logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7

Bahagya namang natigilan si Bernard sa narinig at ilang sandaling pinakatitigan ang dalaga na para bang ibang tao ang nakikita niya rito. Saglit ding nakiraan sa mga mata niya ang matinding galit at pagkapoot, pagkuwa’y ipinilig niya ang ulo at ngumiti.
“Bakit? Bawal ba?” tanong niya rito.
Huminga nang malalim ang babae.
“Yes. Bawal.” Walang kaemo-emosyong tugon nito.
Napataas ang isa niyang kilay at amused na napatitig dito. Pagkatapos ay inabot niya ang baso na may lamang wine at sumimsim doon.
“Base sa pagkakaalam ko wala kang boyfriend, tama ba?” tanong niya.
Tumango ito.
“So… hindi bawal na gustuhin kita. At hindi rin bawal na ligawan kita,” deretsahang sabi niya habang nilalaro ng kan’yang mga daliri ang hawak na baso.
“That’s not my point,” she expressed at tumingin sa malayo. “Hindi mo pa ako kilalang lubusan. And I have my own priorities na hindi ko dapat balewalain nang basta-basta na lang,” dagdag pa nito.
Pagak siyang natawa.
“And so, are you saying na palagpasin ko na lang ang isang kagaya mo? No,” determinadong wika niya kasabay ng pag-iling at tinitigan ito sa mga mata.
“Forget about who you are. Hindi naman importante sa ‘kin ‘yon. And besides, we have plenty of time to know each other. At kung ang mga priorities mo ang inaalala mo, then do it. I also have mine. Hindi ko naman ikaw pipigilan as long as hindi mo rin ako pagbabawalang ligawan kita.”
“Hindi mo ako naiintindihan…” umiling-iling na wika nito. “May mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa ‘yo because I am afraid to do so,” she honestly added.
“Likewise, I also have secrets that I couldn’t tell you right away. Hindi naman kabawasan ang mga bagay na iyon sa nararamdaman ko para sa ‘yo. I could wait kung kailan ka magkakalakas ng loob na sabihin sa ‘kin ang lahat. But, if you chose not to… maiintindihan ko naman,” nakakaunawang pahayag niya.
Tinitigan siya nitong maigi sa mga mata na para bang inaarok nito ang katotohanan ng kan’yang sinabi. Pagkuwa’y humugot ito nang malalim na paghinga.
“Seriously, Bernard… why?” tanong nito na halata ang kalituhan sa isip.
Napakunot-noo siya.
“What do you mean why?”
“Why are you doing this? I mean… noong isang araw lang parang hangin lang ako sa paningin mo. Ni hindi ko nga alam kung nag-e-exists ba ako dahil sa t’wing pupunta ka sa opisina ni Sir Antonio, hindi mo naman ako magawang tignan sa aking mga mata. So, I thought… suplado ka lang talaga. Ganoon ka naman kasi mula pa noong umpisa, hindi ngumingiti at palaging seryoso. Animo’y pasan mo ang buong mundo. And I have this kind of feeling na may malaking pader na nakaharang sa ‘yo when you are approaching people. Parang ayaw mong malapitan ka ng sinuman dahil magugulo ang kung anong mundo na ginawa mo para sa sarili mo.” Mahabang turan nito.
Siya naman ang napailing nang marinig ang mga sinabi nito.
“Well, I could honestly say na tama ang mga obserbasyon mo sa akin, aside from that part about you. Hindi totoong hindi ka nag-e-exists sa paningin ko. Matagal ko na ikaw napapansin. I just couldn’t figure out what I truly feel.” Pasubali niya kahit hindi naman talaga iyon totoo.
Dahil gaya nga ng nabanggit nito, hindi naman talaga niya ito napapansin. Malimit ay iniignora niya ang presensya nito. Wala naman kasi sa bokabularyo niya ang tumingin muli sa ibang babae.
He already made a promised to himself na hinding-hindi na muling iibig pa. Ayaw na niyang muling magkamali. At lalong higit, ayaw na niyang danasin ang maloko at masaktan.
Once is enough for him... Once is enough para magising siya sa katotohanang hindi totoo na may pag-ibig. Walang ganoon sa totoong buhay.
What he was doing right now ay parte lamang ng trabaho niya at parte ng sinumpaang pangako para sa kan’yang sarili. Kung hindi dahil sa mga rasong iyon ay wala siyang balak na pansinin ito o ang masangkot man lang dito.
“I’m so sorry… but, my answer is still no,” anito sabay tayo at iniwan na s'ya roon.
Seryosong sinundan niya ng tingin ang papalayong babae.
Nasisiguro niya kanina nang yayain niya ito at makita ang reaksyon nito na hindi ganoon ang nararamdaman nito. He was so sure that Sylvia likes her. Hindi pa naman nawawala ang karisma niya pagdating sa ganoong bagay. He still got it, ika nga.
Ang hindi n'ya maintindihan ay kung bakit mariin siya nitong tinanggihan. Ano bang sekreto ang itinatago nito? May kinalaman ba iyon sa kaso niya?
Ngunit, base na rin sa imbestigasyon niya ay wala naman itong koneksyon sa kahit na sino na maaring makapagturo sa organisasyong hinahanap niya. She was living alone with her Aunt and aside from that, wala na itong ibang kapamilya.
“Ano ba talagang lihim ang itinatago mo, Sylvia?” kausap niya sa sarili.
**
“Jhenna… Jhenna…”
“Ate. . . !” Napabalikwas ng bangon na wika ni Sylvia, pagkuwa’y iginala ang paningin sa paligid. Bahagya siyang nakaramdam ng panginginig nang umihip ang malakas na hangin mula sa bintana na nakabukas.
Kunot-noong tumayo siya at lumapit doon. Nasisiguro niyang isinara niya iyon kanina bago matulog.
Pinatalas niya ang mga mata habang sinusuyod ang labas ng bintana. Wala siyang maaninag na kung ano roon bukod sa makipot na pader na lagpas tao.
Huminga siya nang malalim at pagkatapos ay isinara na ang bintana.
“Napa-paranoid na naman ako,” aniya sa sarili at muling bumalik sa kan’yang higaan at nahigang muli.
Ngunit kahit anong pilit niyang bumalik sa pagtulog ay hindi niya magawa. Inis na muli siyang bumangon at nagtungo sa harap ng kan’yang computer.
Sa tuwing mananaginip siya at magigising nang alanganing oras ay hirap na siyang dalawin ng antok. At kapag ganoon ay wala siyang ibang ginagawa kun’di ang maghanap ng mga kasagutan sa internet.
Binuksan niya ang kan’yang email at muling binasa ang mensahe ng kan’yang kapatid doon.
Jhenna,
I want you to know that I love you and I’m really sorry for everything. Alam kong marami kang katanungan d'yan sa isip mo and I cannot answer all of them. At kung anuman ang mabasa mo ngayon dito, gusto kong magtiwala ka pa rin sa akin dahil lahat ng ito ay ginagawa ko para sa iyo.
First, don’t you ever try finding me. Kaylanman ay hindi na magiging ligtas ang buhay mo kung mananatili tayong magkasama. Second, I want you to change your identity. Lahat ng may kinalaman sa akin ay kailangang mawala. I already prepared your papers and sent them to you, including some of my personal things. Third, kailangang lumipat kayo ni T’yang Natty sa mas maliit na bahay na sakto lang sa inyo. That will be safer for both of you.
Fourth, stay low. Just lived a simple life kagaya nang mayroon tayo. I saved enough money for you and T’yang Natty to live a life like that. Pwede ka na ring hindi magtrabaho kung gugustuhin mo. Fifth, stay away from the people you don’t really know. Huwag kang basta-basta na lang magtitiwala sa kung sino-sino dahil hindi mo alam kung ano ba talaga ang totoong pakay nila sa ‘yo. Sixth, you have to learn how to defend yourself. Kahit mga basics lang basta alam mo kung paano ipagtatanggol ang iyong sarili sa mga masasamang tao. And lastly, listen to everything that I’ve said. Ayokong mapahamak ka ng dahil sa akin kaya pakiusap, gawin mong lahat ng bilin ko para sa ikatatahimik ng kalooban ko.
Isa pa, huwag ka ng umasa na babalik pa ako. Hindi na iyon mangyayari Jhenna. Alam kong masakit pero kailangan mong tanggapin ang katotohanang ito. Alam ko ring marami akong inilihim sa ‘yo at alam kong nagsinungaling ako. But please… stay safe for me, okay?
And by the way, you have to delete this message dahil ayokong ma-trace pa ang mensaheng ito ng kahit na sino.
I love you…
And again… I’m sorry…

หนังสือแสดงความคิดเห็น (102)

  • avatar
    Zia Yuna

    ang ganda

    21d

      0
  • avatar
    John Alwin Fortaliza

    ineed diamond on ml

    23/08

      0
  • avatar
    Johnmars Dalapo

    goods

    16/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด