logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

The night after that incident, Kuya scolded me saying that I should have told him about my plan earlier. Hindi iyong basta-basta ako umaalis ng hindi nagpapaalam sa kaniya. Nagalit din siya dahil sumama ako kaagad kay Kuya Jacques kahit hindi ko pa naman ito lubos na kilala. I feels so bad. Why did he have to scold me kung wala naman akong ginagawang masama? We just ride a horse. Walang masama sa ginawa ko. Noon pa man ay alam na niya na ito ang gusto kong gawin dahil palagi ko sa kaniyang sinasabi na gusto kong sumakay sa kabayo.
But I just can't understand why he have to be mad about that. It's a good thing that my grandparents defended me saying that Kuya Jacques is a good man. Totoo naman talaga iyon. Mabait naman talaga si Kuya Jacques at wala siyang ginawang masama sa akin.
Kuya Gilbert was just so overacting again that I can't breath anymore. Nasasakal na ako sa sobrang higpit niya sa akin. Nang gabing iyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak. Pigil na pigil akong huwag makagawa ng anumang ingay dahil nasa kabilang kwarto lang si Kuya. Ayokong magalit siya sa akin pero hindi ko maiwasang sumama ang loob sa kaniya.
Bakit ba ganito siya kahigpit sa akin? I know my limitations. Hindi ako mangmang sa mga nangyayari sa paligid ko. Alam ko ang posibleng mangyari sa akin kapag hindi ako nag-ingat. But I know my limitations. Alam ko kung hanggang saan lang ako pwede. Alam ko ang mga ginagawa ko. Bakit ba hindi niya ako kayang pagkatiwalaan?
Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas sa kwarto kinaumagahan. Hindi naman masyadong mugto ang mata ko kaya hindi halatang umiyak ako kagabi. Nadatnan ko si Lola na nasa hapag at naghahanda ng almusal.
"Oh? Anastacia, umupo ka na rito at mag-aagahan na tayo."
"Magandang umaga, Lola." matamlay kong pagbati sa kaniya. Umupo ako sa silya na palagi kong inuupuan. Ni hindi ko na nagawa pang tumulong kay Lola sa paghahanda.
"Ayos ka lang ba, apo? " nag-aalalang pagpuna niya sa akin. Sunod-sunod naman akong tumango at pilit ginawang masigla ang pagngiti. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Lola. "Hayaan mo na ang kuya mo. Nag-aalala lang iyon sa'yo kaya ka niya napagalitan kahapon."
Ako naman ang napabuntong-hininga. Alam kong hindi dapat ako magtanim ng sama ng loob kay Kuya. Pero hindi ko talaga maiwasang sumama ang loob dahil sa nangyari kahapon. Nagkaroon din ako ng kaunting tampo kay Kahel dahil totoong sinumbong niya nga ako kay Kuya. Hindi ko naman siya masisisi. Siguro ay iniisip lang niya ang naging usapan nila ni Kuya. Pero sana lang hinayaan niyang ako na lang ang magpaliwanag. Hindi ko rin siya matutulan kahapon dahil maging siya ay galit na galit ang itsura.
Ano bang masama sa pagsama sa Kuya niya? O baka naman nagalit siya dahil hindi namin ipinagpaalam si Abacus?
Napatigil ako sa pag-iisip nang matanaw si Kuya na lumabas ng kwarto niya. Nakita ko rin si Lolo na papunta na sa hapag upang kumain ng almusal.
"Gilbert, gusto mo ba ng kape?" tanong ni Lola. Hindi ko naman tinangkang sulyapan si Kuya subalit narinig ko ang pagsang-ayon niya.
Tahimik naman talaga kami sa tuwing kumakain subalit may kakaiba ngayong araw. Madalas kasi ay binabati ko silang lahat ng magandang umaga. Pero si Lola lang ang tanging binati ko ngayon. Hindi na rin ako nagsalita pa pagkatapos niyon. Hindi rin ako nag-angat ng paningin sa kanila. Nakatingin lamang ako sa aking pinggan na hindi ko pa nalalagyan ng kahit isang pagkain.
Para akong walang ganang kumain at kumilos. Saglit pa akong nagulat nang lagyan ako ni Kuya ng sinangag na kanin at itlog sa pinggan ko.
"Kumain ka na, Ana." tumayo siya at nagtungo sa kusina. Nagkatinginan namin kami nina Lola. Nakita kong nakangiti sila sa aking dalawa.
"Hindi ka talaga matitiis ng kuya mo." hindi naman nito natanggal ang tampo ko sa kaniya. Matamlay pa rin ako at hindi ginagalaw ang pagkain. Pagbalik ni Kuya ay may dala na siyang tasa. Inilapag niya iyon sa harap ko. Doon ko tuluyang nakita ang laman nito. Gatas.
Hindi ko ininom ang gatas. Sa halip ay kinuha ko ang kape na tinimpla ni Lola. Hindi ko rin ginalaw ang pagkain na nilagay niya sa pinggan ko. Kumuha ako ng tinapay at pinalamanan ito ng itlog.
"Magugutom ka kaagad kapag iyan lang ang kinain mo." pagpuna niya sa akin. Hindi naman ako tumugon. Nakita ko sina Lola na tahimik lamang kaming pinagmamasdan. Ipinagpatuloy ko ang pagkain sa tinapay habang umiinom ng kape.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kuya.
"Ana..." nagbabantang tono niya. Doon lang ako tuluyang bumaling sa kaniya. Hindi ako ngumiti o kung ano pa man. Masama pa rin ang loob ko. "Masama ang kape sa bata." saad niya.
Hindi naman ako tumugon. Pati pag-inom ko ng kape ay pinupuna niya. Hindi na ako bata. Labing tatlong taon na ako at hindi na ako bata.
"Gilbert, hayaan mo na. Masyado mo namang tinuturing na bata iyang kapatid mo. Hindi na bata si Ana." lihim akong sumang-ayon sa turan ni Lolo. Naiintindihan ko na palaging may mamasabi si Kuya sa mga kilos ko. Hindi lang kasi pagiging kapatid ang ginagampanan niya. Dahil wala akong tatay ay siya ang nagsilbing ama ko sa mga nakalipas na taon. At ngayong wala rito si Mama, siya na rin ang pansamantalang tatayo bilang nanay ko.
"Bata pa si Ana, Lolo. 13 pa lang siya."
"Oo nga, Gilbert. Pero may isip na iyang kapatid mo. Matalino si Ana at alam na niya kung ano ang tama at mali. Paminsan-minsan ay hayaan mo rin siyang magdesisyon sa kung anong gusto niyang gawin. Hindi habang-buhay na bata iyang kapatid mo. Kapag lumaki iyan na umaasa sa mga payo mo, baka doon ka naman magsisi dahil hindi mo siya naturuang magsarili habang maaga pa."
Napabuntong-hininga si Kuya. "Ayaw ko lang na mapahamak ang kapatid ko." malungkot na aniya. Bigla naman akong nakonsyensiya.
Alam ko naman talaga na nag-aalala lang para sa kapakanan ko si Kuya. Magmula noon ay ito na ang palagi niyang ginagawa. Kaya nga naghiwalay sila ni Ate Nadera kasi mas inuna niya ako kaysa sa sarili niya. Gusto kong maging masaya si Kuya. Ayokong habang-buhay siyang matali sa responsibilidad niya sa akin. Ayokong pahintuin ang pag-ikot ng buhay niya dahil lang sa kailangan niya akong alalahanin bilang nakababatang kapatid.
Nanatali naman akong tahimik habang kumakain. Wala ng nagtangka pang magsalita habang nasa hapag. Tanging ingay lamang ng mga kubyertos at paghigop ng kape ang maririnig sa paligid
Napatingin ako sa labas at nagpapasalamat na hindi umuulan ngayon. Subalit sa kabilang banda, nalungkot din ako dahil wala sa plano ko ngayon ang lumabas. Parang tinatamad na akong maglibot sa paligid.
"Ana..." pagtawag sa akin ni Kuya. Lumingon naman ako sa kaniya. Napabuntong-hininga siya nang makita na wala pa rin akong balak na kausapin siya. "Gusto mo bang lumabas?" tanong niya. Kaagad akong umiling. Wala ako sa wisyo para lumabas ngayon. Isa pa ay hindi ko rin alam kung paano ako haharap kay Kahel kapag nakita ko siya. Baka hanggang ngayon ay galit pa rin iyon sa akin. "Gusto mo bang sumakay ng kabayo? Tuturuan kita?" nanlaki ang mata ko sa narinig.
"Totoo?" manghang tanong ko. Hindi makapaniwalang bumalik ang sigla ko dahil sa alok niya. Basta't tungkol sa mga kabayo, wala akong balak na tumanggi.
"Tamang-tama. Papunta ngayon ang Lolo niyo sa pastulan. Sasama na rin ako at papanoorin ko si Ana na matutong magpatakbo ng kabayo." mas lalo akong natuwa sa sinabi ni Lola. 
Ngiting-ngiti ako habang sinisimulang kainin ang mga pagkain na iniligay ni Kuya sa pinggan ko. Ininom ko na rin ang gatas na itinimpla niya. Sa isang iglap ay nawala ang lahat ng sama ng loob ko kay Kuya. Tama nga si Lola na hindi niya ako kayang tiisin. Tumulong mula ako sa paghuhugas ng pinggan bago ako nagbihis. Pinagsuot din ako ni Kuya ng bota para raw hindi masugat ng matatalas na damo ang binti ko.
Sinabi ko kina Lolo na huwag na lang si Abacus ang gamitin namin. Hindi ko na rin sinabi kung ano ang dahilan ko. Mabuti na lamang at pumayag sila. Nasa likod ko nakasakay si Kuya habang tinuturuan niya ako kung paano sumakay ng maayos at kung paano hawakan ang lubid. Itinuro rin niya kung paano ko makokontrol ang kabayo.
Sa una ay hindi madali para sa akin dahil malaki ang dinala naming kabayo. Hindi naman ako pumayag na bisero ang dalhin dahil masyadong maliit naman iyon para sa akin. Nanatiling nakapanood sa amin sina Lola sa malayo. Paminsan-minsan ay sumisigaw pa sila sa tuwing nakikita akong humawak ng lubid.
Nang mapagod ay saglit naming pinagpahinga ang kabayo. Naglatag si Lola ng tela at doon kami naupo para magpahinga. Tuwang-tuwa ako dahil kahit papaano ay nakakaya ko ng magpatakbo ng mag-isa. Sa susunod ay baka kakayanin ko na talaga kahit hindi nakaalalay sa akin si Kuya.
"Uminom ka muna ng tubig, apo." pag-aalok sa akin ni Lola. Ngumiti naman ako at tinanggap ang tubig.
"Salamat po." lumapit sa akin si Kuya at pinunasan ako ng pawis sa noo. Ngumiti ako sa kaniya kahit nakasimangot siya sa akin.
"Pagod ka na yata eh. Tama na kaya muna?" suhesyon niya. Sinabi rin niya na tumataas na ang sikat ng araw. Nagpumilit ako na isang beses na lang at ako naman ang sasakay mag-isa. "Hindi ka pa pwedeng mag-isa. Baka mahulog ka kapag hindi mo nakontrol ng maayos."
Napasimangot ako. Atat na atat na kasi talaga akong sumakay doon ng mag-isa. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay paraan ko iyon para may mapatunayan sa sarili. Ayoko kasing habang-buhay ay nakaalalay sa likod ko si Kuya. Tama si Lolo na habang maaga pa ay dapat turuan na niya ako kung paano tumayo sa sarili kong paa.
"Subukan lang natin kung hanggang saan ang galing ni Ana. Kapag hindi niya kinaya, ako pa mismo ang magbabawal sa kaniyang sumakay sa kabayo." Si Lolo. Kumindat siya sa akin at ngumiti.
"Lolo, kapag hindi niya kaya, mahuhulog siya at mababalian ng buto. Ayokong magkaroon ng kahit na isang galos sa katawan iyang kapatid ko." Napabuntong-hininga ako sa itinugon ni Kuya. Heto na naman tayo...
"Kuya..." Pagmamakaawa ko sa kaniya. Gustong-gusto ko kasi talaga. Pagdating sa mga kabayo ay gusto kong matutunan ang lahat. Kaya sa college, gusto kong kuhaing kurso iyong may kinalaman sa mga hayop. Marami kasi akong gustong pag-aralan tungkol sa kanila.
Napabuntong-hininga sa akin si Kuya. Umiling-iling pa siya subalit wala na ring nagawa kundi ang pumayag. Tuwang-tuwa ako sa pagpayag niya. Mabilis akong tumayo at nagtungo sa kabayo. Mabilis akong nakasampa rito at hindi na kinailangan ang tulong ni Kuya.
"Ana! Huwag mong pabilisin!" Dinig kong sigaw ni Kuya sa malayo. Bahagya ko namang hinila ang tali sa leeg ng kabayo para pabagalin ang pagtakbo nito.
Nakangiti ako habang nagpapatakbo dahil alam ko sa sarili kong kaya ko na itong kontrolin. Mabait din ang kabayo at hindi ito nagwawala. Nakailang ikot ako sa pastulan pero hindi nabawasan ang tuwa ko.
Naramdaman kong pagod na ang kabayo kaya nagdesisyon akong tumigil na. Dumiretso ako sa pwesto nina Kuya. Hindi natanggal ang pagkakangiti ko. Maging sina Lolo at Lola ay malapad ang pagkakangiti sa akin. Si Kuya naman ay halatang nininerbyos pa rin hanggang ngayon.
Kaagad siyang lumapit sa akin at binuhat ako paibaba. "Tama na, sa susunod na ulit." Saad niya sa akin. Nakangiting tumango naman ako sa kaniya.
Pagbalik namin ay sumama pa kami kina Lolo na manguha ng mga rambutan at lansones sa bakuran. Kahit nakakaramdam na ng pagod ay hindi maipagkakailang masaya pa rin ako. Walang ganito sa tinitirahan namin noon dahil puro matataas na building at mga sasakyan ang makikita. Halos wala kang madadatnang puno roon kumpara rito na kahit saan ka tumingin ay puro puno at halaman ang makikita mo. Sariwa rin ang hangin na malalanghap hindi kagaya sa lungsod na puro usok mula sa mga sasakyan.
Siguro ay isa na rin ito sa mga dahilan kung bakit pinili ni Mama na lumipat kami rito. Para kahit papaano ay makalanghap naman kami ng sariwang hangin.
Buhat-buhat ako ni Kuya habang iginigiya namin pabalik ang kabayo sa kulungan nito. Nakayakap ulit ako sa leeg niya.
"Papasok ka na sa lunes." Tumango lamang ako habang nakasandal sa balikat niya. Masyado akong napagod sa mga ginawa ko kanina.
"Sabay ba tayo, Kuya?" Tanong ko naman. Ang alam ko kasi ay sa lunes din siya magsisimula sa trabaho niya. Gusto ko ring malaman kung saan iyon para mapuntahan ko kapag maagap kaming lumabas.
"Maagap kasi ang pasok ko, Ana. Baka mauuna akong umalis sa'yo." Bahagya naman akong nalungkot sa sinabi niya. Kung ganoon ay mag-isa pala akong papasok palagi. Dati kasi ay sabay lang kami ni Kuya na umaalis sa bahay. Ako papunta sa school habang siya naman ay sa trabaho.
"Ayos lang, Kuya. Kabisado ko naman kung paano sumakay papunta roon." Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kuya.
"Mag-iingat ka palagi, Ana. Hindi kita mababantayan palagi."
Tumawa naman ako. Naiintindihan ko naman kung bakit overprotective siya pagdating sa akin. Babae ako at maraming masasamang balita ang lumalabas sa TV. "Kaya ko naman. Saka panigurado namang may makakasabay ako roon pag-uwi."
"Isasabay ka ni Kahel." Saad niya. Napaahon naman ako sa pagkakasandal sa balikat niya.
"H-ha?"
"Pinakisuyo na kita kay Kahel. Isasabay ka niya palagi pauwi. Kapag minsan naman ay ako ang susundo sa'yo."
"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Kung ganoon ay kasabay ko pala palagi kung umuwi si Kahel. Magandang balita iyon dahil mabibigyan kami ng pagkakataon na magkausap at maging magkaibigan.
Subalit sa kabilang banda... nakakahiya rin para sa kaniya kung sa kaniya ako palagi sasabay. Baka kasi mas lalo siyang mairita sa akin at isipin na pabigat ako sa kaniya.
Nang sumunod na araw ay nanatili na lamang ako sa loob ng bahay lalo na at umuulan. Basa ang paligid at naiirita akong lumabas kapag nababasa ang paa ko. Hindi rin magandang maglibot dahil madulas ang daan. Tumulong na lamang ako kay Lola sa paggawa ng mga basahan sa bahay.
Doon ko napagtanto na kaya mo palang mamuhay sa probinsya kahit wala kang pera. Narito na kasi lahat ng kakailanganin mo. Hindi mo na kailangan pang magbayad ng tubig. Walang bayad sa upa ng bahay. Hindi na kailangang bumili ng mga pagkain sa palengke dahil may sarili namang taniman.
Talaga ngang mas maganda kapag sa probinsya ka nakatira. Mababait din ang mga tao rito. Maliban na lang sa isa...
Nang sumapit ang linggo ay doon na ako dinapuan ng matinding kaba. Kinabukasan kasi ay papasok na ako school kasama ang mga kaklase na hindi ko kilala. Mabuti sana kung dito ako nagsimula ng school year. Ang kaso nagtransfer ako sa kalagitnaan ng taon. Paniguradong maraming estudyante ang magtataka sa presensya ko roon. Hindi pa naman ako komportable na pagtinginan ng mga tao.
Sana lang makahanap kaagad ako ng magiging kaibigan...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (172)

  • avatar
    QuindaraImelda

    I really enjoyed reading this novel inspite of busy days. I try to read. So inspiring specially the main character Anastasia and Kahel. The time sequences is extremely important. The moral values of the characters are very good coz they show the value of being patience and if you really love the person you can wait until the right timing. Its give suspense for the reader to wait what will happen on the next chapter. My heart beat make me in love again, fall in love again.Thank you for this novel

    23/11/2021

      2
  • avatar
    RodriguezCharlene Mae Odal

    the novel is so really appreciated and it really feels like existing in real life congratulations author you made a wonderful novel👏👏👏

    01/07

      1
  • avatar
    Kimryl Nazareno

    niceeeeeeeeerereeeee

    28/06

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด