umaalis at kadalasan ay gabi na kung umuuwi. Gusto niyang malaman kung anong iniimbistigahan nito sa labas. Kaya lang hindi siya makahanap ng magandang tiyempo para kausapin ito. Nangangamba siyang baka mapagdudahan.
Pagkatapos ng snacks ay inatupag naman niya ang paghahanda ng hapunan. Tinulungan siya ni Vhendice. Ang menu niya ay chicken adobo, soup at seared tenderloin with mash potatoes,mushroom sauce and vegetables.
Habang nagluluto siya ay nanonood si Vhendice. They're like a typical happy couple in the kitchen. Nagbibiruan. Nagtatawanan. Nagkukulitan. Hindi niya alam kung ilang beses niyang napalo ng sandok ang binata na ayaw tumigil sa kakulitan. Ang plano niyang iwasan muna ito ay hindi na niya alam kung saan na napunta. Nagyaya kaagad ng hapunan si Vhendice pagkatapos niyang magluto.
"Ano ka ba? Ang aga-aga pa. Quarter to six pa lang." Saway niya rito.
"Gutom na ako." Angal pa nito at parang batang pinahahaba ang kanyang nguso.
"I can't believe you. Ang takaw mo. Ang dami mong kinain sa snacks."
"Junk foods lang iyon."
"Hindi junk foods iyon. Healthy iyon. Ako kaya ang gumawa."
"Believe me, gutom na talaga ako. Kanina pa ako nagtitiis."
"You're hopeless, do you know that?"
He just gave her a boyish smile. Naghapunan silang tatlo. Simot ang niluto niya. Pagkatapos niyang magligpit sa kusina ay nauna siyang umakyat sa taas. Sina Eddie at Vhendice ay naiwan sa sala at nanonood ng news sa tv.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (108)

  • avatar
    Arlene

    Thank you for sharing this story... Sana magawan din ng kwento ang lahat ng member ng Nephilims... Good luck sa mga susunod na story mo... Abangan ko ung iba mo pang gawa... Ganda!!! Galing ng twist👏👏👏👏👏... Goodluck!!! Gawa lang gawa gang mapansin ka ng publisher at mapublish books mo...

    08/01/2022

      0
  • avatar
    Kharen Rose De Leon

    5⭐ . ang ganda ng kwento andaming pasabog..☺️ bawat chapter nakaka excite .

    22/12/2021

      0
  • avatar
    Mary Rose Ny Portillo

    what's your next story author? I want to know, super duper interesting Ng story mo tapos Hindi ko maimagine Yung lawak Ng kasulok sulokan Ng imagination mo para mabuo Yung story NATO 😳 Ang masasabi ko lang ,so amazing 😍 Keep it up❤️

    07/12/2021

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด