logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 6 The Concern Cousin

Luke's POV
"Hanapin niyo kung sino ang may gawa nito!?" sigaw ko sa mga members ko. Agad naman silang tumango at agad na tumakbo kung saan nanggaling ang putok ng baril
Gusto kong sumama kina Kent at P pero, hindi nila ako pinayagan . Hindi pwedeng ganito. Aalis na nga ako mamayang umaga tapos ganito pa ang mangyayari sa babaeng mahal ko.
Huwag naman sana siya mawala sa akin.
Nakita ko si Jude na parang galit na galit ang mukha. "Saan si Jane!?" sigaw niya sa akin. Ngayon ko lang siyang nakitang ganiyan. Agad siyang lumapit sa akin at sinuntok ako. "I said protect my sister not to killed her!"
Hindi na ako nanlaban. Agad naman siyang inawat ni Gerald na nakasunod sa kaniya. "Hindi siya ang may kasalanan." Sabi ni Gerald sa kaniya. .
"Kahit na! Kapag nawala si Jane sa amin. Alam niyo kung anong mangyayari sa inyo Marquez! Mark this to your head! you know the reason kung bakit ganun si Jane. Mawawalan kayo ng business." sabi niya sa akin. "Find who did this to my twins or I will ruin your life forever!" sigaw niya at tinalikuran ako.
Tama nga siya! Masisira ang business namin, kapag may nangyari. I mean huwag sana na mawala siya sa amin ng tuluyan. Dahil kapag naging ganun. Masisira din ang buhay ko kung mawala siya hindi lang siya pati lahat ng tao na nakapaligid sa amin.
Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon may business pa ang pamilya namin. Siya din ang magiging dahilan kung bakit mawawalan kami ng business.
Kahit na wala kaming negosiyo basta nandiyan lang siya masaya na ako. Masaya din ang kakambal niya pati pamilya niya.
Nag-aalala na malamang ang pamilya niya ngayon sa kaniya. Jane! Please! Huwag mo akong iwan. Kahit sampalin mo ako ng Paulit-ulit basta huwag ka lang mawala sa akin okay lang.
******
Kent's POV
Habang buhat namin si Jane ay marami nang dugo ang nawawala sa kaniya. "Baby! Gising ka muna please!" si P ang nagmaneho at agad na Binilisan ang pagmamaneho niya. Wala akong pakialam kung habulin kami ng pulis basta madala namin si Jane sa hospital.
"Boss! Gising ka muna please." sabi ni P Habang nagmamaneho siya.
"Baby Jane! Wake up baby! If your parents will find this out you know what will happened to your Luke Marquez!" sigaw ko.
Umubo siya. "Thanks boss!" sigaw din ni P. "Ilang minuto na lang makakarating na tayo 'dun."
"Luke." tawag niya sa pangalan ng lalaking 'yun. Sabi ko na nga ba eh.
"Yes baby." sabi ko.
Nakarating na din kami sa hospitals sa wakas. Agad akong bumaba at tinulungan din ako ni P at dinala agad namin siya sa emergency room.
"Doc!" sigaw namin.
"Anong nangyari sa kaniya.?" Tanong ng doctor.
"Nabaril po doc." sagot ko at agad nilang dinala sa operating Room si Jane.
Sana okay lang siya. This is a big trouble of us.
******
Third person POV
"Boss! Nabaril na namin si Jane Calen." sabi ng taong bumaril kay Jane sa cellphone at kausap ang boss nila.
"Good job! Sigurado akong patay na 'yun. Mali siya ng nakabangga." sabi ng boss nila sa kabilang linya.
"Oo nga po Boss!" sabay tawa.
"Sige! bumalik na kayo."
"Sige po boss!" sabay tango ng lalaking bumaril kay Jane. "So! Paano ba 'yan umuwi na Daw tayo." Sabi niya sa mga kasama niya.
Ang grupo nila ay member ng isang mafia. Assassin din sila minsan. Marami sila sa isang grupo. Nasa sampu sila kung 'yung totoong member. Pero, nadadagdagan pa sila kung bakasyon .
Ang iba kasi ay bata pa. Nag-aaral din sila pero, mas marami na silang napatay na tao, hindi na mabilang.
Ang ibang tao ay ex-convic. Kaya hindi na sila takot mamamtay or makulong dahil dun na sila galing. May dala silang mga punyal.
Tumatakbo sila patungo sa labas ng kagubatan. Wala maghihinala sa kanila dahil ay ang akala ng mga kagrupo nila Luke ay member sila.
"May nakita ba kayong kahinahinala?" tanong ni Tristan sa kanila.
"Wala Tristan." sagot ng member kuno. (Ang naman ng kapatid mo! Sa susunod na makita ko siya ay sa akin na ang bagsak niya. Walang matitira sa kaniya.) isip ng lalaking sumagot. (Sana pala bago namin binaril 'yung babaeng iyon ay pagpiyestahan muna namin siya. Ang saya siguro 'nun.) aniya ng isip niya.
"Sige! Bukas na natin ipapatuloy ang paghahanap at magpapaimbistiga ako tungkol dito. Umuwi na kayo." sabi ni Tristan sa kanila.
"Sige una na kami." sabi naman ng isa. Agad silang tumakbo papunta sa kanilang mga sasakyan at pinaharurot ito.
******
Kent's POV
Nandito ako sa labas ng operating room. Para hintayin ang doctor na nag-opera sa kaniya. Dalawang oras na ako dito. Wala pa din ni isang doctor ang lumabas. Kinakabahan talaga ako ng husto. Pinabili ko muna ng pagkain si P.
"Kumusta na si Boss?" biglang tanong ni SK at DM na ngayon lang nakarating dito. Siguro hinahanap pa din nila ang bumaril kay pinsan.
"Hindi pa. Wala pa ding isang doctor ang lumabas." sagot ko. "Kinakabahan na ako, mas malala itong nangyayari sa kaniya. Hindi lang siya ang target pati yata si Luke." sabi ko.
Dahil si Jane ay may malakas na pakiramdam. Dahil na din sa training na ginagawa namin. Pero, bakit hindi ko man lang 'yun narinig. Siya na napakalayo narinig niya kaya agad niyang niyakap si Luke.
"Kent! Ano ng mangyayari sa amin? Kapag nawala na si Boss?" tanong ni DM na malungkot ang mukha.
"Kailangan natin mahanap kung sino ang bumaril sa kaniya. May traydor sa grupo or 'yung mga taong 'yun." sabi ko sa kanila.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni SK sa akin.
Nakita kong si P ay tumatakbo patungo sa amin at binigay ang pagkain. Mag-uumaga na din. "Sigurado akong hinahanap na kami nina tita." sabi ko at agad na kinuha ang cellphone ko sa bulsa at dinial ang number ng telephone sa bahay.
Pick up the phone, nagriring kasi. "Hello!" sabi ni manang.
"Thank God!" sabi ko sa kabilang linya.
"Sir Kent?" tanong ni manang. "Saan na po ba kayo? Kinakabahan na kami ni dito. Si Jane at Jude?" nag-aalala din si manang sa amin. God! Paano ko ba sasabihin sa kanila or sa kaniya na nabaril ang pinakamamahal niyang alaga.
Sigurado akong siya pa mismo ang unang magpapanic. Nang may biglang lumabas na doctor sa operating room. Agad kong binaba ang cellphone ko. "Doc kumusta po siya?" tanong ko kaagad nang makita ko siya.
Nagsasalita si manang sa kabilang linya pero, hindi ko na sinagot. "Okay na siya. Natanggal na ang bala sa likod niya ang problema natin ngayon ay ang dugo. Meron ba sa inyong AB negative?" tanong ng doctor.
"Ako po doc. AB negative po ako." presenta ko kaagad. "Pero, hindi ako sure kung pwede ako kasi animec ako dati."
"Animic ka dati?" tumango ako. Huminga siya ng malalim. "Try mo magpa-eksamin sa blood bank. Tawagan niyo din ang red cross at kung sino man ang pwedeng mag-donate ng dugo sa inyo." sabi niya at agad na bumalik sa loob.
"Ako AB negative din ako." sabi ni SK.
"Hindi ka pwede ang bata mo pa kaya." sabi ko.
"Ako din AB negative." sabi naman ni P.
"Bakit ngayon niyo lang sinabi?" tanong ko sa kanila.
"Sorry!" sabay sabi nilang tatlo.
"Tara na nga! mapapatay tayo ng kapatid niya kapag nagpunta 'yun dito." sabi ko agad at agad na tumakbo patungo sa blood bank. Nakalimutan kong itanong kung ilang bag ba ng dugo ang kailangan?
"Yes anong kailangan nila?" tanong ng nurse na nanduon.
"Magpapaeksamin po ako nurse kung pwede akong mag-donate ng dugo?" sabi ko sa kaniya.
"Ikaw lang? Bakit ang dami niyo yatang pumasok?"
"Ay kasali po kaming lahat." sabi nila sa nurse na babae.
"Bakit ang gwapo niyong lahat?" tanong niya. Litse na nurse 'to. Nagawa pang magtanong eh, kailangan na kaya namin ng dugo para sa pinsan ko. "Lily, Lance , halika kayo dito tulungan niyo akong mag-eksamin sa kanilang lahat." sabi niya sa mga kasama niya.
"Sige po head nurse." sabi nila at agad na tumakbo patungo sa amin. "Ito oh! Gamitin niyo 'yan." sabay bigay ng isang plastic bottle na maliit. "Lagyan niyo ng ihi niyo at lagyan niyo ng name." sabi nila.
"Ito pa! Fill up niyo yan." Sabay bigay ng mga papel. Ganito ba kadami ang gagawin namin? Tumango na lang ako at kinuha ang ball pen na nasa harap ng nurse at agad na pinil-apan ang mga nakasulat dun.
Ganun din ang ginawa ng mga kasama ko.
"Kailangan na po namin ang dugo." sabi ko pagkatapos ng examine naming apat.
"Titingnan pa namin kung sino ang pwede at hindi pwede." sabi ng nurse na nanduon sa blood bank. "Anong type ng dugo ba ang kailangan niyo at mukhang nagmamadali kayo?"
"AB negative." sagot naming lahat.
"Sige try namin tingnan kung may AB negative pa na available. Ang hirap naman pala na dugo ang kailangan niyo." sabi ng head nurse.
Tinawag niya ang mga nurse din duon at hinanap kung may available pa ba na AB negative na dugo sa room na 'yun. Ano ba 'yun? Stock ng dugo. Basta vampires ba sila?
"Meron po isa lang." sabi ng nurse.
"Okay." Sabi ko "kunin na namin. Magkano ba?" tanong ko.
"1500." sagot ng head nurse.
"Sige akin na bayaran ko na."
"Hindi. Bayaran mo muna duon sa cashier tapos balik kayo dito." sabi ng head nurse. Walang yah! Tumango ako at binigyan niya ako ng papel at agad akong pumunta duon sa cashier. Okay daming nakapila. Ganito ba sila ka-strict?
Mamamatay na 'yung pasiyente namin sa sobrang tagal. Halos kalahating oras din akong naghintay dun para lang mabayaran ang dugo na kailangan namin. At isa pa alam kung kulang pa ang 1 bag ng dugo na ito para kay Jane.
Siguraduhin lang nilang walang sakit ang may-ari ng dugo na 'to. Nako! Baka mapunta pa kay Jane. Mahalaga sa amin si Jane dahil siya lang ang nag-iisang babae na Calen.
Nang matapos ko ng bayaran ay dali-daling akong tumakbo pabalik at binigay ko sa head nurse ang resibo ng binayaran ko.
Nang binigay na din nila ang kailangan namin. "Ay nga pala! Bumalik kayo dito mamayang hapon." sabi ng nurse at lumabas na kaming lahat.
Tumakbo kami kahit na bawal para lang makapunta agad sa operating room. Naghihintay din pala sa amin ang doctor. "Ito na po doctor." sabi ko sabay bigay ng dugo.
"Thank goodness!" sabi niya at dali-daling Pumasok pabalik ng operating room.
Lumipas ang isa pang oras ay inilipat na si Jane sa private room. Salamat naman at nakahinga kami ng maluwag nang binalita ng doctor na pwede na siyang ilipat sa private room. Kaya sina SK at DM ang nag-asikaso sa lahat.
Tanghali na kami nakapunta ng private room. Pero, may mga dextrose at tulog pa din siya hanggang ngayon.
Nandito kami sa private room at nanunuod ng movie sa HBO. Nang biglang tumunog ang cellphone ko. Patay! Sino kaya 'to?
Tiningnan ko kung sino, pero, walang nakaregistered na number. "Hello." sagot ko.
"Hello! Saan ka? Kanina pa kita hinahanap wala ka! Nasaan si Jane!?" sigaw ni Jude sa kabilang linya. Napa-facepalm ako sa mukha ko.
Patay! "Ah!" hindi ko man lang masabi. "Sino kasama mo diyan?" tanong ko.
"Sina mom and dad. Alam nila ang nangyari kay kambal at galit na galit sila." sabi niya sa kabilang linya.
"Nandito sa hospital." sagot ko na lang. Iisipin ko na lang kung anong plano niya sa amin na nandito.
Nang may biglang kumatok at pumasok ang Isang nurse. "Check ko lang po ang vitals niya." sabi ko at tiningnan ang nurse sa ginawa niya.
Kailangan namin na mag-ingat baka mas lumala pa ang nangyayari ngayon. Sina P at DM ay tiningnan din kung ano ang ginawa ng nurse.
"Okay naman po siya sir. Kapag nagising na siya at nakapagpahinga ng konti ay pwede na siyang Umuwi." Sabi ng nurse.
"Kailan naman siya magigising?" tanong ni SK.
"Kapag nawala na 'yung epekto ng gamot sa kaniya. Siyaka, kailangan pa niyang magpagaling dito. Bakit siya nabaril?" usisa niya.
"Huwag kang mag-usisa kung gusto mo pang mabuhay." sabi ni P sa kaniya.
"P!" sita ko sa kaniya.
"Sorry! Ligaw lang po na bala." sabi naman ni DM.
"Oo nga! Ligaw lang."sang-ayon lang naming lahat.
"sana Mahuli na po ang taong nagpaputok ng baril." sabi ng nurse at agad na lumabas ng silid.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (36)

  • avatar
    Annabelle Ariño

    next pls this is a nice story ever

    8d

      0
  • avatar
    BarreraVince

    I LOVE IT❤️❤️❤️

    11/07

      0
  • avatar
    Jhoven Ardeo

    surea

    25/04

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด