logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

Naratnan ko si Papa sa opisina niya. Busy siya sa pagkalkal ng papeles pero natigilan nang makita akong basang-basa. Tumaas ang kilay niya. "Lumusong ka? Masyadong marumi ang tubig diyan sa pier."
"Hindi, Pa. Nahulog lang."
Mas lalong nangunot ang noo niya bago pinagpatuloy ang pagkalkal. "Maligo ka na muna at magpalit. May damit ka naman siguro sa kabila."
Humalukipkip ako. "E, kasi Pa, sino ba 'yong Engineer Lyndon? Napakapakialamero niya. Binilhan pa ako ng damit at pinagsabihang hindi na raw ako dapat magpunta sa dock."
Natigilan siya at kunot-noo akong tiningnan. "Nasa'n siya ngayon?"
"Ayon, bumili na muna sa Gaisano."
"Bakit nagpunta siya ro'n? Marami ka namang damit diyan sa kabila."
"Ah, hehe." Nagkamot ako ng batok. Nakasalubong ko kanina 'yong Engineer na 'yon habang papasok sa Larica building. E, ayaw tumigil sa kakatanong kaya... Umikhim ako at ngumiti. "Kasi nga naiinis ako sa kaniya kaya pinabili ko nalang," saad ko.
"Binigyan mo ng pera?"
Umiling ako. "Sabi niya may pera siya."
Bumuntong-hinga si Papa at umiling-iling. "Magpunta ka na sa kabila. Gabi na at baka magkasakit ka."
"Sige, Pa. Pero sino ba si Engineer Lyndon?"
At bakit sobrang pakialamero ng isang 'yon? Pinaghinalaan pa akong sangkot sa patayan doon sa Boljoon. Napaismid ako.
"Rishell. Abala ako ngayon. Magbihis ka na," sabi ni Papa.
Nagkibit-balikat ako at tumango bago lumabas mula sa opisina niya. Binuksan ko ang pinto sa kabila at pumasok sa loob. Nakita ko na naman ang malaking poster ng Vine na nakadikit sa dingding.
Ngiting-ngiti si Levi habang nakatingin kay Nicole na nakaharap sa kamera. Hay nako. Pati poster naka-sideview siya. Ang mas masakit, titig na titig siya kay Nicole. Naman, Levi. Pero ayos lang.
Bumungisngis ako. Naka-iskor naman ako kay Levi malabs kanina.
Ngumuso ako at nagpunta sa munting balkonahe. Nasa second floor kasi ang opisina ni Papa at malapit lang sa bagsakan ng isda ang gusali kaya kitang-kita ko rito ang Pasil Fish Market. Nagliliwanag ang palengke dahil sa malalaking ilaw sa labas. Napayakap ako sa sarili nang umihip ang hangin. Ay, basa pa pala 'tong damit ko. Makabihis na nga.
May kumatok bigla sa pinto. Baka si Engineer na  'yon. Mabilis akong bumalik sa loob at binuksan ang pinto. Pero nagulat ako nang makita ko si Papa. Kunot ang noo niya. "Tumawag ang Mama mo. Pinapauwi ka. Bakit hindi niya ma-contact ang number mo?"
Napakurap ako. "E, kasi Pa, nahulog sa dagat. Nandoon sa ilalim kaya hindi ko na nilangoy. Madilim-dilim na kasi."
Huminga siya nang malalim at hinawakan ang bridge ng ilong. Mannerism na niya yata. "Bumili ka ng bago bukas at 'wag kang maligo riyan sa pier. Magpunta ka sa Badian at doon ka maligo. Hindi kita pinalaki para mag-amoy basura."
Inamoy ko ang sarili saka hilaw na ngumiti kay Papa. "Sa susunod na, 'Pa. Sige po. Salamat po."
"Magbihis ka, Rishell."
"Yes, po."
Tumango lang siya bago bumalik sa opisina niya. Sinara ko ulit ang pinto bago nagpunta sa cabinet.
Sus, ngayon lang naman ako nag-amoy basura. Saka sulit kasi nakasama ko si Levi. Hihi.
Katatayo ko lang doon nang may kumatok na naman. Ngumuso ako at muling lumapit sa pinto para buksan. Si Engineer na nga.
Naningkit ang mga mata ko. "Bakit ngayon ---" Natigil ako sa pagsasalita nang may napansin ako sa polo shirt niya. May malaking pulang mantsa doon. Nangunot ang noo ko. "Anong nangyari diyan? Saka..." Humakbang ako palapit, lumuhod sa harap niya, at inamoy 'yong mantsa sa bandang tiyan niya. "Amoy... dugo ng isda?"
"What are you doing?"
"Huh?" Tumingala ako sa kaniya.
Madilim ang awra niya. Mariin pang nagtagis ang bagang. Doon ko napagtanto ang pwesto ko kaya napakurap ako bigla.
Sheems!
Mabilis akong tumayo at pinagpag ang damit. Umikhim ako. "Pasensya. Nasa'n na 'yong d-damit ko?"
Inabot niya sa akin ang supot. "Sa susunod, 'wag kang basta-bastang lumuluhod sa harap ng lalaki. Pangit tingnan. Baka kung anong isipin ng iba."
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Malay ko bang may titingin sa amin? E, exclusive naman 'tong second floor saka gabi na. Hindi naman pansin kung luluhod ako sa harap niya, a?
Saka hindi ako manyakis! Baka kung anong isipin ng iba daw, eh sa aming dalawa, siya yata ang mukhang professional na manyakis!
Nag-iwas nalang ako ng tingin at mabilis na kinuha ang supot mula sa kamay niya. "Inaamoy ko lang 'yong damit mo," depensa ko. "Saka, anong nangyari? Hindi ka naman siguro lumusot sa Fish Market?"
"Magbihis ka na," sabi niya tapos unti-unting inalis ang pagkakabutones ng polo shirt. "Nasa'n ang Papa mo?"
Nanlaki ang mata ko sa ginagawa niyang paghuhubad. Oh, 'di ba? Siya talaga ang manyakis sa aming dalawa! Huh, may gana pang ibato sa akin ang pagiging manyakis niya, a? Umirap ako. "Ginagawa mo riyan?"
Tumaas ang kilay niya saka tuluyang inalis ang polo. Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong may suot pa pala siyang sando sa ilalim. Alam kong manyakis siya pero ayokong may mag-eskandalo rito!
Baka may girlfriend 'to, tapos makita niyang hubad ang boyfie niya sa harap ko, tapos susugurin niya ako. Tapos pagkakalmutin ang mukha ko. Napangiwi ako sa naiisip. 'Yan naman 'yong cliche na plot sa mga nobela, e. Buti nalang at nasa real world ako, kung hindi... kanina pa nabugbog 'tong mukha ko.
Ni hindi ko pa na-kiss sa lips si Levi kaya dapat lang na ---
"Miss Larica."
"Oh, ano ba?" inis kong tanong. "Kita mong may iniisip pa 'yong tao."
Napailing siya. Saka may gana pang ngumisi na parang nangungutya. "Make sure to take a bath. You smell like a rotten fish." Tapos lumakad siya papasok sa sunod na pinto kung saan ang opisina ni Papa.
Naiwan akong iniisip ang sinabi niya. Rotten fish daw? Nagusot ang mukha ko.
Masama kong tiningnan ang kasunod na pinto. Lalaking 'yon talaga!
TINITIGAN ko siya na parang kriminal. Nakatitig lang din siya sa akin kaya nangunot ang noo ko.
Naka-T shirt na lang siya ngayon at bahagyang basa ang buhok. Mukhang naghilamos o naligo bago humarap sa akin. Naputol ang titigan naming dalawa nang tawagin siya ni Papa.
"Mr. Davies, this is Rishell Joy Larica. Rishell, si Mr. Davies, the head officer of project renovation and expansion of Larica building."
Napatingin ako kay Papa. "Renovation?"
"Yes," salo ni Lyndon. "It's nice to know you formally." Nilahad niya ang kamay para makipagkamay sa akin.
Renovation project, huh?
Marahas kong tinanggap ang pakipagkamay niya. Pinisil ko nang mariin ang kamay niya para malaman niyang gigil na gigil ako sa kaniya. "Yeah," diin kong bulong.
Pero hindi ko lang inasahan ang pagganti niya ng pisil. Natigilan ako. Nakita ko naman kung paano lumapad ang ngiti sa mga labi niya nang mapansin naapektuhan ako sa pisil niyang 'yon. Lech*.
Mabilis kong binawi ang kamay at binaling ang tingin kay Papa. "Uuwi na ako, Pa. Baka galit na si Mama, saka may exam pa ako bukas."
"Magbu-bus ka?" tanong niya.
Tumango ako. "4 hours lang naman ang biyahe."
"Hindi magandang mag-bus. Masyado nang malalim ang gabi." Nagbaba ng tingin sa relo si Papa. "Hintayin mo na lang si Gerard. Siya na maghahatid sa 'yo."
"Pero Pa -"
"Wag matigas ang ulo, Rishell."
Huminga ako nang malalim at bumuga ng hangin. Lihim kong sinulyapan si Lyndon pero mabilis akong napaiwas ng tingin nang magtama ang tingin naming dalawa.
Kanina pa 'to tingin nang tingin, a? Hindi na nakakatuwa!
"Okay," kaswal kong sagot kay Papa. "Doon lang ako sa dock," sabi ko saka tumayo.
Bigla nalang umikhim si Lyndon. "Wag ka nang maligo doon. Hindi na kita bibilhan ng bagong damit."
Unti-unting naningkit ang mata ko sa sinabi niya. "Whatever!"
Natawa siya. Hindi ko na natingnan ang ekspresyon ni Papa dahil dire-diretso na akong lumabas ng opisina niya. Hindi ko talaga matatagalan ang ugali ng inyeherong 'yon!
Hindi niya ako kilala kaya bakit ba siya nangingialam? Maski si Papa nga, hindi nangingialam sa mga gusto ko, siya pa kayang hindi ko kamag-anak?
Busangot akong lumabas ng gusali at nilakbay ang daan papunta sa dock area ng Pier 1.
Madilim-dilim ang paligid dahil malaki ang agwat ng bawat poste ng ilaw. Mabuti na lang at nakabukas na ang beacon ng Pier, kaya nakikita ko ang mga barkong papalaot pa lang mula sa fishing port ni Papa.
Tahimik akong naglakad sa dock area. Umihip ang mabining simoy ng maalat at malamig na hangin.
Hinawakan ko ang laylayan ng suot-suot kong white dress na binili ng pakialamerong lalaki. Kulang nga ang binili niyang set. Walang short. Kaya kaunting taas sa laylayan, kita na agad ang puting panty na binili niya.
If I know, hindi niya talaga ako binilhan ng shorts para makita niya akong suot ang panty na binili niya!
Mga galawang manyak. Alam ko na 'yan!
Mas lalo lang sumama ang pakiramdam ko habang iniisip ang nakangising mukha ng lalaking 'yon.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (63)

  • avatar
    Jeriza Balarote Gloria Madrigal

    i think its based on true story,,,,grabe nangilabot akoh ng mabasa koh toh, super ganda.... lalo yung pinglabanan nya na mkawala under sa possesion ng cult,,, God is the highest above all !!!!!! Hindi ngwawagi ang kasamaan kailan pa man, kailangan lng ntng tanggapi n si Jesus sa ating puso at paghariin sya,😘😘😘😘😘😘😘 salamat author!!!!

    09/12/2021

      0
  • avatar
    MsBrattyGirl

    Just by creating this story, I know na yung mga nakabasa nito is mas tumibay pa ang pananalig kay God. Thank you for this wonderful story of yours mas lalo pang tumibay yung pananalig ko kay God. I'm an Adventist. Though hindi tayo same ng religion at least pareho tayong may pananalig kay God. Yung nasabi mong Idolatry is a sin nabanggit na ng preacher yon sa religion namin so I believe na tho we're not in same religion but we're the same by believing and trusting our God.

    23/11/2021

      4
  • avatar
    Ei Gie Corpuz

    Super ganda ng story, it opens the eyes of the reader about what happens in the reality today na sa sobrang nawiwili na tayo sa mga bagay bagay nakakalimutan na natin ang Diyos.

    14/11/2021

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด