logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 4

Nakita ko ang malaking pagkagulat sa mukha nit ito Rick. Pero malakas ang pakiramdam ko may alam siya sa pangyayari iyan.
“Tito?”
Malalim ang hinugot niyang paghinga saka narinig kong nilinaw niya ang lalamunan na parang bang may nakabara.
“Sa tingin ko hindi ito magandang pag-usapan natin ngayon lalo na sa nangyari sa daddy mo. Saka na tayo mag-usap tungkol dito pagkatapos na nating maayos ang para sa ama mo. Sa totoo lang alam ko nang ako ang tatanungin mo sa bagay na ito. Kaya maasahan mo akong sasabihin sa’yo ang kung sa ano lang ang nalalaman ko.”
Kahit hindi niya direktang sinabi ang gusto kong marinig mula sa kan’ya ay bahagya akong nakampate dahil alam kong hindi ako bibiguin ni tito Rick. Alam kong mas nagsasabi si daddy sa kanya kompara sa kapatid niyang sit ito Manuel.
Makalipas ang ilang sandali narinig kong sinabi ni Meynard na nakarating na si mommy at Carla pero agad din itong dumeritso sa pagpasok sa loob ng tanggapan ng Heritage, kaya hindi na kami nagkita. Mas dumami na rin ang mga dumating para maiparating at maipadama sa aming pamilya ang kanilang pakikiramay.
“Nard, umuwi ka na muna para makapagpahinga ka. Magkita na lang tayo bukas sa condo.”
Nang makita ko siyang nilalabanan ang antok habang naka-upo sa isang gilid. Alam ko kasing pagod na pagod siya sa buong maghapon dahil sa dami ng kaniyang inasikaso, mula sa opisina, sa hospital at maging dito sa Heritage.
“Dalhin mo na ang kotse ko. Ingat sa pagmamaneho. Huwag mo na akong alalahanin magpapahatid na lang ako mamaya sa driver ni mommy sa condo,” pagpapatuloy ko. Inunahan ko nang sabihin sa kanya dahil alam kong ‘yon ang kasunod dahil kilala ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango at tuluyang naglakad palabas pagkatayo niya.
“Tito, hindi po ba kayo uuwi muna ni tita?” tanong ko naman kay tito Manuel nang maabutan kong nakatitig sa malaking pitcture ni daddy na inaayos ng mga staff ng Heritage Park, katabi sa kabaong ni daddy na kakalagay lang din nila,” hatinggabi na pero marami pa rin ang tao dahil naghihintay na matapos ang pag-aayos kay daddy para masilayan nila.
“Maya-maya na. Okay lang naman ako. Saka marami pang tao,” mahina niyang sagot sa akin saka bumuntong hininga.
Dahan-dahan akong umupo sa tabi ni tito at saka pinapanood ko na rin ang mga taong abala sa pag-aayos ng picture at mga bulaklak para kay daddy. Maya’t-maya hindi na ako nagtakang may mga mangilan-ngilan nang nagsilapitan para dumungaw sa kabaong ni daddy, habang ako at si tito nanatiling naka-upo at tahimik na nakatingin lang sa mga taong nasa harapan namin.
Naramdaman kong tinapik nit ito ang kanang hita ko at pinisil saka ko siya tiningnan para malaman ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Tinanguhan niya ako saka tumingin sa bandang kaliwa namin. Saka ko lang naintindihan ang ibig niyang sabihin nang makita ko si mommy yakap-yakap ni Tita Beth ang asawa ni tito Manuel. Agad akong tumayo at nilapitan si mommy at si tita Beth.
“Mom,” sambit ko. Agad naman niya akong sinilip habang yakap pa rin si tita Beth, nang masiguradong niyang nasa malapit lang ako at tinanguhan ko siya humiwalay siya sa pagkakayakap kay tita at lumipat sa akin.
Narinig kong mas lumakas ang paghikbi ni mommy nang kami na ang magkayakap na mag-ina.
“Shhh… tama na mom. Kailangan mo nang magpahinga muna. Hindi matutuwa si daddy na makita kang gan’yan, ayaw na ayaw pa naman niya na pinapabayaan mo ang sarili mo,” pag-alo ko sa kan’ya.
Naramdaman ko lang ang pag-iling niya habang magkayakap pa rin kami.
“Mom, hindi nakakabuti sa inyo ang ginagawa mo sa sarili mo. Alam kong nasasaktan ka sa pagkawala ni daddy, ako rin naman mom pero kailangan natin magpakatatag. Dahil hindi magugustuhan ni daddy na hindi natin alagaan ang mga sarili natin, lalo ka na mom,” pagpapatuloy ko habang dahan-dahan kong hinahaplos ang likuran niya.
Hindi ko alam kung paano ko nasabi ang mga salitang iyon habang ako mismo sa sarili ko hindi ko pa rin tanggap ang mga nangyari. Lalo na hindi naging maganda ang huling pag-uusap namin ni daddy. Ang daming gumugulo sa isipan ko pero pilit kong isinantabi ang iba dahil baka masiraan ako ng bait. Nand’yan pa si mommy na hindi ko p’wedeng pabayaan.
Mabilis lumipas ang mga araw, nasa simbahan kami ngayon para sa mass na gaganapin bago namin ihatid si daddy sa huling hantungan niya. Maraming tao ang dumalo para makiramay mga kaibigan nila daddy at mommy at ng pamilya namin sa loob at labas ng industriya. Nakarating na din ang isang kapatid nila daddy at tito Manuel noong nakaraang dalawang gabi pero mag-isa lang ito dahil sa nahirapan silang makakuha ng agarang flight papauwi. Siya si tito Greg, siya ang bunso sa kanilang tatlong magkakapatid. May dalawa siyang anak na may sariling pamilya na rin at doon na rin sa US nakatira pero magka-iba lang sila ng state.
Nang matapos ang mass na ginanap para sa mga labi ni daddy naglakad lang kami papunta sa mausoleum ng mga lola at lola ko, magulang nila daddy dahil doon din ililibing. Malapit lang naman kasi ang chapel na pinagdaraosan ng misa sa hahatiran namin sa kanya. Nakaakbay ako kay mommy habang naglalakad kami. Nakapurong putting dress si mommy habang ako naka-itim na jeans saka puting buttons down polo na tinupi ko ng three-forth sleeve kanina nang nainitan ako bago pa magsimula ang misa. Nakaputing button down polo sila tito Manuel at tito Greg, si tita Beth naman ay nakapalda ng itim at nakaputing blouse. Kasamang dumalo ni Meynard ang kan’yang pamilya na dating naninilbihan sa aming pamilya, ang nanay niya na si yaya Soleng at si Mang Carding na dating driver ni daddy pero huminto na ito sa pagmamaneho dahil sa sakit na rayuma. Si yaya Soleng naman ay tumigil na din noong nakapagtapos na ako sa kolehiyo at bumukod na ng sariling tirahan ko, sa condo.
Nasa tabi kabilang gilid ni mommy si Carla na hindi iniwan si mommy mula noong gabi sa hospital hanggang nagyon, siya ang kasa-kasama ni mommy, nakiramay din ang pamilya niya sa amin. Hindi rin pumalya sa pagpunta si Alice kasama ng kan’yang pamilya. Sa daming tao hindi ko na nalapitan at naka-usap ang lahat, pero nakapagpasalamat na ako sa lahat ng mga nakiramay sa amin sa nakaraang gabi nang mag-alay kami ng eulogy para kay daddy. At syempre sila tito Rick at ang kanyang pamilya ay walang mintis din ang pagpunta gabi-gabi para samahan kami ni mommy. Pero hindi na uli kami nagkaroon pa ng pagkakataon nit ito na magka-usap at kung mayroon man mas pinili kong huwag muna bigyang pansin ang tungkol sa bagay na iyon. Tulad nga ng sabi niya sa akin noong gabing nagka-usap kami saka na namin pag-uusapan kapag natapos na naming maisaayos si daddy sa kanyang huling hantungan. Dumating din ang iilang sa mga kaibigan ko mula sa high school at maging sa college pati na ang mga katrabaho ko.
Nang makarating kami sa labas ng mausoleum hindi muna ipinasok si daddy pansamantala siyang nilagay sa stand para sa gusting sumilip sa huling pagkakataon. May tent na nilagay para makasilong ang iilang sa amin at may mga plastic na upuan kaharap ng pinagpatungan ng kan’yang kabaong. Dahil wala nang makakapasok bukod sa pamilya namin kapag ipinasok na siya sa mausoleum. Nakayuko pagkaupo namin ipinatong ko ang dalawang siko ko sa aking mga hita, at nakalagay ang dalawang kamay ko sa mukha ko matapos kami nakaupo nila mommy kasama ng iba pa. Pinapagitanaan pa rin namin siya ni Carla, walang hinto sa paghikbi si mommy mula kanina habang nagmimisa. Kaya hindi ko nakikita kung sino ang mga taong lumalapit sa kabaong ni daddy para dumungaw sa kanya sa huling pagkakataon.
“Kuya,” rinig kong mahinang bulong sa akin ni Meynard na nasa tabi ko pala nakaupo.
“Huh?” nilingon ko siya pero nakayuko pa rin ako.
“Narito pala ang babaeng nahagip mo, nakiramay rin Nakita ko siya kanina pero hindi siya lumapit,” bulong niya pa rin sa akin.
“Talaga? Okay na ba siya? Hindi ko pa siya nakausap uli mula noong gabing hinatid ko siya sa hospital. Baka may kailangan kaya pumunta, kausapin mo mamaya, ‘ka mo sa kan’ya pasensya na kung hindi ko na siya nabalikan doon. Tanungin mo na lang din kung ano pa ang kailangan niya at huwag kang mag-alangan na ibigay kapag may kinalaman sa mga gamot niya at iba pang pangangailangan kasi ilang araw siyang naabala sa nangyari sa kan’ya, na alam kong kasalanan ko ‘yon,” mahaba kong paliwanag sa kanya habang nagbubulungan pa rin kami.
“Sige kuya, lapitan ko siya mamaya kapag nakapasok na kayo sa loob ng mausoleum,” aniya.
Bumalik ako sa dating posisyon kong nilagay ang dalawang kamay ko sa mukha ko habang nakayuko. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa totoo lang, ilang gabi ko ng nararamdaman ang ganitong pakiramdam. Gusto kong sumigaw dahil ang sikip ng dibdib ko pero hindi ko magawa. Gustong umiyak pero hindi ko mailabas nahihirapan na ako. Hindi rin ako makatulog mula noong gabing naghihintay kaming maayos ang mga labi ni daddy. Umuuwi lang ako sa condo para maligo at magbihis dahil noong una, sinubukan kong matulog pero imbis na dalawin na antok, maliwanag kong nakikita ang naging eksena noong magtalo kami ni daddy.
Tahimik akong humingi ng tawad kay daddy dahil doon sa mga nabitawan kong salita sa kan’ya, kahit alam kong huli na ang lahat pero ginawa ko pa rin baka sakaling mabawasan ang bigat na dinadala ko. Pero hindi pa rin ganoon pa rin kaya hindi ako mapakali, wala akong mapagsabihan. Hindi ko pa nasasabi kay Meynard dahil marami siyang ginawa nitong mga nakaraang araw para sa akin dahil hindi ako pumasok sa trabaho kaya siya ang gumawa karamihan na dapat ako ang gumawa.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nanatiling ganoon ang posisyon. Naramdaman ko na lang nang may tumapik sa balikat ko kaya naputol ang lahat nang iniisip ko at napabalik ako sa kasalukuyan.
“Let’s go,” bigla akong napatingala para tignan ang harapan ko, roon ko lang napansin na wala na pala ang kabaong ni daddy na nakalagay doon kanina. Dahan-dahan akong tumayo kasama si Tito Manuel na inalalayan ako. Inaakbayan niya ko habang naglalakad kami papasok ng mausoleum, may marami pang tao pero nakakalat sila sa labas ng mausoleum dahil tanging kaming kapamilya na lang ang pwedeng pumasok sa loob.
“Tito, parang hindi ko kayang pumasok,” nag-aalangang sabi ko sa kanya.
“Don’t worry son, I’m here with you,” pag-alo niya sa akin.
“I can’t tito. I’m sorry. Kayo na po ang bahala kay mommy sa loob,” akma akong aatras nang hawakan niya ako sa aking mga balikat at pinaharap ako sa kan’ya.
“Miggy, kailangan mong harapin ang katotohanan para matanggap mo. Ito ang pinaka-unang hakbang na kailangan mong gawin para makausad ka. Alam ko at naintindihan kong labis kang nasasaktan pero hindi mo p’wedeng hindi harapin ang mga nakatakda na at hindi natin kontrolado ang mga nagaganap sa mga buhay natin,” mahinang sabi niya na sapat lang para sa aming dalawa na magkakaintidihan kami sa aming pag-uusap.
“Mas lalo ka lang mahihirapan kapag ngayon pa lang hindi mo haharapin ito. Kailangan mong maintindihan na may dahilan ang lahat kung bakit kailangan mangyari ito ngayon lahat. Oo, naintidihan kong lahat tayo nagulat sa biglang paglisan ni Gabriel, hindi tayo handa lahat. Pero kung iisipin nating maigi walang kahit sino man sa atin ang nakakaalam kung hanggang kailan tayo manantiling kasama ang mga mahal natin sa buhay dito sa mundong ibabaw,” pagpapatuloy niya.
“Miggy, tandan mo hindi lang ikaw ang iniwan ng isang ama. Mayroon pa nga diyan na mas bata pa sa’yo. Maswerte ka pa rin kasi nagkaroon ka ng pagkakataon na makasama mo siya kahit hindi ganoon ka tagal. Maniwala ka sa akin, kailangan nating makita siya sa huling pagkakataon, at ang oras na ipapasok na siya sa kanyang huling hantungan, para maintindihan ng ating mga isipan na ‘yon na ang huli pero hinding-hindi siya mawawala sa ating mga puso at isipan, manantili siyang mahal natin ang baon-baon natin ang mga alala na kanyang iniwan sa bawat isa sa atin,” saka niya ako inakbayang muli ang iginiya papasok sa mausoleum at hindi na niya ako hinayaan pang makapagsalita.
Naging mas madamdamin ang mga kaganapan sa loob dahil nangibabaw ang iyakan, lalo na ang iyak ni mommy na ngayo’y nakayakap kay tita Beth. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makaiyak kahit ang daming kong naririnig na mas maiging iiyak ko raw pero wala talaga.
Sa totoo lang napakabigat ng nararamdaman ko pero hindi ko alam kung paano ilabas. Hindi pa ulit ako nakaiyak mula noong sa hospital at hindi na naulit iyon. Makalipas ang ilang minuto, tuluyan nang ipinasok ang kabaong ni daddy sa loob ng pantyon sa loob ng mausoleum. Nanatili si tito Manuel sa tabi mula kanina pagkapasok namin hanggang sa sabay kaming sumilip sa kabaong ni daddy at maging hanggang ngayon na sinisemento na ang pagsasara ng pantyon ni daddy magkatabi kaming naka-upo. Habang si mommy naman at tita Beth ang magkatabing nakaupo na nakayakap pa rin si mommy kay tita Beth.
Alam kong nasa labas pa sila Meynard at Carla dahil hindi ko pa sila namataan dito sa loob. Mga malalapit na kamag-anak ang kasama namin dito sa loob ng mausoleum maging ang pinakamalapit na kaibigan ni daddy na si tito Rick ay nasa labas. Para mabigyan ng pagkakataon ang pamilya namin na kami lang pamilya ni daddy ang makakasama niya bago siya tuluyang ipasok sa kanyang pinakahuling hantungan.
Makalipas ang ilang sandali, unti-unti nang nagsi-uwian ang mga mga taong dumalo. Pero may mangilan-ngilan pang naiwan lalo na ang mga kamag-anak namin at iilang malalapit na kaibigan. Papatayo ako sa kanina ko pa inuupuan katabi si tito Manuel nang mapatingin ako sa labas. Namataan kong abala si Carla sa kan’yang kausap sa cellphone na nakatayo malapit lang sa pintuan ng mausoleum. Nang matanaw ko naman ang medyo hindi naman kalayuan Nakita ko si Meynard na may kausap na isang babae, seryoso silang nag-uusap pero hindi ko makita ang mukha ng babae dahil nakatalikod ito mula sa akin.
Nakita ko sit ito Rick na naglalakad papunta sa kinaroroonan namin kasama ang kan’yang asawa.
“Hijo,” sambit niya nang makitang nakatingin ako sa kanila habang papalapit sila. Agad naman akong tumayo para salubungin silang mag-asawa.
“Tito, tita, maraming Salamat po sa pagpunta ninyo.”
“Walang anuman iyong hijo. Maliit na bagay lang iyan kompara sa mga pinagsamahan namin ng daddy mo,” paliwanag nit ito sa akin. Habang tahimik akong niyakap ni tita at tinapik ang likod ko, paglatapos ay iniwan niya kami ni tito na nag-uusap saka pumunta naman siya kay mommy na nakatulalang nakatitig sa puntod ng daddy.
“Tito,” sambit ko. Hindi na niya ako pinatapos pa sa sasabihin ko at agad na siyang nagsalita.
“Tawagan mo lang ako kung kailan tayo pwedeng mag-usap. Nandito lang ako handa akong tulungan ka kung anuman ang kailangan mo, basta ba kaya ko.”
“Salamat po.”
“Hindi na kami magtatagal ni Elena dahil may pupuntahan pa kami,” pagpapaalam niya. Tumango lang ako sa kanya at saka iniwan niya ako para pumunta kay mommy.
Habang nakatayo ako kung saan ako iniwan ni tito, naaninag kong ang babaeng nahagip ko pala ang kausap ni Meynard dahil medyo nakatagilid na siya ngayon kaya namukhaan ko siya. Nagkalakad ako papunta sa kanila nang makita ko siyang naglakad na papaalis, medyo ilang metro ang distansiya kaya alam kong hindi ko na siya maabutan pa dahil nagmamadali siyang naglakad.
Nang makalapit ako kay Meynard.
“Kuya, si Nimfa ‘yong kausap ko ipinaparating sa inyo ang pakikiramaya niya at malaking pasasalamat niya sa ginawa niyong tulong sa kanya sa pagpapagamot,” balita niya sa akin.
“Oo nga, kaya nga ako naglakad papunta rito para makausap ko siya pero hindi ko na siya naabutan, nakita kong nagmamadali siyang umalis.”
“Dahil tumawag raw ang anak niya at hinahanap siya kasi hindi raw siya nagsabi na aalis,” paliwanag niya.
“Ah, okay.”
“Nga pala, hindi ko alam kung kaya ko na bang bumalik sa trabaho bukas,” nag-aalangan kong sabi.
“Kuya, naintindihan ka naman ng management. Huwag ka na po munang pumasok ako na lang po munang bahala sa mga gagawin tatawagan na lang kita o pupunta ako sa’yo pagkatapos ko sa opisina para maireport ko sa’yo. Kailangan mo munang magpahinga, nangangalong-mata ka na. Alam kong kulang na kulang ka sa tulog nitong mga nakaraang araw,” paliwanag niya.
“Eh, magulo ang utak ko, hirap din akong makatulog. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa ngayon kung saan o paano ako magsimula sa mga dapat kong gawin,” napatingala ako sa langit pagkatapos kong sabihin iyon at saka napabuntong hininga ng malalim.
“Kuya, walang problema na walang solusyon. At walang problema na hindi mo malalampasan. Kilala kita kuya, alam kong makakaya mo ang lahat nang mga iyan. Nandito lang ako sabihan mo lang ako kung ano ang maitutulong ko lagi akong handa matulungan lang kita. Alam mo naman na ikaw lang ang kuya kong maituturing di ba?” pagpapagaan niya sa loob ko.
“Hindi ko alam, Nard? Sa ngayon ang bigat-bigat ng dinadala ko magkahalong konsensiya, panghihinayang, sakit, takot at nagagalit din ako sa sarili ko. Dahil hindi ko nagawang pakinggan ng maigi si daddy, nagpalamon ako sa emosyon ko sa mga oras na iyon,” nanlulumo kong sabi.
“Sa tingin ko naman, hindi naman nagalit o nagtampo sa inyo si sir G. Alam ko pong malawak ang pang-unawa niya, kaya alam kong naintindihan niya kung bakit ganoon na lang ang naging reaksyon ninyo,” pampalubag loob niya.
“Kahit na alam ko pa ring nasaktan ko siya dahil doon sa mga sinabi ko, at alam kong hinding-hindi ko na mababawi ang mga iyon. Kaya labis ang panghihinayang ko kasi hindi ko alam na iyon na pala ang huli naming pag-uusap tapos ganoon pa ang marinig niya sa akin,” napabuga ako ng malaking hangin pagkatapos kong magsalita.
“Mabuti na nga lang nandiyan ka na nakaka-usap ko tungkol sa mga bagay na ito. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala ka Nard. Kasi alam mo naman na sa’yo lang ako nakapagsasabi ng niloloob ko. Lalo na sa bagay na ito hindi alam ni mommy ang totoong nangyari bago ang nangyari kay daddy,” pagpapatuloy ko habang nakatitig sa malayo habang nakatalikod ako sa mausoleum, kaya hindi ko alam kung sinu-sino pa ang mga naririto na mga dumalo sa libing ng ama ko.
“Natatakot akoong malaman ni mommy ang tungkol sa huling napag-usapan namin ni daddy. Hindi ko alam kung ano ang maging reaksyon niya. Alam ko sa ngayon sobrang nahihirapan si mommy, kaya hindi ako masyadong naglalapit sa kanya lately kasi mas lalo akong nakokonsiyensya, eh. Sana lang hindi makakarating sa kanya ang plano kong ipapahanap ang anak ni daddy kahit masakit sa akin ay gagawin ko dahil ‘yon ang gusto niyang gawin.”
“Sa tingin mo kuya, posibleng mahanap mo sila sa pamamagitan ng card na iyon. Ay, oo nga pala nasa akin na iyon tinago ko. Buti naabutan ko pa ‘nong pagpunta ko kasi hindi pa naliligpit ang mga bobog dahil naging abala sila kay sir G, kaya makasisiguro kang wala nakapansin na pumasok ako roon para kunin ang card na iyon. Pagdating ko kasi roon nasa baba ang halos lahat ng mga empleyado kaya pag-akyat ko walang nakapansin sa akin,” pagkwento niya dahil inutusan ko siyang pumunta sa opisina ni daddy ‘noong nagkausap kami bago ko siya tuluyang iniwan sa hospital pagkatapos niya makatanggap ng tawag mula kay Carla noong gabing nasa hospital din kami para doon sa babaeng nahagip ng sasakyan ko.
“Salamat kung ganoon. Siguraduhin mong walang ibang makakakita niyan at walang ibang makakaalam kung hindi tayo lang. Ayaw kong makarating lalong-lalo na kay mommy. Darating ang tamang oras na sasabihin ko kay mommy ang lahat ng ito pero sa ngayon kailangan ko munang gawin ang dapat kong gawin para kay daddy.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (21)

  • avatar
    Jhuvan Halili

    please diyas lang lang iskin lang po

    16/08

      0
  • avatar
    CalumbaJhenyveth

    i like it's

    27/08/2023

      0
  • avatar
    Jaymark Reyno

    thank you

    17/08/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด