logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5

Napataas ang isang kilay ni Bernard.
Kahit kailan talaga ay hindi na nagbago ang pag-uugali ng kaibigan niyang ito. Dominante pa rin at akala mo kung sino kung makapagsalita.
“So, Antonio already told you,” tila tinatamad na tugon niya rito habang sandaling iniunat ang mga paa.
“Yes. And he already sent me an email just a while ago. Anong kinalaman ng kasong ito sa ‘yo?” seryosong tanong nito.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga bago ito sinagot.
“It’s the reason why I left the army,” maikling tugon niya.
“So, you mean, this is personally connected to you?”
“Yes.”
“Hindi ba ito makakasagabal sa magiging trabaho mo?” May himig pagdududang tanong ni Sebastian.
Napaismid siya. “Alam mo ang dahilan kung bakit ako tumiwalag sa militar noon, kaya alam mo kung gaano ka-importante sa ‘kin ang kasong ito. Hindi ko na kailangan pang iutos ito sa mga tauhan ko, dahil alam ko ang kapasidad ng nasa likod ng pag-ataking ito sa kompanya mo. Ngayon, kung nagdududa ka sa rason ko, wala akong magagawa kun’di trabahuhin itong mag-isa sa ayaw o sa gusto mo.” Nagtitimping wika niya.
Si Sebastian naman ang napabuntong-hininga sa kabilang linya.
“Kapakanan mo lang ang iniisip ko. Ayaw ko namang ako mismo ang maglagay sa sarili kong kaibigan sa isang panganib na dati mo ng naligtasan. But, if you really insist doing this job, wala na akong magagawa pa.”
“Salamat, Pare, pero kaya ko na ang sarili ko. I won’t let them escape this time. Sisiguraduhin kong magbabayad ang lahat ng nasa likod ng babaeng iyon, pati na s'ya.” Nagtatagis ang mga bagang na saad niya.
“Alright… Just be careful. And don’t forget to update me sa mga developments,” bilin nito.
“I will.” At pagkasabi noon ay nagpaalam na si Sebastian.
Sandali naman siyang napatitig sa kawalan pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon. Malimit niyang napapansin na lumalambot na ang kanyang kaibigan at alam naman niya kung sino ang rason niyon.
Sometimes he just wondered, paano nga kaya kung hindi nangyari ang insidenteng iyon five years ago? Will he be able to build his own family kagaya ni Sebastian?
Because, admit it or not, he felt jealous seeing his friend having the best time of his life now. Na kailanman ay hinding-hindi mangyayari sa kan’ya dahil isinumpa na niya ang pag-ibig.
**
“Sylvia… Sylvia…” ani T’yang Natty kasabay ng pagyugyog nito sa may balikat niya.
Bahagya siyang nagmulat ng mga mata. “Limang minuto na lang ho, T’yang.” Paanas na wika niya at muling pumikit.
“Aba'y male-late ka na sa trabaho niyan. Sinabi ko naman sa ‘yo kagabi na maaga kang matulog pero sige ka pa rin sa pagpupuyat mo.” Panenermon nito.
Napakamot siya sa ulo habang pilit ibinubukas ang mga mata sabay upo sa kanyang kama.
“Ito na ho, maliligo na.”
Marahan siyang tumayo at kinuha ang tuwalya sa may bintana pagkatapos ay nagtungo sa banyo. Ilang sandali rin niyang tinitigan ang tumutulong tubig, bago nagdesisyong magbuhos niyon sa kan’yang katawan.
Hindi naman natagalan at muli rin siyang lumabas doon upang magbihis. Paglabas niyang muli sa kanyang silid ay nakahanda na ang kan’yang pagkain.
“Naku, T’yang… male-late na ho ako. Baunin ko na lang ho ang mga iyan,” aniya habang nagmamadali sa pagsusuot ng sapatos.
“Iyan na nga ba ang sinasabi ko, eh.” Iiling-iling na wika nito sabay dampot ng baunan at isa-isang inilagay roon ang mga pagkain. “O, ito. Baka naman mamaya dala mo pa rin ang mga ito nang hindi man lang nagagalaw,” anito at iniabot sa kan’ya ang binaong pagkain.
“Ay hindi iyon mangyayari, T’yang. Syempre kakainin ko ito dahil kayo ang nagluto.”
“Aysus! Nambola ka pa. Kilala kita Sylvia, kung ‘di ko pa alam baka ibinibigay mo lang ang mga iyan sa iba mong kasamahan,” nakasimangot na tugon nito.
Kagyat siyang umiling. “Hindi naman ho. Kakainin ko talaga ito, promise,” aniya at sinamahan pa nang pagtataas ng kanang kamay.
“O s’ya, sige na… sige na… Baka lalo ka lang mahuli sa trabaho mo niyan,” pagtataboy nito sa kanya.
“Sige, T’yang, tutuloy na ho ako,” paalam niya sabay mano rito bago lumabas ng kanilang apartment.
Eksakto rin namang lumabas doon ang kanilang kapitbahay na si Joaqin. May isang taon na rin itong nakatira sa katabi nila kaya naging malapit na rin s’ya rito.
“Mukhang tinanghali ka yata, Sylvia, ah.” Nakangiting puna nito.
“Oo nga, eh. Napasarap kasi ako ng tulog.”
“Baka gusto mo sumabay ka na lang sa akin,” alok nito sabay abot ng isang helmet sa kan’ya.
Napatingin naman siya sa motorsiklo nito at pagkuwa’y sa suot niyang damit.
“Huwag kang mag-alala. Safe naman akong mag-drive, kaya sinisiguro kong walang mangyayaring masama sa ‘yo,” anito nang mabasa ang nilalaman ng kanyang isip.
Tabinging napangiti s’ya rito.
“Mas mapapadali ang pagpasok mo kung sa akin ka sasabay,” pangungumbinsi pa nito.
“Sige na nga,” napapayag na turan niya sabay kuha ng helmet sa kamay nito. Mabilis niyang isinuot iyon at sumakay sa may hulihan nito.
Maya-maya pa’y naglalakbay na sila papasok ng kan’yang opisna.
Samantala, hindi na napansin pa ni Sylvia ang itim na kotse na nagmamatyag sa labas ng kanilang apartment. Kunot-noong sinundan sila nito sa tamang distansya.
Pagdating nila sa MBGC ay mabilis siyang bumaba sa motorsiklo habang nasa di-kalayuan naman ang itim na kotse.
“Salamat sa rides, ha.” Nakangiting sabi niya kay Joaquin.
“Anytime… basta ikaw,” anito at ginantihan rin siya ng ngiti.
“Sige, mauna na ako,” paalam niya rito.
Tumango naman ang lalaki.
Nang makatalikod si Sylvia ay hindi na niya nakita pa ang kakaibang tingin ni Joaquin sa kan’ya hanggang sa makapasok siya sa loob. Pagkuwa’y muli nitong pinaandar ang motorsiklo habang nakasunod pa rin ang itim na kotse dito.
Sa pagtataka naman ng driver ay bumalik itong muli sa apartment at hindi na lumabas pa. Buong araw lang itong nanatili roon
“I think I know now how did the culprit get inside the control room,” ani Bernard sa kausap sa telepono habang pinagmamasdan si Sylvia na kadarating lang galing opisina.
“How…?” Tanong ni Sebastian mula sa kabilang linya.
“Thru Antonio’s secretary… Sylvia,” aniya.
“What!?” bulalas nito.
At kasunod niyang narinig ang pagsalya ng upuan nito sa kung saan. Nahihinuha niyang nasa loob ng opisina nito ang kanyang kaibigan.
“But, don’t worry… inaalam ko pa ngayon kung anong koneksyon ng salarin sa sekretarya ni Antonio. Sa nakikita ko sa ngayon, they’ve looked like an ordinary neighbor. Pero maaaring sinadya iyon ng salarin dahil alam nitong empleyado ng MBGC si Sylvia,” paliwanag niya.
Marahas na napabuntong-hininga si Sebastian sa kabilang linya. “Alright… Do anything you can para mabilis na mahuli ang salarin na iyan pati na ang mga kasabwat nito. At kung mapapatunayan na may kinalaman si Sylvia sa mga nangyayaring ito, ako mismo ang magpapakulong sa kanya at sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan.” Mariing wika nito kasabay ng pagpatay ng telepono.
Napailing na lang si Bernard sa inasal na iyon ni Sebastian. Kahit kailan talaga hindi pa rin nawawala ang kagaspangan ng ugali nito.
Muli niyang ibinalik ang maliit na aparato sa bulsa at kagyat na nag-isip ng paraan kung paano mapapalapit kay Sylvia. At napangiti siya nang may ideyang pumasok sa isipan.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (102)

  • avatar
    Zia Yuna

    ang ganda

    21d

      0
  • avatar
    John Alwin Fortaliza

    ineed diamond on ml

    23/08

      0
  • avatar
    Johnmars Dalapo

    goods

    16/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด