logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

“T'yang Natty… T'yang Natty…” tawag ni Sylvia sa tiyahin pagkadating na pagkadating niya sa kan’yang maliit na apartment. Ang matandang tyahin ang kasa-kasama niya roon at ito na lang din ang natitira niyang kapamilya.
“O, nariyan ka na pala,” anang kan’yang t'yahin nang sumungaw ito mula sa kusina.
Lumapit siya rito at nagmano.
“Mukhang masarap na naman ang niluluto n'yo, ah… Baka naman ho tumaba na ako nang husto niyan,” nakangiting biro niya sa tyahin.
“Sus! Ikaw na bata ka! Saan ka ba naman banda tumaba, eh kahit anong kain mo maganda pa rin ang pangangatawan mo. Manang-mana ka lang sa ‘kin,” palatak nito na lalong ikinalapad ng mga ngiti niya.
“Iyan naman ang gustong-gusto ko sa inyo, T’yang. Bukod sa pagpapaulan n'yo sa ‘kin ng papuri, idinadamay n'yo pa ang sarili n'yo na talaga namang totoo. Kaya love na love ko kayo eh,” aniya rito at mahigpit itong niyakap
Kunwa ay pumiksi naman ang matanda.
“Naku! Tigil-tigilan mo nga ako Sylvia, ha. Sige na! Magbihis ka na para makapagpahinga ka na. Tatawagin na lang kita kapag handa na itong niluluto ko,” pagtataboy nito sa kanya.
Natatawang mabilis na tumalima si Sylvia.
Dumeretso s'ya sa kan’yang silid at nagpalit ng bihisan. Pagkatapos ay binuksan niya ang computer at may hinanap doon.
Maya-maya’y tumayo siyang muli at binuksan ang kan’yang maliit na aparador. Kinuha niya roon ang isang kahon at ipinatong iyon sa kan’yang kama. Isang folder ang naroon na binuklat niya, pagkuwa’y muling nagtipa sa kanyang computer.
Makaraan ang ilang sandali at wala pa ring makita sa kanyang hinahanap ay inis na muli niyang pinatay ang computer. Napasabunot siya sa buhok at pagkuwa’y napatingin sa larawan sa ibabaw ng kan’yang lamesa.
“Ate Janine, anong gagawin ko? Paano ko ba siya hahanapin? Paano ko ba ikaw maipaghihiganti? Tulungan mo naman ako, oh…” mangiyak-ngiyak na kausap niya sa larawan ng kapatid.
Halos limang taon na rin ang nakalilipas ng mabalitaan niyang patay na ito, at tandang-tanda pa rin niya ang huling beses nilang pag-uusap…
“Jhenna…” anang tinig sa kabilang linya ng sagutin niya ang teleponong kanina pa nagwawala sa tabi niya.
Napabalikwas siya ng bangon at kikisap-kisap na nilingon ang orasan.
Alas-dos ng madaling araw. Iyon ang ang nakarehistro doon.
“Ate Janine…?” aniya
“Yes, Jhenna… and I want you listen to me,” ang sabi nitong tila may pagmamadali.
Naghikab muna siya bago muling nagsalita, “Ano ba iyon, Ate?” pipikit-pikit pa ang mga matang tanong niya.
“I want you to do something for me. Natatandaan mo pa ba ang ibinigay kong kwintas sa ‘yo bago ako umalis?”
Kinabahan naman siya bigla. Hindi pa niya nababanggit dito na naiwala niya iyon.
“Ate… I’m sorry… naiwala ko ‘yong kwintas,” mahinang pag-amin niya rito.
“What!? Jhenna naman… bakit hindi mo naman iningatan?” inis na wika ng kapatid sa kabilang linya.
“Hindi ko naman sinasadyang mawala, eh. Basta pagdating ko dito sa bahay wala na sa bulsa ko ‘yong kwintas,” nakokonsensyang paliwanag niya.
Alam niya kung gaano ito naghirap para mabili iyon para sa kan’ya, at pagkatapos ay malalaman lang nito na nawawala pala iyon. Siya man ay nagagalit sa sarili nang hindi na makita pa ang kwintas na bigay nito.
Narinig niyang marahas na napabuntong-hininga ang ate niya.
“Forget it,” anito pagkuwa’y mahabang katahimikan.
Napakunot-noo siya.
Ano ba talagang nangyayari sa ate niya? Bakit parang tila balisa ito na hindi niya maintindihan? At t'saka dapat pinagagalitan na s'ya nito sa mga sandaling iyon.
“Ate…?” untag niya rito nang hindi na makatiis. “May problema ka ba?” muli niyang tanong.
“Listen to me carefully Jhenna… Bukas may mail na darating d'yan sa ‘yo. Lahat ng importanteng bagay na naroon ay kinakailangn mong ingatan at sundin. I also emailed some things on you at ka—”
“Sandali… sandali…” awat niya sa sinasabi nito. “Ano ba talagang nangyayari? Bakit parang ang dami mo namang ibinibilin?”
“Because I have to, Jhenna… At lahat ng sinasabi kong ito ay para sa kapakanan mo at sa kaligtasan ninyo ni T'yang Natty. Naiintindihan mo ba ako?”
Bigla naman siyang kinabahan.
“Pero bakit pakiramdam ko kakaiba itong nangyayari sa ‘yo ngayon? Bakit parang hindi ka kailanman babalik?” aniyang unti-unti ng nakaramdam ng takot.
Sandaling natahimik ang kanyang kapatid sa kabilang linya, pagkuwa’y narinig niyang suminghot ito.
“A-Ate…?” nangangatal ang mga labing untag niya rito.
Nasisiguro niya sa mga sandaling iyon na may kakaibang nangyayari dito. Because her sister never showed her weaknesses to her, especially when she’s crying.
Mula ng maulila silang dalawa ay hindi niya ito kinakitaan ng kahinaan ng loob dahil alam nitong ganoon din ang mararamdaman niya. Janine set herself as a good example to her. Kaya naman naging matatag din siya sa mga hamon ng buhay na kinaharap nila noon, dahil ayaw na niyang makadagdag pa sa alalahanin ng kapatid.
“I’m so sorry, Jhenna, but I have to go now. Tandaan mo lahat ng bilin ko sa ‘yo at sundin mong lahat iyon. Mahal na mahal kita, Jhenna…” anito at kasunod noon ay ang nakabibinging tunog mula sa kabilang linya.
Tulalang napatitig na lang sa telepono si Jhenna.
Maya-maya’y naramdaman niyang nag-init ang sulok ng kan’yang mga mata, at kasunod noon ang pagpatak ng kan’yang mga luha. Ayaw man niyang aminin sa sarili, pero alam niyang imposible na silang magkita pa ng kapatid.
“Ate…!” palahaw niya na pumunit sa katahimikan nang gabi.
**
Napabalikwas ng tayo si Bernard ng mahuli ng kanyang matatalas na mga mata ang sumunod na nangyari sa control room ng MBGC. Hating-gabi na noon at hindi pa rin siya tumitigil sa pag-aanalisa ng mga kuhang recordings.
He paused the video and zoom in the screen at napakunot ang noo niya ng makitang hindi babae ang naroon kundi isang lalaki. Katamtaman ang pangangatawan nito at naka-suot ng damit pang-utility.
Pinagmasdan niyang mabuti ang ginagawa nito at napansin niyang hindi lang ito expert sa hacking. Expertise din nito ang paglalagay ng malware, ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito nagtagumpay. Natural lang naman iyon dahil million ang ibinabayad nina Sebastian para maprotektehan ang seguridad ng mga taong umaasa sa kompanya nito.
Mabilis siyang nag-type sa keyboard at maya-maya pa'y lumabas na ang pinalaking larawan ng lalaki sa isang papel. Tinitigan niya iyong mabuti upang matanim sa isip ang itsura nito, at pagkuwa’y muling hinarap ang computer.
He sent an email to Antonio attaching the whole recordings of the culprit. Then, he tried to match the face of the man to the list of wanted criminals and terrorists around the world.
Alam niyang mahirap ang ginagawa niya at matatagalan pa siya bago ma-trace ang lalaki, pero hindi siya titigil hangga’t hindi ito nakilala. Dahil mas magiging mapaminsala ito kung hindi n’ya agad mapipigilan.
Nasa kalagitnaan na siya ng ginagawa ng tumunog ang kanyang telepono.
Salubong ang mga kilay na napatingin siya roon pagkuwa’y sa orasan. Ala-una y media na nang madaling araw at wala naman siyang inaasahang tatawag sa kanya ng ganoon kaaga.
Pagtingin niya sa caller ID ay pangalan ni Sebastian ang nakarehistro doon.
“Bernard, tell me something about this hacking incident,” walang ligoy na sabi nito mula sa kabilang linya ng sagutin niya iyon.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (102)

  • avatar
    Zia Yuna

    ang ganda

    21d

      0
  • avatar
    John Alwin Fortaliza

    ineed diamond on ml

    23/08

      0
  • avatar
    Johnmars Dalapo

    goods

    16/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด