logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 11 Damien

Verone
“’Wag!” napamumulagat na sigaw ko kay Steve.
“Steve ‘wag!” pigil ding sigaw ni Lori na sinubukan pang harangin ang atake niya.
Subali’t hindi nakinig si Steve at habang nakalutang ang kanyang sarili sa ere ay inasinta niya na parang isang ligaw na tupa si Damien at walang kahirap-hirap na inihagis ang kanyang sandata sa direksyon nitong kasama naming mortal. Walang segundo ang nasayang dahil sa isang kisapmata ay agad iyong tumaral sa kinatatayuan ni Damien dahilan upang magkaroon ng napakalakas na pagsabog. Napakalakas na impact dahilan upang maihagis rin kami ng ilang metro. Wala kaming nakikitang kahit na ano maliban sa napakakapal na usok at ang wasak na wasak na tahanan ni Steve.
‘What an incredible power he has! Nakakatakot!’
Simula nang nasa taas na siya habang tinatanaw kami kanina sa sala ay nararamdaman ko na ang lumalakas niyang enerhiya dahilan din upang panindigan ang buong katawan ko. Hindi ko rin mapigil ang sariling hindi mangatog dahil sa sindak. Pero ang nakalulungkot sa nangyari ay ang ginawa niyang pag-atake sa mortal na si Damien.
Nang humupa ang kapangyarihan ni Steve at makapakalma ay tumayo siya at nakangising napatingin sa aming dalawa ni Lori. Kaya naman ay galit na galit itong lumapit sa kanya at kunuwelyuhan siya. Sa galit ni Lori ay halos umangat sa ere ang katawan ni Steve dahil sa lakas na ipinapapakita niya. Ibang klase rin itong kapangyarihan niya. Sabagay, ano pa nga bang kukwestyunin ko kung nasa pangangalaga niya ang dual daggers.
“Tangina! Ano ‘yong ginawa mo! Why did you do that to Damien!” mangiyak-ngiyak na sigaw niya sa mukha ni Steve.
Ramdam na ramdam ko ‘yong galit na namumutawi kay Lori ngayon. Kung ako nga rin ang nasa katayuan niya ay magagalit din ako lalo na kung kaibigan ko ‘yong kanyang kinanti at ang mas malala ay pinatay niya pa ito. Parang ang hirap lunukin ng mga nangyari lalo na sa napakalupit na kapangyarihan ni Steve. He is beyond anyone else here.
Subali’t hindi sumagot si Steve na mas lalo lang ding ikinainis ni Lori, “Have you lost your mind!? Sana ako na lang ‘yong pinatay mo dahil ako naman talaga ang sumira sa bahay mo! Sana ako na lang!” paghihinagpis niya pa. She’s sobbing and I know how it feels. Pero napatungo rin ako nang ma-realize ko ang pagkakamali ko.
Kung posible ay pareho kami ngayon nang iniisip ni Malloty. This old hag Steve is a freacking demon in disguise! I have my Death Scythe but it’s worthless. Nagiging worthless ito kapag natatapat sa mas malakas na soul weapon pero nananaig naman kapag nakisama sa ibang soul weapon. Teamwork is better than solo, they said.
Rinig ko ang matunog na paghinga ni Steve habang inaayos ang kanyang sarili. He also fixed his shirt and pat his pants. Saka siya napangiti sa amin na ipinagtataka ko ng lubusan. How could he do such a thing? Paano siya nakangingiti ng gano’n kalawak? Wala lang ba sa kanya ang buhay na kinuha niya?
He hemmed causing my whole body to tremble. Tikhim pa lamang ‘yon subali’t parang niyanig na ‘yong buong katauhan ko. He’s freaking strong! Wala akong ibang nagawa kundi ang manahik at panoorin sila roon ng palihim. Ayaw kong gumawa ng ingay o kahit kaonting galaw dahil maaaring kunin din ang buhay ko kapag nagkamali ako. I shouldn’t make any mess. I don’t want to face death yet. I have still goals to achieve and so on! Gusto ko pang mabuhay ng sobrang haba!
“Ano’t naghihinagpis ka, Lori?” nakangiting tanong ni Steve dahilan upang makaramdam ako ng inis.
Naroon sa tabi niya ang naghihinagpis na si Lori na walang tigil sa paghikbi. Nakakuyom ang parehong makamay niya dahil sa galit. Kung siya ay walang magawa, ano pa kaya ako? Wala. Heto ako ngayon at pinanonood sila gano’n na rin ang wasak na wasak na bahay ni Steve at ang makapal na usok.
Ililihis ko na dapat ang paningin ko sa sira-sirang bahay ni Steve subali’t tila mayro’n akong naaninag na ilaw roon. Pinanatili ko ang sariling nakatuon sa pwestong iyon at hinintay na humupa ang makapal na usok. Dahil hindi ko na matagalan pa ay ginamit ko ang kakayahan ko upang hawiin ang makakapal na usok gamit ang hangin.
“L—lori. . .” wala sa sariling sambit ko na nauutal.
Hindi ko nagawang matingnan si Lori nang banggitin ko ang pangalan niya dahil nakatuon pa rin ang mga mata ko roon sa kinaroroonan kanina ni Damien. Nang makita kong hindi na gaanong makapal ang usok ay unang bumungad sa paningin ko ang nakasisilaw na gintong liwanag mula roon.
Ang mumunting liwanag ay naging klaro sa paningin ko nang tuluyan nang nawala ang usok. Nang mapagtanto ko kung ano ang nasasaksihan ng dalawang mga mata ko ay gano’n na lamang ang pagbagsak ng pareho kong panga. Hindi ko maintindihan kung iiyak ba ako o kaya naman ay mamamangha.
“Tinatanong kita kung bakit ka tumatangis? Bakit ka umiiyak sa harapan ko Lori?”
Bumalik na lamang ako sa diwa ko nang marinig ang boses ni Steve na kausap si Lori na noo’y naroon pa rin sa kanyang harapan at nakatalikod sa nasasaksihan kong pangyayari. Nang lingunin ko sila roon sa kanilang pwesto ay sakto naman ang paglingon ni Lori sa gawi ko at saka sumunod na lumihis ang paningin niya sa nasasaksihan kong senaryo.
Hindi nagkakalayo ang reaksyong tumatak sa pareho naming mukha nang makita iyon. Nilingon niya ulit si Steve na mayro’ng nagtatakang mukha. Maski na rin ako ay hindi maintindihan kung ano ang nangyayari pero hinayaan ko na dahil wala rin naman akong mapapala.
Muli akong napalingon sa pwesto kanina ni Damien. I can feel the uneasiness. Ang kaninang nakasisindak na enerhiya ni Steve ay tila natalo nitong sumunod na nararamdaman namin. Tila kasi inihihiwalay nito ang mga kalulwa namin sa aming mga katawan. I tried to stand still. Kung hindi ko lalabanan ang awra na iyon ay tiyak malalagas ako at magiging abo.
Steve’s attack created a deep crater and from the inside, a golden flash of light can be seen. Nakita kong nilagpasan ako ni Lori upang magtungo malapit doon. We both feel the immense power that is hovering our us.
“I did not kill him,” Steve spoke behind us.
Sinundan ko si Lori at pinanatili ang sarili na maging intact. Mallory is much powerful than me. Kaya nakakaya niyang maglakad na parang wala lang sa kanya ang napakabigat na enerhiyang iyon.
“Hindi ako tiyak kung sino ang binatang nakilala mo, Lori. . .” rinig ko pang usal ni Steve mula roon, “I have just seen him twice this week. Nang puntahan kita roon sa pinagtataguan mo ay ramdam ko na ang bumabalot na kapangyarihan sa binatang ‘yan,” dagdag pang wika ni Steve dahilan upang magpintig ang tenga ko dahil sa kuryusidad sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig.
‘So hindi nagmula kay Lori ang enerhiyang ‘yon noong nasa lugar kaming ‘yon? Kaya rin ba naudlot ang pananakop ko sa isipan ni Lori sa mga oras na iyon dahil sa kagagawan ni Damien? What the heck!’
Napapasinghal ako nang maisip ang nangyari roon sa lugar na iyon.Hindi rin tinatablan si Damien ng amulet ni Lori. Oo nga, ‘no? Bakit ‘di ko napansin ‘yon nang ibigay ni Lori ‘yon kay Damien? Damn!
“Ano ‘tong nakasisilaw na liwanag na ito?” tanong ni Lori na noo’y sisinghut-singhot pa.
Pareho kaming nakadungaw sa malawak na crater dahil sa kagagawan ng kapangyarihan ni Steve. Kung hindi pa nagsi-sink in kay Lori ang nangyayari ay tiyak akong wala pa siyang nalalaman tungkol dito. Nakakapanghinayang. Kaya naman pala ay parang wala lang sa kanya ang hawak niyang soul weapon. Wala lang din sa kanya ang hawak na soul weapon ni Steve. Hindi ko alam kung paano nakuha ni Steve ang dark spear. Maaari kayang napaamo niya ito gamit ang kapangyarihan o may nagpamana sa kanya ng sandatang ‘yon?
Naririnig din namin ang tila nakatutulig na ingay na tila nagmumula sa isang malakas na forcefield. Hindi pa rin naglalaho ang ginituang liwanag na nagmumula sa ibaba.
“You knew King Augustus, don’t you?” I asked to Mallory.
Hindi niya ako nilingon pero nagawa niyang mapatango kasabay ang pagkunot ng kanyang noo. Nakatutok pa rin doon sa ibaba.
“Oo, kilalang-kilala ko siya,” sagot niya at nang siguro mapagtanto ang sinabi ko ay agad niya akong nilingon na tila nagugulat pa, “You mean!?”
“This magnificent light. Ngayon ko na lamang ito nakita sa halos ilang taon,” usal ko habang nakatingin roon sa ibaba.
“No! It can’t be!”
Naramdaman ko ang presensya ni Steve sa aming likuran at napalingon sa kanya nang magsalita siya. “I have no intention of hurting him, Lori,” wika niya habang nakatingin din sa ibaba na kung saan makikita ang matingkad na gintong liwanag. “Kung mayro’n man ay hindi ko rin naman siya madadaplisan. . .” dagdag pang wika ni Steve na mas lalo pang ikinabagsak ng panga ko. Realtalk? Totoo?
“But how? Isa lamang siyang hamak na mortal,” nagtatakang tanong ni Lori subali’t sa mga tanong niyang ‘yon ay pinaninindigan na ako. Ang ibig niyang sabihin ay hindi pangkaraniwang mortal si Damien. He has this unexplainable power he doesn’t know that he possess.
Hindi nagawang makasagot kaagad ni Steve dahil tila mayro’n siyang iniisip na malalim. Nakamasid lamang siya roon sa ibaba habang nangungusap ang kanyang mga mata.
“Pwede bang sabihin mo sa amin kung ano ang nalalaman mo, Steve? Dahil gulung-gulo na talaga ako. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay sana hindi ko na lang hinayaan ang sarili kong mapadpad doon sa lugar niya,” mahabang litanya ni Lori subali’t tila nagtetengang-kawali si Steve. Hindi ko alam kung nananadya ba siya o ano.
“Kahit na takasan mo pa ang landas na iyon ay tiyak na magtatagpo at magtatagpo pa rin kayo. . .” makahulugang sabi ni Steve dahilan upang mapataas ako ng kilay.
“Pwede pong magsalita?” bigla ay singit ko dahilan upang mapalingon sila sa akin. Napangiti si Steve at marahang inilapat ang kanyang kanang palad sa balikat ko. “Ano ang iyong sasabihin?” pagkua’y tanong niya na nakangiti pa rin habang si Lori ay nakatuon naman ang atensyon sa ibaba.
“Posible bang magkaroon ng kapangyarihan ang isang mortal?” diretsong tanong ko.
Tumango si Steve, “Hindi imposibleng mangyari ‘yon dahil may isa nang nagpapatunay niyon,” wika ni Steve habang nakamasid na rin doon sa tinitingnan ni Lori.
Paunti-unti na rin kasing naglalaho ang liwanag doon at napapalitan ng liwanag na nagmumula naman sa dark spear ni Steve. Pagkawalang-pagkawala niyon ay halos mapamulagat kaming pareho ni Lori nang makita ang nakatindig na si Damien roon sa gitna ng crater habang nakasangga ang kanang palad niya sa matulis na dulo ng dark spear.
Hindi alintana ang maninipis na hibla ng kulay lilang kapangyarihan na nagmumula sa sandata ni Steve pero hindi roon natuon ang atensyon ko kundi sa matipunong pangangatawan ni Damien na ikinubli ng kanyang makapal na kasuotan. Napangiwi ako dahil sa naiisip.
Matapos matanggap ang napakalakas na atake ay hindi ito nakayanan ng kanyang kasuotan at nagutay-gutay, naiiwan ang suot niyang pang-ibaba. Kasunod kong napansin ay ang kanyang ginintuang mga mata at ang kanyang tindig na nagpapahiwatig ng awtoridad.
Ilang sandali pa ay muling bumulusok ang dark spear at halos humiwalay ang kalulwa sa katawan ko nang makitang papunta ito sa direksyon namin subali’t hindi pa man nakararating ay naglaho na ito matapos na itago sa kaibuturan ng sisidlan ni Steve.
“Nangyari na. . .” bigkas na naman ni Steve dahilan upang hindi namin siya maintindihan. Nakatingin lamang siya kay Damien na roo’y tila sinisiyasat ang sarili kung ano ba ang nangyayari.
“The abyss of his persona has been awakened. . .” wika pa niya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (361)

  • avatar
    Joey Ontong

    maganda ang kwento

    07/08/2024

      0
  • avatar

    good

    14/04/2024

      0
  • avatar
    Famae Villarosa Sumoba

    🥰🥰🥰

    27/01/2024

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด