logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

For The Stars Have Sinned (Filipino)

For The Stars Have Sinned (Filipino)

aranew


Chapter 1

Hindi ako kriminal.
Wala naman akong kinalaman. Wala akong pinatay pero bakit sobra siya makatitig? Para bang hinahatulan ako sa tingin pa lang.
"Rishell."
Ngumuso ako at bumuntong-hinga. Pilit niya akong pinapaamin, pero wala naman akong ginagawang masama!
"Hindi ko alam kung ba't nando'n 'yan." Lumunok ako. "Saka, gusot-gusot na ang letter na 'yan. Pangalan ko lang ang nababasa. Baka may nakapulupot at tinapon do'n. "
Naningkit ang mga mata niya at nilapit ang mukha sa akin. Nahigit ko ang hininga. Umatras ako at nagpaypay. Lalaking 'to! Bakit ba siya lapit nang lapit? Hindi ako komportable sa titig niya!
Hilaw akong ngumiti at nag-iwas ng tingin. "Uh, sino ka ba?"
"Engineer Lyndon, Miss."
Kumunot ang noo ko at muli siyang tiningnan. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Hindi naman siya mukhang attorney o 'di kaya police. Saka sabi niya, Engineer siya so bakit niya ako kinukuwestiyon na parang ako 'yong kriminal?
"Rishell," ulit niya.
Nakakainis siya. Umirap ako at humalukipkip. "Bakit ba ako 'yong tinatanong mo, Engineer? I didn't do anything wrong!"
Ilang minuto siyang tumitig sa akin bago may dinukot sa bulsa. Inilabas niya ang isang necklace na may pendat na hugis puso. Napalunok ako at napatitig doon.
Inabot niya sa akin 'yon. "I guess it's yours."
Nagdalawang-isip pa ako kung tatanggapin 'yon o hindi. Medyo wala kasi akong tiwala sa mukha niya. Isa pa, malapit lang ang Arbor sa Baclayan at hindi ko siya kilala. Baka isa siya sa mga kriminal o kaya pasimuno sa mga patayan doon sa Boljoon, tapos sa akin binibintang ang krimen niya.
"I've checked this necklace, and I've found your picture inside the pendat. So don't deny it," seryoso niyang dagdag.
Nangunot ang noo ko. Binabalaan ba ako ng lalaking 'to? Nagbaba ako ng tingin sa pamilyar na kuwintas.
Napalunok ako. Naalala ko na. 'Yan 'yong kuwintas na binigay ko kay Levi. Paano napunta sa lalaking 'to? Dahan-dahan ko 'yong tinanggap. "S-Sa'n mo napulot?"
Bigla nalang tumunog ang cellphone ko sa bulsa. "Excuse me." Mabilis ko 'yong nilabas at sinagot ang tawag. "Hello?" Sumulyap pa ako kay Engineer Lyndon bago umiwas ng tingin.
"Joy, nasa'n ka na? Hinahanap ka ni Kurt Vincent," boses ni Mama.
Natikom ko ang bibig. Si Kervy? Anong ginagawa niya sa bahay? Umikhim ako. "Ay, Ma... nandito pa ako sa Port."
"Umuwi ka na."
"Sige po."
Akmang ibababa ko na ang cellphone nang magsalita si Mama. "Nasa Port ka ngayon? Nandiyan si Mr. Davies?"
"Mr. Davies?" taka kong tanong.
Narinig ko ang pag-ikhim ni Mama. "Umuwi ka na lang dito."
"Ah, sige po."
Pinatay ko ang tawag at muling bumaling kay Engineer Lyndon. "Salamat sa pag-abot ng kuwintas ko. Pero kailangan ko nang umuwi." Umikhim ako. "Saka wala akong kinalaman sa patayan doon sa Boljoon, so don't accuse me, Mr. Lyndon."
Nagkibit-balikat siya at ngumiti. "It's nice to know you, Ms. Larica."
"Uh." Tumingin ako sa pintuan ng opisina ni Papa. "Papunta pa lang siya rito."
"I can wait."
Bumaling ulit ako sa kaniya. Nakatitig lang siya sa akin kaya hindi ko maiwasang mapangiwi. "You're staring too much. Hintayin mo nalang si Papa rito saka..." Nilibot ko ang tingin. "Wag kang magnakaw dito. Subukan mo lang talaga at makakatikim ka."
Natawa siya. Napailing ako at naglakad palabas ng opisina. Marahang humampas sa mukha ko ang maalat na hangin na galing sa dagat.
Open area ang second floor ng Larica building. Nakaharap sa dagat kaya bughaw na karagatan ang bubungad pagkalabas ng opisina.
Alas-tres na ng hapon kaya medyo mababa na ang sinag ng araw. Nagkukulay kahel na rin ang kalangitan at may nakita akong ilang kingfishers sa ibabaw ng alon.
Napangiti ako. Mabilis akong bumaba sa hagdan at lumabas ng Larica building. Plano kong maglakad-lakad na muna sa dock para mawala ang stress ko ngayong araw.
Sa totoo lang, dumaan lang ako sa Port para itago kay Mama ang mga libro at merchandise na binili ko kanina. Ayaw na ayaw kasi ni Mama na bumibili ako ng mga bagay na hindi naman kailangan kaya tinatago ko 'yong mga item sa silid na katabi lang ng opisina ni Papa.
Mas safe kasi roon at hindi naman nagpupunta si Papa sa loob niyon. Masyado kasi siyang busy. Saka binigay na niya sa akin 'yong room bilang tambayan ko kapag nandito ako sa Port.
At... alam naman ni Papa na bumibili ako ng gano'ng mga bagay pero hindi naman siya nangingialam. Basta ba, hindi ako nagdo-droga.
Natawa pa nga ako nang sinabi niya 'yon. Hindi naman ako drug addict.
Isa lang naman akong fangirl ng Vine at ni Ara Taliman.
Ang Vine ang pinakamagaling na bandang nakilala ko, at si Ara 'yong pinakamagaling na erotic author sa buong mundo!
Sa katunayan, miyembro ako ng Vinepress, 'yong fans club ng Vine. Saka kasali ako sa Talimaners, fans club ni Ara.
Hayst. Sayang nga. Hindi ako nakabili ng limited edition shirt ng Vinepress at bagong labas na book series ni Ara. May babae kasing nakipag-agawan sa akin doon sa merchandise store sa may SM, at hindi ko nakuha ang last slot sa orderan ng book series.
Dahil 'yon sa pasaway na bisita ng website ni Ara. Nakipag-away ako sa kaniya. Aba naman, bina-bash niya 'yong idol ko kaya inaway ko!
Mabuti nalang at nasali ako sa Argao tour ng Vine. Doon ko nabigay kay Levi ang kwintas pero nakakapagtakang nakuha 'yon ng pakialamerong Lyndon na 'yon.
Kunot-noo kong dinukot sa bulsa ang kwintas at mahigpit 'yong hinawakan. Bakit kaya napunta ito sa kamay ng Engineer na 'yon?
Don't tell me, kakilala ni Levi si Lyndon, tapos binigay niya rito? Umiling ako. Hindi. Walang kaibigan si Levi liban sa kabanda niya kaya imposibleng magkakilala ang dalawa.
Kaya paano napunta kay Lyndon 'tong kwintas?
Huminto ako sa paghakbang at tumingin sa harap. Nasa dock na ako. Nando'n sa dulo ang isang maliit na daungan ng yate. Nilakad ko ang kahabaan ng dock habang inaaliw ang sarili sa mga ibon sa malayo.
Kung sana nandito sina Tiden... kaso sobrang layo na nila. Kahit pa kaibigan ko ang mga 'yon, pero hindi naman ako 'yong tipong oportunista. Ayokong gamitin ang pagkakaibigan namin para mapalapit kay Levi.
Saka, ilang buwan na rin nang huli ko silang nakasama.
Lumabi ako. Nilabas ko ang phone at tiningnan ang wallpaper. Buhok 'yon ni Levi. Ni hindi kita ang mukha sa picture dahil nakatalikod. Hay... this is the price of being a fangirl.
Swerte-swerte na lang kung papansinin ng idolo. Saka suntok sa buwan kung makakausap nang harap-harapan. 
Binaba ko ang phone at tinanaw ang papalubog na araw sa kanluran. Maganda ang sunset at malamig ang maalat-alat na hangin.
Nakakawala ng pagod. Napangiti ako. Examination test kasi namin sa linggong 'to at mabuti na lang, half-day ang exam ngayong araw. Hindi na makakaya ng utak ko ang whole day na titigan sa testpaper.
Kaya pagkatapos kong kumain ng tanghalian ay bumiyahe na ako papunta rito. Namasyal ako sa Ayala Center doon sa Cebu Business Park na matatagpuan lang din dito sa Cebu City. Tapos, dumiretso ako rito sa fishing Port ni Papa.
Nilanghap ko ang hangin nang umihip 'yon. Magri-relax na muna ako rito sa dock bago magpunta sa South Bus Terminal na malapit lang sa E-Mall, para sumakay ng bus pabalik sa Boljoon.
Binuksan ko ang Galaxy Note at tinitigan ang picture ni Levi sa gallery. Almost hundred na rin ito. Puro stolen nga lang sa concerts nila. Ang mas nakapanlulumo, walang ni isang picture na humarap siya sa kamera ko.
Kapag hinanap ko naman ang mga picture niya sa net, puro sideview at nakatalikod. To others, it may seem weird but for me, Levi is dangerously sexy.
Napaka-mysterious niya. Nag-background check nga ako pero private websites ang may hawak ng personal information niya. At kahit pa dati siyang estudyante ng CTU-Argao, walang ni isang may alam kung anong past niya. Maging sina Tiden at June ay hindi alam kung saan galing si Levi. Wala naman akong access sa Registrar dahil estudyante lang ako  ro'n.
"I love you," bulong ko sa picture niya. Nakagat ko ang labi. "Gwapo mo. Dapat kitang makausap. Binigay mo ang kwintas sa Lyndon na 'yon. Pinabasa mo pa ang letter na exclusive lang para sa 'yo. Grabe ka. Nakakasakit ka ng damdamin, Levi. Buti na lang love kita kung hindi..."
Ngiti kong hinawakan ang screen kung saan naka-display ang picture niyang naka-side view.
"P****! Levi! Akina 'yang susi ng cottage!"
"Ariel! Wag kang tumakbo patungong dock!"
"Tiden!"
"Stop it, Vine!"
Natigilan ako. Did I hear it right? Someone shouted Vine?
May naramdaman akong dumaan sa likuran ko. Sinundan ko ng tingin ang mga lalaking 'yon. Sa una ay hindi ko mamukhaan, pero nang humarap sila sa gawi ko at tumakbo palapit sa direksyon ko, doon ko na nahigit ang hininga.
I'm not hallucinating, right? Nandito ang Vine sa Port? Pero anong ginagawa nila dito ---
"Move aside!" sigaw ng lalaking nauuna sa grupo. May suot siyang shades. Pero hindi ako pwedeng magkamali sa boses niya.
"L-Levi?"
Nang nasa malapit na siya ay bigla niya akong hinawi. Napahiyaw ako nang mawalan ako ng balanse. "Ah!"
Nabitiwan ko ang hawak na cellphone. Diretso 'yong nahulog sa tubig. I even heard the water splashed!
May humawak sa kamay ko para hindi ako mahulog nang tuluyan sa dagat. Gulat akong napatingin kay Levi. Hawak-hawak niya ang kamay ko at kaunting tulak nalang ay talagang mahuhulog na ako sa gilid ng dock, diretso sa dagat!
"Nasa akin ang cellphone mo, dude!" sigaw ng kung sino at biglang tinulak si Levi.
Nanlaki ang mga mata ko nang mawalan din siya ng balanse. Hinila niya ako palapit sa katawan niya at sabay kaming nahulog sa dagat.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (63)

  • avatar
    Jeriza Balarote Gloria Madrigal

    i think its based on true story,,,,grabe nangilabot akoh ng mabasa koh toh, super ganda.... lalo yung pinglabanan nya na mkawala under sa possesion ng cult,,, God is the highest above all !!!!!! Hindi ngwawagi ang kasamaan kailan pa man, kailangan lng ntng tanggapi n si Jesus sa ating puso at paghariin sya,😘😘😘😘😘😘😘 salamat author!!!!

    09/12/2021

      0
  • avatar
    MsBrattyGirl

    Just by creating this story, I know na yung mga nakabasa nito is mas tumibay pa ang pananalig kay God. Thank you for this wonderful story of yours mas lalo pang tumibay yung pananalig ko kay God. I'm an Adventist. Though hindi tayo same ng religion at least pareho tayong may pananalig kay God. Yung nasabi mong Idolatry is a sin nabanggit na ng preacher yon sa religion namin so I believe na tho we're not in same religion but we're the same by believing and trusting our God.

    23/11/2021

      4
  • avatar
    Ei Gie Corpuz

    Super ganda ng story, it opens the eyes of the reader about what happens in the reality today na sa sobrang nawiwili na tayo sa mga bagay bagay nakakalimutan na natin ang Diyos.

    14/11/2021

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด