logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 4 THE CURFEW

"Follow these schedules for a better outcome," the admin teacher said as she handed me my schedule and some books. "Be careful, mayr'on kang alanganing oras, 6 pm," pinangunutan ko siya ng noo.
"What's with 6 pm?" I shrugged.
"Actually, it's 7 pm. Delikado na. Tuwing ganiyang oras ay tila umuulan ng kutsilyo. Tutunog ang kampana kapag sumasapit na ang ganoong oras kaya dapat hindi mo maabutan ang tunog na iyon," narinig kong umismid si Janeth sa likuran ko pero hindi ko na lang pinansin. "Students go wild when that time comes. Be careful. They'll randomly throw knives at each other kaya mukhang umuulan ng kutsilyo. Some will throw broken glasses, depende, depende sa matipuhan nilang pamatay," hindi ko makumbinsi ang mga sarili ko sa sinasabi niya.
"You're letting your students kill?" Tanong ko at pumikit siya at dahan-dahang tumango.
"Yes. It's the school rules. By the way, it's your room's key. Magkakahiwalay kayo kaya pasensiya na, hindi namin pinahihintulutan ang sinuman na magsama sa iisang kuwarto kahit pa magkaparehong kasarian," she explained as she gave me the key.
Tinignan ko iyon. May nakaukit na L sa pinakanghawakan nito. Hindi ko naman alam ang meaning kaya hinayaan ko na lang.
"Don't let your keys be misplaced. Hindi iyan mapapalitan, walang duplicate," aniya pa. "Now, go, look at your schedule. He might catch you again."
Umalis na kami nang walang anomalysa sa mga sinabi niya. Tahimik lang kaming naglalakad nang may napansin akong kakaiba sa isang babae na naglalakad patungo sa lugar namin. Balisa siya at tila hindi mapalagay.
Basang-basa ang buhok niya pati suot. Napansin ko rin ang gula-gulanit niyang uniform.
"Weird," Janeth whispered so I looked at her and nodded.
"This school is indeed weird as well as its students," I agreed.
"We're students na here, e 'di weird na rin tayo?" Tammy sarcastically said kaya tinawanan ko na lang siya knowing that she's just joking.
"Kidding aside, why do you think they're not letting their students stay in the same room?" Janeth asked as she crossed her arms over her chest.
"R 18," I whispered then laughed. "Gxg, bxb, gxb," I continued.
"Woah! My virgin ears!" Tammy complained as she covered her ears to not hear what we were saying.
Kung makikita mo si Tammy na naglalakad, akala mo kung sinong anghel na nahulog sa langit. Maputi, hindi ganoong katangkaran pero ideal na iyong height niya sa babae, innocent look at ang cute ng boses pero kapag usapang R 18 ay hindi siya nagpapahuli, mukhang master pero virgin.
"Tumigil ka, Tammy. You're more wild than us," sambit ko at saka unti-unting gumuhit ang nakakalokong ngiti sa labi niya.
"Hehe," she giggled.
Pumasok na kami sa klase namin sa saktong oras na ito. Pagkarating namin sa mismong classroom ay napakatahimik ng klase at tila paroo't parito ang tapunan ng masasamang tingin. Ang guro lamang ang nagsasalita.
Dumiretso kaming tatlo sa mga bakanteng upuan na parang nakareserba talaga para sa amin dahil tatlo na lang ang natitirang bakante. Sadly, magkakahiwalay kami. Si Tammy nasa unahan, malapit sa pinto. Si Janeth, nasa gitna banda samantalang ako ay nasa dulo sa likod, malapit sa bintana.
Tumingin lang ako sa labas habang nakapanganlumbaba. Ang teacher naman dito sa classroom ay tila walang pumasok na bagong estudyante o baka sanay na sila o baka wala na silang pake sa pagkakakilanlan namin dahil mamamatay din naman kami.
Napansin ko ang isang lalaki na tumatakbo palapit sa isang babae. Niyakap niya ito at Napatayo ako na nagdulot ng ingay ng upuan at lamesa nang nakita ko kung paano saksakin ng lalaki ng pampatulog ang babae. Kaagad itong nawalan ng malay.
Iyon iyong babaeng basang-basa kanina sa hallway.
Alam ko ang nasa isip ng lalaking iyon kaya hindi ako nagdalawang-isip na tumakbo palabas ngunit may isang braso na humarang sa akin. Tinignan ko kung sino iyon at iyong teacher lang pala.
"Ditching class isn't allowed, miss," I could feel the strictness in her voice but it didn't scare me anyway.
"R*ping innocent students isn't allowed, Ma'am," I answered, copying her accent.
"Hindi niya iyon aabusuhin, Miss. R*pe isn't allowed on this campus. Dahil puputulan ng ari ang kung sino mang mahahalay para matuto," narinig ko ang mahinang tawa ni Tammy sa likuran ko.
Pinaikutan ko lang ng mata ang guro at saka bumalik na sa kinauupuan ko. Tumingin ako sa bintana at nandoon pa rin ang dalawa.
May kinakalkal na kung ano ang lalaki sa bag at uniform ng babae na tila may hinahanap. Hindi ko talaga mawari ang school na 'to sa sobrang weird ng mga tao.
"Angel wannabe?" Inismiran ko ang babaeng nagsalita sa gilid ko - si Juliette. "I saw how you wanted to save that dummy girl earlier," she continued.
"Anong pake mo?" Pabalang na sagot ko sa kaniya at bahagya siyang tinulak pagilid dahil sumisingit na siya sa pila.
"Gusto mong makalabas?" She whispered kaya kahit na ayaw ko ay tinignan ko siya dahil gusto ko na makabalik sa dati kong buhay. Delikado ako dito, e. "Asa ka," aniya saka inilabas ang dila para mang-asar.
Hindi ko na lang siya pinansin kasi mukhang hindi nabati ng ina, e.
Maya-maya at napansin ko ang pagiging tahimik ng cafeteria. Nakagilid na rin lahat ng estudyante at tila may gini-give way. Ako na lang ang natitirang nakatayo sa gitna, looking dumbass.
Umingay ang charms sa pinto at pumasok ang tatlong lalaki. Ang dalawa ay pamilyar sa akin samantalang ang isa ay hindi ko pa nakikita.
Huminto sila sa harapan ko, sinamaan ko naman sila ng tingin.
Napansin ko ang coldness ng titig ng isang 'to sa mukha ko bago niya itaas ang kilay sa akin.
"Tabi," Lewis coldly pushed me aside like I was trash.
"Psh," I hissed.
Tumabi na lang ako without hesitation dahil kung ano pa ang gawin sa akin. Tinapunan ako ng tingin ng dalawa - si Dominic at ang isa pa kaya pinaikutan ko sila ng mata.
Pumunta sila sa counter para um-order ng foods nila. Ibinagsak ko ang tray na hawak-hawak ko kaya umugong ang ingay nito sa loob ng cafeteria.
"Give them the worst food you have," utos ko sa babaeng nasa counter at tinitigan ako nang may nagtatakang tingin. "Ang daya-daya. Nakapila kami dito, ano? Tapos kayo sisingit lang? Kahit pa president ka, Lewis, you shouldn't abuse your power. President din naman ako sa campus namin but I'm not like you, abusive," I explained so he looked at me with a surprise look.
Hindi ganoon kahalata ang reaction ng mukha niya but I can sense it thru looking into his eyes.
Dominic called my attention when he started giggling beside Lewis. Lewis seemed not bothered at all.
"Well, I'm not you and you're not on your campus, what's your point?" He asked with a brows arched so high.
"Be fair - that's my point," I answered and he turned his back at me.
Dominic kept on giggling while looking at me secretly. My blood boils when the woman at the counter gives them the best meal.
Reluctantly, I ignored them because I couldn't do anything naman.
The charms sounded again and Tammy and Janeth came in.
"Ellie!" Tammy rushed to me and hugged me like we hadn't seen each other for a while. "Kanina ka pa nag-break? Sorry, katatapos lang namin," she apologized.
I could feel the gazes of eyes on us but I have to ignore it.
"Nope, ngayon-ngayon lang din kami nag-break. You're just in time," I answered and shifted my gaze to Janeth.
Wala lang reaction si Janeth habang nakatingin sa mga tao sa paligid. As if she knew what happened.
After the cafeteria scene, we all went to the benches in the field as we watched the sun go down slowly.
"Shouldn't we go now? Baka abutan tayo ng 7 pm," Janeth said, concerned.
"I'll go to your rooms tomorrow. As of now, we should part our ways here," I said as I stood and faced Tammy. "Tammy, be careful. Stop your adventurous act, you might get in danger."
"Aye! Aye! Captain!" Then she laughed.
Umuwi na kami sa kani-kaniya naming room at sakto lang din ang pagdating ko ay tumunog ang kampana. Wala naman akong napapansing kakaiba sa labas, wala namang maingay so I wonder why they wouldn't let us leave in this hour.
Maliit lang ang room. Pang isang tao lang talaga. - one bed, one table and chair, sink, bathroom, closet. A simple one but enough. Mukhang may pondo rin ang may-ari nito because the room looks pleasing.
Naubos siguro sa pagpapatayo ng mga rooms ang may-ari kaya wala nang panlinis sa mismong buildings sa school. Hindi naman gan'on kalayo ang rooms namin sa school, nasa likuran lang pero may madadaanang medyo mapuno bago makarating.
Napatigil ako sa pagsusulat nang may narinig akong kalabog na nanggaling mula sa labas. Dahan-dahan akong pumunta sa bintana para sumilip ngunit kutsilyo ang tumambad sa mukha ko. Muntik pang matusok ang mata ko dahil sa sobrang lapit.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi makagalaw habang tinititigan ang dulo ng matalim na makintab na kutsilyo. Unti-unting sumulpot ang taong balot na balot ng itim ng tela, masama ang tingin sa akin mula sa labas.
Napalunok ako ng laway dahil sa sobrang kaba na hindi maipaliwanag.
Nasara ko ba iyong door?
Nagsimula na ring lumabas ang mga butil ng malalamig na pawis sa mukha ko.
He walked slowly and closely to me but I stepped back. Luckily, the window has bars kaya hindi sila makakapasok basta-basta but the fact that he can throw this knife at me made my heart beat fast.
Ibang klase ang anyo ng kutsilyo kumpara sa mga kitchen knife, this looks like customized. Black ang handle niya at may nakaukit na hindi ko maipaliwanag na mga letra.
"Please..." My voice broke as I begged.
Ngayon alam ko na kung bakit hindi ka puwedeng lumabas ng gan'tong oras dahil maaari kang mamatay. I wasn't informed that we should lock our doors and windows para hindi sila makasilip.
I closed my eyes as his blood dripped all over the window. My eyes widened as I saw the man hanging his hand on my window. I slowly took a step to see what happened to him. Baka nahilo lang or what but there was a knife planted at the back of his head.
"AAAAAHHH!" napatili ako sa nasaksihan ko.
Hindi ako makapaniwala na makakasaksi ako ng mga ganitong karumal-dumal na pagpapatayan ng mga tao.
I was about to close the window when a pair of hands stopped me. Namilog ang mga mata ko nang makita kung sino iyon. Sinenyasan niya akong manahimik kaya tumango ako.
Tinuro niya ang pinto kaya nagtaka ako at dahan-dahang tumingin doon. "A-Anong gagawin ko sa pinto?" Tanong ko.
"Pagbuksan mo 'ko," utos niya na parang wala man lang takot na mababakas sa tono ng boses niya.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para sundin siya pero malakas ang pakiramdam kong maaasahan naman siya dahil isa siya sa mga kasama kanina ni Lewis sa cafeteria. Isa siya doon sa mga siga na akala mo Diyos.
Naliligo siya sa dugo kaya nabakasan na ng dugo ang room ko, paglilinisin pa ako.
"Why are you here?" I questioned as he sat on my study chair.
"You're still studying?" Tanong niya habang nakatingin sa notebook. "Wala namang silbi iyan," aniya saka sinarado iyon at hinarap ako.
"Sino ka ba?" I arched one of my brows as I crossed my arms over my chest. "Bakit kailangan mo pang pumasok?"
"Wow naman, iyan pa matatanggap ko after I saved you from that man!" Aniya nang may kalakasan sa tono ng boses kaya hindi ko maiwasang ma-guilty.
"S-Sorry," I whispered like an afraid kitten. "Thank you for saving me," hindi ako makatingin sa kaniya nang ayos dahil sa tinrato ko sa kaniya. Alam kong hindi niya deserve iyon.
"Will you let me sleep here for just tonight?" He asked so my eyes circled. "Gulat na gulat?"
"Don't you have room?" Tanong ko saka bigla kong naalala iyong sinabi ng prof kanina. "Besides, hindi ba protocol dito sa school niyo na bawal magsama ang dalawa o higit pa sa dorm? Baka patayin ako," reklamo ko kaagad.
"Don't worry, it's me, hindi ka nila kayang galawin," tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at saka nakaisip ng isa pang tanong na makakadagdag kaalaman sa akin about sa school.
"I'll let you sleep here if you'll let me know kung sino iyong lalaking muntikan nang pumatay sa akin," I said so I saw he drew a smirk on his darn face.
"The more you know, the more you'll be in danger. Kaya, suggest ko sa 'yo, don't let your curiosity ask for more questions," aniya kaya napasinghap ako ng hangin.
"Sa lapag ka matutulog and don't snore too loud," sambit ko bago lumapag sa kama at binalot ang sarili sa kumot.
"I'm Axel, by the way," aniya kaya tinanggal ko ang pagkakabalot ng kumot sa akin at saka tinignan siya nang masama.
Ngunit nawala ang pagkakakunot ng noo ko nang mapansin kung gaano siya kalapit sa mukha ko. I could feel his breath on my face. Tinignan ko kung anong puwesto naming dalawa at nakakurba ang likod niya para lang titigan ako nang ganito kalapit.
"Move your filthy face away from me," I commanded so he smirked then moved away. "I'm Elliana," I added.
"Nice to meet you, Elliana," he gave me his hand but I slapped it away.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (37)

  • avatar
    Cy Magnaye

    amazing

    10/08/2023

      0
  • avatar
    Celeste Aki

    nice storya

    29/07/2023

      0
  • avatar
    Shamae Manansala

    next chapter napo😭😭😭😭😭

    24/07/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด