Chapter 1 The Incident NAKAKATUWA ang tadhana pagdating sa pag-ibig, mapaglaro ito at pilyo. Madalas, pilit itong nanghihila tungo sa roller coaster at nangtatali para hindi makawala ang prospect nito pero iyon ang paraan ng tadhana para gawing 'enjoyable' ang takbo ng buhay ng isang tao. Kung tutuusin pa, by pair pa ang itinatali sa isa't isa -- of why? It's not really a mystery but this is a conversation saved for later. Bilang para itong drayber ng roller coaster, kalmado ang takbo ng behikulo sa una. Wala lang, hindi madama ang excitement. Bland lahat. Baga, namasyal at nagsaya lang talaga ang mga nabiktima nito pero... trap lang iyon dahil pagdating sa slope ng roller coaster, doon magsisimula ang iba't ibang klase ng twist! Ngunit kahit gaano man ito kapilyo sa paningin, mayroon pa rin itong iniiwang palatandaan kung saan at paano ba nito ipinagbubuklod ang dalawang tao. Gaano man kagulo, kabilis o kabagal ang takbo ng mga pangyayari sa buhay ng isang tao, sa huli, mag-iiwan at mag-iiwan ang tadhana ng marka. Pamilyar ba ang mitolohiya kung saan ang siyang magkakatuluyan ay ipinagdurugtong ng isang pulang sinulid? * “ONE o’clock pm sharp pala ang usapan ha,” napapaismid na bulong ni Kein sa sarili habang naniningkit ang mga matang pinagmamasdan ang oras sa orasang pambisig. Muli siyang napabuntong hininga nang alalahanin niya ang usapan nilang magkakaibigan sa messenger. Ang linaw-linaw pa sa isipan niya ng lahat! Parang wala silang maayos na pinagkasunduan, e. Mga talk shit. Filipino time! “Sabi ko na nga ba at kailangan ko nang baguhin itong habit na pagiging maaga sa mga gala eh. Oras ang paghihintay ko at hindi minuto! Ekis na kayo sa akin, Audrey!” reklamo pa niya at sinipa ang maliit na batong malapit sa kanya bilang pagdadabog. Isang marahas bumuntong hininga ang kumawala sa mga labi ni Kein habang inililibot ang mga mata sa parke na kinaroroonan. Ito ang napag-usapan nilang gagawin nilang meeting place dahil bukod sa malapit ito sa pupuntahan nilang mall, hanggang dito lang tumitigil ang dyip na sinasakyan ni Audrey tuwing lumuluwas. Bad trip talaga. Napapaisip at marahil nagsisisi na rin siyang pumayag siya na sumama sa mga kaibigan na mamasyal. Bakit ba siya nandito? Day off niya ngayon. Day off, rest day, araw ng pahinga at ng kapayapaan. Sa dami ng pupwede niyang gawin sa bahay, nakakasising nandito siya ngayon sa parke at nag-aabang sa mga late niyang kabarkada! Ano bang sumapi sa kanya para ipagpalit ang comfort na hatid ng kama niya para tumayo sa kalagitnaan ng init? Para siyang natotosta, e. Ang poor naman niya sa pagdedesisyon! Tagaktak na siya ng pawis. Ang lagkit na ng pakiramdam niya at parang natunaw na ang suot niyang make-up. Pati yata iyong kili-kili niya e basa na. So, sino ang hindi manggigigil kung ganitong sitwasyon ang ikina-stuck niya? Out of boredom, Kein puckered her lips as she roamed her eyes around the park. Nearby the place she’s standing, there are several stalls and small businesses around, which soon gave her an idea! She let out a short chuckle before she shook her head, why hadn’t she thought of looking around as she let time pass, instead of just standing in one place? She’ll die and possibly smell like the sun — and man, how long had she spent at home to prepare for this ‘bonding’ or girl’s hang out, as what people usually call this. Also, if she enjoys her time alone, she can possibly forget how long she had been looking around. It’s somewhat of a perfect revenge since Audrey and Lauren will be waiting for her and think that she’s the one who’s late. Then again, she can show a lot of proof that she’s been standing here for almost an hour! But if she’s too kind for that, she can walk up to them and pretend like she thought that their bonding was cancelled before telling them this line: “Ay, tuloy pala? Sorry, ha! Nag-solo trip na kasi ako no’ng wala pa kayo. ‘Kala ko, ‘di na tuloy dahil ‘di naman kayo nagri-reply sa mga chat ko sa inyo. Uuwi na ‘ko, ingat kayo!” Pupwede niya rin silang pakyuhan! Gosh. Anyway, asa naman siyang masasabi niya iyon. Kagigil! * NANG makarating na siya sa malapit na café na nakita, napansin niya ang design at location. Kaagad siyang napaisip kung bago ba ang lugar na ito. Now, she doubts if she’ll buy coffee because what if she only wastes her money for something that tastes so strong or bland? Sa sobrang kaiisip, hindi pa niya napigilang na tumunganga sa labas. Anyway, what if hindi pala bago ito at matagal na? Hindi lang niya alam dahil hindi naman siya palalabas ng bahay. Wow, dilemma ng mga taong bahay. Kunot noo niya itong pinagmasdan. “No, parang matagal na ‘tong nandito, e. What if matagal na pa lang nandito? Ngayon ko lang napansin?” Anyway, bukod sa posibleng bagong café ito o baka matagal na at ngayon lang niya nakita, bigla siyang sinipa ng alalaang wala nga pala siyang alam tungkol sa kape! Aminado siyang medyo tanga siya roon sa parteng iyon pero itinuloy pa rin niya ang pangangahas na pumasok nang makapag-place ng order. She might have internally shook her head, but who knows. And apparently, she accidentally ordered hot espresso. Accidentally? Or she’s just too stupid that she didn’t know what she was even ordering? Napapangiwi tuloy siya sa desisyon niya sa buhay. Eh, bobo. Also, she can blame her social anxiety for ending up in a situation like this! Placing orders is really one of her weaknesses. Hindi na talaga siya uulit at maghahanap na ng kasama kapag bibili ulit siya sa café na iyon. She was really interested in the Strawberry Latte, though. What a shame. “Ang bobo mo, Kein!" may halong panggigigil niyang sabi sa sarili. She even clenched her free fists out of agitation, “ang bobo mo sa part na nag-order ka ng espresso, e ‘di ka naman fan ng kape! Ang clown mo!” Argh. It agitates her. Of all things that she could order since there’s a wide variety of drinks displayed atop the counter, she had to stutter and tumble upon espresso. Kailan pa niya nagustuhan ang mapait?! Sobra-sobrang pagti-test na ito ng mga bagong bagay. Siya mismo, natatakot sa dulot sa kanya ng boredom. Nevertheless, she still took a sip of her coffee. Sayang naman. But ack! Her face wrinkled and her nose scrunched because just as expected, she’s not a fan of espresso! Baka mamaya, kapag nandiyan na sina Lauren, ibigay na lang niya ito sa dalaga. Baka iyon, magustuhan itong espresso na binili niya. Dahil siya, isinusumpa niya ang nalasahan niya. Tunay ang pagkunot ng noo at paglukot ng mukha nang malasahan niya iyong earthy kuno. “Nagsisisi talaga ako! Ano ba itong poor life decisions ko?!” reklamo niya ulit, “ang pait-pait! Tao ba talaga mga umiinom ng ganito?!” And as Kein was about to head back to their meeting place, she abruptly heard a scream and some people shout: “Hoy, may snatcher!” “Ah! ‘Yong bag ko!” “Bumalik ka rito!” Iniikot ng dalaga ang mga mata sa sobrang pangit ng timing ng magnanakaw na tinutukoy nila. Pero noong nilingon niya iyong dako kung saan nagkakagulo ang mga tao, nanlaki pa ang mga mata niya sa bilis at galing umilag ng hinahabol ng madla. Kung tutuusin, wala rin namang balak si Kein na mangialam. Sino ba naman kasi ang gustong madamay sa mga ganitong insidente? Sigurado siyang hindi siya iyon pero biro lang pala. After all, her heroine syndrome kicked in and even before the thief could pass through her, she sneakily slid her feet to his path just so she could trip the culprit, and maybe it was by chance but it worked. Napatid nga ni Kein ang magnanakaw at ang dami niyang atensyon na nakuha. Iyon nga lang ay nakatayo ito at nilingon siya para tapunan ng masamang tingin. Way to go, Kein Madriaga! She is not a magnet of danger but she sure does provoke them just so they would avert their attention to her! And that is not good. It was never good! This is how her heroine syndrome makes her suffer, to be honest! “Ah, shit!” she muttered under her breath. Mahina siyang napamura nang akma siya nitong pagbubuhatan ng kamay, iyon nga lang ay mabilis niyang ibinuhos ang mainit na kape sa mukha at damit nito. Sa mabilis na sandali, na-distract niya ito pero alam niya na makakabawi na naman ito kaya inihanda niya ang sarili. She hugged herself and prepared for the worse. Unfortunately, she let her mouth keep running. “Susko, kuya! Hindi ka na lang tumakbo para nakatakas ka! Ang bobo mo, papatulan mo pa talaga ako!” natataranta niyang sigaw nang mapansing hindi kaagad titigil ang lalaki hangga’t hindi siya nagagantihan. Kabado man, handa na sana si Kein na sipain ang magnanakaw na iyon kung sakaling masaktan nga siya nito. Ngunit bago pa man siya mapagbuhatan ng kamay, may biglang dumampot sa braso ng magnanakaw bago ito napatumba. Sa isang iglap, bigla na lamang nitong kahalikan ang semento! And Kein was not sure what the hell or fuck happened. But then she remained standing there, dumbfounded. Everything passed by so quickly, she was unable to catch up. The bottom line is that, when this mysterious person interfered and yanked the thief’s arm to throw him out… just like that, they caught the bad guy. “What… What the hell?” she asked, still in disbelief of what had occurred in front of her. She slowly looked on her side and there she found the guy who helped her, “what the hell just happened?” There, she saw a handsome guy standing not so far from her, still holding the thief captive. Anyway, this guy… Iyong tumulong kay Kein, tipikal na malakas ang dating at aura – one that appeared dominant, intimidating, powerful, and mischievous but at the same time, presumably kind and gentle. Like, someone who schemes? One with several faces but she wouldn’t know what is real? Iniangat niya ang isang kilay nang makita ito. Habang pinagmamasdan niya ang binata at inoobserbahan, naisip niyang posible na itong pumasa bilang main lead sa mga libro. Kung hindi, siya iyong extra na hindi pinili ng main character. Basta ganoon ang vibes. It was then when that guy abruptly turned to her, dahilan para mapapitlag siya. Kunot kasi ang noo ng lalaki at masama ang tingin sa kanya. “Alam mo ba kung ga’no kadelikado ang ginawa mo kanina? This guy could hurt you Miss,” panimula nito. Namilog ang mga mata ni Kein sa narinig at medyo napaatras pa. Hindi naman siya gaga para hindi malaman. Alam niya rin kung anong pinasok niya kanina. Bad trip lang at unforeseen variable iyong bigla nitong pagganti! This guy pointed out something that she seemed to forgot to consider. Medyo kusa lang kasing kumilos ang katawan niya para manggulo sa gulo, ano. Anyway… it’s probably better to pretend to be innocent and clumsy? “I think I forgot?” she replied, also sounding really unsure. Napangiwi ang binata sa naging sagot niya. Then, he huffed at her. “What do you mean by ‘you forgot’? You should always think before deciding to act. You can’t always do things rashly, what if this guy suddenly stabbed you? He’s carrying a knife!” He was?! Napasinghap si Kein nang mapagtantong hindi niya alam kung mayroon ba itong dalang patalim. Alright, this guy— she meant, her savior, is really valid! Ang awkward lang na kung pagalitan siya e sa harap pa ng maraming tao. Pero sino ba ito? Matik ang pangangaral. Iyon nga lang, may punto itong tumulong sa kanya kaya hindi rin siya makapalag. Ipapahiya lang niya ang sarili. “Next time, think before you act,” dagdag pa nito.
I like this 🤩🤩
11/08
0I like this
16/09/2024
0amazing
22/07/2024
0ดูทั้งหมด