logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

kabanata 6

Inihilig ko ang aking ulo sa bag na dala. Kanina pa ko naghihintay sa waiting shed ay wala parin ang mga ito. Nangako akong sasama sa kanila sa pag-akyat sa bundok alambra dito sa sta. Isabel.
Naisip ko na ring magandang oportunidad ito upang makapagpratice. Kailangan kong hasain nang mabuti ang aking kakayanan sa pagpipinta lalo nat sumali ako sa isang patimpalak.
Malaki ang makukuhang premyo sa contest na iyon. Pero sa totoo lamang ay hindi naman pera ang habol ko doon kundi ang karanasan.
"Aya!" Sigaw ng lalaking Moreno ang balat. si Alex. "Sorry nasiraan kasi 'yong tricycle na sinakyan namin.”
"Bessy!" aligaga naman ang takbo ni Cristy para yakapin ako.
"Ayos lang, ano pa ba ang magagawa ko." Sinimangutan ko ito at lumakad na. Sa likuran ko ay Sina Cristy at Jayson. Nakaholding hands at naghaharutan pa. Napairap na lamang ako sa asta ng mga ito.
"Dala mo ba ang mga gamit mo? ”Si Alex nakahabol na ito sa akin.
"Oo Naman!" agaran kong sagot.
“maglalakad na lamang ba tayo papunta roon? Sayang naman kung hindi natin maabutan ang pagsikat ng araw.” dismayado kung Saad.
"Kaya yan! Basta ba Dalian nitong dalawa!” Si Cristy at jayson ang tinutukoy nito na kanina pa nagliligawan sa likod.
" Oo na! Lovers!” tugon naman ni Cristy na kami na ang pinapasaringan.
Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. hinihingal ako at pagod na pagod sa taas ng lugar na inaakyat namin. Marahil dahil sa ilang araw na hindi ko pagkain ng tama. Nanginginig ang tuhod ko sa bawat hakbang na aking pinapakawalan. Tumigil naman si Alex at iniabot sakin ang kamay nito at hinila ako paakyat.
"Bakit parang matamlay ka? may sakit ka ba?” inilapat nito ang palad niya sa aking noo.
"Wala!” tinabig ko ang kamay nito mula saking noo.
"Sigurado ka?" Panay pa rin ang pangungulit nito.
"Siguradong sigurado!" Diniian ko na ang pagkakasabi para naman maniwala na ito.
"Ano mag-aapply ka ba ng scholarship papuntang France? Para sabay na tayo.”
"Hindi ko pa alam e." nangunot naman ang noo niya.
"Di ba matagal na natin 'yong pinag-uusapan? Umu-o ka naman, tapos ngayon hindi ka na sigurado?” mariin ang titig na pinukol nito sakin.
"Hindi ko alam Al! babalitan kita
kapag nakapagdesisyon na 'ko.” Nagbuntong hininga ito saka tumango.
Alexander Vicente Recto is my best friend. my loyal bestfriend and buddy since primary. kapitbahay namin sila sa dati naming tinitirhang bahay. Gustuhin ko mang sabihin sa kanya ang mga gumugulo sa utak ko ngayon. Hindi ko naman magawa alam kong marami rin siyang iniisip sa buhay.
“narito na tayo sa peak!” si jayson na kanina pa manghang-mangha sa tanawin.
“Buti naman nakaabot tayo bago sumikat ang araw!” dinama ko ang hanging amihan na dumadami sa aking balat.
“This is life!”
Napapikit ito habang nakataas naman ang dalawang kamay sa ere.
“buti naman sumama ka.” Nakamulat na ito at malapad ang ngiti saka lumapit sa akin upang ipasok sa gilid ng aking tenga ang natikwas na buhok mula sa pagkakapusod.
"Alam nyo bagay kayo!” sigaw ni Jayson na nakapamaywang na ngayon.
" Tsk! oh di ba hindi lang ako ang shipper nyo.” senigundahan naman ito ni Cristy sabay halakhak nito na parang nanunuya.
"Magtigil nga kayong dalawa!” tinitigan sila ng masama ni Alex saka lumayo sa tabi ko.
napakalamig ng simoy ng hangin rito sa taas. napakaganda rin ng bulubundukin na matatanaw mula rito na pinapaligiran ng mga ulap. ngayon na lamang ako ulit nakaramdam ng katahimikan sa aking isip. kailangan kong maipinta ang tanawin na nasa harap ko. inilapag ko ang bag na dala at inilabas ang 8 x 12 canvass at nagsimulang iahagod ang brush rito.
i am at peace kapag nakakapagpinta ako. pansamantalang nakakalimutan ang mga problema.
Sila Alex at jayson ay nag-aayos ng tent namin. Dalawang tent ang ina-sembol nito. isa para sa Amin ni Cristy at isa para sa kanila. Alex is smiling habang natatanaw ako nitong nagpipinta.
“Anong title naman ng piece na 'yan?” tanong nito mula sa likod ko.
"Mountain Castle." buong galak Kong tugon.
"Nice. Ang ganda! " Pagkasabi nito ay biglang naglaho sa tabi ko.
"Magluluto lang ako!" sasabayan kita riyan mamaya!" malayo na ang tinig nito. Nilingon ko naman ito na nagpapalingas na. napangiti ako at ibinalik ang atensyon sa canvass.
Ilang sandali lamang ay natapos na siya sa pagluluto.
"Sino pa lang susundo sayo mamaya?" Kaswal niyang tanong.
"Malamang ay si Manong Rey. Sya rin ang naghatid sa akin kanina at sinabihan ko na sunduin na rin tayo."
"Okay!" Let's eat! anyaya nito.
"Anong niluto mo?" Naeksayt ako habang binubuksan ni Jayson ang kaldero.
"'yong paborito mong sinigang!"
malapad ang pagkakangiti nito.
"Talaga!"
namilog ang aking mata sa narinig.
inilatag ni Cristy ang telang paglalagyan ng aming mga pagkain. inihanda ko naman ang plato at mga baso. inilagay ko na rin sa lagayan ang mga pagkain. "Pinagluto ka pa talaga ng paborito mo! I smell something fishy! " Inirapan ko ito at nagpatuloy sa pagkuha ng kanin sa kaldero.
" Sa tingin ko ay kailangan na nating umuwi." pinitik nito ang lente ng kamera sa likod saka tumayo.
"Let's go!" Tumayo naman ako at iniligpit ang aking gamit.
"Mahirap nang magabihan tayo. Baka di tayo makauwi. baka hinihintay na rin si Aya ng sundo niya." Patuloy ang pangaral nito habang nagtutupi ng tent na ginamit namin kanina.
"Sus!" Concern na concern yan ah!”
dinilatan lamang ng mata ni Alex si Cristy.
"Ganoon rin naman ako sayo Cristy ah." Sabad naman nang nakangising si Jayson.
"Oh tapos!" Asar na tugon nito at tinapon kay Jayson ang bag nito.
Napatawa na lang ako sa asaran ng dalawa. Namataan ko namang mariing nakatitig sakin si Alex. Ngumiti ako. Ngumiti rin siya pabalik.
"Aya!” mahinang tawag nito.
"Bakit?" Nakangiti akong bumaling sa kanya.
“Alam Kong Di dapat ako nakikialam sa mga desisyon mo sa buhay pero masama siya sayo. Hindi maganda ang maidudulot niya para sa pangarap mo. masyado kang inosente para sa kanya. sinasabi ko ito Aya Kasi nag-aalala ako sayo.” Malumanay ang pagkakasabi nito. Alam kong pilit niyang pinapaintindi sa akin ang mga bagay bagay.
"Salamat, tatandaan ko." Tumango ako rito at ngumiti.
Naiintindhan ko kung saan siya nanggagaling. naiintindhan kong lahat ng sobra ay masama.
Tinahak namin ang kahabaan ng bundok alambra upang makababa.ang pagbaba ay naging mas madali kaysa sa pagpanhik namin kanina. Ilang sandali lamang ay nakarating na kami sa kapatagan. Lagaslas ng tubig mula sa bundok ang bumungad sa amin pababa.
Ang ilog na daluyan ay may napakalinaw na tubig. samantalang ang mga ibon sa itaas ay nagliliparan. Mukhang pauwi na ito sa kani-kanilang tahanan.
Magdadapit hapon na nang kami ay makarating sa kalsada. Ang araw at dilim ay nagtatalo upang sakupin ng takipsilim. Napangiti kaming apat nang matanaw ang kalsada kung saan maraming sasakyang nakaparada.
"Oh, nasaan si Manong Rey Aya?"
Tanong nang nakakunot noong si Jayson.
Ginala ko ang paligid upang makita ang aming sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko sa pamilyar na lalaking naglalakad palapit sa akin.
Sa amin.
Marahil ay imahinasyon ko lamang ito.
Hindi! Imposibleng siya ang magsundo sa akin. Imposibleng sunduin niya ako!
Makailang- ulit kong pinikit ang aking mata para mawala ang anumang nakakapagpalabo sa aking paningin.
Nang lumingon ulit ako sa harap ay nakahalukipkip na ito. naulinigan ko ang pagmamaktol ni Alex sa likod ko.
“bakit siya ang sumundo sayo?"
Hindi ko na mapigilan ang bunganga niya. Kayat hinayaan ko na lang.
"“Chill ka lang Alex! buti nga sinundo pa tayo e.” Si Cristy habang mariing nakatitig kay Alex.
Samantalang ang lalaking nagpapagulo palagi sa isip ko ay nakataas ang makapal na kilay. habang mariing nakatitig sa akin. hindi pa man ako nakakapagsalita ay hinigit na nito ang braso ko at hinila ako papunta sa kanyang sasakyan.
"Saglit lang Paulo!” nanginginig ang boses ko.
"What!?” madilim pa rin ang titig nito.
"Sila Alex sasabay sa atin!" Sa wakas ay naisatinig ko.
"Bakit naman sila sasabay satin?”
nakapamaywang na ito habang sinusuri ang magiging sagot ko.
“Kasi nasabi kong sumabay na lang sila.” Mahina ang naging buga ng hininga ko.
"Mukhang ayaw niya kaming isabay Aya!” Ngitngit na sabad ni Alex sabay higit nito sa braso ko.
“wag ka na ring sumama sa kanya. Marami tayong masasakyan rito!” Mariing isinatinig nito.
"Sino ka naman? bitawan mo siya?” Namuo ang iritasyon nito kay Alex na nakikipaghamon ng titig.
“Bakit pag-aari mo ba siya? Di ba may girlfriend ka? anong asta yan ha? ” humarang ako sa gitna nila.
"Tama na nga!" Halos mapatingin ang mga tao sa kinatatayuan namin.
"It's none of your business!" Malapad ang ngisi nito na tila lalo pang inaasar si Alex.
"Ulol!" aamba na ng suntok si alex nang humarang ako sa harapan. Halos nakayakap na ako sa kanya.
Truly the man I loved is ruthless.
“Paulo, sasabay lang naman e. Sige na para makauwi na tayo." Mahina at maliit na boses na ang lumalabas sa bibig ko.
tumango naman ito at minuwestra ang kanyang sasakyan. Binuksan nito ang pinto ng front seat sabay utos sa aking sumakay. Sila Alex, Jayson at Cristy naman ay pumasok na rin sa back seat. nakatingin naman ako sa nakakunot na noong si Alex.
"Al." Tawag ko rito. Lumingon naman ito saka tumango. Si Paulo naman ay umupo na sa driver seat. nagbuga ito nang malalim na hininga bago pinihit ang manibela. Nakatitig lamang ako rito. ang kanyang seryosong mukha ay nakakaakit pa rin. ngayon ko na lamang ulit nakabisa ang bawat anggulo ng mukha nito. Ngayon ko na lamang kasi ulit siya natitigan ng ganito kalapit. Hindi ako nakaiwas sa mapang-akit nitong labi. Napalunok ako nang maalala ang halik na ginawad niya sa akin nung nakaraan. Hindi ko alam kung bakit niya ako sinundo. Kung inutusan lamang ba siya ni tita. Wala na akong pakialam kung anuman ang dahilan ang alam ko lang ay masaya ako na narito siya.
Kung mabuti ba o masama ang intensyon niya nitong mga nagdaang araw ay hindi ko alam.
Namataan nito ang pagtitig ko sa kanya. imbes na pagtaasan ako nito ng kilay ay ngumisi ito. Namula ang aking pisngi sa ginawa nito.
”You're really attracted to me ha?” mahina iyon ngunit dinig ng buong kalamnan ko. napalingon ako sa back seat nakita ko ang pagngisi ni Cristy sabay akto na parang kinikilig. Narinig niya ba ang sinabi ni Paulo. Nalipat naman ang tingin ko kay Alex. Mukhang dismayado ito sa akin. Pillit akong ngumiti rito ngunit nag-iwas ito nang tingin. Napatalon ang puso ko sa gulat nang bumilis ang paandar nito. Tinitigan ko ito para sawayin ngunit nakakatakot na ang naging awra nito kaya naman umayos ako sa pagkakaupo.
ilang saglit ay nakarating na rin kami sa bababaan nila Alex.
"Dito lang sila.” Pagpara ko upang mahinto niya ito.
"Bye Aya! Salamat Sir Paulo!" Paalam ni Cristy at Jayson.
Samantalang pagtango lang ang ginawad sakin ni Alex. Kumaway ako sa mga ito. hindi pa man natatagalan ang pagbaba nila ay agad na pinaharurot ni Paulo ang sasakyan. Napahawak ako nang mahigpit sa aking upuan.
Katahimikan ang nanahan sa aming dalawa. sa gilid ng aking mata ay nakikita kong nakatitig ito sa akin. ipinasak ko ang aking ear phone sa aking tenga at pumikit. Nang magising ako ay nasa tarangkahan na kami ng mansion.
Nauna akong bumaba ng kanyang sasakyan at agad dumiretso sa sala. hinintay ko pumasok si Paulo para magpasalamat. nang akma na itong daraan sa harap ko magsasalita na Sana ako ngunit mabilis nitong tinungo ang hagdan nang di man lang lumilingon. Naitikom ko na lang ang bibig ko. Nakita kong maging si Tita ay nagulat nang makita ang eksena.
"Anong nangyari don?” usisa nito nang makalapit. Umiling lang ako bilang pagtugon. Nagulat naman kami nang may tumawa mula sa kung saan.
"Nagselos siguro.” sabay halakhak nito na parang wala ng bukas.
Si kuya Harold talaga! saan naman siya magseselos? At kanino? Sa akin? Imposible!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (104)

  • avatar
    Bernadez Vengiee

    ok ok

    24/08

      0
  • avatar
    CaroPearlien

    makalla

    26/07

      0
  • avatar
    Guaves John Nexus

    Napaka Ganda po talaga ng novel nato

    23/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด