logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 7

Umuwi kami ni Meynard na lutang pa rin ang isip ko, mas lalo akong nahirapan sa mga natuklasan ko sa naging pagsasama ng mga magulang ko bago ako dumating sa buhay nila. Unti-unti kong napagtagpi-tagpi na hindi talaga sinadya ni daddy ang pagkakamaling kanyang nagawa, base sa mga narinig ko sa mga kwento kanina ni tito sa amin ni Meynard. Nakakainggit isipin na nakilala at natagpuan nila sa isa’t-isa at naging ganoon pa kaganda ang kanilang pagsasama. Natanong ko tuloy ang sarili ko kung kailan ko kaya makilala ang para sa akin tulad ng sa mga magulang ko?
“Ano ba ang dapat kong gawin para matulungan ko ang mommy na kahit paano maibsan naman ang sakit na dinadala niya? Pareho kaming nahihirapan sa mga nangyari at alam kong pareho kaming hindi pa tanggap na wala na si daddy. Pero ang hindi ko alam kung gaano kalalim ang sugat sa puso ni mommy na naidulot sa kanya sa pag-iwan sa amin ni daddy. Dahil kahit pareho kaming nasaktan at nahirapan magkaiba pa rin ang lalim noon at epekto sa aming mga sarili. Para sa daddy tama ang ginagwa ko na ipinagpatuloy ko ang bagay na hindi niya nagawa. Pero paano si mommy? Paano niya harapin o paano niya matanggap kapag nalaman niya ang ginagawa ko? Si daddy, ano kaya ang iniisip niya ngayon sa amin ni mommy?”
Nasa kalagitnaan ako ng pagkalunod sa daming gumugulo sa isip ko nang magulat ako sa tapik ni Meynard sa balikat ko.
“Kuya? Ang lalim na naman ng iniisip mo. Sabi ko nandito na tayo, gusto mo bang samahan muna kita o uuwi na baa ko?” nag-alala niyang tanong sa akin.
“Sorry. Sige kung okay lang dito ka na magpalipas ng gabi.” Tapos binaklas ko ang seatbelt saka binuksan ang pinto para makababa na ako sa sasakyan.
Wala na akong narinig pa kay Meynard, pero rinig kong nakasunod siya agad sa akin habang papapunta sa elevator.
“Kuya, sa totoo lang hindi lang si ma’am Barbs ang inaalala ko ngayon. Nag-alala rin ako sa’yo kasi palagi ka na lang wala sa sarili mo nitong mga nakaraang araw,” malungkot niyang sabi.
“Pasensya na. Hirap na hirap lang talaga ako. Nagulat ako sa lahat ng mga nangyari at bilis ng mga pangyayari. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin. Saka lalo akong nilalamon ng konsensya ko dahil sa mga natuklasan sa samahan nila daddy at mommy. Naging mapanghusga ako kay daddy, hindi ko maiwasang sisishin ang sarili ko kung bakit ‘yon kay daddy. Hindi dapat ganoon eh, para bang hindi ko na siya nakilala bigla nang mabasa ko ang card na ‘yon, hindi ko man lang binigyan ng pagkakataon na maipalawanag niya ang lahat. Sobra akong nagpadala sa emosyon ko noon hapon na ‘yon, hindi ko man lang ang inisip at ang pwedeng maramdaman ni daddy,” bigong-bigo kong kwento sa kanya habang nasa elevator kami. Mabuti na lang kaming dalawa lang ang nakasakay dahil dis-oras na ng gabi.
“Kuya, sa pagkakilala ko kay sir G hindi siya basta-basta magagalit sa’yo kahit pa ganoon ang nangyari sa inyong dalawa noong oras na ‘yon. Alam ko at sigurado ako na naintindihan ka niya kung bakit sumabog ka na lang ng ganoon sa kanya. Nasaktan man siya sa mga narinig niya mula sa’yo pero malabong magalit siya sa’yo dahil lang nasaktan mo siya,” pagpapaintindi niya sa akin.
“Kahit saang anggulo ko tingnan mali pa rin at maling-mali talaga. Wala akong karapatan na husgahan at pagsalitaan ng ganoon si daddy. Kung hindi ko pa narinig ang kwento nila ni mommy mula kay tito hindi pa ako tuluyang matauhan sa mga pinaggagawa ko kay daddy. Ang pinakamahirap tanggapin sa buong pangyayari alam mo kung ano? Ako ang dahilan kung bakit inatake si daddy sa puso na siyang ikinamatay niya. Parang ako na rin ang pumatay sa kan’ya kaya lalo akong nahihirapan at nilalamon ng konsensya ko. Kaya hindi ko magawang magpakita kay mommy kahit na alam ko kung gaano niya ka kailangan ngayon ang presensya ko at suporta ko sa pinagdadaanan niya,” hindi ko na naiwasang mapaluha habang ipinapahayag ko ang niloob ko. Buti na lang papasok na kami ng unit ko.
Lulugo-lugo akong naupo sa sofa pagkapasok. Ni hindi ko kayang tumingin kay Meynard sa malaking kahihiyang ginawa ko. “Parang hindi ko na kilala ang sarili ko, hindi ganito ang pinangarap kong buhay. Hindi ko lubos maisip kung bakit kailangan ko pagdaanan ang lahat nang ito. Parang unti-unti akong nauupos sa araw-araw na ginawa ng Diyos, parang gusto ko na lang sumuko. Minsan hindi ko maiwasang maisip baka bigla na lang akong takasan ng tamang pag-iisip sa daming gumugulo sa isipan ko hindi na ako nakakapagpahinga ng maayos. Kung nakakatulog man ako, nagigising naman ako sa panaginip na pinaka-iwas-iwasan ko pero paulit-ulit na ipinapakita sa akin ang malaking pagkakamaling nagawa ko sa buong buhay ko. Kahit gaano pa ako magsisi alam kong hindi ko na maibabalik pa ang buhay ng daddy at hindi ko na mababawi pa ang mga nasabi ko na. Hindi ko akalain na sa isang iglap masisira ang lahat, lahat sa pamilya namin hindi lang ang buhay ko ang nasira, kung hindi pati ang buhay ng mommy ko. Hindi ko alam kung paano maayos ang lahat nang ito? Oh, may paraan pa ba na maayos ang lahat ng ito? Paano?”
“Kuya, uminom ka muna at saka magbihis para makapagpahinga ka na,” rinig kong sabi ni Meynard habang nakapikit ang mga mata kong nakasandal ang ulo ko sa sandalan ng sofa. Kaya dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata ko para makita ko ang ipapainom niya umano sa akin.
Isang baso tubig ang iniaabot niya sa akin.
“Salamat.”
“Kuya, hindi na maganda ang mga nangyayari sa’yo. Namamayat ka na, sobra na ang pangangalung-mata mo, halata na ang pangingitim oh! Sige ka mas lalo kang hindi magkakagirl friend sa ginagawa mo,” pananakot niya sa akin. Alam kong binibiro niya lang ako para kahit paano pagaanin ang sitwasyon.
“Tss, ako na naman ang nakita mo. Talaga? Sa dami ng sinabi ko kanina ‘yan lang ang pumasok sa isip mo?” kunwareng sinusungitan ko siya.
“Naku! Nagsusungit ka naman! Huwag gan’yan kuya nakakabawas pogi points ‘yan!” patuloy niyang pagbibiro sa akin.
“Tss, ang daming mong alam! Lagot ka isusumbong kita kay yaya makikita mo,” parang bata kong sabi.
“Ang sabihin mo kuya, ikaw ang malalagot kapag makita ka ni mama na gan’yan ang pagmumukha mo. Teka, may maganda akong naisip. Ba’t ‘di ko kaya papuntahin si mama dito?” pang-aasar niya lalo sa akin.
“Ikaw ang malalagot sa akin, babanatan kita. Subukan mo lang talaga!” pagbabanta ko sa kan’ya dahil alam niya talaga na para akong bata na susunod sa sinasabi ni yaya sa akin. Kakaiba kasi ‘yon pag nagalit, mas takot ako sa yaya ko dati kaysa sa kay mommy. Lalo na sa usaping pagkain kaya kahit hindi ko gusto dati ang ulam napipilitan akong kumain kasi takot ako kay yaya.
“Natatawa ka kuya? Luh! Iba na ‘yan ah! Kanina lang ang lungkot-lungkot ng pagmumukha mo parang binagsakan ka ng mundo, pero ngayon para kang natatawa naman. Patay! Baka tuluyan ka nang nasiraan ng bait kuya ha?” tinapunan ko nga nga throw pillow na nasa gilid ko.
“Sira ka talaga! May naalala lang ako kay yaya,” sabay nailing kong sabi.
“Alam ko na ‘yan lagi kang pinapagalitan ni mama kasi mapili ka sa pagkain.”
“Noon ‘yon, hindi na ngayon,” pagmamayabang ko.
“Ay, hindi ko makalimutan ‘yong isang beses na nakita ko kung paano ka pinakin ni mama ng ampalaya na pinaka-ayaw mo kainin. Pero dahil takot ka na pauwiin ako ni mama at wala ka ng maging kalaro, inubos mo ang nilagay niya sa plato mo pero hindi mo naman nginuya maluha-luha ka pa sa kakalunok tapos panay ang inom mo ng tubig,” pag-alala niya sabay natawa kaming dalawa.
“Tapos naisipan kong magsumbong kay mommy noon pag-uwi niya kaso naunahan ako ni yaya magsabi sa nangyari, Ang akala mo papagalitan niya si yaya noon pero ako pa tuloy ang napagsabihan ni mommy,” dugtong ko saka natawa kami ulit habang inaalala ang mga kabataan ko.
“Ayan, ayan nga sa wakas nakita ko rin ulit ang totoong tuwa sa mukha mo kuya ang tagal ko nang hindi nakita ‘yan,” puna niya sa akin saka ako napabuntong hininga ng malalim.
“Gustuhin ko mang maging masaya pero dahil sa sitwasyon ko ngayon parang ang hirap tumawa. Nakakawalang gana maging masaya lalo na sobrang gulo at ang daming nangyari, buti nga nandiyan ka kahit papaano nakakatawa pa rin ako minsan. At higit sa lahat may nakakausap ako palagi, ewan ko na lang kung ano ang mangyayari sa akin kung wala ka.”
“Naks! Nakakatouch kuya ah! Maiiyak na ba ko?” pagdadrama niya kaya nahampas ko tuloy.
“Ikaw ang dami mo talagang alam na kalokohan ‘no? Buti hindi ka nahahambalos ni yaya ng upuan dahil sa ugaling mong ‘yan,” nagtawanan kami ulit.
Dahil sa mga pagpapatawa na ginawa ni Meynard naging magaan ang pagtatapos ng gabi ko. Alam kong ginagawa niya lang ‘yon para pagaanin kahit papaano ang mga nararamdaman ko. Kaya masasabi kong napakaswerte ko kasi, kahit hindi ako nagkaroon ng kapatid pero may isang Meynard na dumating sa buhay ko na naging instant kapatid ko. Siya ang laging nagpapasaya sa malungkot kong buhay. Siya ang katuwang ko palagi kapag ganitong may pinagdadaanan ako. Kahit noon mga bata pa lang kami ganito na ang turingan namin sa isa’t-isa. Kaya kahit nag-iisa lang akong anak nila mommy at daddy hindi ako nalulungkot dahil may isang Meynard na lagi kong nakakasama sa tuwa at saya, ngayon pati sa pinakalungkot na parte ng buhay ko siya pa rin ang kasama ko. May kapatid siya pero puro babae kaya sa akin talaga mas malapit, dahil mula noon lagi ko siyang pinapasama sa bahay para may nakakausap o nakakalaro ako palagi. Lalo na kapag bakasyon doon na siya naglalagi sa bahay at mas gusto naman nila mommy at daddy kasi alam nilang hindi ako malulungkot kahit wala silang dalawa. Parang anak na rin ang turing nila kay Meynard kaya tulad ko kada uwi nila mommy at daddy galing sa byahe may pasalubong din siya. At kapag sa mga espesyal naman na okasyon tulad ng pasko o birthday niya, walang palya ‘yan may regalo siyang natatanggap ka kanila bukod pa sa nataatanggap niya mula sa akin.
“Ang sarap bumalik sa pagkabata, walang maraming iniisip, walang problema. Ang gaan ng lahat kaya laging masaya ang pakiramdam. Buo pa ang pamilya namin kahit hindi ko lagi nakakasama si mommy at daddy masaya pa rin ako kasi alam kong uuwi pa rin sila anumang oras dahil nasa trabaho lang sila pareho. Hindi katulad ngayon kaliwa’t-kanan ang kinakaharap kong problema. Puno ng sakit at pighati, sobrang lungkot ng buhay. Ang pinakamasaklap wala na si daddy, hindi na kailanman mabubuo ang pamilya namin. Si mommy hindi ko pa rin alam kung paano ko siya matutulungan para maibalik ko siya sa dati. Kahit hindi na siya magtatrabaho bilang director, walang problema kasi may edad na rin naman siya. Ang gusto ko lang sana makita uli siyang masaya uli sa kabilang ng katotohanang kami na lang dalawa ang natitira dahil wala na ang daddy.”
“Kuya? Kuya!” rinig kong sambit ni Meynard habang niyuyugyog niya ako na siyang nagpabalik sa akin sa realidad.
“Ang lalim ulit ng iniisip mo para pati ako parang malulunod sa sobrang lalim.”
“Sorry.”
“Kuya, hindi ka pa talaga okay. Ba’t hindi ka na lang mag-file ulit ng leave para ma-relax ka naman kahit konti tapos isama mo si Ma’am Barbs magbakasyon muna kayo. Huwag mong alalahanin ang trabaho mo kami na ang magtutulungan maayos ‘yon. Pwede naman kitang kontakin para sa update o kung kailangan ang presensya mo anytime hindi ba?” suhestiyon niya.
“Saka na lang siguro, tapusin ko lang muna ang project, gagawin ko ‘yan kapag sa tingin ko p’wede ko nang iwanan sa inyo ang mga gagawin. Pero sa ngayon kasi, hindi ko maatim na iwan dahil una nahihiya ako sa mga boss natin. Pangalawa, alam kong responsibilidad ko bilang manager na masigurong maayos lahat kaya hindi ko p’wedeng basta na lang iwanan ang trabaho ko,” pagpapaliwanag ko sa kan’ya.
“Maraming Salamat at pasensya na alam kong nag-alala ka na ng husto sa amin. Huwag kang mag-alala susundin ko ‘yang sinabi mo pero tapusin ko lang muna ang project saka kami magbabakasyon ni mommy.”
Binigyan niya lang ako ng malaking ngiti saka niya ako inakbayan habang magkatabi kaming nakaupo sa sofa. Kanina pa kami nakauwi dito sa condo ko pero wala pa sa amin ang nakapagbihis dahil puro kwentuhan ang nagawa namin
“Sige na, matulog na tayo. Maaga pa tayo bukas,” pagyaya ko.
“Sige kuya, good night. Magpahinga ka ng maayos,” ‘yon lang at sabay kaming tumayo saka nagkanya-kanya kaming lakad papasok sa sarili naming mga kwarto.
Ilang minuto ang nakalipas nakahiga na ako sa kama ko pagkatapos kong makaligo at makapagbihis. Pero tulad ng mga nakaraang mga araw, hindi na naman ako dinadalaw ng antok. Kaya naisip kong bumangon at kumuha ng maiinom para antukin ako. Dumiretso ako sa kusina pagkalabas ko ng kwarto, hinalughog ko ang ref kung may beer pa ba akong naka-stock pero dahil wala akong makita dahil naubos ko na pala. Minabuti kong tingnan ang maliit kong wine rack baka sakaling may alak pang natitira. Mabuti na lang may konting Jack Daniel Old No. 7 Tennessee iyan kasi ang paborito ng daddy kong inumim kaya hindi ako nawawalan niyan para kapag pumasyal siya dito may maiinom siya.
Nagsalin ako sa wine glass saka pinili kong umupo sa may veranda, hinayaan kong nakabukas ang glass sliding door ng living room. Malaya kong tinatanaw ang mga maliliit na mga ilaw mula sa mga nagtatayugang mga gusali at maging mula sa hindi gaanong matataas din. Nakikita ko rin ang mga sasakyang tumatakbo na halos para na silang tutubi sa liit na nag-uunahan sa kung saan sila patungo.
“Kumusta kaya si daddy? Ano kaya ang iniisip niya sa amin ni mommy ngayon sa naging sitwasyon namin mula nang iniwan niya kami? Hanggang ngayon hindi ko pa rin maatim na magtanong kay mommy kung may nabanggit ba si daddy sa kanya tungkol sa isang gabi niyang pagkakamali sa relasyon nila? Kung may alam naman si mommy, bakit hindi niya ako sinabihan? Pero hindi eh, alam ko kapag may hindi sila napagkaka-unawaan sila malalaman ko kaagad kasi hindi kakayanin ni mommy na hindi ako sabihan. Alam ko magsusumbong agad ‘yon kaya malamang wala talaga siyang alam. Mahahanap kaya namin silang mag-ina? Kung manahap man namin sila may alam kaya siya kung sino ang ama niya? Paano ko kaya sabihin sa kan’ya kung bakit namatay si daddy? Hindi kaya kakamuhian niya lang ako dahil sa nagawa ko? Kahit kailan wala na siyang pag-asang makasama pa si daddy parang pinagkaitan ko na rin siya na makilala ang daddy namin.”
Hindi ko namalayan na doon na pala ako inabot ng antok sa reclining chair sa may veranda. Namalayan ko na lang na nasa ganoon akong position nang gisingin ako ni Meynard.
“Kuya, uminom ka pala kagabi? Medyo tinamaan ka nga doon sa hotel. Ang akala ko maayos kang natulog doon sa kwarto mo, tapos maabutan kita ditong naka-upong natutulog dito pa talaga sa may veranda. Buti hindi mo naisipang tumalon ano?” sarkastiko niyang sabi. Hindi ako nakaimik kasi alam ko naman na nag-alala lang talaga siya sa akin. Kaya tahimik akong napayuko ipinatong ko ang dalawang siko sa aking mga hita saka napahilamos ako sa mukha ko ng aking dalawang kamay habang patuloy siya sa paglelecture.
“Alam mo kuya, hindi mo ikinagwapo ang madalas na pag-inom tapos dito ka inabot sa labas. Mas lalo kang hindi magkaka-lovelife niyan sa ginagawa mo, eh. Magkakasakit ka lang niyan kuya! May solusyon ang lahat ng problema, ngayon lang ‘yan. Alam kong mahirap pero darating ang panahon na matatapos at lilipas din ang lahat. Hindi mo kailangang parusahan ang sarili mo dahil hindi nakakatulong sa’yo. Hindi masosolusyunan ng pag-iinom mo sa kung ano man ang kinakaharap mo ngayon,” pagpapatuloy niya.
“Sa tingin mo kuya, matutuwa si sir G na nagkakagan’yan ka ngayon. Huwag kang magpapatalo sa problema kuya, magpakatatag ka, lumaban ka! Parang hindi na kita kilala ah! Hindi naman gan’yan ang pagkakilala ko sa’yo,” malungkot niyang sabi saka ako iniwan kung saan niya ako natagpuan na hindi pa rin ako makakilos at ni hindi rin nakapagsalita.
Ilang minuto pa ang lumipas, nagpasya na akong tumayo at niligpit ang bote at wine glass saka naglakad papunta sa kusina ang baso at sa trash bin ang empty bottle. Naabutan ko si Meynard na abala sa pagluluto ng almusal namin pero hindi niya ako pinansin o kinibo, kaya hinayaan ko lang muna. Binilisan ko na ang pagkilos para makapaghanda na para sa panibagong araw sa trabaho.
Kahit nasa sasakyan na kaming pareho binabaybay ang daan papuntang opisina hindi pa rin kumikibo si Meynard habang nagmamaneho. “Alam kong kasalanan ko kung bakit siya nagkakagan’yan, alam kong ayaw niya lang akong mapasama lalo. At inaamin kong mali naman talaga ang ginawa ko, pero hindi ko sinadya na doon na makatulog sa veranda. Ang gusto ko lang naman sana noon, iinom lang ako ng konti para pampatulog hindi ko naman akalain na doon na ako abutin ng antok.”
“Nard, pasensya na sa nangyari. Hindi ko naman sinadyang makatulog doon sa veranda. Uminom lang ako ng konti dahil hindi ako makatulog. Pero wala sa plano ko ang magpakalasing dahil alam kong nakainom na ako sa hotel, hirap na hirap lang akong makatulog kaya ko nagawa ‘yon. Hindi ako mangangako pero susubukan kong hindi na mauulit ‘yon. Sinusubukan ko namang makatulog na hindi umiinom pero dahil sa daming bumabagabag sa isip ko kaya hindi talaga ako nakakatulog. Minsan ko nang sinubukang hindi uminom kahit na beer pero inabot ako ng madaling araw na hindi man lang nakaidlip kahit konti,” pagpapaliwanag ko kahit hindi ako sigurado kung pinapakinggan niya ba ko at kung maniniwala ba siya sa mga sinasabi ko ngayon.
Pero imbis na sagutin niya ako ibang ang narinig ko sa kan’ya.
“Pinapaalala ko lang na mamayang nine o’clock ang start ng audition sa conference room. Wala nang problema doon dahil kahapon pa lang maayos na ang lahat, na check ko na bago tayo umalis kahapon papunta sa hotel. Babalikan na lang kita dito kapag magsisimula na doon,” ‘yon lang ang narinig kong sabi ni Meynard pagkatapos niya akong ihatid dito sa opisina ko pagkarating namin. Ni hindi man niya hinintay kung may sasabihin ba ako o itatanong tungkol sa mangyayari mamaya sa audition, basta na lang lumabas sa opisina ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (21)

  • avatar
    Jhuvan Halili

    please diyas lang lang iskin lang po

    16/08

      0
  • avatar
    CalumbaJhenyveth

    i like it's

    27/08/2023

      0
  • avatar
    Jaymark Reyno

    thank you

    17/08/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด