logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 10

"Paano ba 'yan? I won."
Hingal kong hinawi ang basang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ko. Mariin kong tiningnan si Ariel na prenteng nakaupo sa gilid ng pool habang nakabanlaw ang binti sa tubig. "Madaya ka," nakalabi kong saad.
Lumangoy ako palapit sa gilid ng pool at humawak doon.
Natawa siya at umusog nang kaunti palapit sa akin. Dumukwang siya para magpantay ang mukha namin. Nahigit ko ang hininga at umatras nang kaunti. Ngumisi siya. "All were fair, pretty."
"Nauna kang lumusong!"
Nagkibit-balikat siya at umayos ng upo sa tabi ng pool. "I don't understand why can't you accept your defeat, pretty one. But rest assured, your stay here will be worth it." Tumaas ang sulok ng labi niya.
Napabuga ako ng hangin. Lumangoy ako palapit sa hagdanan ng pool at umahon. Nakita ko pa kung paano humapit sa baywang at dibdib ko ang suot kong loose T-shirt.
Naglakad ako palapit kay Ariel at humalukipkip sa harap niya. "Uuwi ako mamaya."
Binaling niya ang mukha sa gawi ko at tumingala sa akin. "Suit yourself. Hindi naman kita pipilitin. But I'll tell Tiden and Jun that you have no word."
"What? Hey, ikaw ang nag-initiate! Saka hindi ako umuo!"
Ngumisi siya. "Pero lumusong ka at nakipagkarera sa akin. Is that a no? Well, pretty one, I think it was not."
"Arg!" I stomped my feet in annoyance. Itong lalaking 'to! "Fine!" Huminga ako nang malalim. "But you'll talk to my Mom. That's it." Sinamaan ko siya ng tingin bago ako umirap at nagmartsa pabalik sa cottage nilang magkakaibigan.
Sana naman ay nandoon pa si Tiden. Or June. Hindi ko matiis ang pagiging trickster ni Ariel. Wala raw akong salita? Aba! Hindi ako -
"Aray ko!" daing ko nang tumama ang noo ko sa matigas na bagay. Napatingala ako at bigla na lang huminto sa pagtibok ang puso ko. Napatigalgal ako. "L-Levi..."
Nangunot ang noo niya. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, saka muling tumitig sa mga mata ko. "You're wet. What happened?"
Napakurap-kurap ako. "Uhmm... ayos lang a-ako." Napalunok ako sa kaba. "K-Kilala mo ba ako?"
Ilang segundo siyang tumitig sa akin bago umikhim. "You're quite familiar."
"Ako 'yong babaeng sinagip mo sa pier uno. Hindi mo...matandaan?"
Tumitig pa siya nang husto. "Yeah, you're that girl." Pinasadahan niya ako ng tingin at ngumiti. "I'm sorry for being so reckless. I've shoved you."
"Ah... uhmm..." Inipit ko sa tainga ang isang imaginary hair. Bigla na lang umihip ang hangin at nanginig ako sa lamig.
Nabigla ako nang hinubad ni Levi ang cardigan na suot at binalot sa balikat ko. "Uhmm... s-salamat." Nahihiya pa akong ngumiti sa kaniya.
Tumango siya. "If it's okay with you, I want to treat you a breakfast. I think I owe you one."
"Ha?" Nakagat ko ang labi. Pero busog na ako. Napalunok ako at hilaw na ngumiti. "S-Sige! Gusto ko 'yan."
Ngumiti siya ulit. Lumapad ang ngiti sa mga labi ko. Nakakainlab talaga ang ngiti ng idol ko!
"If you don't mind, may I ask your name, Miss?"
"R-Rishell. Rishell Joy Larica."
Nilunok ko ang bahagyang disappointment sa loob-loob ko. Hindi niya talaga alam ang pangalan ko sa simula pa lang? Bumuga ako ng hangin.
Nakanguso ako habang nakasunod sa kaniya pero ilang sandali pa ay napalitan iyon ng ngiti. At least, napansin niya rin ako.
Dinala niya ako sa restaurant kung saan kami kumain ni Tiden kanina. Napalunok ako. Wala talaga akong ganang kumain dahil nag-light meal na ako sa bahay. Tapos dinagdagan pa ng heavy meal kanina. In the same restaurant!
Marahan akong ngumiwi.
Okay, para kay Levi... kakainin ko ang isang fully-loaded buffet!
Umasim ang mukha ko nang maupo siya sa eksaktong mesa na inupuan namin ni Tiden kanina. Hilaw akong ngumiti sa kaniya nang sinenyasan niya akong maupo. Agad akong tumalima.
"What do you want to eat, Rish?"
Natigilan ako sa sinabi niya. "A-Anong tawag mo sa akin?"
"Rish." Ngumiti siya pero bahagyang nabawasan. "You don't want me to call you that?"
"Ah, hindi sa gano'n. Kasi, wala pang tumatawag sa akin na ganiyan. Ikaw pa lang." Marahan akong ngumiti sa kaniya.
"That's... good." Ngumiti siya.
Siya na ang nag-order. Mabuti na lang at puro seafood ang in-order niya. Susuka na ako kapag manok ang pinili niya. E, halos mabulunan na ako kanina habang kinakain ang whole roasted chicken.
Tahimik kaming kumain. Mabuti na lang din at hindi siya mahilig sa rice. Puro seafood lang ang in-order niya. Nang mag-angat siya ng tingin ay umikhim siya. "I'm sorry. Pero, gusto mo ba ng kanin?" tanong niya.
"No, no." Umiling ako. "Ayos na sa akin 'to."
"Okay." Ngumiti na naman siya at muling nagbaba ng tingin sa pagkain.
Tiningnan ko siya, tapos lumunok. "Uh, Levi?"
"Hmm?"
"Okay lang ba kay Nicole na... na makita tayong magkasamang kumain dito?"
Huminto siya sa pagnguya at nag-angat ng tingin sa akin. "What do you mean?"
Umikhim ako. "Kasi, 'di ba, girlfriend mo siya? Tapos, nandito tayo. So parang ano..."
Natawa siya bigla. Naiiling pang tumingin sa akin na may kasamang ngiti sa mga labi. "We're eating, Rish. Not dating. And Nicole is not my girlfriend. We're just friends. Besides, tulog pa siya sa cottage niya kaya hindi ko na ginising."
"Oh. Pero answeet niyo kaya."
Nag-iwas ako ng tingin. Umiinit ang pisngi ko tuwing tumititig siya sa akin.
Umikhim siya. "She's just... clingy. Nothing's going on between the two of us. Maybe people think that we're in a relationship but the truth is not."
"Pero may g-gusto siya sa 'yo."
Nagkibit-balikat siya. "I can feel that. She's transparent when it comes to me."
"May gusto ka ba sa k-kaniya?"
Hinigit ko ang hininga at hinintay ang sagot niya. Napatitig siya nang husto sa akin, gano'n din ako sa kaniya.
Ngayon ko lang napagtantong... maganda ang kulay ng mata niya. A streak of green is visible from his blue irises.
Napakurap ako. "At kaya ka ba ilag sa kamera, as in hindi tumititig sa kamera, dahil... kakaiba ang kulay ng mga mata mo?" dagdag kong tanong.
Kumurap siya at bahagyang ngumiti. "You can conclude that. I don't want to alienate myself to other people. Besides, it's a rare case in the world. Not all Filipinos will understand."
"Uhmm... but they're beautiful! How can you hide them? They... they are like stars. Twinkling. They're fantastic..."
Lumapad ang ngiti niya kaya napangiti ako. Kinapa ko sa bulsa ang Xiaomi at dinukot. Lumunok ako. "Pwede bang magpa-picture sa 'yo? Fan kasi ---"
"Levi?"
Napatingin ako sa babaeng bigla na lang lumapit sa mesa namin. May dala siyang DLSR camera at nakangiti nang abot sa tainga.
"Do I know you?" tanong ni Levi sa babae. Lihim naman akong napangiti nang bahagyang nabawasan ang ngiti sa labi ng babae.
"Ah, I'm your fan. Can we take a selfie ---"
"No."
Natahimik ang babae. Sabay sulyap sa akin. Tumaas ang sulok ng labi ko at nakita ko ang palihim na irap niya. Napailing ako. Some bitchy type, e?
"Please, we're eating," pakiusap ni Levi sa kaniya.
Ngumiti siya nang marahan at nagpaalam. Bagsak ang balikat na naglakad palayo ang babae. Napabuga ako ng hangin.
"What is it again, Rish?"
"Uhm..." Sasabihin ko ba? Pero baka i-turn down niya ako gaya ng ginawa niya sa babae? Ngumiti na lang ako at umiling. "Wala. Uhmm... kain ulit tayo?"
Natawa siya nang bahagya sabay subo ng binalatang hipon. Napabuga ako ng hangin at napatingin sa labas glass wall.
Sumikat nang tuluyan ang araw at kita ko ang ilang guests na naliligo na sa dagat.
"Gusto mo bang mamasyal sa resort?"
Napatingin ako kay Levi. Napakurap. Inaaya niya ba akong mamasyal?
Napangiti ako at mabilis na tumango. "I'd love that." Pero naalala ko bigla ang sinabi ni Tiden kaya napaikhim ako. "Pero baka may lakad kayo ni Nicole? Sinabi ni Tiden na balak kayong magpunta sa Ablayan Peak at Ili Rock."
"Tiden?" Nangunot ang noo niya at mariin na naman akong tinitigan bago natawa. "Yeah, you're his girl."
"Ha?"
Nakangiti siyang bumaling sa akin. "You're his girlfriend." Napailing siya at natatawang hinawakan ang sentido. "How can I forget you?"
"What do you mean?"
"Tiden has been keeping a lot of secrets lately. 'Yon pala, may girlfriend na. Pinakita pa sa akin ang photograph niyong magkasama. Kaya pala pamilyar ang mukha mo. I've seen your face in a picture."
Napakurap-kurap ako at napaawang ang labi. Ano raw?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (63)

  • avatar
    Jeriza Balarote Gloria Madrigal

    i think its based on true story,,,,grabe nangilabot akoh ng mabasa koh toh, super ganda.... lalo yung pinglabanan nya na mkawala under sa possesion ng cult,,, God is the highest above all !!!!!! Hindi ngwawagi ang kasamaan kailan pa man, kailangan lng ntng tanggapi n si Jesus sa ating puso at paghariin sya,😘😘😘😘😘😘😘 salamat author!!!!

    09/12/2021

      0
  • avatar
    MsBrattyGirl

    Just by creating this story, I know na yung mga nakabasa nito is mas tumibay pa ang pananalig kay God. Thank you for this wonderful story of yours mas lalo pang tumibay yung pananalig ko kay God. I'm an Adventist. Though hindi tayo same ng religion at least pareho tayong may pananalig kay God. Yung nasabi mong Idolatry is a sin nabanggit na ng preacher yon sa religion namin so I believe na tho we're not in same religion but we're the same by believing and trusting our God.

    23/11/2021

      4
  • avatar
    Ei Gie Corpuz

    Super ganda ng story, it opens the eyes of the reader about what happens in the reality today na sa sobrang nawiwili na tayo sa mga bagay bagay nakakalimutan na natin ang Diyos.

    14/11/2021

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด