logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 18

"Anong ginagawa mo rito?"
Hindi siya sumagot. Hinila niya ako papunta sa likod ng TVL building. May nadaanan pa kaming mga estudyante pero dahil naka-disguise si Tiden ay hindi kami dinumog. Naku, sikat pa naman ang Vine rito sa CTU-Argao.
Huminto siya at humarap sa akin. Inalis niya ang face mask at ngumiti. "Na-miss kita."
"Kaka-text mo pa lang nitong umaga, miss agad?"
Natawa siya at may dinukot sa bulsa. Inilabas niya ang isang VIP ticket at inabot sa akin. Tinanggap ko agad 'yon. "Na-move ang concert next month. Magiging busy ako sa susunod na linggo kaya binibigay ko na ngayon."
"Saan nga 'to?"
"Sa Bohol."
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Next month?" Napangiti ako. "Good! Semestral break na next month!"
"Kaya maghanda ka. Treat kita ng full package tour sa Bohol kapag malaki grado mo this sem."
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Anong kinalaman ng grado ko sa tour na 'yan?"
"Rewards sa hardwork mo. Kaya check mo na TOR mo at baka hindi qualified para sa rewards."
"Tiden naman, e!"
Natawa siya. "Ano?"
"Hello? Mahina utak ko kaya 'wag na 'yong grado ko. Signatory na lang ng professors sa GMRC ko sa klase."
Umiling siya. "Gusto ko 'yong grado. Kapag kasi malaki, alam kong nag-aaral ka nang mabuti."
"But it doesn't define me as a student!"
Bumuntong-hinga siya. "Palusot lang 'yan. Sa totoong mundo, Rishell, grado ang titingnan ng kompanya. Plus point lang sa resume ang GMRC mo."
"Hindi, a. Anong gagawin ng kompanya sa may utak nga, pero hindi naman mabait? Naku, one month pa lang patatalsikin na 'yan sa kompanya. Hindi makakaligtas ang mga pasaway sa ethic."
Humalukipkip siya. "Rishell, alam mong napakagandang pakinggan ang ideya na 'yan. Pero tingnan mo, kadalasan sa job description, utak ang ginagamit. Pwera na lang kung nagtuturo ka sa SPED. 'Yon, mas malaki tyantsa na matanggap ang palangiti at mahaba ang pasensya." Ngumiti pa siya sa akin na parang nanalo sa loto. Nang-iinis yata ang ngiti niya.
Naningkit ang mga mata ko at humalukipkip. "Basta. Mas lamang pa rin sa akin ang GMRC kaysa sa grades na 'yan."
"Ok. Bahala ka. Pero sa kurso mo? Bachelor of Science in Naval Architecture? Resume pa lang, rejected na."
"Aba!"
Humalakhak siya. Napanguso ako at sinamaan siya ng tingin. Malay ko bang sobrang hirap ng kursong 'yan? Isa pa, kinuha ko lang naman 'yan kasi malaking tulong sa negosyo ni Papa. Hindi ko naman alam na mahirap pala ang pagiging naval architect. Pero interesting kasi ang shipbuilding kaya gora kahit hindi binabasa ang course description.
"Kaya sinasabi ko, Rishell, mag-aral ka nang mabuti. Maraming tao ang gustong mag-aral pero hindi binigyan ng pagkakataon dahil sa kakulangan ng pera. Ikaw na nakakalamang sa buhay, hindi mo alam kung anong hirap ng iba para makapagtapos lang at makakuha ng magandang trabaho."
"Tiden..."
"Hmm?"
"Sabihin mo lang na... ayaw mo akong matulad sa inyo ni June."
Bumuntong-hinga siya at malungkot na ngumiti sa akin. "Gusto kong makapagtapos pero hindi na kaya ni Mama. Nag-aaral ang tatlo kong nakababatang kapatid kaya, heto ako ngayon. Nagpupursige para makarating sa tuktok ang Vine. Para hindi na mahirapan si Mama sa pagiging labandera."
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Alam ko naman na hindi lang pangarap ang dahilan kung bakit halos gumapang na siya para lang maging miyembro ng Vine. Naging saksi ako kung paano dumugo ang daliri niya dahil sa walang pahingang pagtugtog sa gitara, kung paano tumatagaktak ang pawis niya sa pag-e-ensayo ng kanta, at kung paano siya maluha nang sabihin ng manager na tanggap na siya. Na isa na siyang miyembro ng banda.
Lahat nang iyon, nasaksihan ng dalawang mata ko. Kaya... kahit na nahihirapan ako sa kurso kong 'to, pilit ko pa ring pinapasa dahil naging inspirasyon ko si Tiden. Nakita ko ang pursige niya para lang makuha ang inaasam niya, at sa tingin ko makakaya ko ring gawin ang ginawa niya.
"Kailangan ko nang umalis, Rishell. May practice kami mamayang alas-dose. Babalik na ako sa Boljoon."
"Tiden."
"Ano 'yon?" Tumitig siya sa akin. Nakangiti.
Napalunok ako at humakbang palapit sa kaniya. Niyakap ko siya. "Masaya akong unti-unti mo nang nakakamit ang pangarap mo."
"Rishell..."
Pinikit ko ang mga mata at dinama ang pintig ng puso niya. Mabilis 'yon. Parang hinahabol. Narinig ko na lang ang buntong-hinga niya at naramdaman ko ang pagganti niya ng yakap sa akin. Marahan akong napangiti. "Promise... gagawin ko ang lahat para makapagtapos. Kahit na nahihirapan ako sa kurso, makakamit ko pa rin ang diploma. Ako ang magpapatuloy sa pangarap mong makapagtapos, Tiden."
Kumalas siya at hinuli ang magkabila kong pisngi. Napatingala ako sa kaniya. Nagbaba siya ng tingin sa akin. Ngumiti siya. "Wag mo na akong yakapin sa susunod. Halos 'di ko na mahabol ang bilis na tibok ng puso ko."
"T-Tiden."
Hinagkan niya ako sa noo. "Mahal kita noon pa man. Mas minahal kita nang sabay nating inabot ang pangarap ko. At ngayon, nakatatak ka na sa puso't isip ko. Ikaw lang, Rishell. Walang iba."
Napalunok ako. Puno ng sinseridad ang mata niya. Puno ng emosyon. Kailangan ko pang umiwas ng tingin para hindi malunod sa mga mata niya. "Baka ma-late ka."
Ilang minuto siyang tahimik bago nagsalita. "Aalis na ako. Mag-ingat ka." Hinagkan niya ako sa pisngi bago muling sinuot ang face mask at hinala pababa ang suot na bull cap.
Hinawakan niya ang mga kamay ko at hinila ako pabalik sa mataong parte ng University.
Pero nanlaki ang mga mata ko nang maalala 'yong mga gifts ng babae. Nabitiwan ko pala 'yon sa daan!
"Teka, Tiden, 'yong dala ko kanina, nabitiwan ko."
Tumango siya at patakbo naming binalikan ang mga gifts ng mga babae. Pero wala na 'yon sa daan. Huminga ako nang malalim. Paano na 'yan? Baka sugurin ako ng tatlong babaeng 'yon. Napahawak ako sa pisngi.
"Ate! 'Te naman, e. Ito, oh." Napalingon ako sa nagsalita. 'Yong isa sa tatlong babae. Hawak niya ang mga gifts nila at inaabot niya 'yon sa akin. "Grabe ka, 'te. Wag mo namang ilagay sa lupa, baka marumihan," dagdag pa niya.
Hilaw akong napangiti. "Sorry. May emergency kasi kanina." Tinanggap ko ang inabot niya. "Promise, ibibigay ko 'to sa kaniya."
"Promise mo 'yan, 'te, ha? Mabuti na lang ako 'yong nakakita. Baka nasa basurahan na 'yan kapag 'yong maintenance 'yong makakakita. Pasalamat ka rin 'te at ako lang 'to. Kapag si Jaymel, naku, kanina ka pa no'n sinabunutan."
Napakamot na lang ako sa pisngi at nag-excuse sa kaniya. Lumingon ako para sana magpasalamat kay Tiden pero wala na siya sa pwesto niya kanina. Baka umalis na. Naramdaman ko na lang ang pag-vibrate ng Xiaomi sa bulsa ng uniporme ko.
Alam kong nag-text si Tiden. Napabuga ako ng hangin.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (63)

  • avatar
    Jeriza Balarote Gloria Madrigal

    i think its based on true story,,,,grabe nangilabot akoh ng mabasa koh toh, super ganda.... lalo yung pinglabanan nya na mkawala under sa possesion ng cult,,, God is the highest above all !!!!!! Hindi ngwawagi ang kasamaan kailan pa man, kailangan lng ntng tanggapi n si Jesus sa ating puso at paghariin sya,😘😘😘😘😘😘😘 salamat author!!!!

    09/12/2021

      0
  • avatar
    MsBrattyGirl

    Just by creating this story, I know na yung mga nakabasa nito is mas tumibay pa ang pananalig kay God. Thank you for this wonderful story of yours mas lalo pang tumibay yung pananalig ko kay God. I'm an Adventist. Though hindi tayo same ng religion at least pareho tayong may pananalig kay God. Yung nasabi mong Idolatry is a sin nabanggit na ng preacher yon sa religion namin so I believe na tho we're not in same religion but we're the same by believing and trusting our God.

    23/11/2021

      4
  • avatar
    Ei Gie Corpuz

    Super ganda ng story, it opens the eyes of the reader about what happens in the reality today na sa sobrang nawiwili na tayo sa mga bagay bagay nakakalimutan na natin ang Diyos.

    14/11/2021

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด