logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Tribe Series 1: Something In The Wild

Tribe Series 1: Something In The Wild

Mint Autumn


Chapter 1

Dinig ni Luna ang tawanan at kuwentuhan ng mga tao sa party. Ilan sa kanila ay kasosyo nila sa negosyo na matagal na niyang kakilala. Hindi niya alam kung guniguni niya lang ba o may mga matang palihim na nagmamatyag sa kanyang kilos. Pakiramdam ng dalaga na kahit maraming tao sa paligid ay hindi siya ligtas nang oras na 'yon. Hindi niya matukoy kung alam ba ng ilan sa mga ito ang nangyayari. Kung hihingi siya ng tulong ay kanino. May kakilala nga siya ngunit hindi niya naman alam kung mapagkakatiwalaan. Upang matiyak ang hinala, nakilahok siya sa mga nagsasayawan sa gitna, hindi nga siya nagkamali dahil may dalawang lalaki na sumunod sa kanya. Nagpalinga-linga pa ang mga ito na tila hinahanap siya. Agad niyang isinuksok ang sarili sa madilim na parte ng dance floor. Nang matiyak niyang hindi pa siya nakikita ng dalawa ay nagmadali niyang tinungo ang restroom at doon nagtago. She thinks, that's the safest place for her. Lalaki ang mga ito kaya naman tiyak niyang hindi sila magtatangkang pasukin ang banyo ng mga babae.
Nanatili siya roon ng ilang oras habang iniisip kung paano malulusutan ang mga ito na walang gulong mangyayari. Pumunta siya sa lugar na 'yon para makakuha ng impormasyon at kilatisin ang mga tao na maaari nilang maging kasosyo sa negosyo. Hindi siya maaaring gumawa ng eskandalo. Kahit na sabihin niyang may sumusunod sa kanya at walang kasiguraduhan ang kanyang kaligtasan, sino ang maniniwala? Ang kaibigan niya lang ang alam niyang mapagkakatiwalaan pero hindi niya naman maaaring ilagay sa peligro ang buhay nito. Tiyak niyang sa oras na malaman nito ang kalagayan niya ay hindi ito magdadalawang isip na protektahan siya bagay na iniiwasan niya para hindi ito madamay.
Siya ang inutusan ng ama na dumalo sa pagtitipon dahil medyo mahina na ang katawan nito para sa mahaba-habang byahe. Pagkakataon niya na rin ito upang maipakilala ang sarili sa mundo ng negosyo. Ang mga ganitong pagkakataon ay bihira lang dumating sa kanya dahil palagi siyang nasasapawan ng kapatid. Hindi nito gustong sa kanya ipinapagawa ang mga importanteng gawain lalo na kung alam ng ate niya na may mapapala ito.
Ang kanyang pagmumuni-muni ay naputol nang may tumawag sa kanyang cell phone.
"Ma'am, isinugod na naman po sa hospital si sir," bungad sa kanya ng kanilang katulong nang sagutin niya ang tawag nito.
"Kumusta naman ang kalagayan niya?"
"Hindi ko pa po alam. Itinawag ko lang sa'yo para malaman mo," saad nito.
"Sige, ngayon din ay luluwas ako." Matapos magpasalamat ay pinatay niya ang tawag. Mas mabuti siguro kung umuwi na siya sa kanila. Umaasa siyang sa oras na malayo sa lugar na 'yon ay hindi na siya guluhin pa ng nagmamatyag sa kanya. Hindi pamilyar sa kanya ang mukha ng dalawa kaya naman tiyak niyang hindi niya nakasamaan ng loob ang mga ito. Bakit kaya siya minamanmanan? Hindi naman siguro siya type ng mga ito.
"Luna, nandito ka lang pala," saad ng kaibigan niyang si Eunice na kapapasok lang sa banyo. Isa rin itong anak ng businessman na kasabay niyang nagtungo roon. "Ayos ka lang? Namumutla ka ah."
"Yeah I'm fine. I'm sorry but I have to go, nasa hospital na naman ang Papa. Luluwas ako ngayon din," aniya.
Tinanong siya kung nakapagpaalam na ba siya sa mag-asawang Smith at sinabi niyang hindi pa.
"Oh sige, ako na ang bahalang magpaalam sa kanila. Mag-ingat ka." Niyakap siya nito. Nawala na sa kanyang isipan ang dalawang lalaki kanina. Matapos makapagpaalam sa kaibigan ay lumabas na siya ng banyo at tinungo ang parking lot. Pumasok siya sa kanyang sasakyan at pinaharurot ito. Malayo-layo na rin siya sa lugar na 'yon nang mapansin niya ang itim na sasakyan sa kanyang likuran. Inisip niya na lamang na nasa iisang daan sila kaya naman natural lang na doon ito dumaan. Nang nag-iba siya ng daan ay sumunod ang sasakyan, ngayon ay tiyak na niyang sinusundan siya nito. Malayo na sa kabahayan ang kinaroroonan niya kaya malabong makahingi siya ng tulong. Pinaharurot na lang ng dalaga ang kanyang sasakyan, nagbabakasakaling makalayo siya sa mga ito.
"Hanggang dito ba naman ay sinusundan niyo pa rin ako," naiinis niyang turan nang makitang papalapit na ang sasakyan na humahabol sa kanya.
Ngayon sigurado na siya, na ang dalawang lalaki kanina sa party ay binayaran ng kanyang kapatid upang tapusin ang buhay niya. Hindi niya lang akalain na pati sa probinsiya ay pasusundan siya nito. Kung sabagay mas madali nga naman siyang kitilin kung wala siya sa poder ng kanyang ama. Ilang beses na, na may magtangka sa kanyang buhay. Sa awa ng Diyos ay lagi siyang nakakaligtas. Sa tuwing uuwi siya sa kanilang bahay na maayos at walang galos ay iba ang inis ng kanyang kapatid. Kalaunan ay nalaman niyang ito ang salarin sa mga pagtatangka sa kanyang buhay.
••••• (flashback)
Hindi siya makatulog nang gabing'yon dahil na rin sa mga nangyayari sa kanya. Kaya naman naisipan niyang magtungo sa kusina upang magtimpla ng gatas at doon niya nakita ang kapatid. Hindi siya nito napansin dahil abala ito sa pakikipag-usap sa kanyang phone.
"Mga tanga ba kayo? Bakit buhay pa siya?" inis na turan nito sa kausap.
Nang marinig ang sinabi ng kapatid ay tiyak niyang siya ang tinutukoy nito dahil nang araw na 'yon ay muntik na siyang maaksidente. Noon pa man ay galit na ito sa kanya, hindi niya lang akalain na kaya siya nitong ipapatay. Gano'n na lang ba ang muhi sa kanya ng kapatid? Na handa itong maging mamamatay tao, mawala lang siya sa paningin nito.
•••••
Gustuhin niya mang isumbong ang kapatid sa kanilang ama ngunit wala siyang sapat na ebidensya na makakapagpatunay na ito ang salarin. Alam niya ring kasabwat nito ang kanyang Tita Allison, na ina nito. Mahal silang pareho ng ama nila, kaya tiyak niyang hindi basta-bastang maniniwala ito kapag sinabi niya ang totoo.
Desidido na talaga ang kapatid na tapusin siya kahit na buhay pa lamang ang kanilang ama. Simula't sapul ay mainit na ang dugo ng mag-ina sa kanya, dahil na rin siguro sa anak siya sa labas at ang tingin sa kanya ay isang sampid, na ang habol ay ang kayamanan ng kanilang pamilya. Kahit anong kabutihan ang kanyang ipakita ay hindi pa rin niya makuha ang pagtanggap ng mga ito. Kung nasa harapan sila ng kanyang ama ay nagkukunwaring anghel ang mga ito at kapag wala na ang ama ay lalabas na ang mga sungay at buntot ng dalawa. Ganoon din ang pakikitungo niya sa mga ito. Hindi siya makapapayag na tapak-tapakan lang siya kung kaya naman niyang makipagsabayan.
Hindi niya alam ang gagawin, walang anu-ano'y tinahak na lamang ni Luna ang masukal na daan patungo sa kung saan. Kahit na medyo nakakatakot ang gubat dahil madilim ang paligid, binagtas niya pa rin ang makitid na daan. Ang tanging nasa isip niya ay kailangan niyang matakasan ang humahabol sa kanya at nang makauwi na siya. Nag-aalala na rin siya sa kalagayan ng kanyang ama. Ito na lamang ang tanging kadugo na nagmamalasakit sa kanya pagkatapos mamatay ng kanyang ina kaya naman hindi niya alam ang gagawin kung pati ito ay mawala sa kanya.
"Hay, sa wakas! Nawala rin sila." Nakahinga siya ng maluwag nang hindi niya na nakita ang itim na kotse na bumubuntot sa kanya. Kahit na hindi niya alam kung saang gubat ang tinahak, ang mahalaga ay ligtas siya.
Hindi namalayan ng dalaga ang pagtakbo ng isang usa sa gitna ng daan, agad niya naman itong naiwasan ngunit hindi niya napansin ang isang bangin sa kanyang harapan at doon tumungo ang kanyang sasakyan. Huli na ang lahat dahil unti-unti itong nahulog pababa.
Takot, pangamba, pag-aalala— iyon ang naramdaman niya nang oras na iyon. 'Natakasan ko nga ang humahabol sa akin ngunit sa huli'y kamatayan din ang bagsak ko,' aniya sa kanyang isipan. Ipinikit niya na lamang ang kanyang mga mata at hinintay ang pagsalubong ni kamatayan.
Isang malakas na pagbagsak ang kanyang naramdaman bago siya mawalan ng malay. Paggising niya ay nasa loob pa rin siya ng kanyang sasakyan. Ang akala niyang katapusan niya ay hindi pa pala, laking pasasalamat niya at buhay pa siya. Kahit na masakit ang kanyang katawan ay dahan-dahan siyang lumabas sa sasakyan at gumapang palayo rito. Tiyak niyang anumang minuto ay maaari itong sumabog dahil amoy niya na rin ang gasolina na lumahok sa hangin.
Hindi namalayan ni Luna na isa na namang bangin ang kinaroroonan dahil madilim sa lugar na 'yon. Sa pagmamadaling makalayo sa kanyang sasakyan at baka sumabog ito, nahulog siyang muli ngunit nang oras na 'yon ay tubig na ang kanyang binagsakan. Maya-maya'y nakarinig siya ng pagsabog galing sa itaas. Alam niyang nagmula ito sa kanyang sasakyan.
Sa lakas ng daloy ng tubig ay nagpatianod na lang ang dalaga. Sa nanghihina at masakit niyang katawan wala siyang magawa kundi magpatangay sa ilog. Madilim ang paligid at tanging lagaslas lang ng tubig ang kanyang naririnig. Ilang segundo lang ang lumipas at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (64)

  • avatar
    Ash Abpa

    gusto

    20d

      0
  • avatar
    Rolando Calderon

    good

    04/08

      0
  • avatar
    Desemie Valencia Tagapan

    i like this😍

    03/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด