logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 15

Kabanata 15
Happy
--
Days passed like a wheel. Hindi na gaanong busy dahil magbabakasayon na. Nakakahabol naman ako kahit papaano. Kaunti nalang ang mga kailangan kong basahin at aralin. My grades are also good. Hindi ko naman napapabayaan.
Palagi kaming magkasama nina Jaz at Kyle. Sometimes Kyle is no longer with us because he has met friends. Tuwing umaga, dahil maaga pumapasok si Jaz, maaga rin syang pumapasok. Tumatambay sya sa classroom namin kaya yung mga kaklase naming naaabutan sya, mga kinikilig. Meron pa ngang maaga nang pumapasok ngayon para lang maabutan si Kyle.
Ang mga college students ngayon ay busy kumpara sa aming mga high school. Pero kahit ganon, nakakasabay pa rin si Anton sa akin minsan sa library para mag aral. Nakakasabay rin namin sya ni Jaz kumain sa cafeteria. The cafeteria of college students is not in our cafeteria but he eats there to be with us. Hindi ko nga lang alam kung gusto nya ba talaga kaming kasama o... ako lang.
Sometimes I was the only one in the library studying because Jaz didn't want to hang out there. Masyado daw tahimik at walang gwapo. So she just always waits for me in the classroom. Ayos lang naman sa akin. Sigurado kasing mabobored lang sya at baka mag ingay pa, maistorbo pa ako sa pagbabasa.
Pero hindi ko nga kasama si Jaz, may pumalit naman. Anton always texts me and always asks where I am. Hindi naman ako nagsisinungaling. Kaya kapag sinabi kong nasa library ako at nag aaral, magugulat nalang ako uupo sya sa harapan ko at magbabasa rin.
Ilang araw na ganon ang nangyayari at mas lalo pang naging kakaiba ang nararamdaman ko kapag kasama ko sya. Hindi ako manhid. Mas lalong hindi ako tanga. I know how I feel. I just don't want to think about it because I don't have that in mind yet. That's not my plan.
Anton and I have become closer to each other. Palagi ba naman syang nakasunod sa akin. Kung nasaan ako, nandoon rin sya. So eventually, we became close. We were close then but now, we have become even closer. We also meet at the coffee shop all the time and even though we are busy, nakakapag usap naman kaming dalawa roon. Palagi nya rin akong sinasamahan kumain ng hapunan sa malapit na karinderya kaya mas lalo pa kaming napalapit sa isa't isa.
I also became more aware of how I felt. I just don't want to think about it too much because I'm still busy studying and working. I don't want to think about that yet.
"But I don't like this, Elise," tita Rowena said.
We are here in the library. We have a large library. Maraming malalaking book shelf at maraming libro yon. Sa gitna ay ang lamesa ng mga tita ko. Dito sila nagtatrabaho kapag hindi nakakapasok sa opisina. At ngayon, pinatawag nila kaming dalawa ni Elise para pag usapan ang bagay na kagaya ni tita Rowena, hindi ko rin gusto.
I just leaned against the door, away from them and just listened to what was being said. Tita Teressa is at the table and tita Pamela is on the sofa. Tita Rowena is standing with her arms crossed. Sitting in the front is Elise.
"K-Kawawa naman po sila, tita. Nag sorry naman na po sila..." Elise said.
"But just being sorry is not enough for me, Elise. They have to pay for what they did to you," tita Teressa said.
I sighed. Elise was bullied again. Nadamay pa si Irene na pinagtatanggol lang si Elise. I don't know what the heck is the problem of these people. Bago na naman itong nambubully kay Elise. Hindi ba matatapos ito? Nagdidilim na naman ang paningin ko.
"At ikaw pa ang naaawa? Ikaw ang sinaktan nila," tita Pamela said.
The irritation on my aunt's faces was obvious. Blangko ang itsura ko pero kumukulo na ang dugo ko sa loob. Nagtitimpi lang ako ngayon dahil baka masugod ko na naman sa ekswela ng wala sa oras ang kung sino man ang nanakit kay Elise.
Irene is the witness. She saw everything that was done to Elise. Binuhusan daw ng maruming tubig ng janitress. Nagsumbong agad sya sa amin at agad agad namang kumilos ang mga tita ko. Kinausap nila ang mga babae at kahit nagsorry na daw, hindi pa rin pinagbigyan.
"Hindi naman na daw po nila uulitin..." si Elise.
Pumikit ng mariin si tita Teressa at hindi na muna nagsalita, pinapakalma muna ang sarili dahil baka kung ano ang masabi sa pinaka mamahal nyang pamangkin.
"Even if they say that, Elise, we are still not sure if they will not hurt you anymore. I want them to leave the school like that girl who bullied you last time. I want them expelled," si tita Pamela.
"T-Tita... hindi naman na po kailangan," si Elise. "Nagsorry na po sila at halata po na nagsisisi na kaya hindi na nila yon uulitin sigurado ako..."
"Paano ka nakakasiguro?" Hindi ko na napigilan.
Nilingon nya ako. I saw her eyes spark because of the tears forming. Iniwas ko ang tingin dahil hindi ko kayang nakikita syang umiiyak. Mas lalo lang akong nagagalit.
"Nagsisisi naman na sila..." pilit nya, namamaos na ang boses.
"Irene told us everything that happened. Kung ano ang mga ginawa sayo. Do you think we will just let that go? Elise, isa kang Villanueva! Hindi ka dapat basta basta ginaganon!" Si tita Teressa.
"A-Alam ko naman, tita, pero hayaan nalang natin. Hindi naman na daw nila uulitin..."
"Look, Elise. Hindi ito titigil kung hindi sila matuturuan ng leksyon. Kung mahina ang tingin nila sayo, mas lalo lang dadami ang mananakit sayo. Hindi ka makakapag aral ng maayos. Gusto mo ba yon?"
"P-Pero hindi naman na po kailangan ng expell. Pwede naman pong... paluhurun nalang sa asin..."
Pumikit ako roon. Yumuko ako at umiling. Really? Paluhurin sa asin?
"What are you saying? Hindi sapat yon!" Si tita Pamela.
"We need to fix this, Elise. If they don't see the power of our family, they will not stop hurting you. They need to be afraid so that they will not touch you again. Intindihin mo itong ginagawa namin, Elise. Para sayo ito. Para makapag aral ka ng maayos," si tita Teressa.
Yumuko si Elise. Hindi na sya nagsalita. Alam kong umiiyak na sya kaya iniwas ko na ang tingin ko. I gritted my teeth. Pakiramdam ko ako ang mas nasasaktan kesa kay Elise. Hindi ko alam kung bakit sya nagkakaganito sa school. I know she's kind and modest. But I don't think it's right for them to take advantage of my sister's weakness just to hurt her. Umakyat bigla ang dugo ko sa galit.
Walang nagsalita sa amin ng ilang sandali. Tita Rowena sighed after the long silence and looked at me. I'm still crossing my arms as I waited for them to speak again Marami rin kasing tumatakbo sa isipan ko kaya hindi ako makapag salita.
"What do you think of this, Victoria?" She asked me.
Tinignan ko sya. Seryoso rin syang nakahalukipkip at nakatingin sa akin. I sighed. Honestly I don't know my opinion on this matter. I can't think straight because of the anger I'm feeling. That's all I know. I'm mad. Galit ako. Galit na galit dahil hindi ko akalaing may mga taong kayang saktan ng ganon ganon lang si Elise. Ni hindi ko yan pinagbubuhatan ng kamay. Tapos bubuhusan lang nila ng maruming tubig? Sasampalin? Sasabunutan? Why? What for? Para may mapagkatuwaan? Ano? Mga inggit lang?
"I'm so angry here. I couldn't think straight. Sa tingin ko si Elise pa rin ang magdedesisyon," tanging sinabi ko.
They sighed and looked at Elise. Hindi ko gustong sabihin yon dahil siguradong hindi ipapatanggal ni Elise ang nga gumawa noon sa kanya pero totoo naman kasi ang sinabi ko. Sya pa rin ang magdedesisyon. Sya pa rin ang may karapatan rito dahil sya ang nasaktan. Pero kung ako ang pagdedesisyunin, ipapatapon ko ang mga yan sa Mindanao. Yung malayo at hindi na makakabalik pa. Tss.
"Think about it, Elise. Your study will be better if they disappear. We are doing the right thing because they are not doing the right thing for you. So please. Think carefully," si tita Teressa na halatang punong puno na. Tinapos na ang usapan dahil masyado na syang naiirita.
I sighed. Magkasalubong ang kilay ko habang tinitignan si Elise. She's my twin and I love her so much. I can't see her like this. Sinasaktan lang ng ibang tao para may mapagkatuwaan. Hindi nakakatawa ang ganon. Kung hindi lang ako mapapagalitan ng mga tita ko, baka nakagawa na ako ng gulo sa school ni Elise.
"What about this..." habol ko.
Natigil sila sa akmang pagliligpit. Tumingin ang lahat sa akin. Kahit si Elise na lumuluha na ngayon, tumingin sa akin. Umalis ako sa pagkakasandal at umayos ng tayo.
"Why don't we transfer Elise to my school? I can take care of her there."
Natigilan sila at sandaling nag isip. Nag isip rin si Elise at parang nagustuhan ang sinabi ko.
"I will make sure no one will hurt her. O kung pwede... ako ang lilipat sa school nya. Para mas siguradong safe."
Huminga ng malalim si tita Teressa at tinitigan ako ng mabuti. Seryoso lang naman ako at handang lumipat sa school ni Elise kung papayagan nila. I will take care of Elise there and defend her from those who will hurt her.
"It's not good for you to move to Elise's school. Baka kung ano lang na gulo ang dalhin mo. Nandoon pa naman ang mga nanakit kay Elise," si tita Teressa.
"Then transfer Elise to my school."
Umiling si tita Rowena. "Masyado nang late para magtransfer. Baka hindi na sya makahabol. Mahihirapan pa si Elise sa dami ng hahabulin nya. Maybe... hinatayin nalang nating matapos ang school year na ito. Sa isang taon, ililipat ka namin sa school ni Victoria. Get it?"
Tumango si tita Pamela. "That's a good idea. But I can't let those stupid girls to be with Elise at school. They need to be expelled."
"Tita..." si Elise.
"You need to understand, Elise. This is for you."
"P-Pero lilipat naman na ako sa isang taon, hindi ba? Kaya hindi na kailangang tanggalin sila sa school..."
"Tsk," iritadong tumingin si tita Pamela sa kanya.
"Please..." Elise pleaded.
Wala rin kaming nagawa dahil ayaw talaga ni Elise na ma-expelled ang mga gumawa noon sa kanya. Umirap ako. Gustong gusto ko na talagang sumugod sa school nya pero ayokong mapa alis rito. Also, Elise's decision is important to me. If she doesn't want trouble anymore, I will respect that.
Pagod akong humiga sa kama ko. Malalim akong bumuntong hininga. Ang haba ng pag uusap namin na yon. Kung hindi lang talaga nakiusap si Elise, baka napatalsik na ang mga yon ngayon palang. Pwedeng pwede naming gawin yon may sapat man na rason o wala. No one can mess with a Villanueva.
Anton:
You done with your homeworks?
I sighed as I read Anton's text. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng ginhawa na nagtext sya. Sabado ngayon kaya wala akong pasok sa coffee shop. Hindi ko alam kung nandoon ba sya o wala.
Victoria:
Yup. How about you? Nasa coffee shop ka?
Anton:
Nope. I'm in my condo.
Victoria:
Oh. Okay.
Anton:
Can I call?
Natigilan ako roon. Ilang sandali pa akong hindi nakapag type ng reply. I don't know if I will agree or not. Bakit tatawag? Kailangan pa ba noon? What will he say? What are we going to talk about? Bigla akong naging problemado roon.
Victoria:
Why?
Anton:
Nothing. I just want to... call you.
Pumikit ako at sandaling binaba ang phone. Nakahiga pa rin ako sa kama. Ngayon hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung papaunlakan ko ba ang gusto nya o hindi nalang papansinin. Pero ang sama ko naman yata kung hindi ko papansinin? We are friends and that's just a call. That's not a big deal!
I sighed and typed my reply slowly.
Victoria:
Okay.
Wala pa mang dalawang segundo, bumungad na sa akin ang pangalan ni Anton hudyat na tumatawag sya. I stared at it for a moment before answering. Nilagay ko sa tenga ang phone at nagsalita.
"Hello?" I said.
"Hi..." si Anton.
"Mmm. What's up?" Pinilit kong maging kaswal at hindi ipahalata ang kabang nararamdaman.
"Tapos ka nang magdinner?"
"Mmm. Ikaw?"
"Tapos na rin. Are you okay? Your voice sounds tired."
Nagulat ako roon. Hindi ko alam na mahahalata nya pa yon. Sa dami kasi ng pinag usapan namin kanina sa library at dahil na rin sa galit ko, matinding pagod nalang ang naramdaman ko sa huli. I sighed.
"I'm fine..." halos ibulong ko.
"Mmm..." ilang sandali syang hindi nagsalita.
Natahimik kami. Sa sobrang tahimik ng background nya, nasisiguro kong wala nga sya sa coffee shop. I could only hear his breathing so I knew he was still on the other line even though he was no longer speaking.
"Are you tired too?" I asked after a while.
"Mmm. Yeah..."
"So many homeworks?"
"Yes..."
"That's okay. It's all worth it in the end. I'm sure you can do it."
Ilang sandali syang natahimik. Maya maya, narinig ko ang bahagya nyang pagatawa. Kahit sa pagtawa, halata ang pagod sa boses nya.
"Thanks. Kayo? Marami pang ginagawa?" He asked.
"Hindi na ganon karami. Magbabakasyon na kasi..."
"Mmm. That's good."
"Why are you still going to the coffee shop even when you're always tired like this?" Tanong ko.
Hindi sya agad sumagot. Naririnig ko pa ang paghinga nya kaya siguradong nasa kabilang linya pa sya. Namungay ang mga mata ko kaya pumikit ako.
"Bukod sa gusto kang pumunta ng Mommy mo roon para magbantay... what other reason do you have to go there? You can just leave it to the manager when you're really tired..." dagdag ko.
"I don't know. This past few days... palagi ko nalang gustong pumunta roon..."
Nanatili akong nakapikit kahit sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Pinakiramdaman ko ng mabuti ang puso ko. Hindi kailanman ito tumibok ng ganito sa kahit na sinong kausap ko. Ngayon lang... sa kanya lang...
"Are you already sleepy?" Tanong nya maya maya.
"Mmm. Hindi pa naman..." kahit inaantok na talaga.
He chuckled slightly. "Alright..."
"What's funny?"
"Nothing. I'm just... happy."
"Mmm? Why?" Namamaos kong tanong dahil sa kaantukan.
Inaantok na ako. Gusto ko nang matulog pero hindi ko alam kung bakit ayaw kong magpaalam sa kanya. Pero kahit anong pilit ko, hinihila na talaga ako ng antok.
"I'm always happy whenever I'm with you and... whenever I'm talking to you..." hindi ko na narinig pa ang iba nyang sinabi dahil tuluyan na akong hinila ng antok.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (41)

  • avatar
    Rodavia Angelo

    beautiful story

    04/11

      0
  • avatar
    Kristine T. Omar

    love the story, thank you miss author 🧡

    03/11

      0
  • avatar
    JE Sin EX

    hmmm m

    02/09/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด