logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 1: The Truth

Braille Onix Yu's Pov
Hindi ko alam kung nasaan ako, ang alam ko lang madilim. Napakadilim ng buong paligid. Napalingon ako sa kanan at nakakita ako ng liwanag na agad kong nilapitan
Bawat hakbang palapit, kinakabahan ako, kung saan yun papunta? hindi ko alam
"Braille..."
Agad akong lumingon sa pamilyar na boses na yun at nakita ko nga si Iryll
"Iryll" masayang yakap ko sakanya "Saan tayo? Bakit ang dilim dito?" hindi ko na napigilang itanong
Pero imbes na sumagot, ngumiti lang ito at bahagyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko
"Braille, makinig ka sakin. Ok?" kagat pa nito sa ibabang labi
What's going on? Kinakabahan ako sa kinikilos nya
"I have to leave you, pero sana tandaan mong mahal na mahal kita" tuluyan ng napaiyak na simula nya, kaya kahit nalilito pilit ko paring pinunasan ang luha sa pisngi nya
Anong sinasabi nyang aalis sya? Sasama na sya sa iba? Ganun ba?
"Gusto kong maglakad ka doon" turo nya sa likod ko
Lalong kumunot ang noo ko. Madilim ang daan na yun tulad ng paligid namin.
"Saan ka? Iryll, wag mo akong iwan please. Sasama nalang ako sayo" Pwede naman diba?
Umiling sya "Hindi pwede, Braille. May pag-asa ka pa" makahulugang turan nya "You need to go" nanlalaki ang mga matang tulak nya saakin ng makita ang isang maliit na liwanag
Lalo akong kinabahan, at the same time nasasaktan ako. Iiwan nya ako sa dilim na ito
Tumakbo sya palapit doon sa liwanag. Hinabol ko ulit sya at mahigpit na niyakap
"Please, don't go.." pakiusap ko "Don't leave me" lalo pang humigpit ang yakap ko
Ramdam ko ang pagtulo ng mga luha nya sa kamay ko. Pero inalis nya parin ang kamay ko sa pagkakayakap sakanya at humarap saakin
Tuluyan na akong umiyak ng makitang umiiyak sya.
Ayokong iwan nya ako, gusto kong makasama sya.
"Mahal na mahal kita..." lapit nya ng mukha sa mukha ko
Kasabay ng paglapat ng labi nya sa labi ko, ang pagtulo ng luha namin sa pisngi at patak nito sa kamay naming magkahawak
"But you have to live..." nagulat ako ng itulak nya ako ng malakas
Sa sobrang lakas nun, hindi ko na namalayan kung nasaan ako napunta, basta nakita ko nalang na tumakbo na sya papunta sa liwanag at hindi na kailanman lumingon pa saakin
"Iryll..." bangon ko
Humabol ulit ako sakanya, pero kahit anong gawin kong takbo parang hindi na ako lumalapit sa liwanag at hindi din umaalis sa pwesto. Sa gitna ng dilim
"IRYLL!" sigaw ko sa pangalan nya, habang patuloy sa pagsusumamo
No! She can't leave me like this.
"IRYYYLL!!!" buong lakas ko ng pagtawag
Pero wala na sya...
Iniwan nya na ako
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Iryll..."
"Doc, the patient is awake!" rinig kong anunsyo ng isang boses
Sa isang iglap marami akong narinig ng yapak na lumapit sa kinahihigaan ko
"Look at the light" utos ng lalaking nakita ko pagmulat ko ng mata, kasabay ng pagtutok nito ng ilaw sa mata ko. Kaya ikinapikit ko muna ito
Sumakit bigla ang ulo ko, pero sumunod parin ako at tinignan ang ilaw na sinasabi nya. Tinutok nya ito sa left at tinignan ko, tinutok nya sa right at tinignan ko ulit. Nang matapos pinatay nya ito at nagsulat sa chart na nasa gilid ko
"His eyes is fine, responsive. But we still have to conduct more test" anunsyo nito
"W-wha--" I tried to speak pero paos ang boses ko
Akmang babangon ako ng pigilan ako ni Mama at ng kapatid kong si Jonathan
"Wag mong pilitin ang katawan mo" alalang paalala ni Mama at nilingon ang doctor "Gawin nyo ang dapat, Doc"
Tumango lang naman ito at inutusan ang isang nurse na ihanda ang isang kwarto. Pagkatapos nun, may mga pumasok na lalaking nurse at dahan-dahan nila akong binuhat para ilipat sa kabilang kama na may gulong
Doon ko lang napansin na nakasemento pala ang kaliwang braso ko, may benda ang ulo ko at masakit ang tyan ko na parang nabugbog.
Anong nangyari at nandito ako? Huling naaalala ko--
Si Iryll!
"M-ma, nasan si Iryll?" aligaga kong tanong kahit paos at pilit pang lumingon
Pero imbes na sumagot, mukha lang itong nagulat at nalungkot ang mukha
Gusto ko pa sanang itanong kung kamusta na sya o kung saan ang kwarto nya, pero nailabas na nila ako. Hahanapin ko nalang sya mamaya. Wala naman akong sugat sa paa. Makakatakas ako
------------------------------------------------------------------
"Doc, Natumba po ulit ang anak nyo" alalang pasok ng isang nurse
Tinignan naman ako ni Doc, tipong nagpapaalam. Tumango nalang ako bilang pagpayag na umalis ito at iwan ako mag-isa
He's our most trusted Doctor, and he specialized in neurological disorder or diseases. Pagkaalis ni Dr. Chen, dahan-dahan kong tinanggal ang kumot ko at bumaba sa kama
Napangiwi ako ng makaramdam ulit ng sakit sa tyan at ulo. Kailangan ko munang hanapin si Iryll. Siguraduhing ligtas sya at nagpapalakas din tulad ko. Kahit na nakahospital gown lang ako
Naaalala ko na, nabunggo pala ang sasakyan ko sa puno, kung saan pauwi na kami at iniiwasan ang isang truck na mabilis ang takbo.
Marahan kong binuksan ang pinto. Mahirap na baka pagalitan ako nila Mama sa oras na malaman nilang tumakas ako sa check up ko. Medyo masakit pa ang buong katawan ko, pero sa tingin ko, kaya ko nang tumakbo kapag may nurse
"Lanie! Wag kang malikot!" rinig ko sa loob ng isang kwarto, kasabay nun ang ingay na parang may nabasag
"Lumayo kayo! May mga multo sa likod nyo!" sigaw pa ng isa na ikinaatras ko
Wala doon si Iryll. Takot yun sa multo eh.
Tinignan ko din ang pangalan ng isang pinto
Xiera Santiago
Mali din ito, pero sinilip ko parin at nakita ko ang isang babaeng payat na nakahiga at tipong nagbibilang habang nakatingin sa taas. Nang tignan ko ang binibilang nya. Kumunot ang noo ko na hugis kambing ang mga ito
Weird...
Napailing nalang ako at marahang sinara ang pinto
Sunod kong tinignan ang kabilang kwarto.
Private room din ata ito. Pagkabukas ko, nakita ko ang isang babaeng sobrang payat na nakatalikod saakin.
Lalong hindi ito si Iryll. Sinara ko ulit ito at tinignan ang pangalan.
OLLIE YOE YADAO
nakacapslock pero kabaliktaran nya ang taong nasa likod, payat yun at mukhang hindi din ganun katangkad
Sinunod ko ang kwartong nasa tabi nya. Nagdikit ang kilay ko ng makitang pangalan ni Zealan na kaibigan ko ang nakalagay
Kailan pa sya tumira sa hospital? May sakit ba sya?
Dahan-dahan ko itong binuksan, pero wala naman akong nakitang Zealan. Baka naman nahospital lang dahil sa kakulitan? Tapos umalis na ngayon, haha
"Hay naku, Zealan" iling ko nalang
Sunod kong tinignan yung kwarto nung Rodnie. Pero nakita ko lang ang isang lalaki na nakatalikod habang naglalaro ng computer.
Wala dito, sinara ko nalang ulit
Last na kwarto na, at nasa dulo pa
Marviel Kismet Chen at Miracle Destiny Chen
Whoa! Dalawang tao sa isang private room? Pero parehong Chen, magkapatid? Baka ito na yung anak ni Doctor Chen. Lagot kapag nahuli nya ako!
Tatalikod na sana ako ng bumukas ang pinto, na ikinatigil ko. Lumabas mula doon ang dalawang babae, na mukhang nagulat din ng makita ako
Malamang, makakita ba naman sila ng pasyenteng pagala-gala. Hindi ko maiwasang mailang sa itsura ko ngayon. Para akong nakadamit pambabae sa gown na ito
Pero agad kong itinuon ang atensyon ko sa dalawang babae. Pareho silang maputi at pareho rin silang maganda. Maiksi din ang buhok nila na hanggang sa balikat lang
"May kailangan po kayo?" tanong ng isang mas maliit, pero cute
Napangiti ako ng ngumiti ito, para kasing nakakahawa ng ngiti nya
"A-ah" Takte! Ano na ulit ang ginagawa ko?
Kumunot naman ang noo nung isa sa inaasal ko, kaya napakamot nalang ako sa batok
Ah oo tama! Hinahanap ko kung saan si Iryll. Ayun, tama!
"M-may hinahanap ako" sa wakas nasabi ko, pero naiilang ako
O nahihiya sakanila. Baka akalain kasi nilang may masama akong balak sa taong nasa loob.
"Wag mong sabihing ikaw yung g*g*ng yun!?" taas kilay ng isa, mukha syang mabait, pero sa pananalita nya parang masungit sya
Gago? Ni hindi ko nga sya kilala
"Hindi ko alam ang sinasabi nyo, hinahanap ko lang ang kwarto ng girlfriend ko" amin ko sakanila
Nagkatinginan naman ang dalawa, lumapit pa yung mas maliit sa kasama nya at may binulong
"Hindi ko alam eh, basta kasalanan ng g*g*ng yun kung bakit umatake ang sakit ng kapatid ko" mahinang sagot ng isa at tinignan ako ng masama
Mukhang ako talaga ang pinaghihinalaan nito ah
"Aalis nalang ako" atras ko
Nakakatakot ang tingin nya eh
"Teka!" napatigil ako "Ano ba kasing pangalan mo?" tanong nung mas maliit paglingon ko
"Boy" maikling sagot ko at tumalikod na
Titignan ko na sana ang ibang kwarto sa kabilang dulo, yun ang nakalimutan kong tignan. Ng marinig ko ulit na bumukas ang pinto sa kwartong iyon at lumabas si Doctor Chen
"Braille?" tawag nito
Patay...
Marahan ko syang tinignan at ngumisi sa sobrang hiya
Parang tatay ko na din kasi sya, since Tito sya ni Iryll. But I guess nasira na ang good boy image ko sakanila sa ginawa kong ito
"What are you doing here?" alalang lapit nito "Wala bang masakit kapag naglalakad ka?" hawak pa nila sa balikat ko at tinignan ang likod ko
"W-wala po, sa tyan lang kanina" hindi makatingin sa mata nilang sagot ko "H-hindi po kayo galit, Doc?" subok kong tanong
Mahina naman silang natawa at umiling. Para akong nabunutan ng tinik sa sagot nila
"Why would I be?" tanong nito at mahinang ngumiti
Gusto ko sanang itanong sakanila, kung saan ba talaga ang kwarto ni Iryll, nang magsalita yung isang babae na mataray ang boses
"Kilala mo sya, Dad?"
Teka.. Dad?
Sabay kaming napatingin ni Doc sakanya. So sya yung isa sa anak ni Doctor Chen...
"Pasyente ko at boyfriend ni Iry" sagot lang ni Doc at iginaya na ako papunta siguro sa kwartong pagchecheck-up-an niya saakin
"I still need to tell you something in private..." mahina nitong turan
Hindi ko alam kung bakit, pero nakaramdam ako ng kaba sa sinabi nila. Parang hindi maganda ang sasabihin nila sa tono ng boses nila...
Bahagya akong napalingon ulit sa dalawang babae, lalo na doon sa mas maliit. Napangiti ako sakanya bilang pagbati at pasasalamat ng lumingon sya saakin, at nakaramdam ako ng saya sa puso ko ng ngitian nya din ako
One word to describe her... Cute.
------------------------------------------------------------------
Ramdam ko ulit ang kaba sa dibdib ko. Nang hindi kami dumiretso sa check-up room. Kundi sa panibagong kwarto na medyo madilim
Pinauna akong pinapasok ni Doctor Chen, kaya naman halos masilaw ako ng buksan nila ang ilaw at makitang ang mga cabinet
Anong ginagawa namin dito? Wag naman nilang sabihin na gusto nilang ayusin ko ang files dito? Kakagising ko lang...
"Iho.." napalingon ako.
Kumunot ang noo ko ng makita ang isang folder na inaabot nila.
"I can't give you any further information. Yan lang ang maitutulong ko sayo" turan pa nila. Kaya kahit kinakabahan, tinanggap ko parin ito at binuksan
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nabasa ko
"I'm sorry, but she's gone"
Tumulo ang luha ko sa papel na hawak ko.
No...
Hindi pwede..
Nakagat ko ang ibabang labi sa pagpipigil na humagulhol
Hindi pwede!
Hindi sya pwedeng mawala!
"Iryll!" tuluyan ko ng pag-iyak
Agad naman akong nilapitan ni Doctor Chen, hinawakan nya ako sa sa balikat ko upang alalayan ng manghina ang mga tuhod ko
Hindi pwede ito, hindi. Hindi ito totoo!
No!
"IRYLL!!!"

หนังสือแสดงความคิดเห็น (22)

  • avatar
    manguladmhel

    more story po so nice author,😍

    23/03

      0
  • avatar
    Mae Villareal II

    it so good story.

    09/01

      0
  • avatar
    AniaLucsadatu

    Wowww i love it

    09/12

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด