logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Blood Is Thicker Than Water

Blood Is Thicker Than Water

Epídoxos Syngraféas


CHAPTER 1

MIGGY’s POV
“Sir, tumawag po si Mr. Sansebastian kanina. Pinapasabi niya po na pumunta raw po kayo sa office niya around two p.m. bukas. May importante raw po kayong pag-uusapan,” dinig kong sabi ni Alice, isa sa staff ko sa office. Siya ang taga-sagot ng mga calls ko kapag wala si Meynard na secretary/assistant ko, na matalik ko ring kaibigan.
“Okay. Thank you, Alice,” tanging nasabi ko bago ako tuluyang pumasok sa opisina ko.
“Nard, paki-tawagan mo nga ang secretary ni daddy paki tanong kung tungkol saan ang gustong pag-usapan namin ni daddy mamaya, kasi kung pwede bukas ng umaga na lang ako pupunta kasi may kailangan pa akong kakausapin para sa bagong project ng kompanya,” utos ko kay Meynard. Siya ang matagal ko ng secretary/assistant, sa kan’ya ko ipinagkatiwala ang lahat ng mga kailangan ko. Matagal ko na kasi siyang kakilala mula bata pa lang kami. Anak siya ng dati kong yaya na siyang nag-alaga sa akin mula noong bata pa ako.
Si Meynard ang madalas kong kalaro kapag walang pasok. Hindi siya nakatapos ng apat na taon sa college dahil vocational course ang natapos niya pero dahil mas may tiwala ako sa kanya at may, potential naman talaga siya kaya mas pinili ko siyang maging secretary/assistant ko. At dahil siya na rin ang matalik kong kaibigan, sa kan’ya ko na rin sinasabi ang mga problema ko kahit sa personal kong buhay. Kaya kung may nakakilala man sa akin ng husto, walang iba kung hindi si Meynard ‘yon higit sa mga magulang ko.
Sa ilang taong na magkasama kami alam na niya ang lahat tungkol sa pag-uugali ko, kung alin ang ayaw at gusto ko at ganoon din ako sa kan’ya. Hindi siya mareklamo at masipag siya sa trabaho kahit wala ako sa harap niya alam kong ginagawa niya ang tama, ang mga kailangan ko at kung ano ang dapat gawin sa mga bagay sa trabaho. Mas matanda ako ng dalawang taon sa kan’ya pero hindi naging problema ‘yon sa amin. Pati sa mga kakainin ko sa araw-araw sa office siya na ang hinayaan ko. Kasi, mas, gusto kong kumain sa loob lang ng office ko at binibilhan niya lang ako, maliban kung may luncheon meeting with client kami or dinner meeting.
“Yes sir,” ‘yon lang ang narinig ko tapos agad na rin siyang lumabas para pumunta sa mesa niya.
Lumipas ang ilang minuto habang nagbabasa ako ng mga dokumento na nakalapag sa ibabaw ng mesa ko para mapirmahan ko na, nang marinig kong bumukas ang pinto pero hindi ko tinapunan ng tingin dahil nakatutok lang ako sa binabasa ko.
“Sir, hindi raw sinabi ng daddy niyo kung ano ang pag-uusapan niyo. Importanteng bagay lang po raw ang nabanggit niya,” paliwanag niya habang patuloy akong nakayuko sa mga papeles na nasa harap ko. Tumango lang ako dahil alam kong nakatingin siya akin naghihintay sa magiging sagot ko. Kinumpas ko lang ang kanang kamay ko indikasyon na pwede na siyang umalis at bumalik sa kung ano man ang ginagawa niya.
Napaisip ako sa kung ano ang posible naming pag-uusapan ng ama ko. Madalas kasi kapag may kailangan siya tumatawag s’ya sa akin at nag-uusap kami sa telepono. Pero ngayon lang kasi nangyari na pinapapunta n’ya ako sa opisina n’ya at hindi pa sinabi kung tungkol saan. Malapit ako sa daddy ko, minsan para kaming tropa lang kapag magkasama. Siya ang tipong ama na kahit abala sa trabaho naglalaan talaga siya ng oras para magkasama kami simula noong bata pa ako. Hindi man matagal pero ang importante nagkakaroon siya ng oras na makausap ako at lalong makasama. Idol ko si daddy dahil sa sipag at magaling siya sa kan’yang mga ginagawa.
Naalala ko pa dati na may malaking project siya at kailangan nilang pumunta sa ibang bansa para sa shooting sinadya niyang matapat ‘yon ng bakasyon para pwede raw akong makasama at makapagbakasyon kasama si mommy. Kaya masaya ako at hindi ko naramdaman na may pagkukulang sila bilang magulang sa akin. Wala na akong mahihiling pa kasi para sa akin isa kaming perpektong pamilya. Supportive silang dalawa sa mga gusto kong gawin, ni minsan hindi nila ako pinilit na sumunod sa yapak nilang dalawa, hinayaan nila ako sa gusto ko.
Isang sikat na film producer ang daddy at si mommy naman isang multi-awarded director ng mga pelikula na pino-produce ni daddy. Pero kailanman hindi ko naisip na pumasok sa showbiz kahit maraming nag-aalok sa akin. Ewan ko ba, wala akong gusto sa ganoong klaseng buhay dahil una, wala kang privacy lahat uungkatin ang tungkol sa’yo at sa mga mahal mo sa buhay. Lahat ng kilos binabantayan ang tungkol sa’yo. Eh, ako pa naman ang klaseng tao mahal na mahal ko ang privacy ko. Kaya kahit gaano kasikat ang mga magulang ko sa larangan ng propesyon nila pareho pinapangalagaan nila na may matitirang privacy tungkol sa akin at sa ibang parte ng pamilya namin.
Alam kong hindi na rin nagtataka ang mga magulang ko nang magdesisyon akong bumuo ng sarili kong pangalan sa larangan ng advertising. Dito ako masaya at ito ang gustong-gusto kong gawin. Pangarap kong magtayo ng sariling kong advertising firm balang araw na mula sa sarili kong pagsisikap, kaya ngayon pa lang pinaghahandaan kong maigi at pinagbubutihan kong ang tungkulin ko bilang manager ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko sa ngayon. Dito ako nag-On-Job-Training dati pagkatapos nakatanggap ako ng offer pagkatapos ng graduation. Nagsimula ako sa pinakamababa hanggang sa nakitaan nila ako ng galing sa mga ginagawa ko kasama ng team na kinabibilangan ko kaya napromote ako, at sa nakalipas na mga taon naging Manager ako. Hindi madali ang pinagdaanan ko pero dahil sa mahal ko ang ginagawa ko nagagawa ko siya ng maayos at nagustuhan ng mga boss ko ang mga nagagawa ko, kaya ngayon narito ako sa posisyong ito.
___
Natapos ang maghapon ko sa opisina na binabagabag ako sa isiping may importante raw kaming pag-uusapan ng daddy, pero hindi naman binanggit kung tungkol sa ano o tungkol saan. Mabuti na lang nagawa ko pa ring tapusing pirmahan ang mga dokumento na nasa mesa ko. Kaya noong wala na akong magawa niyaya ko si Meynard na umuwi na kami, sabay kaming umuuwi, siya ang nagmamaneho para sa akin sa araw-araw. At pagkatapos niya akong maihatid sa condo ko agad naman siyang umuwi rin sa kanila. Pero minsan sa condo ko siya pinapalipas na ng gabi, kapag niyaya ko siyang uminom ng konti. Hindi kasi ako mahilig pumunta sa mga bar para uminom dahil hindi ko gusto na may lalapit at manggugulo na mga babae.
Please don’t get me wrong, okay? I’m certified straight, hindi ko lang talaga trip ang fling, FUBU at one night stand na ‘yan. May girlfriend ako dati pero nagkahiwalay kami matapos ang dalawang taon maging magkarelasyon noong college kasi ipinagpalit niya ako. Hindi na rin ako nagkaroon ng bagong karelasyon pagkatapos noon kasi naging abala na ako sa karera ko. Hindi ko rin nagugustuhan ang mga babaeng unang gumagawa ng bagay para mapansin sila kasi para sa akin hindi dapat kasi hindi pormal. Oo, sabihin niyo nang mapili o pihikan ako sa babae kasi para sa akin kapag ang babae nagustuhan ng isang lalaki hindi na niya kailangan magpapansin kasi, kusa gagawa ng paraan ang lalaki na magparamdam na may gusto o ipinapakita at ipinapahayag ‘yon ng lantaran. Maingat lang din talaga ako sa gan’yang bagay dahil gusto ko ang babaeng magugustuhan ko at mamahalin ko, siya na ang magiging kasa-kasama ko habang-buhay.
“Nard, dito ka na kumain mag-order na lang ako kasi tinatamad akong magluto dahil napagod ako, samahan mo muna akong uminom ng konti,” sabi ko bago tuluyang bumaba ng kotse at naglakad papunta sa elevator. Kakarating lang namin sa parking lot sa building ng unit ko.
Narinig kong bumukas at nagsara ang pinto ng sasakyan ko at mamaya may nakasunod ng mga yabag sa akin na alam kong si Meynard ‘yon.
“Bakit kuya may problema ba?” rinig kong tanong niya habang nakasunod sa akin. Kuya ang tawag niya sa akin kapag wala na kami sa trabaho. Ako ang may gusto noon kasi iyon ang nakasanayan kong tawag niya sa akin.
“Wala naman. Gusto ko lang uminom ng konti. Wala ka namang maraming gagawin bukas ‘di ba? Kasi next week pa ‘yong sunod-sunod na schedule natin para sa bagong project,” saad ko.
“Wala na po natapos ko na po kanina ‘yong mga pinapagawa mo sa akin.”
“Alam ko, kailanman ay hindi mo pa ako binigo sa trabaho,” tiningnan ko siya habang papasok kami ng elevator.
“Ginagawa ko lang po ang dapat kong gawin. Ayaw ko pong mapahiya kayo sa pagpili sa akin. Alam ko naman pong may mas magagaling sa akin pero personal mo pa rin po akong pinili at ni-recommend sa kompanya,” pagpapaliwanag niya. Hindi ito ang unang beses na narinig ko sa kanya ang mga katagang iyon dahil madalas niya iyong sabihin kapag magka-usap kami tungkol sa trabaho.
“Hay naku, Meynard! Nag-umpisa ka naman sa pagdadrama mo hindi pa nga tayo nag-umpisang mag-inuman,” pagbibiro ko. Saka kami sabay na tumawa sa sinabi ko. Ganito ang samahan namin kapag wala kami sa trabaho parang kapatid na kasi ang turing ko sa kanya hindi lang basta matalik at mapagkakatiwalaang kaibigan o katrabaho.
“Kuya naman. Nagsasabi lang po ako ng totoo,” nakanguso niyang sabi.
“Oo na! Kailan mo ba yayain ang girlfriend mong magpakasal?” pag-iiba ko sa usapan.
“Ay malayo pa iyon mangyari kuya. Dapat ikaw muna bago ako.”
“Bakit? Ano naman ang kinalaman ko?” nagtataka kong tanong sa kan’ya.
“S’yempre kuya mas matanda ka kaya sa akin, kaya dapat lang mauna ka muna mag-asawa bago ako,” bwelta niya.
“Sira! Hindi ganoon ‘yon. Mag-asawa ka na kung gusto mo! Huwag mo akong dinadamay sa bagay na ‘yan!”
“Naku! Nagsusungit ka naman eh! Kaya hindi ka nagkaka-girlfriend eh!” pagrereklamo niya.
“Wala pa kasi ‘yan sa isip ko. Saka na ‘yan mangyayari rin naman ‘yan kung may darating.”
“Weh? Paano naman mangyayari, eh ni wala ka ngang dini-date?”
“Ikaw! Kanina ko pa napapansin kanina mo pa ako tinitira, ha! Ang sabi ko lang naman mag-asawa ka na, kasi ikaw lang din ang iniisip ko baka magsawa na sa kahihintay si Shane. Sige, ikaw din, maghahanap ng iba ‘yon,” pananakot ko sa kan’ya. Si Shane ang long-time girlfriend niya, high school sweet hearts sila. Nagtatrabaho na rin si Shane sa isang fastfood chain, isa siyang branch manager doon.
“Siya lang kaya ang hinihintay ko. Kailangan niya pa kasing patapusin ang kapatid niya sa kolehiyo,” paliwanag niya habang naglalakad na kami papunta sa pinto ng unit ko, kalalabas lang namin mula sa elevator.
“Ah, kaya naman pala. Ibig sabihin minsan mo na siyang niyaya?”
“Hindi pa, pero napag-usapan na po namin ang tungkol sa bagay na ‘yan. Kaya kampante akong hindi siya maghahanap ng iba kasi ako ang pinapahintay niya, eh,” pagmamayabang niya.
“Aba! Yabang!” pang-aasar ko. Sabay tawa naming dalawa.
Nag-order lang ako ng Chinese food para sa dinner namin, tapos nag-inuman kami habang nagkukwentuhan tungkol sa buhay-buhay namin.
“Teka, bago ko malimutan. Sa tingin mo, ano kaya ang dahilan ni daddy na pinapapunta niya ako sa office niya bukas after lunch?”
“Sa totoo lang, nagtataka rin po ako kanina noong marinig ko po kanina na sabi ni Alice. Ngayon lang po nangyari ‘yon, pero wala po akong maisip na dahilan kuya, pasensiya na,” mahabang paliwanag niya.
“Binabagabag nga ako tungkol sa bagay na ‘yan, kasi tama ka, ngayon lang nangyari ‘yan. Madalas naman kasi kung hindi siya tumatawag sa akin, pumupunta siya sa office ko para makapag-usap kami.”
“Saka sabi nga pala ni Alice kanina noong kausap ko sa telepono, na pina-cancel daw ng daddy mo ang mga kasunod na dalawang meetings niya kanina para makapag-usap kayo bukas.”
“Baka may problema? Ano naman kaya ang problema?” sunod-sunod kong tanong habang nakatitig ako sa mga maliit na ilaw na nagmumula sa mga building na natatanaw mula sa unit ko. Parehas kaming nakatitig ni Meynard sa naturang direksyon at patuloy na nag-iisip tungkol sa possibleng mangyari bukas.
“Huwag ka na po munang mag-isip ng kung ano kuya. Relax, wala naman sigurong masamang dahilan o malalalang mangyayari,” pag-aalo niya sa akin. Hindi ako nakakibo dahil hindi ko alam kung bakit hindi ako mapalagay mula kanina sa opisina. Patuloy na bumabagabag sa akin ang usaping ito.
“Pahinga na tayo kuya. Bukas mo na isipin ‘yan. Baka gusto lang maglambing sa’yo ni Sir G,” pagpapatuloy niya sa pag-aalo sa akin. Tumango lang ako sa kan’ya nang tapikin niya ang balikat ko tanda ng pagpapaalam na mauuna na siya sa akin, pero hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil patuloy akong nakatitig sa harapan ko.
Naiwan akong nakatulala sa may veranda habang patuloy na nakatingin sa kawalan. Hindi ko na namalayan kung anong oras ko nang napagpasyahang pumasok at kwarto ko para makapaghinga.
Kinabukasan maaga akong nagising para pumunta sa gym na araw-araw kong ginagawa, bago pumasok sa opisina. Alam kong mahimbing pang natutulog si Meynard sa guest room na madalas niyang tinutulugan kapag dito siya nagpapalipas ng gabi, para sa samahan akong uminom tulad ng nangyari sa nakalipas na gabi. At sa katunayan may iilang gamit na siyang iniwan para may damit siyang maisusuot kapag nandito siya.
Pagkabalik ko sa unit ko galing sa gym makalipas ang isang oras na dito lang din sa building ng condo ko, naamoy kong nagluluto na ng agahan si Meynard, kaya minabuti kong dumiretso na muna sa banyo para makaligo at makapagbihis bago ako kakain.
“Kain na kuya,” salubong sa akin ni Meynard pagkalabas ko sa kwarto na nakahanda na habang siya papasok sa kwarto at malamang maliligo pa ‘yon dahil katatapos niya lang nakapagluto ng agahan para sa aming dalawa.
Nang makarating sa office nagsimula ang araw ko sa isang client meeting, matagal natapos dahil maraming demands and client na kailangan pag-usapang mabuti.
“Hay, sa wakas natapos din,” reklamo ko pagkatapos umalis ang lahat ng mga tao sa conference room at kami na lang ni Meynard ang naiwan. Paano ba naman kasi ang tagal natapos ng naturang meeting mula alas-otso ng umaga nagsimula tapos, kakatapos lang ngayon na pasado alas-onse na pala nang matingnan ko ang suot kong silver metal wrist watch na Tag Heur pasalubong sa akin ni mommy noong minsan silang nagpunta sa ibang bansa para magcelebrate ng wedding anniversary nila.
“Okay lang sir, kasi maganda naman ang kinalabasan ng meeting,” pampalubag loob sa akin ni Meynard. Tanging malalim na buntong hininga ang naisagot ko sa kan’ya.
“Sige po, mauna na ako para makabili na ng pang-lunch,” saka tuluyan niya akong iniwan mag-isa sa conference room.
Hindi na rin ako nagtagal pa doon at agad ko nang nilisan ang conference room at naglakad pabalik sa opisina ko. Pansamantala kong nalimutan ang tungkol sa bumabagabag sa akin tungkol sa posibleng sabihin sa akin ng daddy habang naging abala ako kanina sa meeting. Pero agad namang nanggulo sa utak ko pagkapasok sa sariling opisina. Sa sofa ko piniling umupo at isinandal ako ang ulo ko sa likod ng naturang upuan kasabay ng pagpikit ko sa aking mga mata, para makapagpahinga sandali habang hinihintay ko si Meynard.
Ilang minuto ang nakalipas narinig kong bumukas at agad nagsara ang pintuan ng opisina ko, kahit hindi ko tingnan alam na alam ko sa mga yabag na si Meynard ang bagong dating. Maya-maya’y narinig ko ang tunog ng mga kubyertos tanda ng hinahanda niya ang lunch namin.
“Kain na po sir,” dinig kong sabi niya. Saka ko naman ibinuka ang mga mata ko at umayos sa pagkaka-upo saglit bago tuluyang tumayo at naglakad papunta sa mesa kung nakahanda na ang pagkain.
Trenta minutos matapos kaming sabay kumain ni Meynard. Nag-toothbrush agad ako saka ko napagpasyahang umidlip muna bago ako aalis papunta sa opisina ni daddy.
“Nard, iidlip lang ako saglit pagising ako after thirty minutes, saka ako aalis,” bilin ko sa kan’ya nang masalubong kong pagkalabas ko ng comfort room na nasa loob lang din ng opisina ko. Malaki kasi space ng office ko, may sariling comfort room at maliit ng receiving area at coffee table na sa gilid kung saan kami madalas kumakain ng lunch namin ni Meynard.
“Yes, sir,” agad naman niyang tugon sa sinabi ko.
Almost an hour later, nasa nakasakay na ako sa kotse ko at nagmamaneho samantalang iniwan ko si Meynard sa opisina para doon sa mga hinabilin kong mga gagawin niya para doon sa nangyaring meeting kanina.
“Si daddy?” tanong ko sa isa sa mga staff na nakasalubong ko pagkalabas ko ng elevator.
“Good afternoon sir. Pakihintay lang po sa office niya, patapos na po ang meeting nila nasa conference room pa po sila.”
“Good afternoon. Okay. Thank you.”
Naglakad ako diretso papasok sa opisina ni daddy at nang makapasok nakitang kong may isang libro na nakapatong sa kan’yang mesa. Hindi ko pinagtuonan ng pansin at pinili kong maupo sa sofa at sumandal para ipikit ang mga mata ko habang naghihintay sa kan’ya.
Pero hindi ko maintidihan kung bakit hindi ako mapalagay at bigla akong kinabahan kaya imbis na ipagpapatuloy ang pagpikit, ibinuka ko ang aking mga mata at tumayo naglakad papunta sa personal ref ni daddy na nakalagay lagpas ng konti sa kanyang office table, para kumuha ng tubig. Nakainom naman na ako ng tubig kanina sa office pero baka sakaling mabawasan ang kaba na nararamdaman kaya ko iinom ulit ako ng tubig. Agad akong kumuha ang isang maliit ng bote ng mineral water at isinara ang ref at uminom hanggang sa maubos ko ang maliit ng bote. Hindi pa din naibsan ang kaba sa aking dibdib. Pagkatapos ko sa empty bottle naglalakad na sana ako pabalik sa sofa nang madaanan ng mga mata ko ang librong una kong nakita kanina pagkapasok ko.
Nilapitan ko ang mesa ang tiningnan ang naturang libro, wala naman akong nakitang kakaiba. Isa itong Meriam Webster dictionary, kaya naisip ko baka may ginawa lang ang ama ko at ginamit niya ito. Hanggang sa sinubukan ko itong buksan sa unang bahagi ng naturang dictionary. Hindi ko maintindihan kung bakit parang may bumubulong sa akin para pakialaman ko ang naturang libro. Dahan-dahan akong umupo sa swivel chair ni daddy habang nakatutok ang mga mata ko sa naturang libro, na para bang may isang interesanteng makikita sa naturang libro. Na kung tutuusin, alam naman natin kung ano ang alam ng isang dictionary. Pero hindi ko alam kung bakit parang may pilit na kinukuha ang atensyon ko nang naturang bagay na ngayong nasa harapan ko.
Makalipas ang ilang minuto habang pinalipat-lipat ko ang mga pahina ng dictionary may nakapa akong naka-usli sa gilid kaya agad ko itong sinilip ang gilid ng libro. Nakita kong may naka-ipit na parang makapal na papel. Binuklat ko ang dictionary kung saan nakalagay ang nakaipit na makapal na papel, ngunit nang makita ko ang kabuuan nito, nakitang kong isa pala itong simpleng birthday greeting card.
Napangiti ako nang makita ang bagay na ‘yon kasi naisip kong napakasweet pa din ng mga magulang ko kahit matagal na silang kasal. Alam ko naman kasi na si mommy lang ang madalas magbigay sa daddy ko ng ganoong bagay. Ayaw kasi ni daddy ng mga mamahaling bagay kapag binibili siya ni mommy ng regalo sa espesyal na okasyon. Kaya alam kong si mommy ang nagbigay ng greeting card. Isang simpleng color blue na birthday greeting card na may picture ng fountain pen na nakapatong sa isang planner at sa bandang kanan may isang mug na may lamang kape.
Pero malaking gulat ang sumalubong sa akin nang subukan kong pakialamang basahin ang laman ng greeting card.
Gabriel,
I'm letting you go.
It may be the hardest but the best decision because it is the
right thing for me to do. I don't want to be a relationship wrecker.
Please don't attempt to look for me. Thank you for the memories.
Happy Birthday!

P.S.
It's a baby girl, I named her after our names, Gabriella Therese.

Always,
Teresa

หนังสือแสดงความคิดเห็น (21)

  • avatar
    Jhuvan Halili

    please diyas lang lang iskin lang po

    16/08

      0
  • avatar
    CalumbaJhenyveth

    i like it's

    27/08/2023

      0
  • avatar
    Jaymark Reyno

    thank you

    17/08/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด