CHAPTER 3 The Man in Glasses Seven months later... MAY it be fate or coincidence, Kein reckons that there is a reason why people’s fates meet at one point. May these people reside in someone’s life temporarily or permanently, they will still be playing a role that only they can perform — may it be crucial or just something light. Either way, their presence would still affect an individual’s development characteristically speaking. Of what their parts might be, only they will know and it depends on them if they will neglect their functions in someone else’s life. Well of course, all of these are based on Kein’s viewpoint, of how she perceives love and romance. After all, she believes that she is just another hopeless romantic. If not, she’s probably near that line called anti-romantic. Fiction is the key, Kein would often say before she would get jealous over the novels that she is reading. But eh. She likes the idea of love but it isn’t actually necessary to survive. Hindi naman siya bubuhayin noon o papasahurin. The only good thing about love is that… it brings happiness and contentment. Romance and inspiration. “Nakakainis naman,” naniningkit ang mga matang naisaad niya habang tinititigan ang librong nakalagay sa itaas ng shelf. Nasa loob siya ng National Bookstore nang mga oras na iyon habang tinatapunan ng masasamang tingin ang librong gustung-gusto niyang bilhin. Kunot ang noo niya at halos mag-isa na ang mga kilay sa pagkainis, napapaisip kung hihingi na ba siya ng tulong sa isa sa mga staff. Kaya lang ay nakakaramdam siya ng hiya. Sa dinami-rami naman kasi ng pagpupwestuhan noong librong ang tagal na niyang natitipuhan bilhin, talagang sa pinakaitaas pa?! The audacity! Hindi man lang mahiya sa mga katulad niyang hindi mahal ni Lord at kinulang sa height! Bumuntong hininga siya. She was also grumbling. Dinaanan na sa wakas ng sense of rationale niya. Kung idadaan niya kasi sa hiya ang isang ito, baka hindi na siya makabili ng libro. Mukhang paubos na rin kasi dahil mabenta kaya nga nasa itaas na iyong gusto niya sanang bilhin, e! Dapat talaga, ma-move ang sahod nila para kada may bagong libro, nabibili kaagad niya. Anyway, pwede rin naman siyang magtipid na lang pero… meh. Noong maghahanap na sana si Kein ng tutulong sa kanya nang sa ganoon e makuha niya iyong libro, napapitlag siya nang mayroong magsalita bigla sa likuran niya. “Which book?” anito sa malalim na boses. Natigilan si Kein sa narinig, ngunit nang sa oras na mahimasmasan, napansin niya ang anino ng isang lalaki sa likod niya. Unti-unti siuang nag-angat ng tingin para malaman kung may masamang tao ba sa likuran niya pero nang makapag-angat ng mga mata, kung saan nagtama ang mga mata niya at ng lalaking iyon. “Opo?” wala sa huwisyo niyang naisagot. Napapakurap pa na animo’y walang malay sa mga nangyayari. Siya ba ang kausap nito? Her nose scrunched at the sudden thought. Malamang! Does this guy look like he’s towering someone else aside from her?! She thinks not! Ang bobo talaga niya sa part na ito. Sa unang tingin, parang nahuli pa niya ang nagmumultong ngiti sa mga labi ng binata ngunit mabilis din iyong naglaho kasabay ng pagsagot sa kanya nito. “Iyong librong kukunin mo,” ulit nito at saka iminuwestra ang mga librong nasa harapan nila, “alin ba riyan ang kukunin mo? I saw you looking troubled so I came to help.” Pinasadahan ng binata ng mabilis na tingin ang mga librong nasa pinaka-itaas na bahagi ng shelf. Sinundan din tuloy ni Kein ng tingin ang pinagmamasdan nito. Nang matapos tignan ang mga libro, ibinalik ng binata ang atensyon kay Kein. “Alin sa mga iyan? Ako na kukuha.” Nanlalaki ang mga mata ni Kein na ibinalik ang paningin dito bago niya iniiwas ang tingin mula sa binata. Naiilang marahil sa medyo matagal na eye contact o hindi naman kaya ay sa hiyang tutulungan siya nito. Ah! Iyong nakakahiya na ngang maghanap ng tutulong tapos biglang may nag-volunteer! Masaya dapat siya dahil hindi na siya mahihirapan maghanap ng mag-a-assist sa kanya pero nakakahiya pa ring mayroong lalapit sa kanya para magkusa! Idagdag pa na mukhang hindi naman ito nagtatrabaho rito dahil ang porma, ang propesyonal tignan! “Iyong Infernal Devices Trilogy po,” nahihiya niyang sabi. The male hummed, “Cassandra Clare, eh. Not bad.” Muling iniangat ni Kein ang tingin sa lalaki nang banggitin nito ang author ng series na tinutukoy niya. Namangha siya sandali dahil kilala nito ang author ng Infernal Devices Trilogy. Iyon nga lang ay hindi na ito nakatingin sa kanya kung hindi ay sa mga librong kinukuha nito. Ngunit dahil hindi ito nakatingin sa kanya ay nagkaroon ng tsansa si Kein na titigan ito. Gwapo ito kahit na may suot na salamin. Medyo may kakapalan lang ang suot nito kung kaya naman ang tantya ni Kein ay sobrang malabo na rin ang mga mata nito. Matangos ang ilong at mapula ang mga labi, mukhang artista at tingin niya ay habulin ito ng babae. … ang pangit lang ng angle na tinitignan niya dahil nakakangawit sa leeg. Kaya nga nag-ayos ulit siya ng tayo at ipinikit ang mga mata para lihim na batukan ang sarili. Anyway, in all fairness, malakas makadagdag sa pogi points ang salamin, ayon kay Kein. Superior kaysa sa mga lalaking walang suot na salamin. Is this guy her type? Probably, but not really. Like stated earlier, Kein is not into romance right now. “There you go, ID Trilogy.” Napapitlag siya nang iabot sa kanya ng binata ang mga libro ngunit mabilis niya rin na kinuha ang mga iyon. Umayos siya ng tayo at ipinihit ang katawan paharap dito para mas maayos itong pasalamatan. Iyon nga lang, bago pa man siya makapagpasalamat, napansin ni Kein na isang ngiti ang kumurba sa mga labi nito nang magtama ulit ang mga paningin nila. Bahagya siyang napaatras. Ah, sa mga sandaling iyon ay pakiramdam niya ay nawala siya sa huwisyo pero hindi pwede! Mukha ba siyang agad na naii-sway ng mga ngitiang ganyan? Neknek naman. “Maraming salamat po!” aniya, ginantihan niya rin ng matamis na ngiti ang binata, bahagyang iniyuko ang ulo para magpasalamat ng mas maayos. Naging habit na mukhang wala rin siyang pag-asang maalis. Matapos niyang magpasalamat, nanatili silang nakatayo sa iisang lugar at magkatinginan. Hindi alam ni Kein kung gaano ba iyon katagal? Basta natapos din iyon nang sa wakas e binasag ng lalaki ang katahimikang bumabalot sa pagitan nila. “By the way, nagkakilala na ba tayo noon?” bigla nitong tanong na siyang dahilan para maipilig niya ang ulo sa pagtataka. Unti-unting kumunot ang noo ni Kein sa narinig. Wala siyang maalala. Teka… hindi naman kaya banat ito o pick-up time? Lihim na napaismid si Kein dahil napakatipikal ng mga ganito. Akala pa naman niya e genuine lang itong tumulong! Now, she is somewhat disappointed. Still grateful, but disappointed if that's really the case. Hindi pa naman siya kumportable na pinopormahan. But then again, she could be just judging him. Quick judger din kasi siya, e. Baka nagkita na silang dalawa at hindi niya lang maalala. Kein doesn’t really know, to be honest. Marahang umiling si Kein para itanggi ang paratang nito. “Sorry po? Wala kasi akong maalala eh. Baka kamukha ko lang?” "Oh, is that so?" Tila ba hindi pa naniniwala sa kanya ang kausap dahil mataman siya nitong pinagmasdan at tila ba minata siya mula ulo hanggang paa. "Baka nga kamukha mo lang. I’m sorry for mistaking you for someone else." Sa pagkakataong ito, tumango naman si Kein. Bakit naman kaya ito nag-aalangang maniwala sa kanya? E totoo namang hindi ito kilala ni Kein! Kung nagkrus man ang landas nila noon, siguradong limot na niya ang mukha nito dahil hindi naman madalas mag-abala si Kein na tandaan ang mukha ng mga nakakasalamuha niya. Lalo na kung sandali lang. Eh. Ayaw na niyang isipan ng kung ano. As Kein is internally plastering a grimace on her countenance, she abruptly feels her phone vibrate. Kein fished her phone from her pocket rapidly and saw a new message displayed from the screen. Oo nga pala! May lunch date pala kami ni Audrey ngayon! sigaw niya sa isipan. Natatarantang ibinalik ni Kein ang cellphone sa bulsa bago hinarap ang binatang tumulong sa kanya. “O sige po, mauuna na ako. Maraming salamat ulit!” She waved her goodbye before she sprinted her way to the cashier. Hindi na niya tinignan pa ang itsura ng lalaki. Ni hindi na rin ito binigyan ng pagkakataong magpaalam din sa kanya pero kung hindi lang niya lolokohin ang sarili ay narinig niyang tawagin siya nito. But when she checked, wala naman siyang naiwan kaya tuluy-tuloy pa rin siya sa pag-alis. Hindi na lang talaga niya pinansin ang binata at baka hindi naman importante ang sasabihin nito.
I like this 🤩🤩
11/08
0I like this
16/09/2024
0amazing
22/07/2024
0ดูทั้งหมด