logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 8 FAMILY MATTERS

PAgkatapos mag-usap nina Storm at Ashy, nag-palam na ito sa kanya. Gustuhin man niyang magtagal ay hindi pwede dahila ayaw niya na matunugan sila at baka hindi matuloy ang plano nilang magtanan. Alam ni Ashy na marami ang masasakripisyo sa gagawin niyang iyon, pag-aaral niya, reputasyon ng pamilya niya at lalong-lalo na ang mararamdaman ng pamikya niya kapag ginawa niya iyon. Pero alam niya na maiintindihan siya ng pamilya niya. Ganun niya kamahal si Storm handa niyang isakripisyo ang lahat.
Pagpasok niya sa kwarto ay nandoon si Jem na halata namang naghihintay sa kanya. Niyakap siya nito.
"Kumusta ang pag-uusap niyo Ash?" Tanong nito na mababakas sa mukha niya ang pag-aalala.
"Okay naman Jem, nasabi ko naman lahat ng dapat kong sabihin. Nagpaliwanag din naman siya. Na kaya sinabi ni Girlie yun sa akin ay dahil yun ang gusto ng magulang nila na pakasalan siya. Kubg hindi ay aalisin nila ang share nila sa kompanya ng papa niya. Buntis nga naman talaga si Girlie pero hindi sa kanya yung bata. Pero dahil ayaw nila ng eskandalo kailangang si Storm ang tatayong ama nung bata." Paliwanag niya.
"At pumayag si Storm sa ganung set-up?" Tanong ni Jem habang nakatakio pa ang kamay sa bunganga niya.
"Siyempre hinde. Kya nga mukhang depress na depressed siya ehh kasi hindi daw niya alam kung anong dapat niyang gawin. Pakiramd niya naiioit siya sa dalawang nag-uumpugang bato na hindi niya alam kung paano makawala. Hindi daw niya alam kung anong sasabihin niya sa akin kaya ang tagal niyang hindi nagpakita. Pero he came up into a decision. A very tough decision. Desisyon na pinag-isipan niya ng matagal."
"Ano yun?"
"We decided to run away," sabay tingin dito
"What????" Nabigla namang tanong ni Jem sa kanya.
"Jem, wala ng ibang paraan. Wala na kaming ibang maisip na paraan kung paano ipag-lalaban ang relasyon namin. Mahal niya ako, mahal ko siya, mahal namin ang isa't-isa. Kapag hindi namin to ginawa hindi siya titigilan ng pamikya niya." Paliwanag nito.
"My God Ash, nag-iisip ka pa ba? Nasaan na yung talino mo? Pumayag ka na magtanan kayo? Okay ka lang?"
"Jem please try to understand, please..." pagsusumamo nito.
"Alam mo Ash,sa lahat ng sulok ng kinalalgyan natin ngaun alam mo, alam na alam mo na ako ang unang makakintindi sayo. Pero this time parang hindi na kita maintindihan. Ash, malapit na ang graduation. Konting tiis na lang matatapos na tayo. At hindi ka lang basta magtatapos Ash, aspiring ka for Latin honors. Tapos ngaun makikipagtanan ka lang? Itatapon mo yubg apat na taon na pinag-hirapan mo dahil lang diyan sa pagmamahal na sinasabi mo?" Sermon sa kanya ni Jem. Tama nga naman ito. Ilang buwan na lang at matatapos na siya. Sasayangin pa ba niya ito. Sa isip niya pwede pa naman niya itong ituloy kahit mag-asawa na sila ni Storm.
"Jem alam ko hindi kapani-paniwala. Alam ko naman na hindi ako pababayaan ni Storm. Pagsisikapan namin ang buhay na magkasama alam ko magigibg mahirap sa simula pero alam ko rin nabasta magkasama kami kakayanin namin."
"Ang pag-aasawa hindi parang mainit na kanin lang na isusubo, na kapag napaso ka ehh pwede mong iluwa. Oo wala akong alam sa mga ganyabg paikipagrelasyon, pero base sa nakijita ko hindi yan ganyan kadali lang,"
"Sorry Jem, pero buo na talga ang desisyon ko. Nag-usap na kami ni Storm at ayokong maghibtay siya sa wala. Patawarin mo ako," hinawakan pa nito ang kamay niya.
"Wala akong magagawa, desisyon mo yan pero hindi pa huki ang lagat para umatras Ash, isipin mo sina tito at tita sa mararamdaman nila. Wag mo ribg sasabihin sa akin soon na hindi kita sinabihan," sagot niya rito na nasa tono niya ang hindi pagsang-ayon sa desisyon niya.
Friday ng umaga.. Flyday kumbaga. Ito rin ang araw na pag-uwi ni Ash sa bahay nila dahil weekend nga. Gaya ng dati bibisitahin niya ang parents niya. Uuwi naman talga siya sa araw na ito dahil gusto niyang makasama ang mga ito, at bukod diyan alam din niya na ito na ang huling pagkajataon na makakasama niya sila. Lunes kasi ang usapan nila ni Storm na araw kung saan sila ay magatatanan. Desidido na talga siya sa gagawin nilang pagtatanan.
"Ohh anak, kumusta ka na?" Minsan tanong ng mama niya habang kumakain sila.
"Okay naman po ako ma, kayo po kunusta po kayo dito?" Balik na tanong niya.
"Naku okay na okay kami anak. Eto ngang si mama mo excuted na sa graduation mo. Nagpatahi na nga ito bg isusuot niya ehh," pabirong sabi ng papa niya.
Muntikan na siyang mabukunan sa sinabi nito. Alam kasi niya na hindi siya makakadalo sa graduation.
"Ikaw naman binuking mo naman ako agad. Siyempre dapat paghandaan iyon, diba anak. Magsasabit kaya ako ng medalya sa anak kong maganda na matalino pa," pagyayabang ng mama niya.
"At ako nanaman ang photographer," sagot naman ng papa niya.
"Cge na kumain na tayo na-miss mo tong favorite na ulam mo no? Hindi naman kasi kayo marunong magluto sa boarding niyo ayan tuloy na-mimiss niyo ang lutong-bahay."
"Oo nga ma, iba din po kasi kapag kayo ang nagluto ehh," pagbibigay puri naman niya sa mama niya.
"Nakoh! Nambola pa tong anak ko. Wag kang mag-alala bukas magluluto ulit ako ng paborito mo." Sagot naman ng ina niya.
Napangiti na lamang siya sa sinabi ng ina. Napakaswerte niya sa pagkakaroon ng mapagmahal na mga magulang. Suportado siya sa lahat ng bagay. Hindi niya yata kakayanin kubg masaktan ang mga ito. Pero hindi niya din kakayanin na masaktan at umasa si Storm sa wala. Nka-oo na siya rito at ayw niyang masira ang usapan nila. Mahirap man, pero alam niya sa isip niya na balang-araw maiintindihan siya ng mga magulang niya sa gagawin niya.
Hindi siya makatulog ng gabing iyon. Isang araw na lang at Lunes na. Iyon na ng huking araw na makikita niya ang mga magulang niya. Mabigat ang loob niya sa gagwin niya pero buo na rin ang desisyon niya.
Hanggang sa gabi ng linggo. Papsok siya sa bahay nila ng gabing iyon galing siya sa simbahab ng marinig niyang sumisigaw ang mama niya ng tulong. Dali-dali siyang pumasok sa loob bg bahay nila. Nakita niya ang papa niya na nakahiga sa sala. Dali-dali namang tumawag ng ambulansiya ang mga kapit-bahay nila upang madala sa ospital ang papa niya.
Pagdating sa ospital.....
"Ma, anong nangyari? Bakit inatake si papa?"tanong niya sa mama niya na nuon ay hindi parun tumitigil sa pag-iyak.
"Tumawag kasi ang tita mo, naospital daw ang tito mo at hi di na naagapan kya namatay. Ayun tapos bigla nalabg sumikip ang paghinga niya,"sagot naman bg ina nito.
"Pahinga na muna kayo ma, ako nalang po ang kajausap sa doctor kapag lumabas na siya,"sabi nito sa ina.
Habang hinihintay ang doktor, napakagat-labi na lamang si Ashy, bakit ngaun pa kung kelan bukas na ang usapan nila ni Storm. Inatake ang papa niya at hindi pa nito alam ang magiging lagay niya. Bumuhos na lang ang luha niya sa kabalisahang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya sa mga oras na iyon. Natigil lamang siya sa pag-iisip nang lumabas ang doktor sa pintuan ng ER(emergency room).
"Doc, kunusta po si Papa?" Bungad na tanong niya rito.
"Halika sa opisina ko dun natin apg-usapan ang lagay ng papa mo." Sagot nito at agad naman siyang sumunod dito.
Nakaramdam siya ng takot, malala ba ang lagay ng papa niya, bakit mukhang dismayado ang ekspresyon ng mukha ng doktor.
"Umupo ka iha," utos sa kabya ng doktor.
Sununod naman ito sa kanya.
"Base sa obserbasyon namin sa papa mo at sa mga initial na tests niya, mahinang-mahina na ang ouso niya. At kapag naulit pa ang pagka-atake niya baka hindi nasiya maksurvive. Isa pa, kailangan na niyang maoperehan sa lalong madaling panahon. Kung hindi natin ito gagawin mapapdali ang buhay ng papa mo." Prangkang turan ng doktor sa kanya.
"Magkano po ang magagamit sa oprasyon dok?" Tanong niya.
"Maghanda na lang kayo ng 600,000 hindi pa tayo sigurado kung magkakasya yan dahil wala pa yung mga final tests niya. Sa ngaun yan muna ang pwede kobg sabihin. Ipapatawag ulit bukas para sa mga huling tests niya."
"Kapag naoperahan na po si papa doc magiging normal na po ba nag lahat?"
"Honestly iha hindi tayo ganun kasigurado. Some cases kasi or kadalasan, pinapahaba lang nito ang buhay ng pasyente kubg makaksurvive siya pero may mga cases din na hi di kinakaya ng pasyente at namamatay ito 3 days after the operation. So nsa inyo yan na magdecide kubg mag-undergo tayo ng iperation o hindi. Anyway may waver naman kaming papapirmahan sa inyo bago antin isagawa ang operasyon." Paliwanag bg doctor sa kabya.
"Sige doc kakausapin ko po si mama tubgkol dito," sagor naman niya rito.
"Sige iha malalaman ko bukas kubg ano ang magigibg desisyon niyo. Yun na lang muna sa ngaun . Pwede niyo ng mapuntahan ang papa mo sa recover room."  Tugon nito.
Tumango na lamang siya at lumabas na ng opisina. Halos manghina siya sa narinig. Guling-gulo ang isip niya ng mga sandaling iyon.
Pinaparusahan ba siya ng Diyos dahil sa oinaplano nila ni Storm? Senyales ba ito na hindi niya dapat ituloy ang binabalak nila? Hindi niya alam kung anong idadhilan niya kay Storm. Kung paano siya nito maiintindihan. Pero sa ngaun kailangan niyang harapin kuna ang problema ng pamikya niya. Mahal niya abg mga magulang niya at hindi niya kakayanin na iwanan sila sa ganubg sitwasyon. Kaya nagpadala na lang siya ng message sa kanya.
"Storm sorry hindi ako makakapunta bukas. Something came up. Naospital papa ko at kailangan siyang operahan. Mahal na mahal kita at alam mo 'yun. Alam kong maiintindihan mo ako. Pag-usapan na lang ulit natin ang plano natin. Mahal na mahal kita." (Message sent)
Sinubukan niya ring tawagan ito pero walang sumasagot sa tawag niya. Hinayaan na lang niya ito, kailangan niyang makausap ang mama niya. Alam niyang masasktan ito saaririnig niya pero kailangan nilang maging matatag.
"Ma, nkausap ko na ang doktor."
"Anobg sabi? Okay na daw ba ang papa mo?" Tanong nito na namumugto ang mata sa kakaiyak.
"Ok namn sa ngaun ma, pero payi ng doktor na kailangan siyang maoperahan kubg hindi ay hindi na magtatagal si papa." Sagot niya. Kailangan niyang magibg totoo sa lahat ng sasabihin niya dahil buhay ng papa niya ang nakasalalay dito.
"Magkano ang gagastusin?"
"More than 600,00 ma,"sagot nito sabay hawak sa kamay ng mama niya.
Npahagulgol sa iyak ang mama niya.
"Anak, may ioon kami bg papa mo more than that, pero ayaw ng papa mo na galawin yun dahil para 'yon sayo. Ayaw na ayaw niyang galawin yun anak." Iyak ng mama niya. Dun niya nalaman kubg gaano siya kamahak ng mga magulang niya. Nag-ipon ang mga ito bg para sa kanya. Ngaun, kailangan niyang suklian ito bg hanggang sa kaya niya. Isasakripisyo niya ang sarili niya para sa mga iyo.
"Ma, buhay ni papa ang pinag-uusapan dito. Wag niyo po akong isipin. Ang pera ma pwede pa nating mapagtrabahuan pero ang buhay ni papa ma, minsan lang," sagot nito nang may sinseridad. Ayaw niyang maramdaman ng mama niya na mag-isa lang ito. Hanggat maari gagawin niya ang lahat para mapagaan ang loob nito.
"Paano kub
Ng hindi kayanin ng papa mo? Paano ka?" Pag-aalaa ng mama niya.
"Ma, anuman ang mangyari, gagawin natin ang lahat para kay papa. Mahahanap pa natin ang pera ma, kapag nakatapos na ako. Lahat yan ma maibabalik din." Pagpapalakas nito sa loob ng kanyang ina.
Niyakap nila uto upang kumalma naman siya.
Habang nakaupo siya sa labas ng ospital halos maubos ang buo niyang pagkatao. Naisip niya na sobrang mali na iwanan niya sila. Dahil mula sa simula pa ay siya na ang inisip ng nga ito. Ang magiging kinabukasan niya kapag wala na sila sa tabi niya. Dito naisip jiya na kailangan siya ng pamikya niya at hindi niya sila pwedeng pabayaan.
Alam niyang magiging masakit sa kanilang dalawa ni Storm. Kakayanin nga ba niya ang anumang pwede pang mangyari?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (185)

  • avatar
    Krislam Catabijan

    how to heal

    08/04/2023

      0
  • avatar
    Joshua Gabato

    good story

    25/02/2023

      0
  • avatar
    Yrene Lei

    ang ganda ng story

    13/02/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด