Hindi naging hadlang ang mga estudyante na galit sa kaniya upang itigil niya ang kaniyang pangarap. Nang sandaling iyon, halos hapong-hapo na siya gawa ng taas ng kaniyang lagnat. Hindi malaman ng kaniyang ina kung ano ang gagawin sa kaniya dahil sa sobrang taas niyon. Mabuti nalang at nariyan si Ilker upang alagaan siya, upang gawin lahat ng mga bagay na maaring makatulong sa kaniya. "Ilker, ikaw muna bahala sa anak ko ha. Igagawa ko lang kayo ng hapunan." sambit ng kaniyang ina. "Opo! Huwag po kayo mag-aalala hindi po ako aalis sa tabi ni Nikki, nursing student po ako at alam ko po kung ano ang gagawin upang mas mabilis na maampat ang lagnat ni Nikki. Pasensiya na rin po kayo sa nangyari sa school hindi ko man lang naipagtanggol si Nikki. Late ko na po kasi siyang nakita!" pagpapaliwanag ni Ilker sa kaniyang nanay! "Bakit ka ba nag-sorry? Hindi naman ikaw ang may kasalanan ng mga bagay-bagay na nangyari sa akin, kasalanan ko rin naman iyon dahil super bilis matanggal ng botones ng suot kong uniform kaya mabilis nila akong nahubaran upang ipahiya sa harap ng maraming tao." sambit niya sa binata. "Nagsisinungaling ka! Alam kong hindi ka okay!" sambit ni Ilker sa kaniya. "Sino ba namang hindi magiging okay, kung ang daming lalake nakakita sa buo kong pagkatao, lubhang nakakadismaya ang mga bagay na naganap sa akin!" sambit ni Nikki kay Ilker. "Mahalaga hindi ka nasaktan!" sambit ni Ilker. "Ang dami kong pangarap para sa school days ko, gusto ko pang sumali sa Mr. and Ms. T&S University. Pero paano pa ako sasali ngayong wala na akong mukhang maihaharap sa kanila, kung hindi ka dumating baka kung anong mangyari sa akin! Baka kung ano nang nangyari sa akin!" sambit Nikki. Natatakot na siya sa mga maaring mangyari sa kaniya sa eskwelahan. "I promise to protect you as always, no matter what happen. Ako nalang ang maghahatid-sundo saiyo." sambit ni Ilker kay Nikki. Tila nagbago naman ang hangin at medyo naging awkward para kay Nikki ang lahat. Iniisip niya kung sasabihin ba niya ang mga bagay na naganap, o ililihim nalang kay Ilker. "Huwag na, nakakahiya naman nakakaabala pa ako saiyo kung malapit kana sa school tapos susunduin mo pa ako. Malayo ang Antoineville bahay ninyo. Mainam pa kung ako nalang, malapit din naman yung school sa bahay. Ayoko naman na pati ikaw pag-initan din ng mga girls ni Selim!" sambit ni Nikki habang sinusubukan tanggalin ang mga kalyo sa tuktok ng kaniyang daliri. "AYOKO! Hindi ako payag!" sambit ni Ilker kay Nikki. "Bakit nasigaw ka, kinakausap lang naman kita." sambit ni Nikki habang nakayuko at panay kutkot sa kaniyang dead skin. Sinubukan siyang pigilan ni Ilker sa kaniyang mannerism, pero pabalik-balik lang si Nikki sa kaniyang ginagawa. Lumabas sandali ang nanay ng huli at kinuha ang cellphone at doon sa labas kumanta ng 'You,' pero hindi iyon inintindi ni Nikki at Ilker. Silang dalawa lang nag-iintindihan. "Susunduin kita bukas! Walang aangal." sambit ni Ilker. "But!-" naputol ang sinasambit niya at hinarangan iyon ni Ilker ng kaniyang hintuturo. "No buts!" sambit ni Ilker. Nang sandaling iyon gusto lang naman sana ni Nikki sabihin kung ano ang tumatakbo sa isip niya, pero dahil pinigilan siya nito magsalita- wala na siyang nagawa kung hindi sundin nalang ito. ** Kinabukasan, antok na antok pa si Nikki. Hindi dahil hindi siya makatulog. Kung hindi dahil sa kaniyang ginawang jacket na hindi basta-basta mahuhubad, ayaw na niyang maranasan pa ang insidente na sobrang ikinabagsak ng self confidence niya. Isa siyang kontesera at mahirap para sa kaniya na labanan ang kahihiyang dulot ng mga taong nasa kaniyang paligid. Sa tanan ng kaniyang buhay, noon lamang may bumastos at wumasak ng kaniyang dignidad. Napaka-walang moralidad ng mga schoolmate niya sa T&S University. Pakiramdam ni Nikki ng sandaling iyon ang mataas na standard ng school ay nabahiran ng kabuktutan ng mga taong punong-puno ng galit at inggit. "Anak ang ganda!" bulalas ng kaniyang ina, suot pa nito ang headset habang hawak ang cellphone na gamit nito sa online kantahan. "Nanay! Marami kana ba coins?" sambit ni Nikki sa kaniyang ina. "Oo anak 4 million na." sambit ng kaniyang ina. "Wow nay, convert natin sa peso iyan soon. Malaki na rin iyan!" excited na sambit ni Nikki at niyakap at pinugpog ng halik ang ina. "Mahal kita, mama ko!" sambit ni Nikki at niyakap ang ina na biktima ng depression. Narinig nilang mag-ina ang busina ng sasakyan ni Ilker, out of nowhere kinakabahan siya. Para bang siya pa ang may kasalanan dahil ihatid siya ni Ilker. Ngunit paglabas niya dalawang sasakyan ang kaniyang nakita. "Ilker! Selim?" bulalas niya parehas kumaway ang dalawa sa kaniya. Naalarma siya sa mga kapitbahay at agad na kinuha ang kaniyang bag sa lamesa. "Nanay alis na po ako!" sambit ni Nikki. Tumango lang ang kaniyang ina at kumakanta ng jukebox song. "Taksil ka man sa sinta mo, kailangan kita sa buhay ko! Kailangan ko ang pag-ibig mo, kailangan kita sa buhay ko!" kanta ng kaniyang ina. Natawa nalang siya feel niya kasi taksil siya dahil dalawang lalake ang nasa labas ng kanilang bahay. Dahil dalawang lalake ang naghihintay sa labas ng kanilang bahay mas pinili nalang niyang maglakad. "Nikki! Sa akin ka sumabay, hindi ba sinabi ko saiyo susunduin kita!" sambit ni Ilker. Hindi naman niya ito pinansin sumakay na ang dalawa sa sasakyan at sinusundan lang siya habang naglalakad. Wala naman pakielam si Nikki sa mga ito dahil paniguradong mag-aaway lang ang mga ito kung kay Ilker o kay Selim man siya sumakay. Kaya naman ng makita niya si Tolits bumili na muna siya ng gatas, pagkuwan palihim na kinausap si Tolits. "Tolits!" sambit niya ng maibigay na nito ang gatas na binili niya. Hindi niya alam kung naririnig ba siya ng dalawang binata o hindi ang importante makalayo muna siya sa gulo. "Bakit?" sambit ni Tolits sa kaniya. "May problema kasi ako, yung dalawang kotse na iyon panay sunod sa akin. Baka naman pwedeng ihatid mo ako sa school, babayaran nalang kita!" sambit ni Nikki kay Tolits. Tila nabuhayan naman ang kababata at agad na tinawag ang kasama nito. Mayamaya pa ay lumabas na ito at ibinigay sa kaniya ang isang helmet. **
Behave at first but there's a lot of twist in the middle
31/05/2022
0quite thrilling and makes me chill 💁
31/05/2022
0this is a wonderful story that i've read
13/05/2022
1ดูทั้งหมด