logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 2

P.S.
It's a baby girl, I named her after our names, Gabriella Therese.
Always,
Teresa
P.S.
It's a baby girl, I named her after our names, Gabriella Therese.
Always,
Teresa
P.S.
It's a baby girl, I named her after our names, Gabriella Therese.
Always,
Teresa
P.S.
It's a baby girl, I named her after our names, Gabriella Therese.
Always,
Teresa
P.S.
It's a baby girl, I named her after our names, Gabriella Therese.
Always,
Teresa
Paulit-ulit na umuukit sa isip ko nang maka-ilang ulit ang mga salitang iyon. Simpleng salita pero parang nahihirapan ang utak ko na maintindihan gayong kung tutuosin hindi naman ito nakasulat sa ibang lengguwahe. O, sadyang ang utak ko ang may problema, dahil alam niyang kahit maintindihan ko pa pero hindi ito matatanggap ng aking puso at isip. Natulala ako hindi ko alam kung ano ang dapat gawin at kung ano ang dapat kong maging reaksyon.
Nasa ganoon akong estado nang marinig ko ang pinto na bumukas at may yabag na pumasok saka narinig kong tumunog uli ang pinto hudyat ng pagsara nito.
“Miggy?” dinig kong sambit ni daddy, habang ako nakatitig pa rin sa card na kanina ko pa hawak ng kamay kong hindi ko napansin na nanginginig na pala ang mga ito.
Hindi ako nakakibo pero napaangat ang tingin ko sa kan’ya mula sa pagkatitig ko sa card. Pareho kami nang naging reaksyon ni daddy, gulat. Halatang pati siya ay nagulat sa nakitang hawak-hawak ko ang card na alam kong pinagkatago-tago niya, pero hindi ko lang alam kung kailan pa kasi walang nakasulat na petsa sa naturang card. Hindi ako sigurado kung nakalimutang lagyan o sinadyang hindi lagyan ng petsa.
“Miggy, let me explain,” pagpapatuloy ni daddy dahil alam kong alam na niya ang sekreto niya.
“Kailan pa ito dad? Paano mo nagawa sa amin ni mommy ito?” salitang lumabas sa bibig ko matapos ang ilang minutong pagkatulala ko.
“Iyan nga ang dahilan kung bakit kita pinapunta dito, kailangan nating pag-usapan ang bagay na ‘yan,” pagpapaliwanag niya.
Ang akala ko idedeny niya pero hindi ko akalain na ito pala ang dahilan nang pagpunta ko dito. Anong ibig niyang sabihin? Ang sikip ng dibdib ko ang sakit-sakit, alam kong naluluha na ang mga mata ko sa puntong ito dahil nag-uumpisa nang nanlalabo ang paningin ko.
“Dad?” tanging nasambit ko. Nakita kong naglalakad papalapit sa akin si daddy.
“Miggy, hindi ko intensyon na gawin ito sa inyo ng mommy mo. Inaamin ko isang itong malaking mali, isang gabi ng pagkakamali na kahit kailan hindi ko na inulit at wala akong balak na ulitin pa,” ramdam kong puno ng pagsisisi ang boses niya pero hindi ko kayang tanggapin ang mga sinabi niya. Buong akala ko maayos sila ni mommy sa kanilang relasyon at ang aming pamilya kaya malayong magawa niya ito sa amin. Pero napakalaking kong tanga dahil kailanman hindi ito sumagi sa isip ko. Malaki ang respeto ko sa kan’ya at aaminin ko siya ang idolo ko sa lahat ng bagay.
“P-Pero bakit? B-Bakit dad? B-Bakit may ganito? A-Anong nangyari?” sunod-sunod kong tanong. Nararamdaman kong unti-unti nang napapalitan ang pagkalito ko kanina ng namumuong galit ngayon sa akin.
“Dalawang taon ang nakalipas mula nang ipinanganak ka ng mommy mo. May malaking project kami noon na entry para sa Manila Film Festival kaya abala kami pareho. Madalas hindi umuuwi si Barbara dahil nasa location sila nagsho-shooting. Ako naman may ibang mahalagang bagay din na inaasikaso dito sa Manila. Minsan lang kami nagkikita ng mommy mo. Dumalo ako ng isang pagtitipon ng mga producers noong gabing iyon dahil may importanteng pinag-usapan ang association para sa gaganaping Film Festival. Nagka-inuman pagkatapos ng gabi ng pagtitipong iyon, nagkayayaan ang iilan sa amin na pumunta sa bar para doon ipagpatuloy pag-iinuman. Lasing na lasing na ang karamihan sa amin noon dahil medyo naparami na ang nainom ang iba sa amin bago pa kami pumunta sa bar. Dahil marami ang nakakilala sa amin marami ang lumapit at nakipag-usap, mayroon ding nagpakilala. Doon ko nakilala si Teresa kasama siya sa grupo ng mga models na nandodoon din noong gabing iyon para magsaya dahil galing umano sila sa isang victory party para sa success ng show nila. Kami ang naging magka-usap habang magkatabi at sa hanggang nilamon kami ng init ng aming mga katawan. Pero hindi na kami nagkita pa ulit matapos ang gabing ‘yon at nawala na rin siya sa isip ko. Kaya hindi ko akalain nang matanggap ko ang card na iyan makalipas ang ilang buwan noong pagkatapos ng huling pagkikita namin. Sana mapatawad mo ako anak sa pagkakamaling nagawa ko sa inyo ng mommy mo. ’Yan ang dahilan na pinapunta kita dito para sabihin sa ’yo lahat dahil alam kong may karapatan kang malaman ang tungkol sa bagay na ‘yan. Patawad kung bakit ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para magsabi sa ’yo. Pero wala akong balak na hanapin ang babaeng ‘yan para iwan ko kayo ng mommy mo. Ipapahanap ko lang para sa kapatid mo. Dahil malaki ang pagkukulang ko sa kan’ya bilang ama. Matanda na ako, konti na lang ang ilalagi ko dito sa mundo. Alam kong
hindi ko na mababago pa ang tapos nang nangyari. Kaya naisipan kong gawin ang tama na dapat matagal ko nang ginawa,” mahabang kwento niya. Kitang-kita ko ang panlulumo niya habang punong-puno ng pagsisisi at lungkot ang kan’yang mga mata.
Kahit ganoon pa ang nakikita ko sa kan’yang mga mata hindi ako naawa sa kan’ya, nangingibabaw sa akin ang poot at galit dahil sa nagawa niya. Hindi ko matanggap na nagawa niya iyon sa amin ni mommy.
“Bakit? Kulang pa ba si mommy para magawa mo ang bagay na ‘yon? Hindi pa ba sapat ang mommy ko para sa ’yo? Wala kang kasing sama dad! Niloko mo kami ni mommy! Ang taas ang respeto ko sa inyo at alam mong idolo kita sa maraming bagay kaya hindi ko matanggap na nangyari ang mga bagay na ito!” sigaw ko sa kan’ya.
“Simula sa umagang nagising akong siya ang kasama ko sa kama pinagsisihan ko ang pagkakamali ko na ‘yon. Kaya nga hindi ko na inulit pa!” pagpapaliwanag niya habang papaiyak na rin tulad ko.
“Dapat lang magsisisi ka! At kahit pa nagsisisi ka hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa amin ni mommy, dahil pinaniwala mo kaming isa kang ulirang ama! Pero ang laking hangal ko dahil hindi pala totoo ‘yon! Ang totoo pala isa kang napakalaking sinungaling! Hindi mo inisip ng maigi bago mo ginawa ang bagay na ‘yon! Na ang isang gabing pagkakamali pwedeng sumira sa ilang taon niyong pagsasama ni mommy! Na ikasisira sa tiwala namin ni mommy sa ’yo!” bulyaw ko uli sa kan’ya. Wala na akong pakialam kung may makarinig man sa amin sa labas ng opisina ni daddy dahil sa pagsigaw ko.
Nagtangkang lumapit si daddy sa akin para mahawakan ako pero tinabig ang mga kamay niya kulang na lang suntukin ko siya dahil sa matinding galit ngayon na nararamdaman ko. At dahil hindi ko kayang manuntok sa kan’ya ang mesa niya ang pinagbuntungan ko ng galit ko imbis na sa kan’ya. Kaya nabasag ang salamin mesa niya matapos kong malakas na suntukin ang card na nakalapag sa mesang iyon. Pagkatapos biglang namanhid ang mga kamay ko patuloy sa pag-agos ang mga luha sa aking mga mata. Nakita kong nalukot ang card mula sa pagkakasuntok ko sa kanya habang nakalapag sa office table ni daddy. Pero wala akong pakialam kahit pa napunit ito. Nakita kong tiningnan ni daddy ang kamao ko na nakalapat pa sa card sa gitna ng basag na salamin niyang mesa, pero wala akong pakialam bagkus tiningnan ko siya ng may matinding galit na para bang kaya siyang durugin sa pamamagitan ng mga tingin ko sa kan’ya.
Nang akmang lalapitan niya ako ulit, agad kong iniwas ang kamay ko at tuluyan siyang iniwan mag-isa sa opisina niya. Masamang-masama ang loob ko habang naglalakad papaalis, wala akong pakialam kung gaano kalakas ang naging kalabog pagkasara ko ng pinto kan’yang opisina nang isinara ko ito. Ni hindi ko binigyang pansin ang mga bumati sa akin nang makita ako. Wala akong pakialam kung magtataka sila kung bakit hindi ko sila pinansin na madalas ko naman silang ngitian at kausapin. Dire-diretso lang akong naglakad papunta sa elevator at nang makita ko na may iilang nahihintay sa elevator mas pinili kong gumamit ng hagdan sa exit.
May nirinig akong tumatawag sa pangalan ko bago pa tuluyang nagsara ang pinto kaya dali-dali akong patakbong pababa sa hagdanan. Hindi ko alam kung paano ko narating ng mabilis ang parking lot ng building, hingal na hingal ako basang-basa ako ng pawis, kinakapos ng hangin at nanunuyo ang lalamunan ko. Napahawak ako sa tuhod ko habang nakasandal ang katawan ko sa malaking haligi.
Makalipas ang ilang minuto sa ganoong estado dahan-dahan akong tumayo at naglakad papunta sa kotse ko. Agad kong pina-andar at mabilis na nilisan ang lugar pagkaupo ko. Hindi ko alam kung saan ako papunta, naririnig kong tumutunog ang cellphone ko habang nasa loob ng bulsa ko. Pero hindi ko binigyang pansin bagkus patuloy ako sa pagmamaneho kahit hindi ko alam kung saan ako patungo. Unti-unti kong nararamdaman ang hapdi ng kanan kong kamay habang nakahawak sa manobela. Saka ko lang naalala na iyon pala ang ginamit ko kanina pagsuntok sa mesa ni daddy.
Panay pa rin ang tunog ng cellphone ko pero hindi ko pa rin pinansin kasi alam ko na kung sino ang tumatawag kaya mas mabuti pang ignorahin na lang kaysa sagutin ko ito. Wala rin namang magbabago kahit ilang beses ko pang paulit-ulit na sigawan si daddy tapos na niya kaming lokohin ni mommy. Saka ko biglang naalala ang mommy ko.
“Alam na kaya ni mommy ito? Nawala na rin kasi sa isip ko kanina ang tanungin siya kung nasabi na ba niya kay mommy ang lahat ng mga sinabi niya sa akin. Kung hindi pa, paano ko kaya sasabihin kay mommy ang tungkol sa bagay na ito? Alam kong ikakawasak niya ito, kaya hindi ko siguro muna sasabihin saka na lang kailangan ko munang pag-isipang mabuti bago ko sasabihin sa kan’ya. Anong gagawin ko? May kapatid pala ako? Matagal ko nang gusto magkaroon ng kapatid pero ngayong nalaman kong may kapatid ako hindi ko alam kung matutuwa ba ko o kamumuhian ko ba ang pagkakaroon ng kapatid?”
Lutang ang isip ko habang nagmamaneho kaya hindi ko alam na may babaeng tumatawid sa kalsada na nahagip ng sasakyan ko. Saka na lang bumalik ang katinuan ko nang makita kong may natumba sa harapan ko, mabuti na lang hindi mabilis ang takbo ko. Mabilis akong bumaba sa kotse para matulungan ang babae na nakikita kong pinagpagan ang sarili habang nakaupo.
“Pasensya na po. Saan po ba ang natamaan ko sa inyo? Dadalhin ko na po kayo sa hospital para matingnan po kayo,” agad kong sabi pagkalapit ko sa kanya.
“Okay lang ako. Bumagsak lang ako sa semento kaya masakit ang puwet ko. Ako ang dapat humingi ng pasensya kasi hindi ako mabilis maglakad mabigat kasi ang dala-dala ko kaya naabutan mo kong tumatawid pa,” sagot niya habang pinupulot niya ang laman ng malaking eco bag niyang bitbit kanina. Kahit may edad na siya litaw pa rin ang kagandahan niya. Matangkad siya at kitang-kita sa pagmumukha niya na hindi siya purong Filipino.
Tinulungan kong siyang pulutin ang mga dala niya nang madaanan ng mga mata ko ang sugat sa siko at mayroon din sa binti niya. Ako na ang kumuha ng dala niya saka inalalayan ko siyang tumayo papasok sa kotse.
“Hindi na okay lang naman ako, konting galos lang ang mga ito. Maabala pa kita at mapapagastos ka lang,” sabi niya habang binubuksan ko ang pinto para makapasok siya dahil hindi ako naniniwalang okay lang siya. Kinakabahan ako sa nangyari sa kan’ya kasi alam kong kasalanan ko, kailangan ko siyang dalhin sa hospital para matingnan. At kung kinakailangan maconfine, mas maigi para maobserbahan siya ng doctor at maalagaan siya ng mabuti.
“Sige na po. Mas maganda po kasing matingnan kayo para makasiguro po tayong maayos ang lagay ninyo. Huwag po kayong mag-alala sa gastos ako na po ang bahala, responsibilidad ko pong mapatingnan kayo sa doctor, maipagamot ang mga sugat niyo at bilhin ang mga kailangan niyong gamot.”
Mabuti na lang hindi na siya nakipagtalo at nanatili siyang tahimik habang inayos ko ang mga dala niya sa bandang likuran ng sasakyan. Nagmamadali na ako kasi padami nang padami ang mga sasakyang naantala dahil sa nangyari.
Dinala ko siya sa pinakamalapit na hospital, agad naman siyang inasikaso ng mga doctor nang makarating kami sa emergency room. Habang naghihintay sa labas ng emergency room, tinawagan ko si Maynard para ipaalam sa kan’ya ang nangyari at para na rin puntahan niya ako.
Minutes later, lumabas ang doctor at hinanap ang kasama ng pasyente kaya kusa ko nang nilapitan ang doctor para ako na ang kumausap saka ako nagpaliwanag sa kan’ya sa nangyari. Nalaman kong kailangan dumaan sa x-ray ang kamay at sa may balakang niya para masigurong matingnan ang kalagayan niya. Mas pabor ako sa ganoon para magamot siya ng maayos at para walang masabi ang pamilya niya na pinabayaan ko siya.
“No problem doc. Do whatever is needed for her medication, I’ll handle all the expenses,” ‘yon lang at agad bumalik ang doctor sa loob ng emergency para ipahanda ang pasyente para madala sa x-ray room. Hindi nagtagal agad kong nakitang nakaupo na ang babae sa wheel chair at itinutulak na siya ng nurse papunta sa x-ray room. Nanatili ako sa may labas ng emergency para agad akong makita ni Meynard pagkarating niya.
“Kuya?” rinig kong sambit ni Meynard habang nakayuko ako, habang ang dalawa kong siko nakapatong sa mga hita ko.
“Mabuti nakarating ka na.”
“Kumusta? Nasaan na ang babae?”
“Nasa x-ray room pa. Paki-ayos nga pala ang bills tapos kuhanan mo siya ng private room. Sasagutin ko lahat ang mga kailangan niya. Mamaya na tayo mag-usap. Maghahanap lang ako sandali ng mabilhan ng kape,” paliwananag ko sabay pagtayo ko at umalis sa harapan niya.
Papalabas ako sa compound ng hospital nang marinig kong tumutunog ang cellphone ko pero pinili kong hindi pansinin ang tawag. Ayaw ko munang makarinig ng salita mula sa daddy ko ngayong may bago akong problema na kinakaharap dahil sa mga nangyari kanina. Mas lalong uminit ang ulo ko nang mapagtanto kong isang hapon pero sunod-sunod ang dumating na problema sa buhay ko.
Kinuha ko sa bulsa ang cellphone nang tumahimik at sinet iyon sa silent para hindi distorbo sa mga nakakasalubong ko habang binabaybay ko ang daan papunta sa coffee shop malapit lang sa hospital. Bumili ako ng dalawang kape para sa amin ni Meynard mabuti hindi marami ang tao kaya sandali lang ang inilagi ko sa naturang tindahan.
Nang makarating ako sa labas ng emergency room naupo ako ulit sa maliit na semento sa inuupuan ko kanina habang hinihintay ko si Meynard. Hindi kasi ako komportable sa hospital, isa ‘yan sa pinaka-ayaw kong lugar. Mabuti na lang hindi nagtagal sa pagkaka-upo ko nang marinig kong tinawag ako ni Meynard.
“Kuya, nandito ka lang pala. Naayos ko na ang mga kailangan ng babae. Nagkausap na rin kami ng doctor na bukas pa raw malalaman ang result ng mga tests at doon sa x-ray. Sa ngayon kailangan lang niyang magpahinga at may binigay na rin na gamot ang doctor sa kan’ya para sa mga sugat niya. Nasa private room na at nakatulog na noong puntahan ko,” mahabang paliwanag sa akin ni Meynard habang inaabot ko sa kanya ang kape niya.
“Salamat,” ‘yon lang ang nasabi ko pagkatapos ng mahaba niyang paliwanag.
“Huwag ka ng mag-alala, kuya. Sa tingin ko naman hindi malala ang naging tama ng babae.”
“Alam ko, pero sinadya ko lang siyang dalhin dito para masiguro ang kalagayan niya.”
“Ano ba ang nangyari? Ang alam ko hindi ka naman reckless driver. Bakit nagkaganoon?”
Para maintindihan niya ang mga nangyari, ikinuwento ko sa kan’ya ang lahat nang nangyari kanina sa opisina ni daddy hanggang sa nagmamaneho na ako at ‘yon nga nangyari, ang nangyari sa babae na hanggang ngayon hindi ko alam ang pangalan niya. Nawala na rin sa isip ko na tanungin siya kanina.
“Wala akong masabi, kuya,” ‘yon lang ang narinig ko mula sa kan’ya.
“Paano nga pala natin ipaalam sa mga pamilya ng babae ang nangyari sa kan’ya. Kasi kanina hindi ko naisip na magtanong sa kan’ya tungkol sa pangalan niya at kung sino ang pwedeng tawagan sa pamilya niya para ipaalam.”
“Okay na po. Natawagan na po ng nurse kanina ang unang pangalan na nasa contacts ng phone niya. Kasi naisip ko rin ‘yon kaya kinausap ko ang nurse kung may cellphone ba ang babae, kaya ‘yon nasabi niya sa akin na natawagan na nga raw niya. Anak po yata ‘yon, malamang papunta na ‘yon dito kasi nasa eskwela kanina noong maka-usap ng nurse. Pero naipaliwanag naman na maayos ang lagay ng nanay niya.”
“Sige alis na muna tayo babalik na lang tayo mamaya para makausap ang anak niya. Mas ginutom ako sa kapeng nainom ko. Hanap tayo ng makakainan dito sa malapit,” pagyaya ko sa kanya.
Naglakad lang kami dahil marami naming mga establishments sa malapit. Nang makalapit kami sa isang restaurant nakita naming punuan kaya pinili naming humanap ng iba kaya kami napunta sa isang fastfood chain. Binilhan ko na rin ang babae at ang anak niya para may makain na rin sila pagkabalik namin. Naisip ko ring bilhan ng iba pang kailangan mamaya nang matanaw ko ang isang convenience store.
Pagkatapos naming makakain sinabi ko kay Meynard ang plano ko kaya dumaan kami sa convenience para makabili ng mga toiletries, mineral water at iba pa. Habang naglalakad kami papunta sa hospital hindi ko pinapansin ang pag vibrate ng cellphone ko dahil alam kong si daddy lang naman ‘yon. Makailang ulit ‘yon na hinayaan ko lang. Hanggang sa ang cellphone naman ni Meynard ang tumunog, mabuti text message lang pala. “Baka girlfriend niya,” sabi ko sa isip ko.
“Kuya, nagtext sa akin ang nurse dumating na raw ang anak ng babae at gusto ka raw maka-usap.”
“Sige tara,” ’yon lang ang naisagot ko at agad kaming naglakad nang tumunog ulit ang cellphone ni Meynard.
“Whoa! Wala man lang good evening handsome! Oo, kasama ko siya bakit?”
“Busy kasi may inaasikaso. Ano ba ‘yon?”
“Ah, sige, sasabihin ko. Paki-text sa akin ang room number. Thank you.”
“Kuya, si Carla ‘yon. Inutusan ni Ma’am Barbs na tumawag sa ’yo pero kanina pa raw sila tumatawag wala ka raw sinagot ni isang tawag nila. Gusto lang nilang ipaalam na dinala raw sa hospital ang daddy mo kanina. Kakarating lang daw nila Carla at Ma’am Barbs doon.” Napabuntong hininga ako sa narinig dahil hindi na talaga ako tinantanan ng problema sa hapong ito, ay gabi na pala dahil kakatapos lang namin maghapunan. “Tsk, ang bilis talaga ng oras.”
“Sige na kuya, kausapin ko muna ang anak at saka ibigay ko muna ang mga ito saka susunod na ako sa ’yo doon. Magtaxi na lang kasi matagal pa kung magpapabook tayo sa Uber. Ako na ang magmamaneho ng kotse mo para makaiwas tayo sa dagdag problema,” wala akong nasabi dahil blanko na naman ang utak ko. Narinig ko lang nang tawagin ako ni Meynard para makasakay na sa taxi na pinara niya at malamang sinabihan niya ang driver. Agad niyang kinuha sa akin ang bitbit ko para makasakay na ako.
Habang nakaupo ako sa taxi tanaw kong nagmamadali sa paglalakad si Meynard papasok sa hospital. Kaya napakalaki ng pasasalamat ko na si Meynard ang naging assistant ko kasi kabisado niya ang lahat sa akin, hindi na ako mamomoblema sa mga ganitong bagay dahil alam na alam na niya ang dapat niyang gawin. Oo, inaamin kong dependent na ako kay Meynard kaya hindi ko maisip kung paano na lang kung maisipan niyang mag-resign na dahil napagod na siya sa pagtatrabaho sa akin. ‘Yon ang nasa isip ko habang abot pa siya ng tanaw ko. Pero biglang kinabahan uli ako nang maisip ang daddy ko.
“Ano ang gagawin ko kapag makaharap ko na si daddy?Alam kong dahil sa nangyari kanina kaya siya inatake sa puso. Kailangan ko siguro magkunwari na okay lang kami ni daddy sa harapan ni mommy dahil hindi pwedeng malaman niya ang nangyari kanina. Ayaw kong malaman ni mommy hangga’t hindi ko pa alam kung ano ang gusting mangyari ni daddy dahil alam kong masasaktan ng labis si mommy.”

หนังสือแสดงความคิดเห็น (21)

  • avatar
    Jhuvan Halili

    please diyas lang lang iskin lang po

    16/08

      0
  • avatar
    CalumbaJhenyveth

    i like it's

    27/08/2023

      0
  • avatar
    Jaymark Reyno

    thank you

    17/08/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด