logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 15 PERSONAL SECRETARY

Halos mapasigaw si Ashy sa narinig. Kung nkabukas lang ang pintuan ng kotse ni Jem bka nahuli na ito sa pagpoprotesta. Kung di lang niya naisip na maaari silang madisgrasya baka nasabunutan na niya ito.
"Seryoso ka!?" Sagot nitong napabilog ang mata na halos lumuwa na ito.
"Well, what friends are for diba? Ganun ka kalakas sa akin. So congratulationa sa bago mong trabaho," tawang sabi nito. Habang tinutuon ang sarili sa pagmamaneho.
"You know what, I might think that you are doing this on purpose. How crazy. Alam mo hindi ito pwede ehh.dapat matigil to ehh.." protestang sagot ni Ashy na mukhang may binabalak xa.
"Ohhhhh??? No.. no...!" Sagot ng kaibigan sabay kaway sa mga daliri nito.
"Lahh, baliw ka na.. Ako talaga ang inilagay mo sa ganung sitwasyon? Nakakahiya ka, gigil ako sayo alam mo ba?" Himutok ni Ashy na walang nagawa kundi sumandal na lang sa upuan ng sasakyan..
Itinaas ang mga kilay nito sabay irap sa kaibigan na tinawanan lang naman ni Jem.
"Alam mo sissy hindi ka dapay ng-aalala masyado ehh. Kasi pumayag naman siya," sabi pa nito sabay tawa ng malakas.
"What??? Ohhh my!! Jem seryoso ka ba sa mga pinagsasasabi mom? Alam mo? Ito na yata 'yung pinaka sa pinaka-nakakahiyang pangyayari sa buhay ko. Hala...!! Daig ko pa ang walang mapasukang trabaho sa ginawa mo ehh?" Gigil na sagot nito.
"Gaga wag ka ngang OA? Trabaho lang yun. Isa pa there's nothing to be afraid of. Unless,ay dapat kang ikatakot." Makahulugang tingin ang ibnigay niya sa kaibigan.
Tumahimik na lang ng tukuyan si Ashy. Ano pa nga ba ang magagawa niya ehh ipinagkanulo na siya ng dakila niyang kaibigan. Ayaw din naman niya na lumabas itong kahiya-hiya kapag hindi ito sumipot bilang personal secretary nga bago nilang boss.
"Ohh natahimik ka na diyan. Galit ka ba?" Tanong nito habang nakatiin parin sa daan.
"Bakit naman ako magagalit. Maliit na bagay. Naisip ko lang, kubg anong klaseng boss si Mr. Chavez. Mukha naman siyang mabait pero ayokong magsalita bg tapos." Bumuntong-hininga siya 'saka tumingin sa kaibigan.
"Makilala mo din naman siya. Basta ako ang alama ko ngayon ehh." Panandalian muna itong ngumiti ng makahulugan saka nagsakita ulit. "Gwapo siya, mayaman at mabango at...." tumawa pa ito ng malakas.
"At?"
"At masarap....masarap magmahal." Bulong nito sa kanya.
Tawanan na lang silang magkaibigan, ganun sila lagi.. Tatawanan ang mga bagay na pinaggagagawa ng isa pero in the end hindi nawawala ang pag-aalala sa kung anong sitwasyon meron sila.
"Ash, okay lang bang magtanong?" Ngumiti ito tsaka tumingin sa kanya panandalian.
"Ano yun?" Taka namang tanong ni Ash sa kanya.
"Hindi ka magagalit?"
"Para kang sira, bakit naman ako magagalit ehh magtatanong ka lang naman? Bakit may nagawa kang krimen? Maliban sa ipinagkanulo mo ako sa boss natin?" Kunwaei ay nagtatampong sagot nito.
"Uyy wala ha? Ash, minsan ba hindi sagi sa isip mo na magka-boyfriend? I mean, its been so long since, alam mo na... minsan ba hindi mo naisip na magkaboyfriend na lang ulit?" Kagat labing lumingon ito sa kanya.
Tumingin ito sa kaibigan pero binawi din niya ang tingin dito. Ito yata ang tanong na hi di niya kayang sagutin sa mga oras na iyon. Bakit nga ba ni minsan hindi yun sumagi sa isip niya? Bkit hanggang sa mga panahong ito ay blangko parin ang puso niya tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa personal na pag-ibig?
"Okay lang kung hindi mo sagutin. Naiintindihan ko naman ehh. Mas okay nga yun ehh para naman hindi lang ako yung single." Sinubukan nitong magbiro para gumaan ang sitwasyon.
"Hindi ko din alam. Siguro dahil priority ko sina mama at kapatid ko. Nkafocus ako lalo na kay mama. Wala na si papa at ako na lang ang pwede niyang asahan. Bata pa naman ako at hindi din naman ako nagmamadali." Sagot nito kasabay ang isang tipid na ngiti.
"Sabagay.. hindi ka pa naman mahuhulog sa kalendaryo."
"Bakit mo natanong?" Balik na tanong nito sa kanya.
"Wala naman. Naisip ko lang baka kasi.." hindi natuloy ng kaibigan ang sasabihin.
"Baka hanggang ngayon apektado pa ako s anangyari sa amin ni Storm. Na baka hanggang ngaun hindi ko pa siya nakakalimutan,na baka mahal ko pa siya at hinihibtay ko siyang bumalik na alam naman nating pareho na hindi na mangyayari. Hindi na mangyayari kasi masaya na siya kung nasaan siya ngaun s apiling ng pamilya niya. Siguro may mga bagay na mahirap kalimutan. Naging bahagi siya ng buhay ko, nagibg masaya kami kahit sa mali nagsimula ang relasyon namin. Pero wag mo ring kakalimutan na may mga bagay na sobrang nakasakit sa akin. Tinalikuran niya ako nang mga panahong kailangan ko siya. Mas pinili niya na sumama kay Girlie kasi nga mag-kakaanak na sila nuon. Nangako lang siya sa akin Jem, pero hanggang dun lang 'yon." Mahabang sagot niya rito.
"Paano kung bumalik siya? Paano kung narealize niya na ikaw talaga ang mahal niya at nagkamali siya sa naging desisyon niya?" Tanong ng kaibigan na sadyang binagalan ang takbo ng sasakyan.
"Kung babalik siya wala akong magagawa. Una, hindi ko pag-aari ang bansa, pangalawa may mga tao siyang babalikan dito. Mga magulang niya. Pero kung ang pinupunto mo ay ang bumalik siya sa buhay ko? Hindi na 'yon mangyayari." Seryosong sagot nito.
"Mahirap magsalita ng tapos Ash. Hindi natin kontrolado ang mga bagay na mararamdaman natin. Paano kung isang araw maadan mong mahal mo parin talaga siya? Na siya talaga ang hinihintay ng puso mo?" Sagot ni Jem sa kanya habang seryoso iyong nakatingin sa kanya.
"Kung darating man ang panahon na iyon, pipiliin kong hindi sundin ang puso ko Jem. Pipiliin kong masaktan ng minsanan, hindi ko hahayaang maulit lang ang nangyari sa amin nun. Mas gugustuhin kong magmahal ng iba, wag lang siya." Matinding turan nito sa kaibigan.
Hindi na sumagot pa ang kaibigan dahil alam niyang lumalabas ang galit nito kapag si Storm ang usapan. Hanggang sa marating nila ang bahay nito at nagpaalam na siya.
"Salamat sa paghatid ha? Ingat ka pag-uwi." Hinalikan niya ito sa pisngi tsaka tuluyang bumaba ng kotse.
Hinintay niyang mkaalis ang kaibigan. Matagal siyang nakatayo sa labas ng bahay nila ng di niya namalayang napaluha na siya. Hindi niya mawari kung epekyo ba ng alak na ininom niya o sadyang nalungkot lang siya sa biglang pagkakasali ni Storm sa usapan nila ng kaibigan. Tama nga naman kasi ito. Si Storm naman talaga ang dahilan kung bakit hindi niya magawang magmahal ulit. Dahil takot siya, yun nga ba ang tamang dahilan? Oo takot siya na hindi niyaagawang mahalin ang lalakeng magiging karelasyon niya. Dahil sa mga panahong iyon, si Storm parin ang laman ng puso niya, kahit pa sabihing kinasusuklaman niya ito.
Papasok na sana siya sa loob ng bahay nila ng biglang may magbukas ng gate nila.
"Ohh Ashy andiyan ka na pala. Kararating mo lang ba?" Tanong ng mama niya sabay halik sa kanya.
"Opo ma, hinatid na ako ni Jem ayun kaalis lang niya," sagot nito na ikinuku li ang mga matang basa sa luha.
"Ohh siya halika na at ng makapagpahinga ka na." Ngumiti ito sa kanya.
"Bakit gising pa kayo ma? Diba sabi ko wag niyo na akong hintayin?" Tanong nito sa ina.
"Kilala mo naman ako, hindi ako makakatulog hanggat alam kong wala ka pa dito sa bahay. Normal na iyon sa akin Ashy, 'wag ka ng magtaka pa. Ikaw kumusta naman ang party. Kunusta ang bagong boss niyo?" Tanong nito na excitedagtanong sa anak.
"Okay naman ma, mkha namang mabait. Tsaka mukhang approacheable nan kasi nakaibigan agad siya ni Jem. Kilala niyo naman si Jem, bsta may bagong salta kinakaibigan niya.. Halos lahat na nga yata ng tao sa bawat sulok ng kumpanya kilala niya." Natatawang sagot niya rito.
"Ehh ikaw, hi di mo ba siya nakilala? Ibig kong sabihin kung nakausap mo ba.?"
"Hindi ma,bigla po kasing sumakit ang ulo ko. Napadami yata ako ng nainom kaya nauna na ako sa sasakyan. Hindi ko nga nkausap peroaraw-araw ko naman siyang makakasam." Buntong-hinibgang saad nito.
"Bakit?"
"Nakoh ma,kagagawan nanaman ni Jem,naghahanap daw si sir ng personal secretary, tama ba naman na ako yung iprisinta niya na hindi man lang ako tinatanong kung papayag ako?" Turo nito sa sarili na waring nagsusumbong sa ina.
Natawa na lang ang mama nito sa itsura niya habang nagkukwento.
"Ma??"
"Pasensiya ka na Ash, natawa lang ako sa ginawa ng kaibigan m. Baka naman gwapo ang boss niyo kaya ikaw ang iniluklok niya dun? Alam mo naman iyang kaibigan mo, isina na yata niya sa obligasyon niya na hanapan ka ng boyfriend."natawang sabi nito sabay oikit na lang.
Natawa na lang din siya sa sinabi ng ina. Malamang sa malamang ay ganun na nga ang role ng kaibigan sa buhay niya. Sumubok na din naman siya minsan nuon na i-mate siya sa kung sinong lalake pero hidi niya magustuban kahit pa sabihing mayayaman angga ito. Siguro ay nasa kanya talaga ang mali.
"Hmmm wag ka nanamang mag-isip..mabuti pa pumasok ka na sa kuwarto mo para makapagpahinga ka na." Yaya ng ina.
Sumunod na rin siya ruto sabay pasok sa kwarto niya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (185)

  • avatar
    Krislam Catabijan

    how to heal

    08/04/2023

      0
  • avatar
    Joshua Gabato

    good story

    25/02/2023

      0
  • avatar
    Yrene Lei

    ang ganda ng story

    13/02/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด