logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2

I think I just died.
Hindi ako makahinga at parang tumigil saglit sa pagtibok ang puso ko habang kaharap si Levi sa ilalim ng dagat. Nakahawak ang isa niyang kamay sa baywang ko at hawak ng isa ang kamay ko.
Nawala na ang shades na tumatakip sa mata niya, kaya kitang-kita ko kung paano niya tinitigan ang mukha ko na para akong interesanting bagay sa mga mata niya.
I just stared back at his face speechless and breathless.
Lumangoy siya paitaas habang tangay ako. Ni hindi ko napansin na nakasungaw na ang mga ulo namin sa tubig.
"Pulled him! Faster!" tili ni Nicole.
Doon ko lang naramdaman ang hapdi sa mga mata ko. Pumikit ako nang mariin at tinakpan 'yon. Pumasok ang tubig-alat sa mata ko pero hindi ko man lang ramdam ang hapdi sa ilalim ng tubig.
"Rishell?"
Kumurap ako at tumingala sa dock. Nakatayo doon si Tiden. Kumurap-kurap pa ako hanggang mawala ang hapdi. Kunot ang noo niya. Nang makita niya nang husto ang mukha ko ay umawang ang bibig. "Rishell!" Bumaling siya kay Levi na nasa tabi ko. "Iabot mo siya sa 'kin, bro!"
Napasinghap ako nang walang anu-ano'y humawak sa baywang ko si Levi at inangat ako mula sa tubig. Mabilis na lumuhod si Tiden. "Rishell, akina kamay mo!" sigaw niya.
Inabot ko sa kaniya ang mga kamay ko. Mahigpit niya 'yong hinawakan at hinila ako paalis sa tubig.
"Hey! Don't leave Levi!" reklamo ni Nicole.
Napaubo ako at napaluhod sa dock. Naramdaman ko pa ang marahang hampas ni Tiden sa likod ko. Narinig ko naman ang pag-ahon ni Levi mula sa tubig.
"Ikaw talaga, Ariel! You always bully my Levi!" boses ni Nicole. "Look, basang-basa na siya! Like eww kung sasakay siya sa kotse nang wet!"
Pasimple akong sumulyap kay Levi. Pinapagpag niya ang ilang sea weeds na nadikit sa T-shirt niya. "You must bring dry clothes for me," sabi niya saka sumulyap sa gawi ko. "... and for her."
Nalunok ko ang sariling laway. Ramdam ko pa ang pag-init ng pisngi ko sa sinabi niya.
Ito ang unang pagkakataon na napansin ako ni Levi. At hindi ko alam kung blessing in disguise 'yong nangyaring kamalasan o hindi. Ilang buwan rin akong nangarap na mapansin niya at ngayon...
"No." Nagusot ang mukha ni Nicole. "We must be there before six, and dahil sa ginawa mo, Ariel, Maingey will be mad at us again! Hindi ko gustong marinig ang voice niyang sumisigaw."
"Nicole," sita ni June. "Alam mong nahawi ni Levi si Rishell kaya dapat tayong humingi ng tawad sa kaniya."
Tiningnan ako ni Nicole at pinasadahan niya ako ng tingin. Tumaas lang ang kilay niya at umirap. "She's okay now. Saka, it's not really good to stay at the dock. Who told her to stand here?"
Kumunot ang noo ni Tiden. "Nicole --"
"Tiden," pigil ko sa kaniya. Marahan akong ngumiti saka nag-iwas ng tingin. "Okay lang ako."
"See? She said it. Okay lang siya so we must move on. Saka we have our meet-up with new sponsors. Mali-late tayo if we'll entertain some... pathetic girl."
"That's enough," sita ni Levi. Humakbang siya palapit kay Nicole saka inakbayan ito.
Mabilis namang inalis ni Nicole ang braso ni Levi sa balikat niya. "You're marumi. Take a bath first. You stinks!"
Sumeryoso ang mukha ni Levi. Hinila nalang niya si Nicole palayo sa dock. Siguro papunta sa kotse o kaya maliligo sa isang public shower sa hotel malapit dito. Hindi ako sigurado.
Ang sigurado ko lang ay niyakap ako ni Levi sa ilalim ng dagat.
Nakagat ko nang mariin ang labi at impit na tumili. Gosh, niligtas ako ng idol ko!
"Rishell," seryosong tawag ni Tiden.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakahalukipkip siya at walang kangiti-ngiti sa labi. Nagsalubong pa ang dalawang kilay. Hilaw akong ngumiti. "H-Hey?"
"Masaya ka pang nahulog sa dagat? Alam mong marumi ang tubig diyan."
Pabiro akong umirap sa kaniya saka tumayo. "At least niligtas ako ni Levi." Impit na naman akong tumili saka hinampas-hampas ang braso ni Tiden.
"Aray -- aray ko! Rishell!" reklamo niya.
Natawa lang ako at hinawi ang hibla ng basang buhok na tumabing sa mukha ko. "Babalik na ako sa Port."
"Ayos ka nga ba? O gusto mong ihatid ka namin sa ospital?" biglang singit ni June. Hindi ko napansin na nasa gilid ko na pala siya.
Ngiti akong umiling. "'Wag na. Ok lang ako saka ayokong mawala ang feels ni Levi." Lumapad ang ngiti ko. "Kita niyo 'yon? Sobrang bait talaga ng idol ko!"
Naningkit ang mga mata ni Tiden. "Mas gwapo kaya ang electric guitarist ng banda," bulong niya saka nag-iwas ng tingin.
Bumaling ako sa kaniya. "You mean, ikaw?" tanong ko. Tumaas ang sulok ng labi ko at tinaas ang kilay. "Mas idol ko si Levi kaysa sa 'yo."
"Ah, gano'n?" Lumapit siya. Humakbang naman ako paatras pero bigla niya akong sinunggaban saka kiniliti.
"Huy! Tama ha! Haha -- sheems Tiden! Yoko na!"
Napahiga ako sa sementadong dock dahil sa kakatawa. Humalakhak si Tiden saka tinulungan akong tumayo nang tuwid.
Biglang umihip ang malamig na hangin. Napayakap ako sa sarili. Hapon na pala. Anlamig!
"Tiden! June!" Napatingin kaming tatlo sa tumawag. Si Ariel. Malapad ang ngisi sa mukha niya habang nakapameywang. "Sasabog na naman si Nics! Tara na!"
Umikhim bigla si June. "Susunod kami!" At humarap sa akin. "Sa susunod, Rishell, 'wag mong ipahiya ang sarili mo para kay Levi. Mag-ingat ka."
Lumabi ako. "Hindi, a."
Nagkibit-balikat si June. "Sinundan mo kami hanggang dito?" tanong niya.
"Uy, hindi, a!" Umiling ako. "Aksidente ko lang kayong nakita rito. Saka hindi ko kasalanan kung ba't tinulak siya ni Ariel kaya sabay kaming nahulog sa dagat."
Ngumiwi si Tiden. "Nasa Port ba ang tatay mo?"
Tumango ako.
Tumango rin siya saka nag-iwas ng tingin. "Maligo ka do'n. Mabaho 'yong tubig na nadikit sa 'yo."
Nagbaba ako ng tingin sa suot ko saka inamoy 'yon. Napangiwi ako sa amoy lumot at basurang nabubulok. "Y-Yeah... mukhang kailangan ko ngang  maligo."
Tumawa si Tiden kaya kunot-noo ko siyang tiningnan. "Anong nakakatawa?" tanong ko.
"Wag ka na ulit tumayo sa dock. Baka sa susunod, tuluyan ka nang malunod sa dami ng basura diyan sa tubig."
Tumaas lang ang kilay ko saka umirap. "Marunong kaya akong lumangoy."
"But you're acting like a damsel in distress, Rishell Joy." Umiling-iling pa si June at humalukipkip.
Ngumuso na naman ako. "Ba't ba ang sama-sama niyo sa 'kin? Kayo nga ang may atraso. Walang text, walang calls. 'Yan ba ang nagagawa ng pagiging idol? Grabe kayo. Tapos pagtutulungan niyo ako dahil lang sa aksidente?"
"Hindi naman gano'n, Rishell." Bumuntong-hinga si Tiden. "Hindi namin gustong may masamang mangyari sa 'yo. Wala na kami sa tabi mo ngayon para protektahan ka. Kaya sana, mag-ingat ka palagi. Please."
Nag-iwas ako ng tingin. "Always naman akong nag-iingat."
"Pero hindi mo pinapakita sa tuwing nandiyan si Levi. Palagi kang na-a-agribyado, hindi ka naman ganiyan dati."
Nagusot ang mukha ko sa sinabi ni Tiden. "Okay lang. Ililigtas naman ako ni Levi kagaya nang nangyari kanina, saka..." Ngumiti ako. "Kahit pa isandaang beses akong magpalangoy-langoy sa dagat ng basura, e, ayos lang. Nandiyan naman si Levi para maging superhero ko hihi."
Humalakhak si June nang mawala sa huwesto ang mukha ni Tiden. Tinapik-tapik pa niya ang balikat ng huli. "Ikaw na bahala sa pinakamamahal mong Rishell, bro. Lumuwag na naman ang turnilyo niyan sa utak. Pakiayos nalang. Higpitan mo." Natawa na naman siya saka naglakad palayo. Mukhang patungo sa kotse ng grupo nila.
Tumingin ulit ako kay Tiden. Wala man lang pinagbago sa hitsura niya. Taka kong winagayway ang kamay sa harap ng mukha niya. "Tiden?"
Umiling siya. Binaba niya ang tingin. "Kailangan ko nang magpunta sa kotse, Rish."
"Okay."
"At 'wag kang maging desperada kay Levi. Mahal no'n si Nicole. Wala kang pag-asa do'n."
Sumimangot ako. "Basag trip ka talaga," maktol ko.
Ngumiti siya saka umiling. "Masyado na kaming busy ni June kaya hindi ka na namin naaalagaan. Pero 'wag kang mag-alala, kapag nakaipon na ako, kakalas na ako sa banda para maalagaan kita, Rishell."
Umiling lang ako at humalukipkip. "Pinaghirapan mo 'yan. 'Wag mong bastang bitawan nang gano'n-gano'n lang. Saka kaya ko naman ang sarili ko."
Tumango siya. "Alam kong kaya mo kahit wala ako." Huminga siya nang malalim saka ngumiti ulit sa akin. "Pagbutihin mo ang pag-aaral, Rishell. 'Wag mo kaming tularan ni June."
Ilang segundo akong napatitig sa mga mata niya. May lungkot doon. Marahan lang ako ngumiti at tumango. "Nag-aaral ako nang mabuti, Tiden." Lumunok ako. "M-Mag-ingat kayo ni June, okay? Na-miss ko kayo..."
Pagak siyang tumawa saka umiwas ng tingin. "Alam mong mahal kita, Rishell. Tandaan mong mahal na mahal kita."
Huling sulyap sa akin bago siya tuluyang tumalikod at humakbang palayo.
Tinanaw ko lang siyang maglakad paalis ng dock area. Marahan akong ngumiti.
Mahal ko rin siya bilang kaibigan...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (63)

  • avatar
    Jeriza Balarote Gloria Madrigal

    i think its based on true story,,,,grabe nangilabot akoh ng mabasa koh toh, super ganda.... lalo yung pinglabanan nya na mkawala under sa possesion ng cult,,, God is the highest above all !!!!!! Hindi ngwawagi ang kasamaan kailan pa man, kailangan lng ntng tanggapi n si Jesus sa ating puso at paghariin sya,😘😘😘😘😘😘😘 salamat author!!!!

    09/12/2021

      0
  • avatar
    MsBrattyGirl

    Just by creating this story, I know na yung mga nakabasa nito is mas tumibay pa ang pananalig kay God. Thank you for this wonderful story of yours mas lalo pang tumibay yung pananalig ko kay God. I'm an Adventist. Though hindi tayo same ng religion at least pareho tayong may pananalig kay God. Yung nasabi mong Idolatry is a sin nabanggit na ng preacher yon sa religion namin so I believe na tho we're not in same religion but we're the same by believing and trusting our God.

    23/11/2021

      4
  • avatar
    Ei Gie Corpuz

    Super ganda ng story, it opens the eyes of the reader about what happens in the reality today na sa sobrang nawiwili na tayo sa mga bagay bagay nakakalimutan na natin ang Diyos.

    14/11/2021

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด