logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3:

Ysreal’s POV
“Ihinto mo, baba ako.” Kalmado kong utos kay Hide na abala sa pagmamaneho. Kanina pa ako nagsasalita ngunit hindi niya ako tinutugunan. Umaakto siyang hindi niya ako naririnig. Anong dahilan niya para isama ako? Halos patayin niya na nga ako kanina. “Bungol ka ba?” Humahapdi ang kalmot sa akin ni Mrs. Jones pero hindi ko iniinda. “Ibaba mo ako! Kaya kong umuwi!” Nakuha ko nang sumigaw. Salamat naman dahil mukhang nakuha ko ang kaniyang atensyon.
“You will pay for my side mirror.” Kalmado lang ang mukha niyang nagmamaneho. Pakiramdam ko, nakikiramdam siya. “Hirap ka na nga sa buhay, nakuha mo pang mangpeste ng mga tao.”
“I-Ibaba mo ako. Wala ka namang kailangan sa akin, hindi ba?” Nahihirapan akong magsalita dahil kumirot ang aking binti. Sa pagtulak ito ni Mrs. Jones kanina. Kahit ganoon ang ginawa niya, nakukuha ko pa ring gumalang.
“Itikom mo kaya iyang bibig mo para kahit papaano natuwa naman ako sa ‘yo?”
Hindi ko natugon ang kaniyang tanong dahil bigla akong nalaglag sa upuan nang bigla siyang pumreno. Alam kong alam niyang nalaglag ako pero wala siyang naging reaksyon, napatuloy lang sa pagmamaneho. Hanggang ihinto niya ang kaniyang sasakyan, nasa ganoon pa rin akong kalagayan.
“We’re here.” Bumaba siya ng sasakyan para puntahan ako. Nang makita akong nahihirapan sa p’westo, napataas siya ng kilay at tila nag-isip. “Kaya mo namang maglakad sa hagdan ng ilang palapag ‘no? Don’t use the elevator.” Gumilid siya. Hudyat na pinapababa na ako. Masakit ang aking buong katawan kaya hindi ko man lang maitayo ang aking sarili. “Kupad mo naman.” Malakas na daing ang kumawala sa aking bibig nang hatakin niya ako gamit ang isang braso at muli akong hinatak pababa ng sasakyan. Halos sumobsob ang aking mukha sa semento nang matapos niyang gawin iyon. “Iyan, masanay kang mabilis kumilos.” Nauna na siyang maglakad sa akin.
Nilibot ko ang aking paningin. Anong ginagawa namin dito sa Laur Enterprises? Nagawa niya akong saktan kanina dahil walang katao-tao rito sa parking lot. Lahat ng mga nagmamay-ari ng sasakyan ay abala sa pagtatrabaho sa loob.
Napunta na naman ang tingin ko kay Hide dahil huminto siya sa paglalakad sabay baling sa akin. Walang emosyon ako nitong nilapitan. Bakas sa mukha niya ang labag sa loob nang buhatin niya ako. Walang lumabas na salita sa kaniyang bibig. Nakuha na ba nitong maawa sa akin?
“May kailangan pala ako sa ‘yo. I forgot.” Hindi ko na tinugunan iyon. Pinahinga ko ang aking sarili sa kaniyang mga braso. Nagpapasalamat pa rin ako dahil maayos ang kaniyang buhat, hindi pang-isang sakong bigas.
Nang makapasok sa loob, panay bulungan ang mga empleyado nang makilala ako. Hindi naman sinusuway ng lalaking ito ang mga babaeng pinag-uusapan siya. Noong si Seek ang boss ko, halos ilap siya sa mga babae. Banggitin mo lang ang pangalan niya, nakukuha mo na agad palabasin ang kaniyang kairitahan.
“Akala ko ba walang secretary ngayon si Sir Hide dahil kaya niyang asikasuhin lahat?”
“Malaki naman kasi talaga ang natutulong ni Ysreal kaya siguro kinuha siya ni sir.”
“Pero bakit ganiyan ang hitsura ni Ysreal?”
“Baka naman nirape siya ni Sir Hide sa kotse!”
“HOY! BUNGANGA MO!”
Parehas naming narinig iyon kaya napagpantay niya ang kaniyang dalawang sapatos para huminto sa paglalakad. Binalik niya ang tingin sa mga empleyadong babaeng nilagpasan kanina. Hinanap ng kaniyang mga mata ang nagsabi niyon.
“Raise your hand.” Galing pa sa ikalaliman ang kaniyang boses. Kahit hindi ko tingnan ang mga babae, alam kong nanginginig na sila sa takot. May nagtaas ng kamay. Napairap ang lalaking ito. “Nice job, buhay ng tao na pala ang tinatrabaho mo pero tama ka.”
Mas lalong nagbulungan ang mga ito sa kaniyang sinabi. Gusto kong tumutol sa sinabi niya. Ano na lang ang iisipin ng mga tao sa akin dito? Kilala naman nila ako. Kilala ko rin silang lahat pero sa panahong Seek iyon. Paano kung isipin nilang napadala ako sa walang pusong lalaking ‘to?
Magsasalita sana ako nang unahan ako ng gago. “Go, ilalaglag kita.”
Para sa ikakabuti ng aking sarili, nanahimik na lang ako. Sumakay na kaming elevator at tinungo ang kaniyang opisina. Pagkatungtong sa pintuan, doon niya ako nilaglag kaya napahawak ako sa aking balakang. Masakit.
Pumunta siya sa telebisyon at binuksan iyon. Mukhang alam niya kung anong oras binabalita ang kaso ng kaniyang kapatid. Gusto kong malaman ang laman ng news kaya nanood din ako. Isang babae agad ang bumungad sa amin.
“Oo, ako ang pumatay kay Mr. Seek Laurier pero hindi ko sinasadya. Self defense ang ginawa ko dahil he tried to kill me. Babarilin niya ako, hindi ko inaasahang mapapatay ko siya.”
Nanigas ako sa kinahihigaan. Nagkatingin kami ni Hide. Gulat ang aking reaksyon pero sa kaniya, mas lalong dumagdag ang galit.
“Mas lalong gumulo ang kaso ni Mr. Seek Laurier nang ang daming kababaihang umaakong sila ang pumatay.” Pahayag ng reporter at sunod-sunod na babae ang nagsilabasan na inaako nga ang pagpatay dito.
Hindi pa tapos ang balita pero pinatay na ng lalaking ‘to. Huminga siya nang malalim at tumingin sa akin. “May napansin ka ba?” Hindi ako sumagot. “Lahat ng babaeng iyon! Kasing katawan at kasing haba ng buhok mo! Sigurado akong nasa kanila ang cctv footage kung saan ka nakita.” Napahilamos siya ng mukha. Masama na naman ang tingin niya sa akin. “First, they deleted the cctv footage. Ngayon naman ang daming babaeng gustong akuin ang kasalanan mo? Bakit ba ang daming pumapanig sa ‘yo? Ikaw na nga ang pumatay ng tao! Aminin mo na lang kasi sa lahat na ikaw ang pumatay!” Napasuntok siya sa kaniyang lamesa. Sunod kong narinig, ang mahina niyang hikbi. Umiiyak. “‘Gaya ng pamilya ko, gusto ko ring makuha ang hustisya ng aking kapatid.  The suspect was already in front of me pero tila nagbubulagan ang mga pulis. May kumokontra sa kaso ng kapatid ko.” Dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang ulo. “Sino ka ba bukod sa mamamatay tao?!”
Buntong-hininga na lang ang tangi kong nagawa. “Hindi naman kasi talaga ako ang puma—”
Hindi ko na tinuloy ang aking sasabihin nang bigla siyang lumabas ng opisina. Katahimikan ang namalagi. Gumapang ako patungo sa sofa at naupo roon. Ilang minuto lang ang lumipas. May babaeng pumasok, may katandaan na. Sa pagkakaalala ko, siya si Mrs. Meneses, ang head ng Service Support Department. May dala siyang first aid kit. Kailan niya pa naging trabaho ang ganiyan?
“Pinapunta ako ng batang iyon para gamutin lahat ng sugat mo.” Nagkakausap kami dati at mabait talaga siya sa lahat ng empleyado. “Ano bang nangyari dito at sobrang dami?” Inumpisahan niya nang gamutin ang sugat ko.
Maya-maya, may pumasok na namang isa. May dala itong pagkain at damit. May puso na ba siya sa akin? Hays. Tinanggal ko sa isip ko iyon ang maalala ko ang kaniyang sinabi kanina na may kailangan siya sa akin.
“Si Hide ba ang may kagagawan nito? Kapag nalaman ito ni Victoria, malalagot ang batang ‘yon.” Ganito siya makipag-usap kay Seek dati. Malapit talaga siya sa Laurier Family.
Tinugon ko ang sinabi niya. “May mas pakialam po si Ms. Victoria sa kaniyang anak kaysa sa mga empleyado kaya malabo pong mangyari iyan.”
“Totoo pala ang usapan dito na kilala na lahat ng empleyado ang ugali ni Victoria.”
Matapos niyang gamutin ang sugat ko. Kumain na ako dahil nakaramdam na rin ng gutom. Masyadong masakit ang aking katawan at ramdam ko rin ang bigat kaya mabilis akong nakatulog. Hindi ko na inisip kung anong magiging reaksyon ni Hide kapag nakita akong ganito.
Nagising lang ako nang masilaw ako sa liwanag. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, nakita kong binuksan ni Hide ang ilaw. Pumunta siya sa bintana, hinawi niya ang kurtina. Napaupo ako ng tuwid nang makita kong madilim na sa labas. Ilang oras akong natulog?
“Eat and take a bath, we’re going somewhere.” Malamig ang kaniyang boses. “Meneses sent the food to you, not me. I’ll just let you starve there because I don’t care about you.”
Kumain muli ako. Matapos ay kinuha ang damit na nasa aking tabi at pumasok sa banyo. Wala namang naging reklamo si Hide. Mukhang ayos lang na gamitin ko ang banyo niya. Ganito lang siya sa akin ngayon dahil may kailangan at iyon ang hindi ko alam.
Nang matapos maligo, naghanap ako ng bagong sepilyo. May nakita ako at iyon ang aking ginamit. Nang siyasatin ko ang dalang damit kanina. Nangunot ang aking noo dahil may bra at panty dito. Baka kay Mrs. Meneses galing ang mga ito. Nakawhite lapel long sleeve at black mini skirt ako.  Matapos iyon, nakuha ko nang lumabas ng banyo. Nakita kong nakaupo si Hide na halatang hinihintay ako.
“I’m done. What do you need from me? Tell me now so I can go home to my apartment.”
Hindi niya ako tinugon. Tiningnan niya lang ang sandals na nasa aking harapan, sinasabing suotin ko kaya ginawa ko naman. Nakapamulsa siyang lumabas ng opisina, kinuha ko muna ang aking bag  bago sumunod sa kaniya. Hindi pa ako nakakapagsuklay.
Pagkababa namin sa unang palapag, kakaunti lang ang tao. Hindi ko na pinansin ‘yon, mas inintindi kong sundan si Hide. Narating namin ang parking lot.
Nagsalita muna siya bago pumasok sa sasakyan. “From now on, I’m your boss. You’re hired again. Pero hindi magbabago ang pakikitungo ko sa ‘yo. Ikaw pa rin ang pumatay sa kapatid ko.” Itinikom ko na lang ang aking bibig at sumakay sa sasakyan.
Kalahating oras lang ang biyahe namin, sa kalahating oras na iyon. Doon ko inayos ang aking sarili. Pinarada niya ang sasakyan sa gilid, tumingin ako sa labas dahil ang daming bulaklak. Nag-umpisa na akong kabahan. Mukhang hindi napansin ni Hide ang aking reaksyon kaya dire-diretso siyang bumaba.
Tinaasan niya ako ng kilay nang mapansing walang sekretaryang sumusunod sa kaniya. Napahinga ako nang malalim at bumaba na rin. Ang daming taong nakasuot ng itim. Maiikli ang hakbang ko, naglalakad akong nakatungo. Nang marating ang pinto, hindi ako pumasok sa loob. Kita kong maraming taong nakaupo na nakaharap sa isang coffin. Tumalikod ako para hindi makita iyon.
“Secretary.” Matigas na boses ni Hide. Nakatalikod ako mula sa kaniya, hinihintay ako nitong pumasok sa loob. “Huwag mo akong ipahiya sa maraming tao.”
“As secretary, hihintayin ko na lang ang boss ko rito sa labas.”
Nag-umpisa na akong maglakad palabas. Pababa na sana ng hagdan nang maramdaman ko ang kaniyang kamay na hinawakan ang aking pulsuhan. Nang harapin ko siya, doon niya na ako inumpisahang hatakin papasok sa loob. Todo iling naman ako at nagpapakatigas para hindi makapasok.
“Ano ba?!” Galit na ang boses ni Hide. Dahil nga hatak niya ako at may p’wersa rin sa akin. Nang bitawan niya ang aking kamay, tumalsik ako sa nakatayong bulaklak. Natumba iyon. “Huwag mo namang guluhin ang burol ng kapatid ko.”
Doon na kami pinagtinginan ng mga tao. Nagkumpulan na sila kung saan kami naroon ni Hide. Tiningnan ko sila bawat isa, hitsura pa lang halatang mayayaman ang mga ito. Nag-umpisa na naman akong maliitin ang aking sarili. Hindi ko na mai-angat ang aking ulo dahil sa kahihiyan.
“What’s going on, Hide?” Kilala ko kung kaninong boses iyon.
“I can handle this, Tita Sein. Stop interfering.” Kung ako ang tita niya, sasampalin ko siya dahil hindi ko nagustuhan ang kaniyang pagsagot. Wala ba talaga itong galang?
Nilapitan ako ni Hide. Bumulong siya ng mahina. “Umayos ka, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.” Umakto siyang may pakialam sa akin. Maingat ang paghawak sa kamay ko at hinatak patayo pero hindi siya nagwagi dahil matigas ang aking ulo. Mainit na naman ang ulo nito, panigurado. “Ano bang dahilan mo para hindi pumasok sa loob?! Nakokonsensya ka?! Hindi mo kayang tingnan ang pinatay mo?!”
Dahan-dahan akong umiling. Tumulo na ang aking mga luha. “P-Pakiramdam ko, maalala ko lahat. Ayoko...” Inagaw ko ang kamay ko sa kaniya para ipangtakip sa mukha na puro luha. Nag-umpisang magtaas-baba ng aking dalawang balikat.
“Ayaw mong maalala dahil ayaw mong makulong?” Hinawakan niya muli ang aking pulsuhan. Sa ngayong hatak niya, napunit ang suot kong long sleeve. Kita ng iba ang aking bra. Tinakpan ko ng mga braso ang aking dibdib. Napaiwas ng tingin sa akin si Hide at tumayo nang maayos.
“Hide, what are you doing? It’s embarrassing to everyone what you do.” Pagsasalita na naman ni Tita Sein. Hindi na ako nakagalaw sa aking kinauupuan. Tanging pag-iyak na lang ang nagawa ko habang yakap-yakap ang aking sarili.
“Just take her home to her apartment, Hide. Let her go.” Boses ito ng lalaking humawak kay Fail.
“Shut up, Cure.” May tiningnang isang lalaki si Hide. “Kung may balak kang bumida ngayon, Reid. Huwag mo nang ituloy.” Yumukod si Hide para hawakan ako ngunit hindi natuloy dahil may nagsalita.
“Can’t you take off your long sleeve to cover your girlfriend’s body?” Inangat ko ang tingin ko. Nakita ko ang batang lalaki, sa tingin ko ay labing-anim na taong gulang na ito. “There are many men here. You must have thought earlier na p’wede siyang bastusin ng iba rito.”
“She’s not my girlfriend, just secretary.” Pakikipag-usap ni Hide sa bata. “Serious, you don’t know her. Maybe when I introduce you to who she is, you will hate her too.”
“Sorry, kuya.” The youngest son in the Laurier Family? Serious Laurier? “Just like you, I’m not interested in women. Cover her body, you did wrong before.” Parang siya pa ang panganay dahil tama mag-isip. Kumpara rito sa kuya na pagiging isip bata ang inuuna.
Akala ko huhubarin ni Hide ang kaniyang long sleeve. Mas pinili ako nitong buhatin at i-aalis sa nagkukumpulang tao. Tumigil ako sa pag-iyak nang tunguhin niya ang sasakyan. Inupo ako nito sa passenger seat, umikot siya sa kabila for his seat. Wala siyang naging salita. Tahimik sa aming p’westo. Parehong nasa kawalan ang aming tingin. Ilang minuto ang lumipas, tinuonan niya na ako. Napataas siya ng kilay, nawala iyon nang mapatingin siya sa aking dibdib at mabilis na nag-iwas ng tingin. Rinig ko pa ang kaniyang mura.
“Takpan mo nga iyan.” Hinubad niya ang kaniyang long sleeve sabay hagis sa akin. Sando na lang ang natirang suot niya. “Kainis.” Pinaharurot niya ang kaniyang sasakyan dahil sa inis. Kung may balak siyang magpakamatay, huwag akong idamay.
Itutuloy...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (42)

  • avatar
    LongasaRachelle Ann

    ang Ganda po kaso medyo naguluhan lang ako sa kwento Yung flow medyo nakakamad pero Yung ending maganda

    18d

      0
  • avatar
    PallarMateo

    very interested

    09/07

      0
  • avatar
    Boss Vin Wapo

    good 👍

    26/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด