CHAPTER 4 Pick-Up Line A DEEP sigh escaped from Kein’s lips when she finally met up with Audrey. Nakatayo ito noon sa tapat ng Watson at may dalang maliit na plastic, mukhang bumili muna ng make-up habang naghihintay sa kanya. Naka-casual outfit din ang dalaga at naabutan niya ring nakakrus ang mga braso nito habang naghihintay sa kanya. Mahina siyang natawa sa naiisip. Hahaha, lagot. Late ako. Pero meh! Minsan lang naman siyang ma-late. Mas Filipino time pa rin sina Audrey sa kanya – ito ang pangungumbinsi niya sa sarili dahil totoo namang kanina pa siya rito sa SM at naghihintay! “Hoy Kein, saan ka naman galing?! Ang tagal-tagal mo!” reklamo ni Audrey nang sa wakas ay makalapit na siya sa kaibigan. Ipinakita naman niya ang hawak na paper bag bago muling tumawa. “Kapal mo, kanina pa 'ko rito. Nasa National Bookstore lang ako! Ikaw kaya 'tong late.” "Ay gano'n? Edi sorry!" natatawang sagot ng dalaga bago nito ipinulupot ang mga kamay sa braso niya, “ano na naman 'yang binili mong libro, Kein? Ang hilig mo talaga magbasa ‘no?” “Slight. May time, e. 'Tsaka 'di naman na textbook mga binabasa ko kaya may gana na talaga ako," paliwanag niya. “Kung sa bagay, pero late ka pa rin. Saan tayo kakain? Jollibee o sa McDo?” Nang marinig ang choices sa kakainan, nawiwindang na nagtanong si Kein, “sigurado ka na? Ayaw mo ba kumain sa korean resto?" “Oo nga pala sahod mo. Mabuti nalang! O sige na nga, mag-samgy na tayo!" Mahinang natawa si Kein at sinundan si Audrey nang simulan nito ang paglalakad. Nakuha pa ng dalaga na magkwento ng tungkol sa buhay niya habang tinutungo nila ang pupuntahan. Dumiretso silang dalawa sa Yi San na located malapit din sa SM. Dito sila madalas na mag-samgyupsal ng mga kasama sa trabaho tuwing sahod kahit hindi naman unlimited. Noong makapasok na sila sa restaurant, hindi na nagulat ang dalawa nang makitang puno ang lugar. Mukhang wala talagang oras kung saan tahimik itong restaurant. Inililibot ni Kein ang mga mata sa lugar nang basagin ni Audrey ang paggagala ng paningin niya. “Sa second floor lang daw iyong may bakante friend,” anito. Nginitian niya ito. “Edi tara na sa itaas. Problema ba ‘yon?” “Ito na nga, baka kasi mamaya ayaw mo pala sa itaas.” “Magpapachoosy pa ba ako? Samgy muna bago kaartehan natin!” dipensa niya saka mahinang tumawa. Patungo na silang dalawa noon sa second floor nang magtanong si Kein, "sa'n mo gustong umupo, Drey? Sa tabi ba ng bintana?" “Doon nalang para naman mafeel ko rin na protagonist ako sa mga palabas!” Mahinang natawa si Kein. “Ay wow. Pasosyalin ka e puro bubong lang din ng ibang stalls makikita natin.” “Luh, friend i-appreciate mo naman ang view! Kitang kita ang skies, puro kable ng kuryente.” Nailing nalang siya sa mga sinabi ni Audrey. “Tama na nga ‘yang kahihithit mo, bes." Katulad ng napag-usapan nilang dalawa ay umupo nga sila sa tabi ng bintana. Hindi rin nagtagal ay tumawag si Kein ng staff para sa menu na siyang ibinigay din naman kaagad. Busy silang mamili ng makakain nang may marinig siyang pamilyar na boses. “Come on Atkinson, we’re not high school students anymore. Ang baduy mo naman pumorma.” Ito ang unang sinabi ng boses na pumukaw sa atensyon ni Kein habang nagdadalawang isip siya kung anong cuisine ba ang bibilhin niya. Pamilyar, to be honest. Parang narinig na niya somewhere. “Bold of you to insult me?” “Who even tries to act like a baby in front of the woman they like? Just you.” “I'm not acting like a baby in front of her, Valdez!” “Alright. Ikwento ‘yang arte mo sa pagong.” Imbes na lumingon at makitsismis sa mga ito, pinilit ni Kein na i-focus ang tingin sa menu na hawak niya. Ngunit noong mapansin niya ang paglagpas ng dalawang lalaki sa tabi niya, saka niya nilingon ang mga ito. When she did, she was surprised that she saw the man who approached her earlier at the National Bookstore. Only that now, he is with a friend. Anong ginagawa nila rito? Iyon ang nasa isipan ni Kein hanggang sa mapansin niyang paupo na ang mga ito sa napiling pwesto. Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa menu ngunit bago pa man niya iyon magawa, nakasalubungan niya ng tingin si Audrey— na sa mga oras na iyon ay malawak ang ngisi sa kanya. Upon seeing that expression, Kein began to brace herself for the worse. “Ikaw Kein, ha. Ang bilis mong nakalingod agad porket nakarinig ka ng gwapo,” paninimula nito. Sabi na nga ba at paparatangan na naman siya! Napangiwi siya. “Mali ka ng naiisip. Mag-order ka na nga.” “Anong mali?! E titig na titig ka kanina ro'n sa dumaan!” dipensa pa ni Audrey bago inilipat ang tingin sa table ng lalaking tumulong sa kanya kanina, “so sino sa mga iyon? Based sa huli mong crush dati, parang 'yong may salamin. Gano'n mga hilig mo, e! Nakasalamin nga dati mong crush!” “Anong crush dati?!” Nakakunot ang noong sinagot siya ng kaibigan. “Ito naman parang hindi mo kilala eh ‘no, si Jeriah!” “Sira ulo! Naaalala mo pa ‘yon?!” High school crush niya pa iyon! Ang funny na nahalungkat! Hindi napigilan ni Kein ang matawa nang banggitin ulit ni Audrey si Jeriah e limot na nga niyang nagkagusto siya roon. Iba rin itong si Audrey, napakatalas ng alaala! “Paano ko makakalimutan ‘yon eh pigil na pigil ang kilig mo kapag nakikita mo ‘yong dumadaan sa classroom natin?!” pang-aasar ng kaibigan. “Ah! Ayaw ko na sa ‘yo, ten years ago pa ‘yon!” Pinigilan ni Kein ang sarili na ihampas ang menu kay Audrey. “Mag-order na nga tayo! Meron ka na bang naisip?” “Meron na pero pak na pak ka talaga, Kein! Napansin kong tumingin dito si kuyang may salamin!” natatawang sabi ni Audrey bago hinampas ang lamesa sa kilig, “o-order na ba tayo?” Para siyang nanghina na ewan sa narinig. Pinanlakihan niya muna ng mga mata si Audrey bago siya nanggagalaiting bumulong, “kapag iyon, napagkamalang may gusto ako sa kanya, sasakalin kita.” “Hindi ‘yan, sinabi ko lang naman type mo sa lalaki eh.” “Hindi ko rin naman type ‘yon, nagkataon lang na mas dominant silang tignan!” Segundo ang lumipas at matapos na magbangayan, tumawag na sila ng waitress para mailista na ang mga order nila. Mabilis lang iyon at nang matapos ay iba na ang pinag-usapan nilang dalawa. “Oo nga pala Kein, kailan mo balak na magjowa? Halos ng mga kaibigan natin, ikinakasal na tapos ikaw single pa rin.” Naghalumbaba siya at tipid na ngumiti. “Ayos lang ‘yan, bente singko palang naman ako ‘no! Ang aga pa para magpakasal.” “Sira, tamang edad na nga ‘yan ngayon. Kailan mo ba balak, kapag trenta ka na?” balik sa kanya ni Audrey. “Bakit hindi? Basta ayaw ko munang isipin iyan.” Nagkibit balikat siya. “Kamusta wari ang buhay may asawa?” “Masaya, friend. Fulfilling lalo na kapag may anak na kayo,” anito. Ipinilig ni Kein ang ulo niya kahit pa na nakahalumbaba na siya. Amused sa sagot ng kaibigan. Mukha nga namang masaya ito pero naiisip niyang iba-iba sila ng pananaw pagdating sa pagse-settle down. E, wala pa naman kasi talaga sa isip ni Kein iyon. “Edi mabuti, wala kayong problema noong si Eric," simpleng aniya bago nagkibit balikat. “Hay susko, Kein!” parang nanggagalaiti ito nang sumagot bago nga tinapunan ng masasamang tingin ang kaibigan, “kapag kami ni Lauren, napikon? Ise-set up ka na namin kahit kanino.” “Gaga, magtigil ka nga. Hindi ako interesado.” “Seryoso, aba! Hindi ka na kaya namin nakitang magjowa simula high school?!” Unti-unting napalitan ng pagngiwi ang naglalarong mga ngiti sa labi niya. “Ah iyon ba? Ayos lang ‘yan, ito naman.” “Naku, ipipilit ko talaga kay Lauren na i-set up ka namin. Siya na humanap ng lalaki at mukhang maraming single sa school na pinagta-trabahuan niya,” pairap nitong sabi bago biglang natahimik nang parang may mapansin. “Napano ka?” Hindi nakawala kay Kein ang pagtigil nito, maging ang pagsilip nito kung saan. Kumunot din ang noo niya habang tinitignan si Audrey. “Nandiyan na kasi iyong side dishes," simpleng anito. Susko! Nakuha pang magpaka-anticlimatic. Natatawa tuloy siyang umiling. “Ah? Sa wakas madidistract din tayong dalawa.” Nilingon ni Kein ang lugar kung nasaan nanggagaling ang mga side dishes pero imbes na roon mapadpad ang mga mata niya ay tumama iyon sa lalaking nakilala niya kanina sa bookstore. Nagkataon din na napatingin ito sa kanya dahilan para biglang madama ni Kein ang pamumula ng mga pisngi sa hiya. Side dishes, side dishes! Pilit niyang sigaw sa isipan para maialis na ang atensyon sa lalaking iyon. Sa kabutihang palad, nagwagi siya at nailipat din ang mga mata sa tray na punung-puno ng side dishes. Pinilit din niyang hindi na mabaling muli ang atensyon sa lalaki hanggang sa mailapag iyon sa table nila ni Audrey. At so far, so good! “Yie!” Mahina pero hiyaw pa rin ni Audrey. Base sa reaksyon nito, mukhang nakatunog na nagkatinginan si Kein at iyong lalaki sa kabilang table. Nakaramdam tuloy ng kaba si Kein sa reaksyon ng kaibigan, hanggang sa dugtungan nito ang sinasabi. “Ang sarap noong patatas nila rito ‘no, Kein?” Ah hindi pala, mabuti naman. Nakahinga ng maluwag si Kein nang iyong mga patatas ang idugtong ni Audrey sa sinasabi. “Ah, oo? Pero mas gusto ko iyong kimchi.” “Naku, ang baho-baho niyan. Sigurado ka ba na normal pa taste buds mo?” “Grabe ka naman mang-insulto ng taste buds!” Hindi na sinagot pa ni Audrey si Kein at sa halip ay inabot nito ang mga chopsticks at ipinaghiwalay ang mga iyon. Samantalang tahimik naman siyang pinapanood ng dalaga. “By the way, sure ka ba na wala kang type roon sa mga nasa kabilang table?” Pagbabalik nito sa usapang akala ni Kein e naibaon na nila. Iniikot ni Kein ang mga mata. Ito na naman at binalikan ni Audrey ang topic. Excited para sa lovelife niya. “Bakit, ano bang meron?” “Hindi, iyong isa kasi, friend! Kanina pa rin patingin-tingin dito.” Kumunot ang noo niya, nilalabanan ang temptasyong lumingon doon para tignan kung sino ang pangahas. “Ha? Sino naman sa kanila?” “Iyong gwapong nakasalamin. Mukhang type ka friend,” pang-aasar nito habang pilit na kinukuha ang isa sa mga sweet potatoes. Kein huffed. “Tumahimik ka nga. Namamalikmata ka lang pero nakilala ko iyan kanina.” Nanlalaki ang mga mata ni Audrey na tinigilan ang ginagawa. Iyong tipong susubo na lang ng pagkain, naudlot pa! “Kanina? Saan ka ba galing kanina?” “National Bookstore.” “Uy shit naman! Magkwento ka nga, baka siya na iyong Mr. Right mo, bes!” Anong Mr. Right? Walang ganoon! Imbes na kaagad sumagot e inirapan lamang niya si Audrey. Napapaisip na nga siya dahil kakaiba talaga kung mag-isip si Audrey. Kung hindi pang-out of this world, napakaimposible namang mangyari! “Tinulungan lang niya akong kunin iyong libro, wala nang iba. Ito naman, ang bilis magbigay ng malisya.” Bumagsak ang mga balikat ni Audrey, bukod doon ay bakas din ang pagkadismaya sa mukha nito. Gustong matawa ni Kein sa reaksyon ng kaibigan pero pinigilan niya dahil baka mahampas siya nito. “Iyon na ‘yon? Wala nang iba?” Tila ba nadismaya pa ito sa kwento niya. “Wala na?” Napaisip sandali si Kein nang maalala na may itinanong nga pala ito. “May tinanong din pala sa akin. Weird pero hindi na namin napag-usapan ulit kasi nagmamadali akong umalis.” “Bakit ka umalis?! Hindi mo muna siya hinintay magsalita!” Nginisian niya ito. “Sira. Tinadtad mo na 'ko no'n ng text kung nasaan na ba ako kaya 'di ko na inalam.” “Bakit ako nag-text?!” nagdadramang sabi nito bago sinapo ang mukha, “grabe, dahil pa yata sa akin kaya hindi ka magkakajowa!” “Puro ka jowa, nagtanong lang siya kung magkakilala raw ba kami. Ang familiar ko raw kasi.” Umarteng naiiyak si Audrey dahilan para ngumiwi si Kein habang pinapanood ito. Ang drama, hanggang ngayon napapaisip pa rin siya kung bakit hindi ito na-scout na mag-artista. “Sana hinintay mo, baka ang susunod na sinabi eh, kamukha mo kasi ‘yong magiging asawa ko,” ani Audrey. Muntik matawa si Kein sa sinabi nito. Grabe, hindi niya maikakailang iyon ang tumakbo sa isip niya kanina nang itanong iyon sa kanya. Baka bumanat, iyon pa nga ang eksaktong tumatakbo sa isipan niya kanina. Kokontrahin na sana ni Kein si Audrey nang biglang may tumawa ng malakas sa kabilang table. Ibang boses iyon kaya ang suspetya ni Kein, hindi iyon ang lalaki na nakita niya kanina sa National Bookstore pero nilingon pa rin nila ni Audrey ang table na iyon dahil curiosity kills the cat. Paglingon nila ay naabutan nila ang kasama nito na malakas na tumatawa. Samantalang iyong nakilala ni Kein, nakatakip ang mukha sa likod ng palad, nagpipigil din ng tawa. Napaisip si Kein kung bakit ganoon ang reaksyon ng dalawa hanggang sa mapagtanto niyang mukhang napalakas ang boses ni Audrey! Mabilis niyang nilingon ang kaibigan, nanlalaki ang mga mata samantalang si Audrey naman ay nagtataka sa reaksyon niya. “Napano ka Kein?” napapantastikuhan nitong tanong. “Wala na ulit tayong pag-uusapan, Audrey. Hindi ka na ulit pwedeng magsalita,” namumula ang mga pisngi niyang sinasabihan ito. Umangat ang isang kilay ni Audrey. “Ano? Napapa'no ka? Bakit?” “Basta, hindi na ulit tayo mag-uusap! Masyado kang malisyosa!” “Hala Kein?! Ako pa, ah! Nagsabi lang ako!” Instead of responding, Kein gestured her to shut up. Inirapan din niya si Audrey at hindi pinansin hanggang sa dumating ang pagkain nila. But then, she still talked to her friend after. Iyon nga lang ay iniiwasan nila na pag-usapan ang lalaking nakilala niya sa bookstore bago sila mag-lunch date.
I like this 🤩🤩
11/08
0I like this
16/09/2024
0amazing
22/07/2024
0ดูทั้งหมด