logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6

“Mr. del Castillo, ang aga n'yo naman yata? Wala pa ho si Sir Antonio at nagbilin ho siya na tatanghaliin ngayong araw,” gulat na wika ni Sylvia nang maabutan ang binata sa tapat ng pwesto niya.
Subalit mas lalo naman niyang ikinagulat ang sunod nitong ginawa. Malapad itong ngumiti sa kan’ya showing his perfect set of white teeth. Puting-puti iyon na parang sa isang modelo ng toothpaste.
Nabulabog nang husto ang buong sistema niya. Pigil na pigil niya ang paghinga habang nakatitig dito. Hindi naman kasi niya napaghandaan ang sandaling iyon.
And now more than ever, mas lalong tumindi ang kagwapuhan nito sa paningin niya and she got smitten easily by his charms. Tulalang napatitig siya rito na lalo namang ikinangiti ng binata.
“Good morning, Miss Asuncion,” anito sa buong-buong tinig.
Kasabay ng pagririgodon ng kanyang puso ay ang sandaling pagpikit ng kan’yang mga mata ng marinig ang tinig nitong iyon. Hindi na niya alintana kung anuman ang isipin nito patungkol sa kan’ya sa mga oras na iyon. Matagal na niyang hindi nararanasan ang ganoon katinding atraksyon sa isang lalaki, and she must be depriving herself for so long.
“Miss Asuncion…?” untag ni Bernard sa kan’ya.
Napangiti siya nang muli itong marinig sabay bukas ng kanyang mga mata.
Bukod sa lalaking-lalaki ang dating ng tinig nito sa kan’yang pandinig, hindi rin maikakatwa ang angking lambing doon. Para bang ipinaghehele s'ya nito.
“Yes…?” pigil na pigil ang pagkakilig na tanong niya rito.
“Ahmm… I didn’t come here for Antonio. I came here for you,” deretsahang pahayag nito.
Nasamid s'ya bigla sa sinabi nito at mabilis naman siyang dinuluhan ng lalaki. Marahang hinagod nito ang likuran niya na lalong nagpatindi sa pagwawala ng kan’yang puso.
Ang pagdidikit ng mga balat nilang iyon ay naghahatid ng kakaibang sensasyon sa buo niyang pagkatao. At tila may mga paruparong nagliliparan sa kan’yang may tiyan.
“Are you alright?” nag-aalalang tanong nito pamaya-maya.
Bahagya naman siyang tumango kasabay ng paglalagay nang kaunting distansya sa pagitan nila. Kung hindi niya gagawin iyon ay baka tuluyan na siyang himatayin sa harapan nito.
“I’m so sorry… Nabigla yata kita,” hinging-paumanhin nito.
Mariin niyang pinaglapat ang mga labi bago nakuhang tugunin ito.
“N-No… It’s alright… I’m alright…” may pagkapaos na tugon niya.
Ilang beses siyang lumunok and then do some exhale-inhale exercise. Pakiramdam niya kasi kanina pa siya pinangangapusan ng hininga.
“Good…” anito at tinitigan siya sa mga mata.
Oh… jeez! Hiyaw ng isip niya.
Napakapit siya sa gilid ng kan’yang mesa dahil pakiramdam niya biglang nanlambot ang kan’yang mga tuhod.
“Can I take you out for lunch?” tanong nito.
Wala namang pagdadalawang-isip na mabilis siyang tumango bilang pagtugon dito.
Napangiti naman itong muli na ikinapamula ng magkabila niyang pisngi.
Kailan ba titigil ang isang ito sa pagpapakilig sa kan’ya? Dahil kung hindi ito titigil, baka ora-mismo ay makapaghayag siya ng nararamdaman para dito and she didn’t want to embarrass herself.
Matapang siya pero may hangganan din ang tapang niyang iyon, at alam niyang hindi ang klase ni Bernard ang tipo ng lalaking minamadali. At hindi rin ito ang tipo ng tao na pinangungunahan. He has his ways at malay ba niya kung iba naman ang pakay nito sa kan’ya? Di lalo siyang napahiya nang husto?
“Alright, then… I’ll just wait for you at the lobby,” anito bago siya tinalikuran.
Hindi naman malaman ni Sylvia kung ano ang gagawin nang makaalis ang lalaki. Nagmamadali niyang tinungo ang banyo habang dala-dala ang sariling bag. Mabilis niyang pinasadahan ang itsura sa salamin at napasimangot siya ng makita ang sariling repleksyon doon.
Wala sa ayos ang pagkakasuklay nang hanggang balikat niyang buhok. Kapansin-pansin rin ang mga tikwas niyon. Namumutla ang kan’yang mga labi dahil nakalimutan niyang maglagay ng lipstick kanina sa pagmamadali.
Ipinagpasalamat na lang niya na sadyang makinis ang kan’yang mukha at mamula-mula ang kan’yang mga pisngi. Dahil kung hindi, baka nagmukha siyang maputlang bangkay.
Nang mapadako ang mga mata niya sa suot na damit ay lalong nagusot ang kan’yang mukha. Ang dilaw niyang blusa ay kitang-kita ang mga gusot na sanhi ng pagkakaupo niya sa jip. Ganoon din naman ang abuhin niyang pantalon.
Gusto nang mapatadyak ni Sylvia sa sobrang inis sa sarili.
Ganito ba ang mukhang iniharap niya kanina kay Bernard? At ganito rin ba ang itsura ng inalok nito ng lunch date…!?
“Ihh. . . !” inis na wika niya sa sarili.
Ilang sandali rin ang kan’yang pinalipas upang mawala ang inis na nararamdaman. Pagkuwa’y mabilis niyang kinuha ang suklay sa bag at binasa iyon ng konte para maunat ang tikwas ng kan’yang buhok. Kinuha n'ya rin ang lipstick at maingat na naglagay niyon sa kan’yang mga labi. Pagkuwa’y pinaraanan niya ng mga palad ang mga gusot sa kan’yang damit. Pagkatapos ay muli niyang pinagmasdan ang sarili.
Napangiti siya.
Kung ganda rin lang naman ang pag-uusapan ay hindi nalalayo ang itsura niya sa mga naggagandahang modelo na nakikita niya sa mga magazines.
May katangkaran siya nang kaunti at slim na pangangatawan. Maputi at makinis ang kan’yang balat na animo'y alagang-alaga sa spa, kahit hindi naman.
May kalakihan ang bilugan niyang mga mata na binagayan ng makakapal na mga kilay, at mahahaba at malalantik na mga pilik-mata. Makipot ang kan’yang mga labi at matangos ang kan’yang ilong. Bilugan din ang mukha niya at ang hanggang balikat na buhok ay itim na itim.
Papasa talaga siyang modelo kung mag-aayos lang siya nang husto. But, she was forbidden to do that. She was forbidden to do things recklessly, lalo na kung makukuhanan s'ya ng larawan ng kung sinu-sinong tao. Hindi n’ya pwedeng ipangalandakan ang sarili sa madla dahil hindi lang buhay niya ang malalagay sa panganib, pati na rin ang buhay ng kan’yang t’yahin.
Hindi naman kasi nalalayo ang itsura niya sa kapatid. At kung may isa man na makakilala sa kan’ya at malamang may ugnayan sila ng kan’yang Ate Janine, siguradong iisang landas lang ang kanilang sasapitin.
At hinding-hindi naman niya iyon hahayaang mangyari. Hindi niya hahayaang mauwi sa wala ang lahat ang sakripisyong ginagawa niya, lalo pa nga't hindi pa niya nabibigyang hustisya ang pagkamatay ng Ate niya.
**
“I’m so sorry, Mr. del Castillo—”
“Bernard… Just call me Bernard,” agad nitong putol sa sasabihin niya sabay ngiti.
Napabuntong-hininga naman siya.
“Fine…” seryosong wika niya at tinitigan ito sa mga mata. “So, Bernard, why are we really here?” lakas-loob na tanong niya rito.
Nagkibit ito ng mga balikat. “I just wanted to know you better,” tugon nito bago nilagyan ng buttered shrimp ang plato niya.
Napatingin siya roon, pagkuwa’y sa lalaki. Nagpatuloy lang ito sa pagkain na para bang wala lang dito ang ganoong gawi kahit ang totoo, apektadong-apektado na s'ya.
“Thanks…” mahinang usal niya habang pilit itinatago ang sariling nararamdaman.
Tumango naman ito.
Tahimik na muli niyang hinarap ang sariling pagkain. Walang nagsasalita sa kanila at tunog lang ng mga kubyertos ang kan’yang naririnig na halos ikabingi naman niya.
Nang hindi na makatiis ay sinulyapan n'ya ito at kitang-kita niya ang ginagawa nitong pagtitig sa kan’ya.
Biglang namula ang kan’yang mukha.
At upang mawala ang kabang nadarama ay mabilis siyang uminom ng tubig at seryosong tinitigan ito sa mga mata.
“Are you hitting on me?” hindi na niya napigilang itanong dito.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (102)

  • avatar
    Zia Yuna

    ang ganda

    21d

      0
  • avatar
    John Alwin Fortaliza

    ineed diamond on ml

    23/08

      0
  • avatar
    Johnmars Dalapo

    goods

    16/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด