CHAPTER 2 Couple “Next time, think before you act,” sabi sa kanya ng tumulong sa kanya. Kein protruded her lips upon hearing that. Hindi na kumibo. Pinanood lang niya ang binata na bumuntong hininga bago pilit na pinulot ang bag na nahulog sa semento. Iyon yata ang gamit na kinuha noong magnanakaw. Mukhang magsasalita pa yata ito dahil nilingon siya nang may sumigaw mula sa likuran nila. “Oh, thank you! That’s mine!” Sabay na napalingon ang dalawa sa gawi kung saan nila narinig ang boses ng isang babae. Apparently, she seemed to be around her 30’s. May kasama rin itong lalaki at mukhang asawa niya iyon. All in all, they still looked young and good together. Lumapit ang babaeng iyon kay Kein at ngumiti. Hindi nakatakas sa paningin niya ang pagtutuloy ng kasama nitong lalaki sa gawi ng magnanakaw. Mukhang balak ito na kausapin saka napansin ni Kein ang pagtabi sa kanya ng isang lalaki. Paglingon niya, nakita niya iyong tumulong sa kanya na iniaabot ang bag sa may-ari nito. Then for a brief moment, Kein panicked. Was he not pinning down the thief?! “I-iyong magnanakaw!” she stuttered. Ibinaling ng tumulong sa kanya ang tingin nito. Bumuntong hininga bago ngumiti at itinuro ang gawi ng magnanakaw na siya ring sinundan ni Kein. Doon napagtanto ni Kein ang mga nangyayari. “That guy over there said that he’d take care of him,” anito. Nakahinga ng maluwag si Kein bago ulit bumaling sa may-ari ng bag. Apparently, she already has the aforementioned item in her hands while her eyes keep on shifting back from her and to the guy beside her. It was weird but she did not say anything… at first. “Sorry for intruding by the way, but may I ask something?” ani ng may-ari ng bag. Nakatakip ang kalahati ng mukha sa kamay, “just a quick question lang.” “Ah sige po,” sagot naman ni Kein. Matamis ang ngiting ipinilig ng babae ang ulo bago tumuloy sa itatanong, “you two look great together. Are you two, by any chance, a couple?” Ha? Parang naitulos na mga kandila si Kein at ang lalaking nasa tabi niya. Parehong hindi kaagad nakasagot at nanlalaki ang mga mata. Saka naman iwinagayway ni Kein ang dalawang kamay para sabihing hindi. Ni hindi nga niya kilala itong tumulong sa kanya! Kaso, hindi naman siya makapagsalita at tila ba nalunok niya bigla ang sariling dila! “Hindi kami magkakilala,” sagot noong lalaking nasa tabi niya, “ngayon lang po kami nagkitang dalawa.” Ah iyon. Itong lalaki na ang nagtranslate ng gusto niyang sabihin. Parang hindi kasi siya makapagsalita sa gulat eh. Awtomatiko niyang ibinaba ang mga kamay at napahawak sa dibdib niya. Whoo, para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib noong ito na ang sumagot para sa kanya. “Talaga? Akala ko magkakilala kayo. Kung pagalitan mo kasi si Miss, parang matagal na kayong magkakilala. Also, the two of you really looked good together,” the woman pointed out. Ngumiwi ang lalaki. “You’re mistaken. Tinulungan ko lang po itong babaeng nasa tabi ko. Masyadong impulsive eh. Muntik pang masaktan.” “Ay sorry na po, ‘no?” pairap na sagot ni Kein ngunit inismiran lamang siya nitong tumulong sa kanya kaya ibinalik niya ang atensyon sa babae, “bakit niyo po pala naitanong?” “Ah hindi, may nakita lang kasi ako,” sagot nito. Naipilig ni Kein ang ulo. “Nakita po?” Tumango-tango ito, “I think it’s both for your future. Quick image lang na dumaan sa isip ko. I saw you two wearing a tuxedo and a wedding dress so… I presume that both of you are bound by the string.” String? What string? Nagtaka siya sa bigla nitong sinabi. Pinigilan din ni Kein ang pagngiwi sa narinig. Mukhang hindi lang malas ang araw niya. Parang may bigla pa siyang nakilalang fortune teller dahil lang sa theft incident. Ang nakakatuwa pa, siya… ikakasal? Gusto niyang matawa ng malakas kasi hindi siya interesadong matali kahit kanino! Sa dami ng priorities niya, wala sa listahan ang pag-aasawa o pagpapakasal! Ni romansa o pag-ibig, wala! “Hindi po kami magkakilala,” giiit ulit ng lalaking nasa tabi niya, “baka po guni-guni niyo lang.” Didipensahan pa sana ng ginang ang sinasabi nang naputol na ang usapan dahil lumapit ang lalaking kasama ng may-ari ng bag. “Nahuli na, ipinakiusap ko nalang na ikulong sandali para hindi na umulit,” sabad nito bago natigilan nang mapansin silang dalawa. Pinasadahan sila nito ng tingin bago ito ngumiti at tumango sa kanila, “ah, kayo iyong tumulong sa asawa ko. Maraming salamat. Kung hindi dahil sa inyo baka nagwawala ito ngayon at paborito nito ang bag na dala-dala niya.” “Grabe ka naman! Hindi na nila kailangan marinig ‘yon!” sabi naman noong ginang na kausap nila. Sabay silang tumango nitong katabi niyang lalaki at tumango. Ang cute naman nilang panoorin. Matapos magtalo ng mabilis ng mga ito, ibinalik ng ginang ang tingin sa kanila. Kalaunan, ngumiti ito at tinanguan silang dalawa, “o siya, mauuna na kami ng asawa ko, ha. Mukhang naistorbo pa namin kayo sa lakad ninyo. Maraming salamat ulit!” “You’re welcome po!” ani Kein. “Ingat po kayo,” sagot naman ng lalaki sa tabi niya. Ngunit bago pa umalis ang mag-asawa, inabutan siya ng ginoo ng pera na siyang ikinagulat niya. “Para ro’n sa kape mo, hija. Maraming salamat ulit.” “Ha—ha?! Hindi na po!” Hindi naman niya gusto iyong lasa ng espresso na binili niya kaya win-win situation din kahit na gumastos siya para sa wala! “Ayos lang po, Sir! ‘Wag niyo na pong bayaran!” “We insist,” matigas na anito. In the end, kinuha ng ginoo ang kamay ni Kein at iniabot ang pera sa kanya. Gusto niya pa sanang magprotesta ngunit nang bitawan siya ng ginoo at lingunin nito ang asawa, wala na ring nagawa si Kein lalo na noong ngitian siya ng ginang. Para bang own way of thanking her na lang ito. … Well, okay. Looking at the bright side, she had her money back. But this isn’t really what she wanted. She just helped out of nowhere and because she knew that’s what she needed to do. Also, because it’s a kick from her heroine syndrome. Nang makaalis na ang mag-asawa ay aksidenteng naiangat ni Kein ang tingin sa tumulong sa kanya. Parehas silang nagulat nang magtama ang mga mata bago ulit nag-iwas ng tingin. Aru, hindi man lang alam ni Kein na nakamasid din pala sa kanya itong lalaki! Ang awkward tuloy. Hindi nagtagal, tumikhim si Kein at hinarap ang binata. “Salamat sa kanina,” mahinang aniya. The guy seemed to be taken aback. In fact, his eyes widened in surprise, but once he regained composure, he cleared his throat to reply, “no problem. Next time, ‘wag kang kilos lang ng kilos at baka matuluyan ka.” Napapikit siya at pasimple niyang kinagat ang pang-ibabang labi. Don’t say it like that! Baka mamaya, bigla nga siyang masaksak out of nowhere! Mukha na ba siyang ready nang mamatay at makipag-meet up kay Satanas?! Of course not! Humigop siya ng malalim na hininga bago sumagot, “ah, oo naman. Salamat ulit.” Muli siyang nag-angat ng tingin at nang matagpuan ang mga mata ng isa’t isa, nagkangitian silang dalawa. Medyo awkward pero ang weird dahil walang pumuputol sa tinginang iyon. Sa kasamaang palad pa e medyo matagal-tagal iyon. Mabuti na lang, may bumasag sa katahimikang unti-unting namumutawi sa pagitan nilang dalawa. “Nak ng! Hoy, Justin! Bigla ka na langng mawawala tapos makikipagbugbugan ka riyan?! Ano ka, si Darien?!” Nabaling ang atensyon nilang dalawa nang may sumigaw sa likuran ng binatang tumulong sa kanya. Maging ang mga taong may sariling ginagawa ay naituon ang mga mata sa lalaking lumapit doon sa ‘Justin,’ who turns out to be the man who helped Kein. So Justin pala. “Alam mo, ang layo-layo mo pero kung sumigaw ka, para kang nakalunok ng microphone. Wala ka bang makain at ‘yon pa ang inalmusal mo?” ganti nitong si Justin. Suminghal naman ang isa, “marunong ka na talagang gumanti eh, ‘no? ‘Wag ka ngang dumidikit kay Darien!” Imbes na sagutin ang kaibigan, hindi pinansin nitong Justin ang kasama nito. Sa halip, ibinalik nito ang mga mata kay Kein. Napaatras siya at pilit na ngumiti rito, siya namang pagtango ng binata. “Mauuna na ako,” paalam nito. Tumango at nginitian niya ito. “Ah ako rin, may lakad pa ako eh. Ingat, salamat ulit.” * SA ORAS na makabalik si Kein sa meeting place nilang magkakaibigan, naabutan niya sina Lauren at Audrey na naghihintay sa kanya. Blangko lang ang mukha niyang na naglakad tungo sa mga ito nang bigla siyang ngisian siya ni Audrey, dahilan para sandali siyang matigil sa paglalakad. “Oh, napano ka?” pag-uusisa niya “Ikaw, nakita ka namin, Kein! May kasama kang lalaki kanina!” pang-aasar nito, “sino iyon? May tinatago ka pala sa amin!” “Oo nga, Kein! Ang gwapo pa, ha. Tapos ang tinginan ninyo, intense!” dagdag pa ni Lauren. Mabilis na kumunot ang noo ni Kein sa narinig. Napapaisip kung sino ang tinutukoy ng mga kaibigan. Hindi nagtagal, napagtanto niya na baka iyong lalaking tumulong sa kanya kanina ang sinasabi nito, si Justin? “Gaga,” nakangiwing sagot niya, “hindi ko rin kakilala iyon. May nangyari lang kaya kasama ko kanina.” Humagikhik si Lauren. “Oo nga, balita namin may na-snatch doon pero nabawi naman. Kasama ka?” “Ah iyon nga. Basta magulo, ikukwento ko nalang mamaya sa inyo!” aniya saka minuwestrahan ang dalawa na tumungo na sila sa paroroonan, “‘tsaka may kasalanan kayo sa akin. Tara na, dali!” Lumapit si Kein sa mga kaibigan at saka sinimulang itulak ang mga ito pero bago pa man sila tuluyang makaalis, pinasadahan pa ng tingin ni Kein ang kaninang kinakatayuan ng tumulong sa kanya. Ang kaso lang ay wala na ito at maging ang kaibigan nito, mukhang nakaalis na. Today’s chaotic, Kein thought. At saka niya tuluyang iwinaglit na ang mga iniisip at itinuon na ang atensyon sa gala nilang magkakaibigan. Maging ang pag-iisip kay Justin at sa prediction kanina, ibinaon niya rin sa limot. And until then, it would be up to the strings.
I like this 🤩🤩
11/08
0I like this
16/09/2024
0amazing
22/07/2024
0ดูทั้งหมด