logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 5

Kabanata 5
Vase
--
Natutulog pa ako nang malakas na tumunog ang phone ko. Bahagya akong nairita. Kinuha ko ang unan ko at tinakpan ang tenga. Nagpatuloy ako sa pagtulog. Pero ang lintik na cellphone ay tumunog ulit. Inis akong bumangon at inis na kinuha ang phone sa side table. Walang tingin tingin kong sinagot ang kung sino man ang tumatawag.
"What?" Iritado kong sagot.
"Whoa! Easy!" Si Jaz yon.
"What do you want? Umagang umaga, Jaz."
"Excuse me? Magtatanghali na po! Natutulog ka pa rin?!"
What? I looked at the clock above the door of my room and saw that it's already eleven in the morning. Nagkamot ako ng ulo at humiga ulit. Kunot ang noo dahil inis pa rin.
"What do you want?" Tanong ko.
"I just want to say na uuwi na ang pinsan ko--"
"Sinabi mo na yan," iritado kong putol.
"Oo nga. But I just want to say that he's handsome and looking for a girlfriend. Nag-request sa akin na hanapan sya ng girlfriend kapalit ng sapatos at make ups na pasalubong. So pwede ka ba?"
"What the hell? Inistorbo mo ako para lang dyan?" Kunot noo kong sinabi, mas lalo pang nairita.
"Sige na! Don't you want to have a boyfriend?"
"Ayoko! At wala sa plano ko ang ganyan! Kaya wag mo akong istorbohin!"
"Victoria naman! Ngayon lang to, oh! The make ups in other countries are good especially the shoes kaya pagbigyan mo na ako--"
"Tigilan mo ako, Jaz. Hindi ako interesado," sabay baba ng tawag.
Inis akong nagpapadyak sa kama dahil naistorbo ang tulog ko. I got up and went to the bathroom to clean up. Iritado ako kaya mabilis lang ang naging pagligo ko at pag aayos. I sat on my bed to dry my hair. I picked up my phone and saw the text of an unknown number.
Unknown number:
Good morning! This is Anton.
Natigilan ako sa nabasa. Kanina pang eight iyon ng umaga. Kung kanina inis na inis ako, ngayon para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kanina pang eight yon. Dapat pala gumising ako ng maaga! Pero teka?! Why would I wake up early just for him? Ano ba itong mga pinag iiisip ko.
I stared at my phone. Hindi ko alam kung magrereply pa ba ako dahil kanina pa naman yon. But it would be embarrassing if I don't reply. He might say I'm cold again or I'm rude. I don't care what he thinks but he's my friend. Somehow, I want to keep my current friends because I have never had such friends in Cebu.
Victoria:
Morning.
Ibababa ko na sana ang phone nang tumunog iyon. Nagulat pa ako. Agad kong tinignan ang nagtext at mas lalo pang nagulat nang makitang si Anton yon. Ang bilis naman nyang magtext?
Anton:
You just woke up?
Uminit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit pero nahihiya akong aminin na ngayon nga lang nagising. I looked at the time and saw that it's already twelve o'clock. Pero bakit ba ako nahihiya? Sino ba sya?
Victoria:
Yup.
Napapikit ako. Parang gusto kong bawiin yon pero nakita na nya agad. Binaba ko nalang ang phone at tinanggal ang tuwalya sa ulo. Nagsuklay ako at hindi na nagpatuyo ng buhok. I left my phone on the bed and just left my room, no more plans to see if Anton will text again.
Nagugutom ako dahil hindi ako nakapag breakfast. And since I just woke up, my aunt's eyebrows are raised again in the kitchen when they saw me. Naghahanda na ang mga kasambahay para sa lunch. Nandoon na rin si Elise na paupo palang pero nabitin nang makita ako.
"Victoria! Sasabay ka ba?" Umaasa at masaya nyang tanong.
Hindi ako agad sumagot. Tinignan ko ang mga tita kong umiling. They didn't speak because Elise is here. Pero sigurado akong kung wala rito si Elise, pupunahin na nila ang late kong paggising.
"Yup," sagot ko kay Elise at ngumiti.
Mas lalong lumaki ang ngiti nya. Giniya nya ako sa upuang katabi nya at masaya akong tinignan.
"Maraming ulam! Nagluto ang mga kasambahay! Nandyan rin ang iba sa mga paborito mo kaya siguradong mag eenjoy kang kumain!" Elise said.
I nodded and smiled. Hindi na nagsalita at alam naman nyang ganon na ang ugali ko kaya hindi nya na ginawang big deal. Sya pa ang nagsandok ng kanin ko kaya umapila na naman ang mga tita ko.
"Hayaan mo na ang nga kasambahay ang gumawa nyan, Elise. Kumain ka na," tita Teressa said.
Elise stopped and even though she obviously wanted to do that, she just nodded and smiled. Pinagsandok ako ng madaldal na kasambahay. Nakangiti pa sya habang tinitignan kaming dalawa ni Elise. I also smiled and started eating.
"Bakit naisipan mong sumabay ngayon?" Hindi na napigilan ni tita Pamela sa kaligtaan ng pagkain.
Natigil sa pagkain si Elise at napatingin sa kanya. Alam kong hindi nya nagustuhan ang tono ni tita Pamela.
"Bakit hindi ako sasabay? Dito naman ako nakatira," mahinahon kong sinabi.
"Oo nga, tita. May problema ba?" Tanong ni Elise.
Ngumiti agad si tita Pamela sa kanya. "Wala naman, Elise. Nanibago lang ako dahil hindi naman palaging sumasabay si Victoria sa atin kumain..." sabay sulyap nya sa akin at irap.
Hindi ko alam kung bata pa ba ang pag iisip nila o talagang ganito lang nila ako ka-disgusto. I'm not making a trouble at school anymore. I'm not giving them a headache anymore too. I admit I want to change so that they can treat me well because somehow, they are Daddy's sisters and I love them too. It still hurts me a little because they treating me like this.
We continued eating. The three of them are quiet but tita Rowena glanced at me as if something was confusing about me. I wanted to question her but I restrained myself. I just continued eating while Elise is talking about her studies.
Nang matapos kaming kumain ay papanik na sana ako sa taas nang harangin ako ni tita Rowena. Elise went to the back of the house because she said she wanted to water the plants. Tita Teressa left to go to the Villanueva building while tita Pamela accompanied Elise to the garden.
"Victoria," tita Rowena called.
Nasa harap ko na sya at hinarangan ang pag akyat ko. Tinignan ko sya. She's wearing a yellow dress. She looks so good in that dress. She looks elegant and modest. Magaganda naman talaga ang mga tita ko. Magaganda silang manamit at may pag iingat sa mga kilos. Yun nga lang, minsan hindi sila ganon. Minsan lumalabas ang tunay nilang mga ugali kapag ako na ang kaharap.
"Yes, tita?" Humalukipkip ako.
"I just want you to know that those who bullied Elise have been expelled from school," she said seriously.
"What?" Gulat kong tanong.
"Yes. So you don't have to be worried about your sister anymore. She's fine now at her school."
"Sinong may gawa noon?" I asked.
"Kami. Sino pa ba?" Nagtaas sya ng isang kilay.
"And how did you do that?"
"You know we can do it whenever we want."
Hindi pa rin ako nakakabawi sa pagkakabigla. Talagang inaksyunan agad ni tita Teressa ang problema na yon.
"Mayumi Flores, isn't?" Tita Rowena said.
Tinignan ko sya. Hindi ako sumagot.
"She and her friends didn't know that Elise is the daughter of my brother, Victor Villanueva. They just knew that Elise is just a normal Villanueva," she smirked.
Tumango ako. Kaya nga ang lakas ng loob nilang ganunin ang kapatid ko.
"So you don't have to be worried about her anymore," ulit nya.
I nodded again. I don't know why she says that over and over again. Does she want me to leave now? Because no one is bullying Elise anymore? I don't have to worry anymore because Elise is safe now so I need to leave now? Is that it?
"Ikaw?" Tanong nya maya maya.
Ako? Hindi ko sya naintindihan roon. Nagtataka ko syang tinignan. She looked away.
"Did anyone bully you at school?" Hindi nya ako tinitignan habang sinasabi yon, para bang nahihiya.
Bahagya akong natigilan. Hindi agad ako nakapag salita. Tinitigan ko sya ng mabuti. Sumulyap sya sa akin pero agad ring nag iwas ng tingin. Kinunot ang noo at naghintay sa sagot ko. And then I realized... somehow... they're still cared for me. Even though they are very mean and cruel to me, they still love me and still want to take care of me. Kumirot ang puso ko sa sayang naramdaman.
"Wala. Ayos lang ako," sagot ko.
Tumango sya. "Good, then," then she walked away without looking at me.
I followed her with my gaze. When she disappeared from my sight, I sighed. I went upstairs to go to my room. I thought about what I would do now. I don't have much to do at home because we have a lot of maids. Naisip kong mag aral nalang since kailangan kong habulin ang mga lessons namin.
That's what I did. But when I remembered my cellphone, I looked at my bed. I'm sitting at my study table and was about to open a book when I remembered that. I would have liked to ignore it but...
Tumayo ako at kinuha ang phone sa kama. Binuksan ko at may mensahe nga si Anton roon. Binasa ko at umupo nagtungo ulit sa study table ko.
Anton:
You just woke up? Really?
Anton:
Sleepyhead.
Bahagyang kumunot ang noo ko sa huli nyang sinabi. What? Sleepy head? Ngayon lang kaya ako gumising ng ganito! Pero ano bang pakialam ko sa iisipin nya? If that's what he wants to think of me, edi ganyan ang isipin nya!
Binaba ko ang phone ko at binuklat nalang ang libro. Binasa ko ang mga kailangang basahin. Pero wala pa mang dalawang munuto, tumunog na ang phone ko para sa isang text ni Anton.
Anton:
You read my message but you didn't reply. Busy?
Nagtipa ako ng reply.
Victoria:
Not really.
Anton:
Then... what are you doing?
Victoria:
Just reading some notes.
Anton:
Oh. So you're busy. Tranferee ka nga pala.
Victoria:
Yup.
Anton:
So I guess... hindi na kita iistorbohin? I will read some notes too.
Victoria:
Okay. Good luck.
Anton:
Good luck din. :)
Hindi na ako nagreply at binaba nalang ang phone. Nagpatuloy ako sa pagbabasa. Ilang minuto pang hindi natanggal ang text namin sa isip ko pero kalaunan nakapag focus naman ako sa binabasa. Tsk. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin.
Isang oras yata ang tinagal ko sa pagbabasa nang kumatok sa pintuan ko si Elise. Pumasok sya at agad akong ngumiti.
"Hi! Busy ka?" She asked.
"Hindi naman. Why?"
She smiled. "Gusto ko lang sanang magpatulong maglinis. Pwede mo akong tulungan? Palagi ko itong ginagawa sa tuwing walang pasok."
Nanliit ang mga mata ko. I have a feeling that she just wants to be with me so she's asking for help now. When she saw my reaction, mas lalo syang ngumiti at nagpacute pa para lang pumayag ako. I laughed a little. Mas lalo kong nakumpirma na gusto nya nga lang akong makasama.
Well, dapat naman talaga nagba-bonding kami kahit minsan.
"Okay," sabi ko at ngumiti.
That's what we did. She's very happy because I agreed. I don't know where tita Pamela and tita Rowena are pero baka pumasok na sa mga trabaho nila sa opisina sa Villanueva building. I also thought of visiting the building because I hadn't been able to go there for a long time.
"Palagi mo itong ginagawa?" Tanong ko kay Elise.
Nagwawalis kami sa maliit na sala. Ang malaking sala ay malinis na kaya dito nalang. Sanay na siguro yung mga kasambahay kay Elise dahil hindi naman pinigilan. Nagdadala lang ng juice at cake para may makain kapag napagod.
"Only on weekends. Sometimes on Sundays I can't do this because we go to church. When my aunts are busy during the week, we can't go to church so I just clean here," she smiled.
I smiled and nodded. Elise and I haven't been together for four years. We just call and text. We also often chat on facebook. We only meet on Christmas and New Year. Kapag birthday rin ni tita Florence, doon lang kami nagkikita. They go to Cebu when there are occasions. Lalo na kapag birthday namin ni Elise. Doon kami nagce-celebrate palagi sa Cebu.
"How about school?" Tanong ko.
"Kaunti lang minsan ang gawain sa school kaya mabilis lang akong natatapos. Wala na akong gagawin pa kaya naglilinis nalang ako," she said.
I nodded. It took us a few hours to clean up. Humihinto  at kumakain lang kami kapag napapagod. We cleaned the living room, library and guest rooms downstairs. Habang ginagawa namin yon ay nag uusap kami at nagtatawanan. Marami syang kinukwento at marami rin naman ako pero mas marami nga lang syang kwento.
"Nasabi na ba sayo nina tita na expelled na si Mayumi?" Si Elise maya maya.
Nagpupunas kami ng mga paintings at maliliit na lamesa dito sa baba. Last na to. Patapos na kami.
"Oo. Kanina," sagot ko.
"Hindi ko akalaing gagawin nila yon. Ayoko sana kaya lang desidido si tita Teressa. Kaya wala rin akong nagawa," malungkot nya pang sinabi.
I sighed. Alam kong mabait ang kapatid ko. Sobrang bait na kahit yung mga gumagawa sa kanya ng masama, gusto nya pa ring mapabuti. Magkalayong magkalayo talaga ang ugali namin.
"Para sa akin kasi, hindi na kailangang umabot sa ganon. Kahit sorry nalang, wag na ganon. Mabait naman si Mayumi, eh..."
Hindi na ako nagsalita. She's kind, I'm not. We will never understand each other when it comes to this conversation so I didn't spoke again. Para sa akin kasi, dapat dindala sa DSWD ang mga kabataang ganon ang ugali. Hindi sila nararapat makihalubilo sa mga maaayos na kabataan.
"Kamusta si Irene?" Tanong ko.
Tumingin sya sa akin at ngumiti. "Maayos naman sya. Makulit pa rin."
"Binabantayan ka ba nya palagi?"
Bahagya syang natawa. "Oo pero hindi naman na ako kailangan pang bantayan. Ayos naman na ako."
Irene is Elise's best friend. Before I left for Cebu, I told her to watch Elise carefully and tell me what was happening to her at school. Naging kaibigan ko na rin sya pero hanggang chat at text lang kami. Hindi pa kami nagkikita simula noon.
Nadulas si Elise habang nagpupunas. Nagulat ako. Napatili sya at nabunggo ang vase na nasa lamesa na pinupunasan nya. Kasabay ng pagbagsak nya sa sahig ay ang pagkabasag rin ng vase sa sahig. Agad akong pumunta sa kanya at pinatayo, nilayo sya sa vase na nabasag dahil baka masugatan sya.
"Anong nangyari?" Nagmamadaling lumapit ang mga kasambahay sa amin.
"Victoria..." naiiyak na pagtawag ni Elise.
"Shh. May masakit ba sayo?" Tanong ko.
Umiling sya at tumingin sa vase. "Nabasag. Baka pagalitan ako nina tita..."
I was about to comfort her when the door suddenly opened and our three aunts entered. Nagtatawanan pa sila ngunit nang makita ang nangyayari sa banda namin, natigilan sila at nanlaki ang mga mata. Agad silang lumapit at naghisterya agad si tita Teressa.
"What happened here? Oh my gosh! My vase!" Hindi sya makalapit dahil maraming bubog.
"Are you okay?" Tanong sa amin ni tita Rowena.
Tumango kami ni Elise. Elise is already crying and couldn't speak next to me. Afraid of how the aunts would react when they found out that she had broken the vase.
"Who did this?" Tita Pamela asked then looked at us.
"Hindi na mahalaga yan. Ang mahalaga walang nasugatan sa kanila," tita Rowena said.
"My vase!" Hindi pa rin natatapos si tita Rowena samantalang nililinis na ng mga kasambahay ang nabasag.
"T-Tita, I'm sorry--"
"Ako ang nakabasag," putol ko kay Elise.
Gulat na napatingin sa akin si Elise. Bumuka ang bibig nya para magsalita pero hindi nya maituloy sa pagkakabigla. Ngumiti ako para sabihin sa kanyang ayos lang ang lahat.
"What?!" Galit agad ang mukha ni tita Teressa nang marinig ako.
"Victoria," tita Rowena called.
"Ako ang nakabasag," ulit ko.
"Walang hiya kang babae ka! Sinasabi ko na nga bat wala kang maidudulot na maganda! Sakit ng ulo lang ang ibibigay mo sa amin!" Sigaw ni tita Teressa sa akin.
"Babayaran ko. Wag kayong mag alala," sabi ko.
"Talagang babayaran mo yan! Ang mahal mahal ng bili ko dyan at sa Saudi ko pa nabili! Siguraduhin mong babayaran mo yan!"
"Ate, it's just a vase," tita Rowena said.
"It's just a vase?! Ang mahal ng bili ko dyan!"
Tita Rowena sighed. Tita Pamela shook her head at me as if she's very disappointed. Bumuntong hininga ako at tumingin kay Elise na hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa akin. I know she wants to speak but she can't recover from the shock of what I did. I smiled at her.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (41)

  • avatar
    Rodavia Angelo

    beautiful story

    04/11

      0
  • avatar
    Kristine T. Omar

    love the story, thank you miss author 🧡

    03/11

      0
  • avatar
    JE Sin EX

    hmmm m

    02/09/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด