logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 6

Dahil nakatayo sa malapit ang waiter, minabuti muna naming mag-order para sa magiging dinner namin bago namin pag-usapan ang dahilan ng meeting na ito. Nang makuha ng waiter ang lahat ng order namin agad naman itong umalis para ayusin ang order namin.
Pagkatapos ng ilang sandal biglang tahimik ang namagitan sa aming apat. Hindi ko alam kung magsimula sa dapat naming pag-uusapan.
“Handa na ba talaga ako sa usaping ito?” tanong ko sa aking sarili sa aking isipan.
“Ano ba ang dapat una kong sasabihin o magtatanong ba ako? Bakit hindi ko inisip anag lahat nang ito kanina kung paano sisimulan ang usapang ito? Aissst! Ang tanga ko, bakit nga hindi ko naisip ang mga bagay na ito kanina habang wala pa sila?”
May narinig akong tumikhim na siyang pumutol sa nangingibabaw’ng katihimikan ilang minute na ang nakalilipas.
“Ah, first of all, thank you for coming,” si tito ang private investigator ang kausap niya na hindi ko naklaro ang pangalan niya.
“Sa madaling salita kailangan namin ang serbisyo mo kaya ka naimbitahan ngayon dito kasama namin. Pero ngayon pa lang ako ang makikiusap na sa’yo bilang para anak ko na rin itong si Miggy na anak ng pinakmatalik kong kaibigan na si Gabriel. Walang impormasyon na makakalabas sa kahit na kanino maliban sa ating apat na nandirito ngayon,” panimula ni tito. Mabuti na lang naisipan niyang maunang magsalita, dahil kung ako ang tatanungin hindi ko alam kung paano umpisahan, nangingibabaw ang kabang nararamdaman ko at takot sa maari kong marinig o malaman sa mga oras na ito mula kay tito.
“Iyan ay bilang respeto sa namayapa kong kaibigan. Ayaw ko nang pagpistahan pa siya ng media kapag nakarating sa kanila ang tungkol sa usaping ito. Isa pa, sa pagkakaintindi ko hindi alam ng mommy ni Miggy ito kaya mas gusto naming manantiling classified ito. Nagkakaintindihan ba tayo?” diretsang tanong niya sa investigator.
“Miggy?” siyang tanong ni tito sa akin pagkatapos niya akong balingan ng tingin nang masiguro niyang naintindihan ng kaharap namin ang mga sinabi matapos itong tumango.
“Ah, Nard nasaan na iyon?” tanong ko kay Meynard dahil sa kanya ko ipinagkatiwala ang card.
Dali-dali niyang kinuha ang naturang card sa kanyang sling bag na nakalagay pa ito sa isang brown envelope. Saka niya ito inabot sa akin.
Nagsimula akong magkwento sa kanila kung paano ko nalaman at kung paano nasa akin na ang card na iyon. Matagal akong natapos sa pagkukwento dahil makailang beses akong pahinto-hinto sa pagkukwento dahil nahihirapan ako lalo na sa parte na naging sagutan namin ni daddy sa hapong na ‘yon. Naputol ang pagkukwento ko nang dumating ang pagkain na inorder namin pansamantalang walang nagsalita habang kumakain kami malamang tinatantya ni tito at Meynard dahil kilala na nila ako at kabisadong-kabisado nila ang pagkatao ko.
Hindi madali ang lahat para sa akin, kung hindi lang ito para sa namayapa kong ama baka hindi ko susubukan o kahit ang tangkaing gawin ang bagay na ito. Pilit akong nagpakatatag sa oras lalo na sa oras na ito dahil tulad ng pagkawala ng daddy hindi ko pa rin tanggap ang tungkol sa bagay na ito. Pero dahil wala na akong magawa at hindi ko na mababago pa ang mga pangyayaring matagal nang tapos, kailangan ko na lang magpakatatag at gawin ang lahat na makakaya para matupad ko ang kagustuhan ni daddy na mahanap ang anak niyang kahit kailang hindi niya nagisnan.
Mag-iisang oras matapos kaming lahat sa tahimik na pagkain. Muling naunang magsalita si tito.
“Balik tayo sa ating naumpisahan kanina. ‘Yon nga kailangan mong gawin ang lahat na mahanap ang mag-inang sa pamamagitan ng birthday card na tanging hawak ngayon ni Miggy na ipinakita na niya sa’yo,” pag-uumpisa nit ito.
“Sige po gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya,” agad niyang tugon sa sinabi nit ito sa kanya.
“Pero wala na po bang ibang posibleng maging lead para sa aking paghahanap. Kung maliban po sa bagay na ito, impormasyon po halimbawa kung may iba pa po bang p’wedeng makapagbigay ng impormasyon?” nag-aalangan niyang tanong. Sa totoo lang, naiintindihan ko siya dahil alam kong hindi madali ang pinapagawa namin. Para siyang maghahanap ng karayom sa gitna ng dagat ng tao. Suntok sa buwan kung baga ang gagawin naming ito.
“Hindi ako sigurado sa bagay na ‘yan kung may iba pa bang napagsabihan si Gabriel. Dahil sa pagkakatanda ko sa akin niya lang ito nabanggit dahil takot na takot siyang makarating sa kanyang pinakamamahal na kabiyak ang tungkol sa bagay na ito,” pagpapaliwanag ni tito habang nanatiling tahimik kaming dalawa ni Meynard sa kanilang pag-uusap.
Nakita kong natigilan si tito at parang may malalim na iniisip habang hawak niya ang baso na may yelo at alak, na para bang may nakita siyang isang pinaka-interesanteng bagay sa hawak niyang baso. Walang nagsalita at hinayaan lang muna namin siya makapag-isip habang naghihintay kaming na kan’yang posibleng sasabihin.
Tumikhim siya bago nagsalitang muli.
“Ah, magkasama kami ni Gabriel sa gabing iyon na pumunta sa bar galing sa pagtitipon ng mga producers, para sa preparasyon sa Manila Film Festival. Co-producer niya ako sa pelikula na entry sa festival sa taong ‘yon kaya ako kasama niyang dumalo sa naturang pagtitipon. Nag-umpisa na kaming mag-inuman pagkatapos ng dinner meeting na ‘yon hanggang sa magkayayaan na pupuntang bar para doon ipagpatuloy ang pag-iinuman namin. Alam kong pareho kami ni Gabriel na hindi na pa lasing nang makaalis kami sa hotel kung saan ginanap ang dinner meeting na ‘yon,” pag-uumpisa niyang magkwento sa nakaraan. Ako naman ay mas lalong kinabahan kung bakit eh, hindi ko alam? Pero patuloy kong kinakalma ang aking sarili para hindi nila mahalata ang totoo kong nararamdaman sa mga oras na ‘yon.
“Naging masaya ang gabing ‘yon, puno ng kwentuhan, mga pangarap at mga future projects ang mga napag-usapan. Dahil unang beses kong nakasama sa ganoong pagtitipon dahil hindi naman talaga ako producer by profession naging co-producer lang naman ako dahil sa pangungumbensi sa akin ni Gabriel. Hindi nagtagal ‘yong isa sa kasama namin may kakilalang lumapit at may ipinakilala na mga model maliban pa doon sa mga naunang mga lumapit dahil may mga nakakilala sa mg iba pa naming kasama. Mabilis ang pangyayari, namalayan ko na lang marami na kaming kasamang mga babae na nakipag-inuman din sa amin, at saka iba na ang mga napapag-usapan hindi na tungkol sa mga naunang naging usapan na tungkol sa pagpo-produce at iba pang tungkol sa mga paggawa ng pelikula,” pagpapatuloy niya.
“Sa katunayan may naging kausap din akong isa sa mga model, hindi tulad ni Gabriel pero hindi tulad ko magkasamang umalis si Gabriel at ang isang babae. May dumaan kasi siyang kaibigan kaya naputol ang naging pag-uusap namin nang nilapitan niya ang taong tumawag sa kan’ya. Pero hindi ko napansin ‘yon sa mga oras na ‘yon dahil ang sabi niya lang sa akin mag-ccr lang siya pero hindi na siya bumalik pa. Kaya nang nainip ako umuwi akong mag-isa dahil hindi ko na siya mahanap. Kaya naisip ko baka nalasing na kaya nagdesisyong umuwi. Madaling araw na nang makauwi ako sa bahay noon kaya nang tumawag siya sa akin kinaumagahan nahirapan ang asawa kong gisingin ako. Hindi nakatiis si Gabriel pinuntahan niya ako sa bahay kahit alam niyang tulog pa ako. Sa bahay siya dumeritso galing sa hotel kung saan sila nagpalipas ng gabi magkasama ng babaeng ‘yon,” dagdag niyang kwento habang nanatili kaming tahimik na nakikinig sa kanya.
“Nagulat ako nang magising dahil siya mismo ang nagpunta sa kwarto para siya mismo ang gumising sa akin. Mabuti hindi nagtaka ang asawa ko dahil alam niya kung gaano kami kalapit na magkaibigan at saka hindi ‘yon ang unang beses na siya mismo ang gumising sa akin. Nang masiguro niyang kaming dalawa na lang nagkwento siya sa akin sa nangyari, gulat na gulat ako sa mga narinig ko sa kan’ya dahil alam kong hindi siya ganoon. Magkaibigan na kami simula college kailanman hindi niya nagawang magloko mula nang naging magkasintahan sila ni Barbara. Kaya walang mapagsidlan ng gulat ko sa oras na ‘yon matapos marinig ang pagkukwento niya sa akin. Siya mismo hindi niya matanggap ang nangyari. Sobrang takot na takot siya noon dahil baka tulad ng ibang babae baka hindi na siya titigilan at maghahabol sa kan’ya at magdedemand ang babae. Pero makalipas ang ilang araw walang babaeng nagparamdam kahit alam niyang kilala na siya ng babae at nabanggit daw niya umano kung saan ang opisina niya. Para rin akong tanga sa mga panahon na ‘yon nakaantabay din ako sa mga posibleng mangyari. Nagtatanong-tanong kami tungkol sa babae para kahit papaano may idea kami sa pagkatao niya maliban sa nalaman naming isa siyang ramp model at college student. Lumuwas dito sa Manila at nagsisikap para matustusan ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa pamamagitan ng pagmomodel. Tanging layunin namin kaya namin siya pina-iimbestigahan ay para malaman nami kung ano ang susunod niyang hakbang. Nalaman namin sa pamamagitan ng pagpapaimbestiga, na namatay ang tunay niyang ama sa sakit sa puso, tapos nag-asawa ang ina niya na hindi niya kasundo kaya niya naisipang umalis sa kanila. Naging waitress siya sa isang Chinese restaurant at nakita ng isang talent scout para sa modeling at saka siya inofferan. Umalis siya sa pagiging waitress pagkatapos niyang kumita unang modeling exposure niya, pagkatapos ng ilang buwan na pagsasanay sa isang agency. Naitaguyod niya ang sarili sa pamamagitan ng kan’yang mga kinikita, nasa ikatlong taon siya noon sa kolehiyo nang makilala nang mangyari ang gabing iyon na makilala nila Gabriel ang isa’t-isa. Alam kong hindi sinadya at lalong hindi plinano ni Gabriel na may mangyari sa kanilang dalawa, pero hindi ko alam kung bakit nangyari ang hindi dapat mangyari. Dahil mismo si Gabriel hindi rin niya akalain na mangyayari ang bagay na iyon lalo pa sa isang inosente at pobreng babae na nag-aaral ng kolehiyo. Kaya ganoon na lang kalaki ang naging takot niya dahil alam niyang pwede siyang makulong sa nangyari dahil labing-siyam na taong gulang pa lang ang babae, magiging delikado talaga kapag magrereklamo o gagawa ng eksina ang babae para maghabol. Mabuti na lang hindi. Kaya tinigilan na naming paghahanap kay Teresa makalipas ang ilang buwan na siya namang nangyari na nakatanggap siya ng birthday greeting card isang araw matapos ang mismong birthday niya. Kaya agad naming pinaimbestiganhan uli matapos naming mabasa ang card na ‘yon. Pero nalaman na lang namin na umalis na pala siya sa dati niyang tinitirahang apartment at walang makapagsasabi kung saan siya lumipat. Nang makapagtanong kami sa agency hindi na ito umano ng panibagong contract dahil nagpaalam itong uuwi sa probinsiya dahil amy importante itong aasikasuhin. Kaya hindi na nagdalawang-isip si Gabriel dahil pinasundan siya agad sa nasabing probinsya pero wala siya roon,” mahabang pagkukwento niya sa amin.
“Kung ganoon po, eh hindi niyo po sinubukang pa imbestigahan ang kanyang mga kabigan?’ dinig kong tanong ng imbestigador na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan niya at nahihiya akong magtanong.
“Nagtanong-tanong din ang inutusan namin pero walang nakuhang impormasyon ang inutusan namin na mag-imbestiga sa panahong iyon. Kaya para masiraan ng bait noon si Gabriel pati ako dahil sa akin lang siya nagsasabi ng lahat. Pati ako tinablan na rin ng takot baka may biglang pasabog ang babae lalo nang alam niya kung ano ang katayuan ni Gabriel sa buhay. Pero walang nangyaring ganoon hanggang makalipas ang ilang buwan. Umabot ng isang taon ang pagbabantay namin nang mapagdesisyunan ni Gabriel na ipatigil ang pag-iimbestiga dahil parang wala namang nangyayari na. Pero kahit na ganoon hindi pa rin naging kampante si Gabriel maging ako. Lumipas ang panahon na tahimik naman kaya hindi nakapagtatakang Nawala na lang sa isip ni Gabriel ang tungkol sa nangyari, hanggang sa nitong mga nakalipas na buwan. Nababanggit na naman niya ang tungkol sa bagay na ‘yan. Inamin niya sa akin na hindi umano siya pinatahimik ng konsensya niya dahil sa nagawa niya sa kay Teresa. Naaawa umano siya at binabagabag nang husto dahil alam niyang kasalan niya hindi natapos ni Teresa ang kolehiyo dahil sa kanya. Naiisip niya rin kung ano ang naging buhay nilang mag-ina lalo na kapag may nakikita siya umanong isang ina at anak na babae. Labis ang pagsisi niya sa kan’yang sarili dahil sa nagawang pagkakamali sa isang gabing naganap. Isang gabi na malaking dahilan ng pagbabago sa buhay ng isang dalaga na nangarap matupad ang isang pangarap pero nasira ang lahat dahil sa isang malaking pagkakamali na walang ibang sisihin kung hindi siya,” dugtong niya.
Nabato ako matapos mairinig ang buong kwento. Sana pala pinakinggan kong matapos sa pagkukwento si daddy, hindi sana naging ganoon. Ngayon napatunayan kong kasalan ko ang lahat kung nangyari iyon kay daddy.
“Kasalan ko, wala nang ibang masisi kung hindi ako! Ako ang pumatay kay daddy! Sana hindi ako nagpadala sa galit ko. Sana pala hinayaan ko siyang tapusin ang pagkukwento niya. Sana hindi ko siya hinusgahan agad. Ang bobo ko! Ang bobo-bobo ko! Paano ko nagawa ang bagay na ‘yon. Dapat naging malawaka ang pang-unawa ko dahil daddy ko siya at dapat nag-isip ako ng mabuti dahil kilala ko siya dahil ama ko siya, pero hindi ko nagawa ‘yon dahil naging makasarili ako at naging mapanghusga ako sa kan’ya. Dahil sa pagiging makasarili ko, Nawala ang daddy at ngayon pati si mommy naging miserable ang buhay. Hindi ko alam kung ano ang dapat gawin, walang kapatawaran ang mga ginawa ko.”
Hindi ako nakapagsalita dahil para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig napahiya ako at hindi ko kan’yang aminin ‘yon sa harapan nila. Alam kong nahahalata nila ngayon sa mukha ko ang pagkagulat kaya siguro hinayaan lang nila akong manahimik at patuloy sa pag-inom. Kaya nang maubos ang isang bote nag-utos ako kay Meynard na padagdagan dahil gusto kong malasing. Hindi ko matanggap ang mga nagawa kong pagkakamali. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon hindi ko masabi kung anu-ano ang mga ito dahil para itong kable ng kuryente na nakalambitin sa ire na nagkanda-buhol-buhol sa dami mahirap maintindihan at mahirap maayos sa sobrang gulo.
“Base po sa kwento niyo sir, napaimbestigahan niyo na po noon si Teresa, ibig po bang sabihin eh, alam niyo po ang buo niyang pangalan. Dahil halata pong mahihirapan akong mahanap ang isang tao kung pangalan lang ang pagbabasehan ko hindi ho ba?” tanong ng imbestigador kay tito habang ako patuloy lang sa pag-iinom na para bang wala akong pakialam sa pinag-uusapan nila na kung tutuusin ako ang may pakana kung bakit kami nandito ngayon. Pero dahil wala akong masabi at mas naramdaman ko ang sakit, konsensya at iba pang pakiramdam na mahirap isatinig kaya minabuti ko na lang tumahimik at magpatuloy sa pag-iinom baka sakali magmanhid ang buo kong katawan. Para pansamantala kong malimutan ang iba’t-ibang pangit na pakiamdam na naghahari ngayon sa aking sarili.
“Ah, oo. Ang buong pangalan niya ay Teresa Alonzo,” agad naman sagot ni tito.
Napansin kong kanina pa may sinusulat ang imbestigador sa kanyang notepad. “Ah, siguro ‘yan ‘yong mga information na kakailanganin niya para sa paghahanap sa mag-ina,” nasabi ko sa isip ko.
Marami pang sumunod na mga katanungan ang maluwag naman sa loob ni tito ang mga sagot. May iilang tanong ding naisatinig si Meynard sa pakikisali niya sa usapan. Tanging ako lang ang nanatiling tahimik at patuloy nakikinig pero inaamin kong hindi lahat ng pinag-usapan nila ay nasundan ko. Dahil habang nakikinig ako maraming bumabagabag sa isipan ko. Kaya parang wala rin ako sa harapan nila kasi hindi sa kanila natuon ang utak ko, mas lalong nagpahirap sa akin para maintindihan ang mga bagay.
Hindi ko na namalayan kung oras ang inilagi namin doon dahil sa wala nga akong pakialam sa paligid at sa mga kasama ko dahil lunod na lunod na ako sa dami ng gumugulo sa isip ko. Nagulat na lang ako nang marinig kong nagkapaalaman na sila at saka tinapik ako ni Meynard.
“Kuya?” nag-alala niyang tanong.
“Ah, sorry I spaced out.”
“Kanina ka pa wala sa sarili habang nag-uusap pero hinayaan lang kita kasi naintindihan kong nagugulat ka sa mga nalaman ngayon,” saka napansin kong nagkatinginan sila ni tito. Kaming tatlo na lang pala, hindi ko man lang napansin na umalis na ang taong iyon.
“Hijo. Alam kong nahirapan kang matanggap ang lahat nang nalaman mo ngayon. Pasensya na kailangan kong balikan ang nakaraan dahil ‘yon lang ang paraan para makatulong ako sa gagawing imbestigasyon,” malungkot na sabi ni tito.
“Ah, sorry po. Wala po kayong dapat ihingi ng paumanhin ako po ang dapat humingi ng paumanhin sa inyo dahil sa inasal ko habang abala kayo sa discussion para paghahanap sa kanila.”
“Naintindihan kita, wala ka ring dapat ihingi ng pasensya. At alam kong hindi ang lahat nang ito para sa’yo. Lalo na iniisip mo rin ang magiging reaksyon ng mommy kapag makarating ito sa kan’ya. Huwag kang mag-alala hijo gagawin ko ang lahat para matulungan ka alang-alang sa pagkakaibigan namin ni Gabriel. Para sa ikakapanatag ng kanyang kaluluwa dahil hindi niya nagawa ang mga bagay na ito noong nabubuhay pa siya,” pagpapaintindi niya sa akin.
“Maraming Salamat po tito. Nag-alala lang din talaga ako kay mommy lalo na sa kalagayan niya ngayon mula nang mawala si daddy. Naging pabaya na po si mommy sa kanyang sarili, mas gusto niyang magkulong na lang sa opisina ni daddy sa bahay at ang malala pa araw-araw naglalasing. Hindi ko naman po mapuntahan araw-araw dahil abala din po ako sa trabaho lalo na’t may malaking project kaming ginagawa ngayon. Malayo rin po kung sa bahay ako uuwi araw-araw, hindi na po kayanin ng oras ko, mauubos po sa oras ng byahe kung ganoon,” hindi ko na mapigilan ang sarili kong mabanggit ang bagay na ‘yon tungkol kay mommy.
“Hayaan mo hijo papasyalan namin siya sa bahay ninyo one of these days. Para kahit papaano may makaka-usap siya,” pampalubag loob niya sa akin.
“Pumupunta rin naman po minsan sa isang linggo ang sila tita Beth at tito Manuel doon para dalawin siya pero hindi po siya nakaka-usap ng maayos kasi umiiyak lang daw siya kapag nakikita si tito Manuel,” pagkwento ko.
“Naawa na nga po ako kay Carla dahil mula nang nailibing si daddy hindi na siya nakauwi sa kanila dahil natatakot siyang iwanan si mommy. Nandoon lang siya lagi sa malapit kahit hindi siya kinakausap ni mommy,” dugtong ko.
“Naging saksi ako sa naging pagmamahalan ng mga magulang mo mula noon gaming kabataan. Marami ang naiinggit sa kanilang dalawa at marami rin ang nagsasabi na sila ang konkretong halimbawa ng perpektong relasyon. May mga bagay mang hindi sila napagkakasunduan pero agad naman nila itong naayos. Pero kahit kailan wala silang naging problema tungkol sa pangangaliwa dahil pareho silang tutok sa isa’t-isa. Kaya hindi na ako nagtataka noong niyaya ng daddy mo ang mommy na magpakasal matapos kaming nakapagtapos ng kolehiyo. Kahit nagalit ang lolo mo noong una dahil wala pa silang napapatunayan pareho, pero wala rin silang nagawa kung hindi ang suportahan na lang ang daddy mo dahil baka magtanan pa ito umano,” natatawa niyang kwento sa amin ni Meynard tungkol sa nakaraan.
“Kaya ngayon hindi na rin ako magtataka kung bakit gan’yan na lang ang inasta ni Barbara mula nang mawala si Gabriel. Ang daddy mo ang naging unang kasintahan ng mommy mo at ganoon din ang daddy mo at hindi na sila mapaghiwalay mula ng araw na naging magkasintahan sila hanggang nag-asawa at mas lalo silang naging pulido ang kanilang pagsasam nang dumating ka sa buhay nila makalipas ang ilang buwan mula nang sila ay ikinasal.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (21)

  • avatar
    Jhuvan Halili

    please diyas lang lang iskin lang po

    16/08

      0
  • avatar
    CalumbaJhenyveth

    i like it's

    27/08/2023

      0
  • avatar
    Jaymark Reyno

    thank you

    17/08/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด