logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2

Six months later…
“Lieutenant Sanchez, Captain del Castillo is asking for your presence,” ani Sergeant Bautista ng puntahan nito ang commanding officer sa quarters nito.
Palihim itong ngumiti ng marinig ang sinabi ng lalaki.
“Alright. Thank you, Sergeant Bautista,” anito bago kinuha ang military cap at lumabas.
Tuloy-tuloy ito kung saan naroon si Bernard.
“Captain?” tawag nito mula sa labas bago pumasok sa barracks ng lalaki.
Ngunit laking gulat nito nang bigla na lang may humawak sa bewang nito at mabilis na sumara ang pintuan. Kasabay noon ay naramdaman na lang ng babae na may umangkin sa mga labi nito.
Mabilis namang tinugon iyon ng babae.
“Baka makita nila tayo rito,” humihingal na wika ni Gabriela nang bahagyang ilayo ang sariling mga labi kay Bernard.
“We’re fine here. No one will see us. Baka nakakalimutan mo na may selebrasyon ngayon sa labas,” aniya sa namumungay na mga mata.
“Yeah… I remember that,” tugon naman nito bago patalong ikinawit ang dalawang paa sa may bewang niya.
“And now you're driving me nuts,” paanas na wika niya bago ito dinala sa higaan at muling siniil ng nagbabagang halik.
**
Nagising si Bernard sa marahang kaluskos na nagmumula sa lamesa niya. Kinapa niya ang kan’yang tabi ngunit wala na roon si Gabriela. Pagkuwa’y narinig niya itong paanas na nagsalita.
“You swear to me that this will be the last, Fabio! So, this will be the last. I’m done with the organization!” mariing wika nito.
Maingat na iminulat ni Bernard ang kan’yang mga mata deretso sa kinaroroonan ng babae. Nakaupo ito sa harap ng lamesa niya while typing something on his computer.
Napakunot-noo siya.
“No! I told you I’m done with all of this! I don’t want to be part on any mission you’re planning.” Humihingal na sabi nito kasabay ng pagsasalubong ng mga kilay habang nakikinig sa sinasabi ng nasa kabilang linya.
“W-What…? W-What do you mean…?”
At pagkatapos noon ay isang malakas na pagsabog ang narinig niya sa labas. Mabilis siyang napabangon kasabay ng pagsusuot ng kanyang damit. Pagbaling niya sa kinauupuan ni Gabriela kanina ay wala na ito roon.
Mabilis niyang dinampot ang sariling baril at kaagad na lumabas upang sundan ito, ngunit ganoon na lang ang kan’yang panggigilalas ng makita ang mga kasamahan. Nagsipaghandusay ang mga ito sa lupa at duguan.
Malalaki ang mga hakbang na lumapit siya sa mga ito upang tiyakin kung buhay pa ba sila, ngunit karamihan sa mga ito ay halos hindi na niya makilala sa tindi ng pinsalang natamo. Galit na galit na naihilamos na lang niya ang mga kamay sa mukha.
Nang mga sandaling iyon ay gusto na niyang magsisigaw at magwala. Pero alam niyang hindi pwede dahil nasisiguro niyang nasa paligid pa ang may gawa niyon.
Sandali siyang nag-isip at muling napatingin sa nilabasan niyang barracks. Nanlilisik ang mga matang bumalik siya roon deretso sa harap ng kanyang computer. At daig pa niya ang nasabugan ng bomba kung ano ang ginawa ni Gabriela…
She hacked and stole the confidential files and assignments in the military using his computer!
At noon lang niya napagtanto ang nangyayari… Lieutenant Gabriella Sanchez is a spy! And she made herself the bait! At pati siya ay pinaikot nito nang husto.
Kaagad niyang kinuha ang emergency phone upang tumawag sa malapit na base doon, ngunit hindi pa iyon lumalapat sa tenga niya ng isa pa uling malakas na pagsabog ang narinig niya. At pagkatapos noon ay nakita niya ang sariling lumilipad sa ere kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata…
“Huh!” napabalikwas ng bangon si Bernard habang punong-puno ng pawis ang buong katawan niya.
binabangungot na naman siya.
Ilang beses siyang huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili. Nagulat pa siya ng makarinig ng sunod-sunod na pagkatok sa may pintuan.
Sandali siyang napatitig doon pagkuwa’y inayos ang sarili.
“Come in,” malamig na wika niya.
“Sir, Mr. Monte Bello called.” Imporma ng tauhan niyang si Zaragosa.
Napakunot-noo siya.
“Who amongst them?” tanong niyang hindi naitago sa tinig ang pagkairita.
Tatlong lalaki ang nagmamay-ari ng pangalang iyon at kung si Sebastian iyon, sa mismong cellphone niya ito tatawag.
“It’s Mr. Antonio, Sir.” Tugon nito.
Tumango naman siya bago muling iniwan doon ng tauhan.
Mabilis niyang idinayal ang numero nito, ngunit panay ring lang iyon at walang sumasagot. Tatlong beses pa niyang ginawa iyon pero ganoon pa rin, kaya sa opisina na nito mismo siya tumawag.
“Hello…? Mr. Antonio Monte Bello’s office, may I know who’s on the line please?” magalang na wika ng sekretarya ng lalaki sa kabilang linya.
“It’s Bernard del Castillo. Is he there?” walang kaemo-emosyong tanong niya.
“Yes, Mr. del Castillo. He’s been waiting for your call. Just wait a moment and I’ll connect you inside,” anito bago nawala sa kabilang linya.
Ilang sandali lang naman ang kan’yang ipinaghintay bago sinagot ng lalaki iyon.
“Bernard…” bungad nito.
“Yes. What is it?”
“I need you to check something in my office. Can you come here today?”
Saglit niyang sinulyapan ang relong nasa bisig bago ito sinagot, “Okay. I’ll be there in thirty minutes.”
“Alright. I’ll wait for you, then,” anito bago nagpaalam.
Pagkababang-pagkababa niya ng telepono ay may pagmamadali siyang tumayo at kinuha ang susi ng kanyang sasakyan.
“Zaragosa, ikaw na muna ang bahala dito,” bilin niya sa tauhan bago ito nilagpasan at nagtungo sa parking.
Pagmamay-ari niya ang tatlong palapag na building na iyon. Doon ang opisina ng detective at security agency na itinayo niya may limang taon na ang nakakaraan. Iyon ang pinagkaabalahan niya pagkatapos niyang mag-resign sa military.
Mabilis din naman siyang nakilala sa larangang iyon dahil magagaling ang mga tauhang nakuha niya. Ilan doon ay mga dati niyang kasamahan noon sa Zamboanga na hindi na tinanggap sa militar pagkatapos ng tinamong pinsala ng mga ito. He gave them a job na hindi nalalayo sa linya ng talagang trabaho nila, dahil alam niyang iyon lang ang magagawa niya para sa mga ito pagkatapos ng nangyari.
Alam niyang malaki ang naging papel niya sa nangyaring pagpapasabog noon sa kampo, kaya’t hanggang sa mga sandaling iyon ay sinisisi pa rin niya ang sarili. He was still searching for that woman, and God knows what he’ll do to her kapag nakita niya itong muli.
Marami itong binawing buhay sa mga kasamahan niya at kahit na kaylan ay hinding-hindi niya ito mapapatawad. She’s also the main reason why he put up that agency, upang mas mapadali ang paghahanap niya rito. Ngunit, sinadya talaga nitong burahin ang lahat ng mga records na may kinalaman dito, kaya’t hanggang ngayon ay bigo pa rin siyang matagpuan ang babae.
Subalit sumumpa siya sa sariling hindi siya titigil hangga’t hindi ito natatagpuan.
“I’ll do anything to make you pay. Kahit ang sundan pa kita sa empyerno ay gagawin ko mabawi ko lang ang mga buhay na kinuha mo,” nagngangalit ang mga bagang na wika niya sa sarili habang mahigpit na nakahawak ang mga kamay sa manibela ng kanyang sasakyan.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (102)

  • avatar
    Zia Yuna

    ang ganda

    21d

      0
  • avatar
    John Alwin Fortaliza

    ineed diamond on ml

    23/08

      0
  • avatar
    Johnmars Dalapo

    goods

    16/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด