logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 11

Matangkad si Levi. Mga 6 feet o higit pa. Malapad ang balikat, at may laman ang muscles sa katawan. Tahimik siya. Kanina pa nga ako lunok nang lunok, pinipigilan ang sariling magsalita.
Gusto kong mag-open ng topic pero inaalala kong baka hindi siya umimik at mapahiya lang ako. Patingala akong sumulyap  sa kaniya. Hay... hanggang dibdib lang niya yata ako.
Huminga ako nang malalim at tinuon ang atensyon sa daan. Matapos naming kumain sa restaurant ay dinala niya ako sa cottage nila. Pinahiram niya ako ng isang white dress na binili niya raw kahapon. Para sana kay Nicole kaso hindi raw nagsusuot ni Nicole ng white dress kaya sa akin niya binigay.
Hindi ko na naratnan sina June at Tiden sa cottage kaya pinalagay ko na lang na naglilibot na sa resort. Lumunok ako.
Tinutunton namin ang daan papunta sa isolated na parte ng resort. Nakita ko sa malayo ang ilang cottage na ilang metro ang layo sa isa't isa. Nasa dalampasigan na ang mga 'yon.
Tiningala ko ang ilang coconut trees na nagkalat sa paligid. May ilan ding puno na hindi ko alam kung anong tawag. Maraming single cottages. Lumiko siya sa gilid ng madamong bahagi ng resort. Tapos huminto sa dead end kung saan ang pangpang.
Dumukwang ako sa riles. Maraming malalaking bato sa ilalim ng pangpang, at palaging humahampas ang tubig-dagat sa mga 'yon.
"You want to swim?" tanong bigla ni Levi.
Napatayo ako nang maayos at napabaling sa kaniya. "Mainit pa kasi."
"Come, let's have a sit in shade," aya niya.
Nauna siyang maglakad papasok sa isang lone circular cottage na nakatayo sa gilid lang ng pangpang. Sumunod ako sa kaniya.
Gawa sa nipa ang bubong at may nakasabit na dalawang bolang gawa sa pawid sa sentro ng pointed roof. Mayroong mesa sa gitna, at may upuang gawa sa kawayan na nakadikit sa pundasyon ng cottage paikot sa buong kabuuan. Naupo ako ro'n at tahimik na pinanood ang alon sa dagat.
"So, how are you and Tiden, Rish? That friend of mine is a good guy. Isn't he?"
"Ah." Napahawak ako sa batok at napangiwi. "Hindi ko siya boyfriend. I mean, hindi ko jowa sa Tiden. Friend lang kami."
Tumaas ang sulok ng labi niya. Naupo siya sa tapat ko at humalukipkip. May naglalarong ngiti sa mga labi niya. "You are his girlfriend. A girl friend."
"Ah, yeah."
Hilaw akong ngumiti at inipit sa tainga ang hibla ng buhok na nilipad ng hangin. "Is it really okay with you? I mean, baka may paparazzi na dumating at makita tayong dalawa rito sa loob ng cottage."
Nagkibit-balikat siya at binaling ang tingin sa malawak at asul na dagat. Napatitig ako sa mukha niya. Kitang-kita ko sa kinauupuan ko kung gaano katangos ang ilong niya.
Katamtamang puti ang kulay ng balat niya. He has manly lips. Manipis sa itaas at may pagka-pouted sa ibaba. His eyelashes define his deep-set eyes, whom mysterious irises of blue with steaks of green capture the delicate beauty of both an ocean and a river. Cowlicks made its way to his slightly creased forehead.
I hid a smile. A good-looking man, indeed. Maswerte ang magiging asawa niya.
"You're staring, Rish."
Napakurap ako. At agad nag-iwas ng tingin. "Ha? Ah, I'm sorry. I didn't mean t-to ---"
Nahinto ako sa pagsasalita nang bahagya siyang natawa. Ngumiti siya nang marahan. "You don't have to apologize. Relax. I will not bite you."
Napalunok ako. "Levi... you're a gentleman. It is no wonder why women are fond of you. And many people look up on you."
"No." Umiling siya. Marahang pinasadahan ng kamay ang buhok na ginulo ng hangin. "My fans are not that many, Rish. It's Ariel who draws the crowd."
"B-But you're my... idol. And I... like you, Levi..."
Ngumiti siya nang matamis sa akin. May bigla na lang kumiliti sa kaibuturan ko kaya nakagat ko nang marahan ang ibabang labi.
Umikhim siya. "Thank you, Rish. You are one of the reasons why I still push my luck."
Pakiramdam ko, umakyat lahat ng dugo sa pisngi ko.
TANGHALI na nang bumalik kami sa abalang parte ng resort. Inaaliw ko ang sarili sa pakikinig sa hampas ng alon sa dalampasigan at awit ng ibon sa kakahuyan habang binabagtas namin ang daan pabalik. Nakita ko sa gilid ng mata ang ngiti ni Levi kaya mas lalo akong ginanahan.
Hindi ko lubos maisip na maglalakad ako sa tabi niya, at mas lalo naman ang makakausap siya. Kahit pa abot-kamay ko lang siya noon dahil kilala ko naman sina Tiden at June, pero hindi ko gustong maging opurtunista. Maayos na ako na sumuporta sa malayo. Pero ngayon...
"Levi! Where were you? Kanina pa kita hinahanap!"
Napahinto ako sa paghakbang, maging si Levi ay napahinto rin. Nilingon ko ang babaeng sumigaw at nahigit ko ang hininga nang mapagtantong si Nicole 'yon.
Kunot ang noo niya at parang model na naglakad palapit sa amin. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang humakbang palapit kay Levi at hinagkan ito sa labi.
Napakurap ako at napahakbang paatras. Tumalikod ako at akmang tatakbo palayo pero natigilan ako nang makita ko si Tiden na palapit sa akin. Walang ngiti sa mukha niya.
"Rishell," tawag niya. "Sa'n ka galing? Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sa 'yo?"
"T-Tiden."
Huminto siya sa harap ko at pinaningkitan niya ako ng mata. "Saan ka galing? Magsabi ka ng totoo." Humalukipkip siya.
"Tiden, don't be hard on Rishell," biglang salo ni Levi. "We're just strolling around."
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Tiden sa akin at kay Levi. Napalunok ako. Nabigla ako nang may marahas na humawak sa braso ko at inikot ako paharap sa taong 'yon. Si Nicole.
Magkasalubong ang dalawang kilay niya. "Who are you?" diin niyang tanong. Magkalapat ang mga ngipin.
Marahas kong binawi ang braso. "Pakialam mo?" inis kong sambit. Ayaw ko sa lahat ang hina-harass ako. Dagdagan pa sa presensiya niya.
"You're nothing but a loser," sabi ni Nicole at inirapan ako. Hinigit niya palayo si Levi, tulad ng ginawa niya noon sa Pier 1.
Lumingon si Levi sa akin na may marahang ngiti. Kumaway siya saglit bago nagpatianod kay Nicole. Napabuga ako ng hangin. Ang babaeng 'yon talaga!
"Rishell," tawag ni Tiden.
Nakanguso akong bumaling ulit sa kaniya. Magkasalubong na ang dalawang kilay niya. Nagbabadya ang galit. Umikhim ako. "Bakit?"
Huminga siya nang malalim. "Magpaalam ka sa susunod. At 'wag kang basta-bastang sumasama sa kahit kanino. Lalo na kung hindi mo kilala."
"Pero wala namang nangyaring masama sa akin. Saka, si Levi ang kasama ko kaya ayos lang. Kaibigan mo siya. Alam mo naman sigurong mabuting tao siya, Tiden?"
Nilampasan ko siya at tumakbo papunta sa lilim ng mga puno. Huminto ako sa isang punong may nakadikit na karatula sa katawan.
Live well, Laugh often, Love much, Dream big.
Huminga ako nang malalim at naglakad palapit sa isang single cottage na malapit lang sa puno. Naupo ako sa upuan doon at tinanaw ang nagniningning na tubig-alat sa ilalim ng sikat ng araw.
Maya-maya pa'y tinakpan ng ulap ang araw kaya pansamantalang nawala ang sinag niyon. Saktong may tumayo sa gilid ko. Tiningala ko ang taong 'yon pero agad akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang paningin namin ni Tiden.
Narinig ko ang marahas niyang buntong-hinga. "Rishell, galit ka ba?"
Humalukipkip ako at hindi umimik. Naramdaman ko na lang na naupo siya sa tabi ko. Nanatili siyang tahimik ng ilang minuto.
Sabay naming tinanaw ang mga guests na naliligo sa pool, ang iba'y nakaupo sa ilalim ng cottages, at may ilan na naglalakad paroo't parito sa mahabang dalampasigan kung saan nagtatagpo ang lupa at dagat.
"Rishell," tawag niya ulit.
Napanguso ako. "Ano?" pabalang kong tanong.
Inakbayan niya ako at marahang nilaro-laro ang dulo ng buhok ko. "Wag ka nang magalit sa akin."
"Hindi ako galit," kunot-noo kong sambit.
"Kita mo o, mukha nang ampalaya ang mukha mo. Kunot na kunot."
Marahas akong napatingin sa kaniya. Napangiti siya at pinipisil-pisil nang marahan ang pisngi ko. Nakanguso kong tinampal ang kamay niya. "Wag kang makulit," sabi ko.
Natawa siya sabay kabig sa batok ko payakap sa kaniya. "Bagay sa 'yo ang white dress. Si Levi ba ang nagbigay?"
"Yeah."
"Magseselos na ba ako?"
Lumaki ang butas ng ilong ko at mabilis na kumalas sa yakap. "Ewan ko sa 'yo." Binaling ko ulit ang tingin sa karagatan sa malayo.
Naramdaman ko ang pag-alis niya, pero masyado akong nahalina sa view kaya hindi ako nag-usisa kung saan siya pupunta.
Ilang minuto akong nakaupo roon at tahimik na pinapanood ang mga guests nang may biglang tumabi sa akin. Pagtingin ko, si Tiden. May dala siyang acoustic guitar.
Pinahid pa niya ang pawis na namuo sa noo at huminga nang malalim. Parang galing siya sa pagtakbo.
"Para sa'n 'yan?" turo ko sa acoustic guitar.
Nag-strum siya saglit. "Para haranahin ka. Masarap tumugtog sa ganitong lugar. Presko."
Nagkibit-balikat ako at hinayaan siyang tumugtog. Pamilyar ang instrumental ng kanta kaya nabaling ang atensyon ko kay Tiden.
"Who draws the crowd? Baby it's the guitar man
He can make you love, he can make you cry..."
Doon ko napagtantong The Guitar Man ng Bread ang kinakanta niya. Napatitig tuloy ako nang husto sa kaniya.
Maganda rin naman ang boses niya. Clear, vibrant, and very masculine. Hindi baritono pero mababa.
Ilang minuto siyang kumakanta hanggang maabot niya ang dulo. Doon lang siya huminto at nag-angat ng tingin sa akin. Nagtama ang paningin namin.
Tiden's eyes are different from Levi. He has those almond orbs. Pure brown.
"Rishell," bulong niya sa pangalan ko. Para iyong hangin. Mabilis, banayad, at hindi malakas. Kung hindi lang tahimik ang lugar ay baka hindi ko marinig na binulong niya ang pangalan ko.
Napalunok ako. "W-Why?"
"Baby, can I hold you tonight?
Baby, if I told you the right words, oh at the right time... would you be mine?"
Hindi siya nag-strum. Kung hindi ko alam ang kanta ay malamang pagkakamalan kong salita niya ang sinasabi niya. Pabiro ko siyang hinampas. "Muntik mo na akong mapaniwala ro'n, a?" Natawa ako.
Pero seryoso siya. Maya-maya pa'y napaikhim. "I love you."
Parang hangin ang bilis ng salita niya, kaya hindi ko kaagad nakuha ang sinabi niya. "Ha? Anong sabi mo?"
"Wala." Ngumiti siya nang marahan.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (63)

  • avatar
    Jeriza Balarote Gloria Madrigal

    i think its based on true story,,,,grabe nangilabot akoh ng mabasa koh toh, super ganda.... lalo yung pinglabanan nya na mkawala under sa possesion ng cult,,, God is the highest above all !!!!!! Hindi ngwawagi ang kasamaan kailan pa man, kailangan lng ntng tanggapi n si Jesus sa ating puso at paghariin sya,😘😘😘😘😘😘😘 salamat author!!!!

    09/12/2021

      0
  • avatar
    MsBrattyGirl

    Just by creating this story, I know na yung mga nakabasa nito is mas tumibay pa ang pananalig kay God. Thank you for this wonderful story of yours mas lalo pang tumibay yung pananalig ko kay God. I'm an Adventist. Though hindi tayo same ng religion at least pareho tayong may pananalig kay God. Yung nasabi mong Idolatry is a sin nabanggit na ng preacher yon sa religion namin so I believe na tho we're not in same religion but we're the same by believing and trusting our God.

    23/11/2021

      4
  • avatar
    Ei Gie Corpuz

    Super ganda ng story, it opens the eyes of the reader about what happens in the reality today na sa sobrang nawiwili na tayo sa mga bagay bagay nakakalimutan na natin ang Diyos.

    14/11/2021

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด