logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 10 Stabbed

Mallory
We’ve been sitting for almost thirty minutes, waiting for Steve to come down from his sanctuary. Matapos niya kasing kausapin ‘yong dalawa ay nagpasya siyang umakyat upang magpalit ng kanyang damit. Hindi ko lang alam kung bakit siya natatagalan ngayon.
Nasa tig-iisa kaming magarang sofa rito sa sala na kung saan ay napalilibutan din kami ng mga mamahaling mga kagamitan at palamuti. Mayro’ng malaking cabinet na kayang lumamon ng limang tao na yari pa sa makapala at matibay na punong kahoy. Nakaaantig din ang napakalaking chandilier na nakasabit sa itaas namin.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin natalima ang mata ni Damien na papasyal-pasyal saanmang dako rito sa loob ng bahay ni Steve. I know that feeling pero mas malubha lang ‘yong pagkamanghang namumutawi sa kanya ngayon.
“So... Regarding sa inyo ni S—steve. Ehem...” panimula ni Verone na napatikhim pa ng banggitin ang pangalan ni Steve. Tila sinasanay niya pa ang kanyang sarili sa pagbibigkas niyon. Naging dahilan din ang pagsasalita niya upang mabasag ang nakabibinging katahimikan sa pagitan naming tatlo. Napatingin din sa kanya si Damien. Tangina! Bakit parang kinukurot ako sa tuwing nasa iba ang tingin niya? Takte!
I raised an eyebrow and asked, “What?”
Hindi ko man sinasadya ay sadyang cold talaga ang pakikitungo ko sa isang taong nagtangka sa buhay ko. Hindi sa galit ako kay Verone kundi dahil sa kapabayaang ginawa niya dahilan upang makapaminsala siya ng pag-aari ng iba.
Napalunok sa kaba si Verone at unti-unting napatungo dahil sa tinging iginagawad ko sa kanya. Maski na rin si Damien ay hindi ako pinatakan ng kahit kaonti man lang ng kanyang mainosenteng mga mata. Pero nagawa pa ring sumagot ni Verone sa gitna ng kanyang pangangatog, “Nagtataka lang ako kung ano ang relasyon ninyong dalawa ni Steve,” wika niya na mas lalo pang ikinataas ng isa kong kilay.
“Bakit ka pa nagtataka kung binigyan na niya kayo ng kalayaang tawagin siya sa kahit na anumang gustuhin ninyong ipangalan sa kanya,” seryosong sagot ko na mayro’ng pagdidiin sa boses ko at hindi ko rin inaalis sa gawi niya ang paningin ko na mas lalo niyang ikinapakla. “P—pasensya na...” nakatungong paghingi niya ng pasensya sa akin.
‘Bakit ba nakatingin si Damien kay Verone!? Bakit!?’
Tumikhim ako dahilan upang mapatungo rin si Damien, “Ehem! Hindi ako tulad ng iniisip ninyo. Nagiging ganito ang pag-uugali ko lalo na’t personal ang itinatanong sa akin. Hindi ko gustong kinukwestyon ako ng kung sinuman lalo na sa relasyong mayro’n kami ni Steve,” mahaba kong sabi.
Nakapagitna sa amin ang transparent na maliit na mesa habang pinalilibutan naming tatlo ito habang nakaupo sa tig-isang sofa.
Mas lalong dumukdok ang ulo ni Verone dahil sa pagkakatungo, “Sorry talaga, Mallory...” sinserong paghingi niya ng paumanhin. Napahinga ako ng malalim. “Hindi na mauulit pa ito, ipinapangako ko,” anya at itinaas ang kanyang ulo upang tingnan ako ng pantay sa mata.
Napalunok ako at bahagyang napatango sa kanya. “At hindi rin naman habang buhay kong dadalhin ang pagkadisgusto na ‘yon. Steve has trusted you,” wika ko at inilayo ang paningin sa kanila. Napukol ito sa hagdanan.
“He did?”
Hindi ko alam kung bakit tinatanong pa niya ‘yon kung obvious naman.
“Oo...”
Napangiti ako ng bahagya ng si Damien ang sumagot sa katanungan ni Verone. Kahit papaano ay nakikinig siya. Ayos na ako roon kahit na iniiwasan niya akong tingnan. Ayos lang kahit na kay Verone lang siya nakatingin—teka? Ano ba itong iniisip ko?
“He trusted the both of us simply by allowing us to call him in any name that we want to call him...” Damien explained, Verone nodded as she smiled towards Damien. Bago pa ako may maisip na iba ay inalis ko na ang paningin ko sa kanilang dalawa.
Sa ganitong usapan ay maaasahan si Damien dahil nakaiintindi siya agad. Agad siyang nakakokonekta sa kung anuman ang topiko. Bilib na bilib din ako sa katalinuhan niya. Iilang araw pa lamang ang nakalilipas pero hindi pa rin nawawala sa isipan ko kung paano niya nalaman kung anong klase akong nilalang. Hindi maitatanggi ang natatangi niyang katalinuhan.
“Napakabuti niya talaga,” sambit ni Verone habang napapangiti pa roon sa kanyang pwesto. Pero agad ring napalingon sa gawi ko nang tila may maisip na naman. “Maaari ba ulit akong magtanong, Mallory?” tuluy-tuloy na wika niya sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang mapatango.
“S—sure...” nauutal na wika ko. “‘Wag lang tungkol sa lovelife. Kingingang ‘yan...” dagdag ko pa na halos ako na lamang ‘yong nakaririnig. Pakialam ko ba!
Nagulat kaming pareho ni Damien nang biglang magkaroon ng kulay violet na liwanag sa palad ni Verone at hindi tumagal ay lumitaw roon ang kanyang soul weapon. Ang Scythe na kilalang pinangangalagaan ng Fyzan Clan na kung saan ay si Verone ang kinikilalang Clan Leader. Actually, siya rin ang itinalagang bagong Clan Leader sa ilalim ng supervision ni Grand Elder Tarius.
Dahil sa enerhiyang tinataglay ng kanyang soul weapon ay nagpatay-sindi ang mga ilaw rito sa loob ng tahanan ni Steve. Halos mapatayo na rin si Damien doon sa kanyang kinauupuan dahil sa bagsik na kanyang nararamdaman. Hindi na ‘yon bago sa akin dahil nabasa ko na ang tungkol sa makasaysayang sandata na hawak ngayon ni Verone. Ang nakakagulat lamang ay kung bakit sa dinami-rami ng maaaring humawak niyon ay siya ang napili.
“I am pertaining with my soul weapon and yours,” nakangiting untag niya.
Napalingon naman ako kay Damien ng magsalita siya, “Teka nga! Pwede bang itago mo ‘yan? Gusto niyo rin bang wasakin itong bahay ni Steve gaya ng pagwasak niyo sa bahay ko?” galit na sigaw niya roon sa pwesto niya na halatang nilalabanan lang ‘yong takot niya sa sandata ni Verone.
Sino nga bang hindi masisindak sa makapaminsala at napakalakas niyang soul weapon? Gaya ng sinabi ko ay hindi na ako nagugulat doon maliban sa taong humahawak niyon. Kung mayroon kang sapat na kapangyarihan ay kayang-kaya ng isang bampira na labanan ang bagsik at lakas ng Scythe. Fortunately, I am one of a kind. Pero bago ako magsalita tungkol sa soul weapon ni Verone ay nagawa ko pang kwestyunin ng isip ko ang pananatili ng tayo ni Damien habang nakatingin sa hawak ni Verone.
‘How could he withstand the force of Verone’s soul weapon?’
Habang tumatagal ang pagsasamahan namin ni Damien ay tila nabubuo naman ang napakaraming tanong sa isipan ko tungkol sa mga hindi pangkaraniwang bagay na nangyayari sa kanya. Pansin kong hindi siya aware doon. Tangina! Sino ba talaga itong lalaking ‘to? Hindi naman siguro siya kampon ng mga demonyo ‘no? Ay! Tanga lang? ‘Di ba dapat ay kaming mga bampira ang tinatawag na demonyo? Aish!
Nang may maisip ako ay napangisi ako bigla. I just want to know how far would he withstand. Iniangat ko ang dalawa kong mga kamay. Nagliwanag ang mga ito sa kulay dilaw na liwanag at sa isang iglap ay lumitaw ang dalawa kong sandata na ipinagmamalaki ko. Si Kertia.
The wind blew forcefully causing the chandeliers to sway. Nagpapatay-sindi rin ang mga ilaw gaya ng kanina pero mas malubha ang pagpapatay-sindi ng mga ito lalo nang palabasin ko ang sandata ko. Pero hindi ang nangyayaring kagimbal-gimbal ang nagpapagulat sa akin kundi ang pananatili ng tuwid na tayo ni Damien.
Nakasuporta ang mga kamay niya sa kanyang ulo upang protektahan ito kung sakali mang may malalaglag mula sa itaas namin habang bahagyang namamaluktot ang kanyang tuhod dahil sa kaba.
“Tangina! Nananadya ba kayong dalawa! Sinabi nang alisin niyo ‘yan!” pagsisisigaw niya roon sa pwesto niya na hindi klaro sa pandinig dahil sa malakas na ihip ng hangin.
Ang kanina’y napakalinis na bahay ay tila dinaanan ng bagyo dahil sa nagsisiliparang mga kagamitan. Nasisira na rin ang iba dahil sa pagbabanggaan gano’n na rin ang pagputok ng mga bombilya sa iba’t ibang dako. Tila naging isang disco hall ang bahay ni Steve. Ilang sandali pa ay naramdaman na namin ang presensya ni Steve mula roon sa itaas ng hagdan.
Sabay naming pinaglaho ang aming soul weapon at kasabay niyon ay ang paghinto ng malakas na ihip ng hangin dahilan upang magsibagsakan ang mga gamit na iniangat sa ere. Hindi magkandamayaw ang pandinig ko dahil sa nakabibinging bagsakan at pagkabasag at nangmatapos iyon ay saka kami napalingon kay Damien na noo’y sinakluban ng makapal na kurtina. Palihim pa akong napabungisngis. Actually, nakararamdam na ako ng takot hindi ko lang talaga ipinahahalata.
“Hindi ako na-inform na may pasikatan palang mangyayari at ang magiging kapalit niyon ay ang sirain ang mga kagamitan sa loob ng bahay ko...” malumanay nguni’t may halong pagdidiin ay galit na wika ni Steve.
Sa gitna ng kabang nararamdaman ko ay narito sa tabi ko si Verone. Paunti-unti ang kilos hanggang sa makalapit siya sa tabi ko at pasimple akong kinalabit sa siko. Pinigilan ko ‘yong tawa ko nang makita kong halos maputol na ‘yong tuhod niya dahil sa panginginig. Takte! Anong intensity mayro’n ang tuhod niya? Halos maramdaman ko ‘yong yanig eh!
“Tell me...” pagkau’y bumulong siya na halos dinig na dinig naman, “G—galit ba si S—steve?” garalgal pang dagdag niya sa naunang sinabi dahilan upang mas lalo ko pang pigilan ang sarili kong hindi matawa.
“Manahimik ka kung ayaw mong maging abo na lang bigla,” diing sagot ko kaya hayun at tila naging estatwa siya sa tabi ko na nilalabanan pa rin ‘yong pangangatog sa kanyang tuhod.
“Damn... Ano ba ‘tong ginawa natin?” rinig ko pang wika niya na halos pabulong na.
“Sinabi ko na kasi sa inyo kanina eh... Nadamay pa tuloy ako sa ka-reckless-an ninyo,” inis na wika ni Damien doon sa pwesto niya.
Napangisi ako nang humakbang ng isang beses si Steve habang makikita sa mga mata niya ang pag-iilaw ng mapusyaw na kulay pula sa kanyang mga mata. His canine teeth started to get longer. Hindi ko mawari kung nagbibiro ba siya o kung galit siya dahil hindi ko pa nakikita sa ganitong anyo si Steve. Ngayon ko pa lamang ito masasaksihan. Ang takot na mararamdaman sa kanyang mapupulang mga mata ay mas dinagdagan pa ng sindak nang lumitaw ang mapupulang ugat sa kanyang magkabilang pisngi. Napalunok ako ng wala sa oras nang masaksihan iyon.
Iisa pa lamang nang ginagawa niyang paghakbang subali’t gumuhit na ito ng malakas na enerhiya. Tila bawat galaw niya ay maaaring magpatumba ng isang buong building dahil sa lakas pero hindi ako nagpatinag. Ang malakas na ihip ng hanging kanina ay mas pinalakas pa at hindi lamang dito sa loob iyon mararamdaman.
Ang kaliwanagan ng paligid ay nabalot ng kadiliman. Steve started to berserk, I mean his power. Nagngangalit ang kanyang kapangyarihan at maski na ang pagtindig ko ay hindi na kayang labanan ang lakas ng kanyang kapangyariha. Makikita rin sa kanyang mga kamao ang maninipis na kulay lilang kidlat subali’t hindi pa roon natatapos ang kabang nararamdaman ko dahil mas lalo pang nag-unahan sa pagkabog ang dibdib ko nang lumitaw sa kamay niya ang isang sandata. He summoned it by raising his right hand. Gumawa ng pagkalaki-laking kidlat at binutas ang bubungan ng bahay.
“Is he going to kill us?” mangiyak-ngiyak na tanong ni Verone na pinipilit ang sariling manatili sa sahig dahil kung hindi niya lalabanan ay pati siya ay ililipad ng malakas na hangin.
Hindi ako kumibo bagkus ay pinakiramdaman si Steve. Nanglaki ang mga mata ko nang makita ang hawak niyang sandata. Hindi ko pa nakikita ang sandatang iyon at hindi maitatangging malakas ang hawak-hawak niya. Ganito ba talaga kalakas ang isang Grand Elder? Ganito ba talaga kalakas si Steve?
Mas lalong nanglaki ang mga mata ko nang lumihis ang tingin niya. Kaya naman ay kaagad kong nilingon si Damien na nakapagtatakang nakalapat pa rin ang parehong mga paa sa sahig at maayos ang tindig. Nagugulumihanan siya. Makikita iyon sa nakalukot niyang noo.
Buhat-buhat ni Steve ang kanyang sandata sa kanang kamay kapantay sa kanyang kanang balikat habang nakalutang sa ere at diretsong nakatingin sa gawi ni Damien. Nang mabasa ko kung ano ang binabalak ni Steve ay huli na nang sumigaw kaming pareho ni Verone.
“’Wag!” si Verone.
“Steve ‘wag!” halos lumabas na ang ngala-ngala ko dahil sa malakas na pagsigaw.
Subali’t hindi nakinig si Steve at habang nakalutang ang kanyang sarili sa ere ay inasinta niyang parang isang ligaw na tupa si Damien at walang kahirap-hirap na inihagis ang kanyang sandata sa direksyon ni Damien. Walang segundo ang nasayang dahil sa isang kisapmata ay agad iyong nakarating sa kinatatayuan ni Damien dahilan upang magkaroon ng napakalakas na pagsabog. Napakalakas na impact dahilan upang maihagis rin kami ng ilang metro. Wala kaming nakikitang kahit ano maliban sa napakakapal na usok at ang wasak na wasak na tahanan ni Steve.
Nang humupa ang kapangyarihan ni Steve at makapakalma ay tumayo siya at nakangising napatingin sa akin. Galit na galit akong luampit sa kanya at kunuwelyuhan siya.
“Tangina! Ano ‘yong ginawa mo! Why did you do that to Damien!” mangiyak-ngiyak na sigaw ko sa mukha niya.
Subali’t hindi sumagot si Steve na mas lalo ko lang dinng ikinainis, “Have you lost your mind!? Sana ako na lang ‘yong pinatay mo dahil ako naman talaga ang sumira sa bahay mo! Sana ako na lang!” paghihinagpis ko na halos hindi na siya makita dahil sa panlalabo ng mga mata ko.
‘Damn! Stevenson Qeency is a fucking demon in disguise! Tangina!’

หนังสือแสดงความคิดเห็น (361)

  • avatar
    Joey Ontong

    maganda ang kwento

    07/08/2024

      0
  • avatar

    good

    14/04/2024

      0
  • avatar
    Famae Villarosa Sumoba

    🥰🥰🥰

    27/01/2024

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด