logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

Mag-a-alas onse na ng gabi nang marating ko ang bahay mula sa fishing port ni Papa. Kagabi 'yon. Wala na si Kervy kaya wala akong naharap na bisita. Kaso, pag-uwi ko galing sa University kaninang tanghali, nakita ko siya sa patio kasama si Mama at masaya silang nagta-tsa. Dito sa bahay na rin daw kumain ng tanghalian si Kervy na kinataas ng kilay ko.
Bumuga siya ng hangin. "Hindi ko na alam kung gagawin ko sa 'yo, Rishell."
Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. Nabaling ang tingin ko sa malawak na lupain ng El Grande Lat. Bumuntong-hinga ako. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko sa kaniya. Nakakairita na ang pagmumukha niyang paulit-ulit na bumibisita rito sa bahay. Hindi naman sinisita ni Mama kaya sa tingin ko namimihasa.
Tinuro ko ang bundok na kitang-kita mula rito sa teresa ng bahay. "Kung mag-hike ka kaya? Doon, o. Libre sa bundok. Para magkaroon naman ng purpose ang buhay mo."
"Rishell."
"Bakit ba palagi kang nandito, Kervy? Hindi ka naman kailangan dito sa bahay," sabi ko sabay halukipkip. Sumulyap ako sa kaniya. "Wag kang mamihasa. Nagiging hospitable lang si Mama kaya pinapatuloy ka rito."
Ngumiti siya at sinilid sa bulsa ng pantalon ang magkabilang kamay. "Hindi ba sinabi kong nanliligaw ako? Kaya ito, nagdala ako ng paborito mo." Kinuha niya 'yong eco bag na nakapatong sa mesa at binigay sa akin.
Kunot-noo ko naman 'yong tinanggap.
"Mga libro 'yan ng paborito mong author. Nakuwento mo sa akin noong isang araw na hindi ka naka-order ng libro ni Ara. Kaya, ayan, binilhan kita," dagdag niya.
Sinilip ko ang loob ng eco bag at nawala ang kunot ng noo ko dahil sa apat na bagong libro. Mga bagong release na wala sa koleksyon ko roon sa katabing kuwarto ng opisina ni Papa.
Kumurap-kurap ako at kinagat ang labi. "Salamat." Ngiti akong muling nagtaas ng tingin kay Kervy. "Thank you so much, Kurt Vincent!" Patalon pa akong yumakap sa kaniya.
Natawa siya at gumanti ng yakap. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko. "You're welcome. Hindi ka na galit?"
"Hindi." Umiling-iling ako. "Sige, pagpatuloy mo 'yong panliligaw mo sa akin." Kumalas ako sa yakap.
Tumaas ang kilay niya at ngumisi. "Dahil lang sa libro kaya payag kang ituloy ko? Parang kanina lang... halos isuka mo na ako."
"Ikaw naman." Pabiro ko pa siyang hinampas sa braso at mahinhing tumawa. Inipit ko pa ang buhok sa tainga sabay ngiti nang matamis kay Kervy. "Hindi ka na mabiro. Ang gwapo-gwapo mo kaya, saka answerte ko kasi may tagabigay ng libro sa akin. Hindi na ako mamomoblema sa pagko-collect."
Napaikhim siya bigla at ngumisi. "Parang hinuhuthutan mo naman ako, Rishell."
Humalakhak ako. Napakamot naman siya sa batok. "Ikaw ang pursigido diyan. Sige na, may cake at ice cream doon sa ref. Ubusin mo lahat, ha? 'Wag kang magtira," asar ko pa sa kaniya.
"Sandali." Dinukot niya sa bulsa ang RedMi niya at may sinagot na tawag. "Anong balita?" Ilang minuto siyang nakinig sa kabilang linya. Tapos, bahagyang kumunot ang noo niya sabay sulyap saglit sa akin. "Sige, pupunta na ako riyan. Sabihan mo si Jaxx." Binaba niya ang tawag at ngumiti sa akin. "May emergency sa kompanya. Ayos ba na iwan na kita rito, Rishell?"
Malapad akong ngumiti. "Oo naman. Mabubuhay naman ako kahit wala ka." Bumungisngis ako. "Basta tuloy-tuloy lang 'yong libro, baka sasagutin na kita forty years later."
Natawa siya. "Sige, hihintayin ko 'yan." Humalakhak na naman siya, tapos hinagkan niya ako sa noo bago naglakad paalis ng teresa.
Bumuntong-hinga ako sabay baba ng tingin sa eco bag. Saan ko kaya 'to itatago? Tumingin ako saglit sa bundok bago pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko pa ang likod ni Kervy habang bumababa sa hagdan. Magkatapat lang kasi ang teresa at hagdanan. Lumiko ako sa hallway papunta sa kuwarto ko. Naraanan ko pa ang nakasarang pinto ng kuwarto nina Mama at Papa.
Agad akong pumasok sa loob ng kayumangging pinto. Naglakad ako palapit sa cabinet at tinago roon ang ang eco bag. Dadalhin ko nalang 'to sa University bukas, tapos pupunta na lang ulit ako sa fishing port.
Nagbihis ako ng damit pambahay bago humilata sa maputing kama. Amoy na amoy ko pa ang mabangong lavender na may halong lemon. Naalala ko tuloy si Levi. Ganito 'yong perfume na gamit niya sa dock. Naamoy ko nang dumaan siya sa akin no'n. Napangiti ako. Dapat mag-post ako ng thank you sa page niya.
Akmang babangon ako para kunin ang cellphone pero naalala kong nahulog ko pala 'yon sa dagat. Teka. Napabalikwas ako ng bangon. Bibili pala ako ngayon ng bagong cellphone. Kaso... nalimutan kong humingi kay Papa ng pera. Alam ko namang hindi ako bibigyan ni Mama. E, sa'n ako hihingi ng pera?
Napatingin ako sa landline at napangisi nang may maisip. Mabilis akong lumapit sa telepono at tinipa ang cellphone number ni Kervy. Alam kong hindi pa 'yon nakakalayo. Nasa Arbor lang 'yong opisina niya, saka alam kong hindi niya ako tatanggihan. Napatingin ako sa balkonahe nang sumayaw ang manipis at kulay dilaw na kurtina.
Tatlong ring pa nang sumagot siya. "Hello."
"Hi, Kervy," impit na sabi ko. Pinaliit ko pa ang boses. "Amm... saan ka ngayon?"
Nanatili ang titig ko sa kurtina. Ilang araw na bang nakasabit 'yan diyan? Wala bang kumuha na katulong? Ah, wala pa namang isang linggo. Sa susunod nalang siguro. Bumalik ang atensyon ko kay Kervy nang magsalita siya. "On the way to Sumaya Heights. Napatawag ka, Rishell? May kailangan ka?"
"Amm... oo e. Pwede mo ba akong bilhan ng cellphone?" Nakagat ko ang labi sa pagpipigil ng ngisi. "Pero... sige, wag na lang --"
"What brand?"
Tinakpan ko ang receiver ng telepono at impit na sumigaw. Umikhim ako. "Amm... basta abot sa budget mo. Pero pwedeng version 10? Gusto ko kasing i-dark mode ang favorite reading app ko." Mahinhin pa akong natawa. Sana naman, mabili niya 'yon hinihingi ko.
"Walang problema basta ikaw."
"Aww... tenkyu Kervy. You're so megesh... generous!"
Narinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya. Naiiling akong napangisi sa tawa niya. Hay, ewan ko talaga sa kaniya kung bakit ang martir niya sa akin.
Alam ko namang maganda ako, pero gwapo naman siya. Mayaman, mabango pa. Marami pang babaeng nagkakarandapa sa kaniya pero bakit sa akin pa niya sinisiksik ang sarili niya?
"Sige na, Rishell. Ipapadala ko na lang diyan sa bahay niyo mamaya."
"Alright. Salamat, Kurt Vincent."
"Hmm..." Narinig ko ang mahinang tunog ng stereo. "You're welcome."
Binaba ko agad ang telepono. Napahinga tuloy ako nang malalim. Totoo siguro 'yong sinabi niyang hinuhuthutan ko siya. Pero, gusto naman niya, e.
Isa pa, mayaman 'yon. Hindi madaling mauubos pera no'n sa bangko. Kaya lang, nakakakonsensya. Wala kasi akong planong sumagot sa kaniya. Di bale, ibabalik ko nalang lahat ng binigay niya in the future. Except sa mga libro. Siyempre, akin na mga 'yon. Binigay niya, e.
NATAPOS ko na 'yong isa sa mga binigay ni Kervy na libro habang hinihintay ko 'yong cellphone. Nasa ikalawang kabanata na ako ng pangalawang libro nang may kumatok sa pinto ng kuwarto ko.
Agad kong tinago pabalik sa cabinet ang mga libro bago binuksan ang pinto. Si Jemima. As usual, mukha na naman siyang kambing dahil sa bubble gum na ningunguya niya.
"Pinadala ni Sir Kurt, Miss." Inabot niya 'yong box ng cellphone.
Tinanggap ko 'yon sabay ngiwi. "Mukha kang kambing Jem. 'Wag kang nguya nang nguya diyan."
"Nang-iinsulto ka, Miss?"
Umiling ako. "I'm just stating a fact."
"Ok," sabi niya sabay alis. Aba! Tiningnan ko lang ang papalyong bulto niya.
Wala talagang respeto. Hindi ko naman masumbong kay Mama kasi in the first place, nag-volunteer lang 'yon dito. Isa pa, alam ni Mama na pangit ang ugali no'n. Ewan. Basta hindi ko na problema ang ugali niya.
Pumasok ako sa kuwarto at binuksan ang box. Naupo ako sa kama at nilabas ang accessories saka ang cellphone.
Woah. Xiaomi Note 10?
Napangisi ako. Agad kong in-on ang cellphone at kinonekta ang WLan connection sa wifi ng bahay. Nag-download ako ng reading app, tapos dumiretso sa Youtube. Hinanap ko 'yong offical channel ng Vine at nag-stream.
Nang matapos ko lahat ng bagong videos, nagpunta ako sa Facebook at hinanap na naman ang official fanpage nila.
Pangiti-ngiti akong nag-scroll up and down sa timeline ng page pero natigilan ako nang makita ko ang naka-sideview na picture ni Levi. Pagtingin ko sa react, almost one hundred lang. Aba, hindi 'to maganda.
'Yong picture ni Ariel, umabot ng two thousand ang react pero ampanget naman niya ro'n kasi naka-wacky.
Ba't gano'n? Naka-sideview ang gwapong Levi ko pero anliit ng react, samantalang ampanget ni Ariel sa picture pero andami ng react. Nasa'n ang hustisya?
Mabilis kong pinusuan ang lahat ng picture ni Levi at nag-post ng message para sa kaniya sa timeline ng account ko. Sana maligaw siya minsan sa timeline ko. Friend naman kami nina Tiden at June sa Facebook. Baka makita niya 'yong mukha ko sa recommendations.
Bigla na lang nag-pop up 'yong chat head ng Messenger. May nag-chat sa group chat ng Talimaners, official gc ng mga readers ni Ara Taliman. Nagfi-flex sila ng mga bagong release. Napangisi ako.
Agad kong kinuha ang mga librong binigay ni Kervy at pinicturan sabay send sa gc. Hakot agad ng maraming reacts at replies. Natawa ako.
Hindi pa raw dumadating 'yong mga orders nila. Noong nakaraang araw pa raw binuksan ang orderan kaya namangha sila nang nakuha ko na agad. Natawa na naman ako. Itanong nila kay Kurt Vincent Tañedo kung paano siya nakakuha agad.
Ilang oras rin akong nakaharap sa cellphone nang bigla na lang nawala ang koneksyon ng wifi. Napasimangot ako. Si Mama na naman ang dahilan no'n panigurado.
Bitbit ang bagong cellphone, lumabas ako ng kuwarto at bumaba sa hagdanan. At ayun, nakita ko si Mama na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng magazine. Nakabukas na ang ilaw ng chandelier sa sala. Pagtingin ko sa labas ng main door, nakita kong madilim na nga.
Bumaling ulit ako kay Mama. "Ma, patay na naman 'yong wifi," reklamo ko.
Sumulyap siya sa akin. "Bubuhayin ko mamaya. Alam kong lalabas ka sa lungga mo 'pag patay na ang wifi."
"Ma naman..."
Pinandilatan niya ako ng mata. "Ayaw mo kasing bumaba. Alam mo ba kung anong oras na? Halos alas-siyete na ng gabi. Kumain ka na ng hapunan para iwas puyat."
"E, hihintayin ko na lang si Papa."
"Doon siya sa port matutulog."
Napanguso na lang ako at naglakad papunta sa dining area. Huminto ako bigla at lumingon kay Mama. "Tapos na kayong kumain?" tanong ko.
Tumango siya sabay pakli ng magazine sa sunod na pahina. Ngumuso ulit ako at nagmartsa ulit papuntang dining area na katabi lang din ng kusina. Inaya ko nalang 'yong katulong na kasalukuyang naghuhugas ng plato pero tapos na rin daw siyang kumain.
Kaya ayun, mag-isa ako sa hapag. Kung hindi lang tumawag 'yong unknown number, baka mababaliw ako sa sobrang tahimik ng hapag-kainan. Umikhim ako. "Si Rishell 'to," sabi ko sa caller. "Paki-text nalang kung hindi importante."
Narinig ko ang mahinang tawa sa kabilang linya. "Ayos ba 'yong cellphone?"
Nangunot ang noo ko sa pamilyar na boses. "Kervy?" panigurado ko. Tiningnan ko pa 'yong screen. Number nga ni Kervy. "Paano mo nalaman ang cellphone number nito?"
"Ako ang bumili. Paanong hindi ko malalaman?"
Hilaw akong natawa. "Ah, oo nga naman. Amm, salamat ulit dito."
Natahimik kami. Narinig ko tuloy 'yong tiktak ng wall clock sa itaas ng pintuan ng kusina. Sa kaliwa 'yong kusina habang nasa kanan naman 'tong hapagkainan. Medyo malawak-lawak kaya hindi magkakabanggaan ang mga katulong.
"Kumain ka na?" biglang tanong ni Kervy.
Kinuha ko ang basong may lamang tubig na nasa tabi ng pinggan ko. Sumimsim ako bago sumagot. "Kumakain ako ngayon."
"Gano'n ba? Sige. Ibababa ko na 'to. Matulog ka nang maaga. May exam ka pa bukas."
Nanlaki ang mga mata ko. "Pati sched ko sa school, alam mo?" Naningkit ang mga mata ko. Nag-i-stalk ba 'to sa akin? Aba... 'wag naman sana!
Natawa siya. "Nakwento mo sa akin. And Rishell, I'm not into stalking."
"Mabuti naman." Tumango-tango pa ako. Binaba ko sa mesa ang baso at bumuntong-hinga. "Sige na. Naiistorbo mo na ako."
"Goodnight, Rishell."
Narinig ko na lang ang buzz sa kabilang linya. Siya ang unang nagbaba ng tawag. Himala nga. Palaging ako ang unang nagbababa ng tawag, e. Hmm... siguro masyadong busy sa opisina.
Early twenties pa kasi 'yon pero may hinahawakan nang fifty condos na nakapangalan sa kaniya. Ginawa na lang niyang negosyo. Tapos, masyadong nawili kaya binili 'yong buong building.
Binili na naman 'yong katabing building hanggang nakapagpatayo ng isang real time real estate business. E, diskarte lang puhunan no'n at hindi utak. Napapaisip tuloy ako minsan. Wala naman akong utak. So, magiging successful din ako someday...?
Nakagat ko ang labi para pigilan ang sariling tawa.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (63)

  • avatar
    Jeriza Balarote Gloria Madrigal

    i think its based on true story,,,,grabe nangilabot akoh ng mabasa koh toh, super ganda.... lalo yung pinglabanan nya na mkawala under sa possesion ng cult,,, God is the highest above all !!!!!! Hindi ngwawagi ang kasamaan kailan pa man, kailangan lng ntng tanggapi n si Jesus sa ating puso at paghariin sya,😘😘😘😘😘😘😘 salamat author!!!!

    09/12/2021

      0
  • avatar
    MsBrattyGirl

    Just by creating this story, I know na yung mga nakabasa nito is mas tumibay pa ang pananalig kay God. Thank you for this wonderful story of yours mas lalo pang tumibay yung pananalig ko kay God. I'm an Adventist. Though hindi tayo same ng religion at least pareho tayong may pananalig kay God. Yung nasabi mong Idolatry is a sin nabanggit na ng preacher yon sa religion namin so I believe na tho we're not in same religion but we're the same by believing and trusting our God.

    23/11/2021

      4
  • avatar
    Ei Gie Corpuz

    Super ganda ng story, it opens the eyes of the reader about what happens in the reality today na sa sobrang nawiwili na tayo sa mga bagay bagay nakakalimutan na natin ang Diyos.

    14/11/2021

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด