logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Monte Bello Series: Bernard - Bakit Ikaw Pa?

Monte Bello Series: Bernard - Bakit Ikaw Pa?

Gael Aragon


Chapter 1

1995…
“Ate… hindi na ba talaga kita mapipigilan? Akala ko ba hindi ka na babalik sa Dubai?” malungkot na wika ni Jhenna sa kapatid habang sinasabayan ito nang paglalakad papasok sa airport.
Tumigil ang Ate Janine niya at hinarap siya. “Jhenna, ‘di ba napag-usapan na natin ‘to?” tila nauubusan nang pasensyang tugon nito.
Lumabi naman siya. “Eh, nakailang sabi ka na na huli na ‘to… huli na ‘to… tapos hindi naman. Wala ka pa ngang isang buwan dito tapos, babalik ka na kaagad,” maktol pa niya.
Napabuntong-hininga naman ang ate niya.
“Promised, this will be the last,” anito sabay yakap sa kanya.
“Sure na ‘yan, ha. Kasi hindi mo na naman kailangang magtrabaho dahil ilang b'wan na lang din graduate na ako.”
“Oo... Sure na sure na talaga,” nakangiting sabi nito bago s’ya pinakawalan at may dinukot sa bulsa. Iniabot nito iyon sa kanya.
“Para saan ‘to?” tanong niya nang kuhanin ang isang kwintas na may malaking heart pendant.
“Advanced graduation gift ko iyan para sa ‘yo.”
Nanlalaki ang mga mata niyang napatitig dito. “Talaga, Ate…? Wow! Thank you…!” aniya at mahigpit itong niyakap. “The best ka talaga!” sabay bitiw dito.
“O, s’ya sige na… tutuloy na ako sa loob at baka mahuli pa ako sa flight ko. Isa pa, male-late ka na rin sa klase mo,” pagkuwa’y wika nito.
“Sige, Ate… Mag-iingat ka ‘dun ha? T'saka tawagan mo ako nang madalas,” nakangiting sabi niya habang kumakaway dito.
Hindi na bago ang ganoong tagpo sa kanya. Halos pitong taon na rin naman niyang ginagawa iyon at taun-taon ay nagbabakasyon ang ate niya sa Pilipinas. Isa itong computer engineer sa malaking kompanya sa Dubai at ang sabi nito ay mabait daw talaga ang boss nito. Kaya naman daw lahat ng mga dayuhang tauhan ay nakakapagbakasyon taun-taon.
Nang mawala sa paningin ang kapatid ay mabilis siyang humanap ng masasakyan. Isang oras na lang kasi at magsisimula na ang klase niya.
Nang makakita nang paparating na taxi ay kaagad niya iyong pinara kahit na malayo pa iyon sa kinatatayuan niya. Minaigi niyang salubungin na iyon upang hindi s’ya maunahan pa ng iba. Malapit na ring mag-rush hour at nasisiguro niyang bibigat na rin ang trapiko at baka mahuli pa siya sa eskwela.
Ilang hakbang na lang ang distansya niya sa sasakyan nang biglang sumulpot ang isang lalaki sa harapan niya at nagkabungguan sila. Muntikan pa siyang matumba kung hindi agad nito nahapit ang bewang niya. Napasubsob siya sa malapad na dibdib nito habang kaylakas nang kabog ng kanyang dibdib.
Mabilis na sana niyang ilalayo ang sarili sa lalaki ng malanghap niya ang mabangong amoy nito. Kagyat siyang natigilan at bahagyang napapikit kasabay nang pagsamyo rito.
“I’m sorry,” hinging-paumanhin nito na nagpabalik sa kamalayan niya.
Agad naman niyang inilayo ang sarili rito at pagkuwa’y mabilis itong tinalikuran. Dere-deretso siyang sumakay sa taxi nang hindi man lang ito nililingon.
Habang ang lalaki naman ay iiling-iling na hinabol nang tingin ang papalayong taxi. Nang mawala iyon sa paningin ay t'saka pa lang ito kumilos.
Tutuloy na sana ang lalaki sa loob nang mapansin ang isang kwintas sa sahig. Kunot-noong dinampot niya iyon, pagkuwa’y nilingon ang daang tinahak ng taxi kanina.
Napabuntong-hiningang inilagay niya iyon sa bulsa ng suot na pantalon, bago tuluyang pumasok sa loob ng airport.
**
“Lieutenant Gabriella Sanchez?” ani Major Hidalgo.
“Sir! Yes, Sir!” mabilis na tugon nang tinawag nito kasabay ng pagsaludo.
“At ease.”
Ibinaba naman ng kaharap ang kamay nito at pagkuwa’y inilagay sa likod.
“Ikaw ba ang bagong padala ng kampo?”
“Ako nga po, Sir!”
Tumango-tango si Major Hidalgo habang binabasa ang profile ng babae at pagkuwa’y tumayo ng makarinig ng sunod-sunod na pagkatok sa may pintuan.
“Come in,” anang may-edad na opisyal.
Pumasok naman roon ang isang matikas na unipormadong lalaki.
Sumaludo muna ito bago lumapit.
“Sir, ipinapatawag n'yo raw ako?” anito
“Yes. This is Lieutenant Gabriella Sanchez, she will be under your command,” pakilala nito sa dalawa.
Seryosong nilingon ng bagong dating ang katabi.
“Captain Bernard del Castillo,” aniya sabay lahad ng kanang kamay sa babae.
Sandali namang natigilan ang babae ng matitigan ito bago tinanggap ang nakalahad na palad.
“Lieutenant Gabriella Sanchez, Sir.” Anito.
“Nice to meet you.”
“Nice to meet you too, Sir.”
Tumango si Bernard bago muling hinarap ang commanding officer.
“Ikaw na ang bahalang mag-orient sa kanya,” ani Major Hidalgo sabay baling sa tinutukoy. “And welcome to Camp General Basilio Navarro, Lieutenant.”
Sabay namang sumaludo ang dalawa bago muling binalingan ni Bernard ang babae sa kanyang tabi.
“Follow me,” aniya sa buong-buong tinig.
Paglabas nila ng opisina ay dumeretso sila sa training ground.
“You know the rules in military kaya hindi ko na iisa-isahin pa ang mga iyon sa ‘yo, because all camp bases are the same. Well, of course, except when there’s real fight,” paliwanag ni Bernard bago bahagyang nilingon ang babae. “No one should be left behind, that’s the golden rule here.”
Tumango naman ito kaya nagpatuloy siyang muli.
“There will be sixteen people under your command at ipapakilala ko silang lahat sa ‘yo maya-maya lang. Each platoon will be taking turns surveying the whole area, and while doing that, you shouldn’t be engaged with the locals unless it’s necessary or there is an emergency. You are in Mindanao, so you should expect real encounters here. Understood?”
“Sir! Yes, Sir!” mabilis namang tugon nito kasabay ng pagsaludo.
Napailing naman si Bernard kasabay ng pagmwestra na ibaba na nito ang kamay.
“You shouldn’t be doing that when I’m talking to you alone. At h'wag kang mag-alala, hindi ko naman iyon ibabawas sa merit mo.” Biro pa niya bago nagpatuloy sa paglalakad.
“This will be your barracks from now on. Sa kabila nito ang sa platoon mo. Naririto na rin ang mga gamit mo at kung may kailangan ka pa, h’wag kang mahihiyang magsabi.”
Iginala naman ni Sanchez ang mga mata nito sa loob ng makipot na barracks bago siya nilingon.
“Thank you... But, I got everything I need, Sir.” Seryosong tugon nito.
Napataas naman ang kilay niya kasabay ng pagkikibit ng mga balikat.
“Alright…” aniya bago nagpatuloy sa pag-o-orient dito.
“Are there any questions you’d like to ask? I still have time before I head back to my quarter,” aniya sabay ngiti rito.
Tinitigan siyang mabuti nito.
“Are you hitting on me on my very first day here, Sir?” hindi ngumi-ngiting tanong nito.
Napataas naman ang kanyang isang kilay.
“And why do you say so?”
“Because you’re looking at me like I’m your new prey. Pasensya na kayo, pero hindi ang kagaya ninyo ang tipo ko.” Mabilis nitong pangda-down sa kanya.
Doon na siya tuluyang natawa.
“Whoah!” aniya sabay taas ng dalawang kamay at ang mabilis na pagbabago ng kanyang itsura. “First, I didn’t expect your bluntness. Second, I am not hitting on you. Third, I am your commanding officer, so you should know how to choose the right words in front of me. And lastly, hindi ako pumapatol sa kapwa ko militar. I have my own rules for that. And besides, hindi rin ikaw ang tipo na matitipuhan ng kagaya ko,” walang kaemo-emosyong wika niya bago ito tinalikuran.
Tila naman ipinako sa kanyang kinatatayuan ang babae habang hinahabol ng tingin ang papalayong lalaki.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (102)

  • avatar
    Zia Yuna

    ang ganda

    21d

      0
  • avatar
    John Alwin Fortaliza

    ineed diamond on ml

    23/08

      0
  • avatar
    Johnmars Dalapo

    goods

    16/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด