logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 16: In the Hospital

"Boss!" he salutes on me just like a soldier. Tch.
"How was the security? Did you all do your jobs? Is there something weird happened?" I ask while looking at them.
Napatingin pa ako sa mga body guards na nasa hallway bago muling tumingin sa lider nila.
"Everything here is normal Ms. De Luna. Hindi mo kailangang mag alala dahil mahigpit ang seguridad lalo na ng nasa loob." paninigurado naman niya habang ikinukimpas ang kaniyang kamay na madalas niyang ginagawa tuwing nagsasalita.
"Thankyou Evans." Sabi ko naman naikinatuwa niya. Agd akong napatingin sa aking tabi at napatingin kay Roge na patuloy lang ang pag ikot ng mga sa paligid at pinagmamasdan ang mga nakaitim na gwardyang kinuha ko.
"Where's Calvin?" maingat niyang bulong habang nasa harapan pa rin ang kaniyang paningin.
"I think we should go inside. Just stay here for awhile. I will talk to you later." muli naman siyang sumaludo sa akin na ikina tango naman ng aking ulo.
Kailangan kong pag ingatan lahat ang kilos at galaw ko dahil kung hindi pareho pareho kaming mapapahamak rito.
We are in my private hospital but this is still a public place that might cause them to do there next plan. I dont think they will not stop until we met. Alam ko naman na ako lang ang kailangan nila. Doon ko lang rin napagtanto na kahit na kailan ay walang magiging patas na laro.
Binuksan ko naman ang pinto at sumalubong roon ang dalawa pang body guard na nakatayo lamang sa tapat ng pinto. Nagulat sila ng makita nila ako ngunit tumango rin sila agad ng matapos.
"Iwan nyo muna kame." I said, then looked at the boy lying down in the hospital bed.
"Ate!" gulat na gulat at ngumunguya pang sabi niya. Hindi ko matanggal ang tingin ko sa kaniya dahil na rin sa putla at ikinapayat niya. Ilang araw ba ako huling pumunta rito at makikita ko siyang ganiyan?
I awkwardly smile while looking at him.
"How are you young man?" tanong ko pa sa kaniya habang pinagmamasdan pa rin ang kabuuan niya.
"Nanghihina ako kapag naglalakad. Come on, come here." He pailly said but still geniunely smile at me.
"May kasama ako." I said before I walked towards him.
"Who?" nagtataka ngunit kuryoso naman sabi niya.
"Me." Roge said then put the foods we brought for him on the table. Napataas naman ang kaniyang makakapal kilay na gulat na gulat sa taong nasa harap na niya.
"Kuya Roge?" nagpabalik balik pa ang kaniyang tingin sa aming dalawa ngunit sa akin iyon tumigil. Nagtatanong ang mga titig niya ngunit iniiwas ko nalamang ang aking tingin napasulyap sa palabas na pinapanood niya.
"How are you little boy? Long time no see." sa totoo lamang ay hindi ko alam ang magiging reaksyon niya dahil alam kong alam niya ang nangyare sa pagitan namin ni Roge.
Napadako ako muli ng tingin sa aking kapatid ng hindi man lang ito nagsalita. Nakatitig at naguguluhan pa rin siya sa nangyayare sa paligid niya. Sino ba namang hindi maguguluhan kung mabibigla ka na lamang na may magbabantay sa seguridad mo pati na rin ang isang taong hindi mong inaakalang babalik pa?
Narinig ko pa muli ang pagbuntong hininga niya bago ngumiti.
"Yeah, its been a long time. And im not a boy anymore! Aish. Why are you here? Are you coming back now?" hinayaan ko na lamang silang mag usap at tumayo upang buksan ang mga pagkain naroon.
Alam kong iisipin niyang iniiwasan kong pag usapan ang ilang mga bagay bagay ngunit nasisiguro ko rin sa aking sarili na ayaw kong pag usapan iyon.
"Dito lang kayong dalawa. I'll talk to your doctor, Calvin." napatingin pa sila sa aking gawi ngunit hindi ko na pinansin pa iyon at lumabas ng silid. Puro tango naman ang aking naabutan galibg sa mga tauhang nag iikot at nagmamanman sa paligid. Nagpatuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang opisina niya. Ilang saglit pa ng tuluyan aong makapasok sa silid at makitang nakatutok siya sa kaniyang laptop.
Bigla pa siyang nagulat ng makita ako kaya tuluyan na akong pumasok sa kanyang opisina at tumingin sa paligid.
"Ah! Attorney, you're here." gulat na gulat parin ang kaniyang reaksyon ngunit hindi ko na lamang pinagtuuan ng pansin iyon.
"I'm just here to see the chart of my brother," I said before sitting in the vacant chair near his table.
"ah yeah! Here." he said still on shock. Hindi ko naman maiwasang mapakunot ang noo dahil sa inaakto niya.
"By the way, how are you? Are you fine? The whole hospital sorounded by so many guards. What happened?" sunod sunod niyang tanong habang binubuklat ko naman ang ang folder ng kalagayan ng kapatid ko.
"You know I can read this chart?" nagtataka ko pang inangat ang aking paningin sa kaniyang gawi. Isang matipid na ngiti lamang ang kaniyang ginanti na siyang lalong ipinagtaka ko.
"Balita na sa buong ospital na ikaw ang nagmamay ari ng lugar na ito. Bukod doon alam ko na rin na naging isa kang intern rito. Ngunit ang ipinagtataka ko lamang ay paano naging isang abogado ang dating intern na katulad mo?" sabi niya pa na para bang humahanga at kasabay nuon ang pagningning ng kaniyang mga mata.
Napaiwas na lamang ako ng tingin. 'Ano naman ng nalalaman niya pa tungkol sa akin? Ano naman kung ako nga ang nagmamay ari ng lugar na ito?'
Hindi na lamang ako bumigo at binasa ang laman ang chart na iyon. Hindi katulad ng nakaraan umayos naman na ang lagay ng kapatid ko kaya medyo napalagay naman ng aking loob. Hindi na ulit ako aalis sa tabi niya ngayon.
Ilang saglit pa bago ako tumayo at ibinalik sa kaniya ang folder na iyon.
"By the way, thank you for taking care of my brother while I'm not around. Don't worry dahil makakahinga ka na ng maluwag dahil hindi na ikaw ang magbabantay ng madalas sa kaniya," seryosong sabi ko pa.
"No, you dont need to say thank you dahil naging kaibigan ko na rin naman ang kapatid mo. Hanga din ako sa kaniya dahil kahit hirap siya nitong mga nakaraang araw ay nagagawa niya pa rin makipagkulitan. I hope you are know okay." pahabol niya pang sabi, ngunig tango lamang ang akinh iginanti.
"Mauuna na muna ako Doc." Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at lumabas na ng pinto. Hindi na rin naman kagulat gulat na may mga taong nakakaalam na ako ang nagmamay ari ng hospital na ito. Alam kong tatawagin din ako ni Director Park para magpaliwanag sa nangyayaring ito.
----
"Hey!" I am designing my nails until this man open the door. Ano na naman ang ginagawa ng isang ito dito?
"Ano na naman?!" irita akong napasulyap sa kaniyang gawi ngunit ipinagtaka ko ang presensya ng espadang dala dala niya.
"Oh why do you have that?" nagtaka ako sapagkat nag iisa lang naman ang espadang mayroon siya at ang isang iyon ay wala sa kaniya.
"Masasabi ko ngang matalino ang isang iyon dahil alam niyang babalik ako para rito. Nakakatuwa na talagang inihanda niya iyon sa kaniyang mesa." napakunot naman ang aking noo sa kanyang mga sinasabi.
"Pumunta ka roon?"
"Yeah. And guess what? Nag iwan pa siya ng note! Hahahaha I like her now!" tatawa tawa pa niyang sabi na ikinainis ko naman.
"Hindi ka magugustuhan ng isang iyon dahil mamamatay ka lang kapag nalaman niyang ikaw iyon."
"Dahil sa sinabi mong iyan parang gusto ko na agad tumiwalag sa kasunduan natin." para siya pa talagaang may gana na tumiwalag huh?
"Oh you're saying that, mas importante pa pala ang babaeng iyon kesa sa sarili mong pangarap?" taas kilay ko pang sabi na ikinatahimik naman niya.
"Aish wag mong ugaliing magselos dahil nagbibiro lamang ako," sabi niya pa bagi inilapag ang espadang hawak niya.
Kitang kita ang talas niyon at nasusuguro kong isang dikit lamang niyon sa balat ng tao ay makakasugat na.
"Oh eh nasaan ang note na tinutukoy mo?" taka ko pang tanong habang nasa espada pa rin ang tingin.
"Hmmn. Here" isang kulay pulang baraha ang ibinigay niya sa akin. Hindi ordinaryong baraha iyon dahil ngayon lamang ako nakakita na may baraha na ganito katingkad ang pagkakakulay roon.
Nice. Mukhang tinatanggap na niya ang larong sinimulan ng babaeng iyon.
Kinuha ko iyon at tinitigan. Nakakatuwa sa pakiramdam na naa-apreciate niya pala ang mga barahang ibinibigay namin sa kaniya. Habang ako naman ay parang namamangha pa rin dahil sa itsura niyon.
Pinagmasdan ko ang unahan at binasa ang nakaukit roon.
"Run then I'll stop.
You can see me whenever you want but you can't escape after my move."
Hindi ko na itinago pa añng ngisi ko habang paulet ulet na binabasa iyon.
Napatingin pa ako sa likod nuon at nakita ang bubuo para mag umpisa ang laro.
"Hahaha great!" natatawa ko pang sabi habang patuloy na nakatitig sa barahang iyon.
"Anong nakakatawa riyan?" nagtataka pang sabi ng katabi ko dahil sa tinititigan ko. Huh? Is he slow?
Napatingin naman ako sa kaniyang gawi bago ngumisi.
"This is the Queen of Spades. And I think this is the real beginning of the game." I said while looking at him not changing the smirk on my face.
"D-do you mean?-" pagpuputol niya pa sa sariling sinabi.
"Yeah. I think this is about time. Get ready, darling. We will be going to start the Queen's game. A game that might kill the person like her." natutuwa ko pang pagkukumpirma ng balita sa kaniya bago naisipang tumayo.
"Our queen needs to know this," I said non-stop on the card.
September, You are so genius. I am excited about what will happen next.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (18)

  • avatar
    John Lester Awayan

    ssue3

    09/08/2022

      0
  • avatar
    Melanie Jimenez Real

    Thank you😘Nice story!

    08/07/2022

      0
  • avatar
    SisdueroKisjane_9

    good

    16/04/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด