logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2:

Ysreal’s POV
“Hanggang ngayon ay ini-imbestigahan ng mga pulis ang pagkamatay ng CEO ng Laur Enterprises na si Seek Laurier. Tinanong namin ang kaniyang ina tungkol sa anak.”
Matapos sabihin ng reporter iyon, lumabas si Mrs. Laurier. Hanggang ngayon ay seryoso pa rin ang kaniyang mukha. Ngingiti siya sa maraming tao para kahit papaano natutuwa siyang nakasasalamuha ang mga ‘to.
“My son has no enemies. All he knew was to help those who needed his help. I will do everything to get my son’s justice kahit sino pa siya.” Hindi mo mabasa ang kaniyang mga mata. Ang nakikita lang talaga rito ang tanging determinasyon sa kaniyang kagustuhan.
Sunod na pinakita sa telebisyon ay isang lalaki. Base sa kaniyang suot, siya ang nagpapatrol sa aming lungsod. “Iyong mga oras na ‘yon, wala talagang katao-tao dahil pinaghihigpit sa aming lungsod ang tumambay. Bawat street ay may nagpapatrol. Naglilibot ako noon nang bigla akong may narinig na tunog ng baril. Mabilis kong tinungo ang lugar, natagalan ako dahil malayo sa aking p’westo. Ang bangkay lang talaga ni Mr. Seek Laurier ang aking nakita sa kalsada. Walang iniwan na kahit anong ebidensya ang suspek. Iyong kumalat sa social media na si Ms. Arison ang tanging pumatay, malabo dahil nilibot ko ang buong lugar, hindi ko siya nakita. Sa cctv footage, nakatalikod ang babae, hindi mo mawari ang kaniyang mukha.”
Napatulala ako. Paunti nang paunti, naaalala ko ang pangyayari. Pero sana isip kong ako ang pumatay sa kaniya. Ako lang ang p’wedeng gumawa niyon. Hindi ko maalala ang aking ginawa kaya may posibleng ako ang nasa ilalim ang kaso.
“Mr. Hide Laurier, galing pa kayong Italy at umuwi kayong Pilipinas dahil sa pagkamatay ng kapatid. Anong masasabi niyo—” Hindi natuloy ang tanong ng interviewer nang tumayo si Hide sa kaniyang upuan at walang galang na tumalikod.
Tiningnan ko si Mrs. Laurier, wala siyang reaksyon sa pangbabastos na ginawa ng anak. Mukhang sanay na siya rito na ganoon talaga ang ugali niya. Iba-iba sila ng ugali ni Seek.
“Tama na kakanood.” Napatingin ako kay Fail na pinatay ang telebisyon. Nakamake up siya, hindi ko alam kung saan pupunta. “Papasok ka ba? Anong silbi ng pagsesekretarya mo sa CEO kung patay na?”
“Papasok ako, hindi p’wedeng wala akong trabaho.” Kinuha ko na ang aking mga dala. “Isara mo na lang itong apartment. Ingat ka sa lakad mo.” Nginitian ko siya ng pilit at tumungo na sa waiting shed. Sumakay ako sa taxi, hindi na ako nagbus dahil alam kong may makakikilala sa akin.
Ilang minuto pa ang lumipas nang marating ko ang Laur Enterprises. Pagkababa ko, pinagtinginan agad ako ng mga tao. Makapal na ba ang mukha ko dahil kaya ko pang humarap sa kanila? Hindi ko na lang pinansin ang mga ‘to. Pumasok na ako sa loob. Nangunot ang aking noo dahil nagkukumpulan ang mga empleyado.
“Listen up, everyone!” Kilala ko ang boses na iyon, kay Chairman Mile. “Sa mga gustong pumunta sa lamay ni Mr. Seek Laurier, sabay-sabay na tayo mamayang gabi.” Ayokong pumunta. Iyan agad ang pumasok sa isip ko. “Kaya ko kayo pinatawag. I will introduce you to the new CEO. The eldest son of the Laurier Family, Mr. Hide Laurier.” Doon ako tumingin sa kaniyang gilid. Nakita ko si Hide na nakapamulsa habang nginingitian ang iba.
Nagbulungan naman ang mga empleyadong babae.
“Ang gwapo niya pala sa personal, mas lalong gumwapo.”
“Nawalan nga ng isang pogi, may pinalit naman.” Walang respeto.
“Hays, love at first sight yata ang tawag dito. Sa kaniya lang ako nahulog!”
“Sana hindi suplado. Kilala naman kasi nating mabait ang Laurier Family lalong-lalo na si Seek, sayang talaga siya.”
“Pagbutihin niyo ang pagtatrabaho, iyon lang.” Kumaway muna si Hide sa lahat bago kami iwan dito.
“Bumalik na kayo sa inyong trabaho. Ayusin niyo dahil hindi ko kilala ang batang ‘yon pagdating sa work. May sinabi naman si Mrs. Laurier na hindi siya basta-basta nagtatanggal ng empleyado.” Natutuwa ang lahat na bumalik sa kanilang mga lamesa. Biglang napatingin sa akin si Chairman Mile, nilaanan agad ako ng ngiti. “Sundan mo na ang bago mong boss, Ms. Arison. Hindi natin siya kilala, baka sermon abot mo pagka-akyat.”
“Sige po.”
Nag-aalinlangan pa akong sumakay ng elevator. Natatakot kasi ako sa magiging reaksyon niya kapag nakita ako. Nang bumukas ang elevator, dumiretso ako sa kaniyang opisina. Agad akong kumatok ng dahan-dahan.
“Pasok.” Medyo natigilan ako. Magkaiba ba talaga sila ni Seek? Kapag kasi kay Seek, hindi siya nagpapapasok sa opisina kahit sinong tao.
Binuksan ko na ang pinto. Hindi ako pumasok sa loob, nahinto ako sa pintuan. Nakaupo siya sa swivel chair, harap na harap sa mismong p’westo ko habang nakatitig.
“Kanina pa kita hinihintay dahil nalaman kong sekretarya ka ng kapatid ko.” Tumayo siya sa pagkakaupo. “Ayaw kitang saktan dahil may cctv camera sa mismong p’westo mo.” Naglakad siya papalapit sa akin. Isang hakbang ang layo namin. “Kaya kita hinihintay hindi para sa trabaho mo. I waiting for you dahil tanggal ka na sa trabaho.” Malumanay ang kaniyang pagkakasabi. Tinalikuran niya na ako ngunit muling napatingin sa aking gawi na halatang nagtaka kung bakit hindi ako kumilos. “Anong tinatayo-tayo mo riyan? Pinag-iisipan mo ba kung magmamakaawa ka?” Umiling-iling siya bago umupo. “O baka naman marumi kang babae? Handa kang maghubad para sa pera?”
Sa akin lang talaga siya ganiyan.
“Hindi mo ako p’wedeng tanggalin sa trabaho ng basta-basta.” Wala sa sarili kong sagot.
Muli siyang lumapit sa aking gawi. Hindi ko pinahalata ang gulat ko nang hatakin ako nito sabay sandal sa pinto. Sobrang lapit ng katawan niya sa akin, amoy na amoy ko ang kaniyang leeg. Ang isang kamay niya, nakahawak sa aking dalawang kamay. Ang isang kamay naman, nakahawak sa aking leeg. Nakatingkayad ako ngayon dahil sobra ang tangkad niya.
“Why don’t you admit to everyone that you’re the woman in the cctv footage?! Pinanood namin lahat, nakita ko ang mukha mo roon! I just don’t know who deleted it para hindi makarating sa publiko!” Galit na galit na naman ang kaniyang mga mata. “Nakatatawa lang. Ikaw na nga ang pumatay, may pumapanig pa rin sa ‘yo.” Kahit ako, nagulat sa nalaman. Sinong tao ang magtatago ng ebidensya? “I will pay you, just admit to everyone that you killed my brother.”
Nahihirapan akong sumagot. “Hindi ko siya pina—”
Napapikit ako nang sumigaw siya sa mismong mukha ko. “Sinungaling!” Tumalsik ako sa kaniyang mesa nang pabato niya akong binitawan. Nagasgasan ako sa siko. “Lumabas ka na kung ayaw mong ako pa ang papatay sa ‘yo.” Hindi agad ako nakakilos dahil sa sakit ng katawan. “Mas lalo mo lang pinapainit ang ulo ko kung ganiyan ang reaksyon mo. Umaakto kang wala kang ginawang kasalanan. Pinapalabas mo sa lahat na hindi ka apektado.”
Dahan-dahan akong tumayo. Nang maayos ko ang aking sarili, mabilis na lumapat ang kanang kamao ko sa kaniya para sapakin. Napatabingi siya ng ulo. “Mahirap ako pero hindi ako nagpapabayad! Hindi ako maruming babae at mas lalong hindi ako ang pumatay! Kung ako ang pumatay, ako mismo ang lalapit sa mga pulis! Wala kang sapat na ebidensya para ganituhin ako! Ikaw ang sakit sa lipunan dahil hindi tama ang ginagawa mo!  Mr. Hide Laurier, wala kang alam sa mga oras na ‘yon!” Umiiyak akong lumabas ng kaniyang opisina.
“Hindi ako madaling matauhan, hindi kita titigilan.” Rinig ko pang sabi nito.
Sa ilang taong pagtatrabo ko rito sa Laur Enterprises, hindi ko narinig ang pangalan ni Hide Laurier sa kahit kanino. Pati kay Seek, wala siyang nabanggit sa akin. Hindi ko alam na may nakakatandang kapatid pa pala siya. Magkasalungat nga lang silang magkapatid dahil tila matigas ang lalaking ‘yon.
Hide’s POV
“Oh, bakit namumula iyang labi mo?” Sa tanong niya, nilagyan ko na lang ng band aid ang aking labi dahil mapapansin talaga ang pagkapula nito.
“Huwag ka na ngang magtanong, Cure.” Sinarado ko ang pinto ng aking opisina. Pagharap ko, sumalubong sa akin si Cure na nakapamaywang at may naniningkit na mga mata. “What?”
Hinawakan niya ang aking baba para makita ang leeg. “Iyang labi mo, nakipaghalikan ka ba? Hindi naman yata sugat iyan, lipstick e.” Nangunot ang noo ko. Hinawi ko ang kaniyang kamay. “Sandali, lipstick iyang nasa leeg mo. Unang araw mo pa lang, nagdadala ka na ng babae rito. Respetuhin mo naman ang opisina ng kapatid mo.”
Naalala kong malapit nga pala ang mukha ng babaeng iyon sa leeg ko. Sigurado akong sa kaniya ito galing kaya mabilis kong pinunasan. Kadiri.
“Sabi ni Tita Victoria, ayaw mo raw pumunta sa lamay ni Seek. Bakit?” Hays, hanggang ngayon gusto niya talagang malaman lahat ng tungkol sa akin.
“Sa tingin mo kaya kong makita ang kapatid kong nakahiga sa coffin?”
Naitikom naman niya ang kaniyang bibig. Nakaramdam siyang ayaw kong pag-usapan si Seek. Kumuha ako ng panulat at papel, lumabas ako ng opisina para puntahan ang mga empleyadong malapit sa kapatid ko. Nakasunod sa akin ang aking kaibigan.
“Kapag magkasama sina Ms. Arison at Seek, anong trato nila sa isa’t isa?” Tanong ko sa janitor na isa sa mga tinulungan ng kapatid ko.
“Ah, sir, wala naman po. Laging nasa likuran ni Sir Seek si Ysreal e. Kung ano pong gampanin ng sekretarya, iyon lang po ang ginagawa niya.”
Napahinga ako nang malalim. “Lagi ba silang nagtatalo? Sinisigawan ba siya ng kapatid ko?”
“Kilala ng lahat na mabait si Sir Seek kaya hindi niya ginaganoon si Ysreal. Nagagawa niya lang po iyan kapag may nagagawang kapalpakan si Ysreal. Halos sinesermonan siya ni sir. Nakakausap ko si Ysreal doon, ayos lang sa kaniya dahil para sa kaniya naman daw ang sinesermon nito.”
Pumantay ng tayo sa akin si Cure. Siya ang nagtanong. “Totoo bang nanghiram ng malaking pera si Ysreal kay Seek?”
“Ah, opo. Una niyang hiniraman ng pera, iyong mga empleyado kaso pare-pareho naman po kaming hirap sa pera kaya hindi namin siya natulungan. Nakuha niyang humiram ng pera kay sir, hindi siya pinahiram at iyon po ang hindi ko alam. Hindi ko alam ang dahilan ni Sir Seek dahil lagi naman siyang tumutulong.”
Tumango ako kaya umalis na ang janitor sa aking harapan. Nararamdaman ng aking sarili na ang punyetang babaeng iyon ang pumatay. Hindi ako titigil hangga’t hindi siya nagbabayad sa nagawa niyang kasalanan. Hahanap at hahanap ako ng ebidensya.
“I thought of something.” Nakangiting usal ng aking katabi. Mukha ngang may naisip na naman siya. “You did wrong to Ysreal, dapat hindi mo siya tinanggal sa trabaho. Kung araw-araw mo siyang makasasama, p’wede mo siyang hanapan ng ebidensya.” Tinaasan niya ako ng kilay. Nagyayabang na naman siya sa kaniyang naisip.
“Hindi ko kayang makita ang mukha niya.” Inismiran ko muna ito bago siya iwan sa p’westo namin.
PINARA ko ang aking sasakyan sa isang bahay dahil may isang businessman na mahirap mapapunta sa kumpanya. Hindi ko gawain ang mga ‘to. Pinilit lang ako ng aking mga magulang dahil malaki ang matutulong nito sa amin. Isang linggo na akong nagtatrabaho sa kumpanya kaya sanay na ako sa mga gawain nito.
Bago ko tinguhin ang kanilang gate, nagulat ako nang may babaeng nagsisigaw. Dalawang babaeng ito na tila pinapalayas ang isa. Agad kong nakilala ang mukha ng babaeng nakahiga sa semento. Ano namang ginagawa niya rito? Sinira niya ang umaga ko. Ngayon ko na lang muli siya nakita.
“Lumayas ka! Hindi kailangan ng asawa ko ang kaniyang babae! Babaeng malandi! Makati!” Nanggagalaiti ang nangtataboy. Nanlilisik ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa babae.
Itong babae naman, gumagapang na naglakad papunta sa gilid ng kalsada. Mukhang kanina pa siya bugbog dahil hindi niya na maitayo ang kaniyang katawan.
“Maninira ka pa ng pamilya!”
Pumasok na ang babaeng galit na galit. Hindi ko pinansin itong gumagapang, ngumiti ako sa guard at sunod na pumasok sa loob. Narating ko ang main door, alam nilang pupunta ako kaya agaran kong tinungo ito.
Bumukas ang pinto, bumungad ang babaeng galit na galit kanina. “Mr. Laurier, you’re here. Come in.” Ngayon, matamis na ang kaniyang ngiti. “Hon, nandito na ang hinihintay mo.” Pinaupo ako nito sa sofa kung saan nakaupo ang kaniyang asawa.
“What are we going to talk about, Mr. Hide Laurier?” Si Mr. Jones. May edad na siya pero kung titingnan ang mukha tila bata pa. “Nakikiramay kami sa pagkamatay ng kapatid mo.”
Ngumiti ako kay Mrs. Jones nang lapagan ako nito ng juice. “Before that, who was a girl before?” Kilala ko siya pero gusto kong malaman ang dahilan kung bakit ganoon kagalit si Mrs. Jones dito.
“Naghahanap ng trabaho. She is Ms. Arison, flirting with my husband. I know women’s movements.” Alam mo ang galawan kasi ginagawa mo rin?
“Ah.” Napatingin ako sa bintana. Wala talagang dignidad ang babaeng ‘yon. Ayos lang sa kaniya na masira siya.
“Hon, natapunan lang ako ng dala niya kaya natataranta siyang punasan ako.” Kontra ni Mr. Jones.
“Nakita ko na ang mukha niyan ni Ms. Arison, hindi ko lang maalala.” May pagtataray pa rin sa kaniyang pananalita. “Mr. Laurier, bakit hindi mo pa umpisahan ang pakay mo sa asawa ko?”
Napatango ako at pinag-usapan na ang aking kailangan. Mahigit trenta minuto kaming nag-usap hanggang mapagpasyahan kong umuwi. Naglalakad ako palabas ng kanilang bahay. Pagkatungo ko sa aking sasakyan, napataas ako ng kanang kilay dahil nakaupo pa rin ang babaeng ‘to sa gilid ng kalsada. Puro kalmot ang kaniyang braso. Kung iba ang nakasaksi ng pangyayari kanina, maaawa sa kaniya pero ako? Wala akong pakialam.
Sumakay na ako. Alam kong alam niyang nandirito ako. Ngumisi muna bago ipaharurot ang sasakyan patungo sa kaniya. Nanlaki ang kaniyang mga mata at ginawang panangga ang mga braso sa maaring mangyari. Kusa akong napangiti dahil bakas na bakas sa kaniyang mukha ang takot. Hininto ko ang sasakyan sa mismong harapan niya at binusinahan ng malakas.
Umiling muna ako bago i-atras ang sasakyan. Ang mga tingin niya sa akin ay hindi na naman apektado. Mukhang ako lang ang napipikon sa ginagawa ko. Hindi ba siya takot mamatay? O... Napakapit ako ng mga mahigpit sa manibela nang maalala noong una ko siyang nakita. Alam niyang ako ang bumusina pero wala siyang naging reklamo. Mukhang nasa pagkatao niya na talaga ang umaktong parang wala lang.
Inis kong pinaharurot ang sasakyan para umalis ngunit bigla akong napapreno nang mabasag ang side mirror ko. Agad kong nilipat ang tingin sa front mirror, kita ko siyang may hawak na bato, nasa gawi ko rin ang mga tingin niya. Anong problema ng babaeng ‘to?!
Wala akong ibang nagawa kun’di ang lapitan ito. Akala niya ay sasaktan ko siya pero hindi, binuhat ko at sinalampak sa backseat dala ng inis.
Itutuloy...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (42)

  • avatar
    LongasaRachelle Ann

    ang Ganda po kaso medyo naguluhan lang ako sa kwento Yung flow medyo nakakamad pero Yung ending maganda

    18d

      0
  • avatar
    PallarMateo

    very interested

    09/07

      0
  • avatar
    Boss Vin Wapo

    good 👍

    26/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด