logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 9

Jannelle's Pov.
Nakayuko lang akong naglalakad dahil sa kahihiyan, aysst... Ba't kasi ang tigas din ng ulo ko!
Nang bumulong siya sa akin 'di ko malaman kung bakit tumibok ng mabilis ang puso ko, kung bakit ako nanginginig at kung ano-ano pa na dapat hindi ko maramdaman. "Aysst kalimutan, erase... Erase..." Kumbinsi ko sa sarili upang malimutan kung ano ang nararamdaman.
Patuloy na lamang ako sa paglalakad at pinipilit na kalimutan ang mga nangyari, napag-isipan ko na ako na ang magluto dahil sabi nga nang iba nakaka-relax daw ang pagluluto.
"Ako na magluluto," saad ko habang naglalakad kami patungo sa kusina.
Nasa unahan ko pa rin siya at nasa likod niya pa rin ako na sinusundan siya, naisipan kong ako na ang magluluto para naman makabawi at maranasan ko ulit na makapagluto.
"Are you sure?" seryosong tanong nito at humarap sa akin.
"Oo naman," sagot ko.
"Ok," pagpayag nito. Bumalik naman ito sa paglalakad habang ako naman bumalik sa pagyuko, nahihiya pa rin ako sa nangyari...
Naglakad pa kami nang ilang minuto nang maramdaman kong tumigil siya, alam kong nasa kusina na kami kaya naman nagtaas na ako nang tingin. No'ng una pa lang namangha na ako sa ganda nang kusina kahit na kandila lamang ang nagsisilbing ilaw sa loob nito, may kabinet mapataas hanggang sa ibaba. Ang flooring nito ay white tiles at kumpleto lahat ng equipment para sa pagluluto. Pagkarating ay agad akong nagsaing, pagkatapos ay tiningnan ko ang laman ng refrigerator at doon nakita ko ang mga sangkap na na rooon, mga karne, mga gulay at iba pa. Ilang minuto ay naluto na ang sinaing kong kanin kaya naman isinantabi ko na ito at binuksang muli ang ref para kunin ang mga rekados na kailangan ko.
Kukuha na sana ako nang mga rekados ng maisipan kong hindi naman maganda kung ako lang ang magdedesisyon kung anong lulutuin kaya naman napagpasiyahan kong tanungin si Dave.
Isinara ko na muna ang refrigerator at tiningnan kung na saan si Dave, pagtingin ko sa hapag ay nakita ko siyang naka-upo at nakatingin sa akin na pawang in-o-obserbahan ang mga kilos na ginagawa ko.
"Ba't mo ko tinitingnan ng ganiyan?" takang tanong ko.
"Nothing," sagot nito.
"Eh ano nga?"
"What do you want to asked?" tanong nito. "Bakit niya nalaman na may itatanong ako?" tanong ko sa sarili. Ngunit napag-isip-isip kong mero'n pala siyang kakayahan na makabasa nang isipan, bakit ko nga ba nakalimutan aysst...
"Hey!" tawag nito sa akin na ikinagising ng aking diwa.
"A-hhh?"
"I said, what do you want to asked?" tanong ulit nito sa akin.
"A-hhh, ano gusto mong ulamin?"
"Kahit ano... " mahinahong sagot nito. Nanibago ako sa tonong gamit niya sa pagsagot, mas naging sanay ako sa malaseryoso at cold niyang pagsagot.
"Ok," sagot ko na lamang.
Binuksan ko nang muli ang ref at kinuha ang karne nang baboy at iba pang rekados, magluluto ako nang sinigang para naman hindi mapuno sa cholesterol ang katawan namin. Halos mamantika na lang kasi niluluto niya kaya para maiba naman masabaw na ang lulutuin ko. Ngunit ilang segundo lang na-realize ko na hindi pala uso rito ang sinigang powder, aysst pa'no kaya ito? Luminga ako sa lamesa at do'n ko nakita ang maraming sampalok. Mabuti na lang at nakikita ko si Lola Corazon na magluto nang sinigang na sampalok ang gamit, at first time ko yata maging chef ngayon.
Kinuha ko iyon, binalatan at pinakuluan. Inilagay ko ito sa kaldero na may tubig at inilagay sa apoy. Habang pinapakuluan ang sampalok ay inihanda ko na ang karne nang baboy para palambutin. Ilang minuto lang ay kumulo na ang sampalok kaya naman sinala ko ang tubig niyon para gamitin bilang sabaw ng sinigang. Ilang minuto matapos kong isala ang pinakuluan kong sampalok ay lumambot na rin ang karne nang baboy.
Inilagay ko nang muli ang sinalang tubig ng pinakuluan kong sampalok sa apoy at hinintay na kumulo itong muli. Nang kumulo ito inilagay ko ang malambot na karneng baboy, hinintay ko pang kumulo ito ulit atsaka ipinaglalagay ang mga rekados na kailangan sa putahe, ilang minuto pa akong naghintay na kumulo ito atsaka binuksan ko ang kaldero at tinikman ang sabaw ngunit 'di ko mawari ang tamang lasa kaya naman tinawag ko si Dave para tikman kung ano ang kulng sa luto ko.
Nang makalapit siya, kumuha ako nang kutsara at sumandok ng sabaw para ipatikim sa kaniya
"Tikman mo nga, " utos ko nang makalapit siya sa akin. Inilapit ko naman sa bibig niya ang kutsara.
"Ahhh!" sigaw nito.
"S-sorry... B-bat kase 'di mo inihipan," saad ko.
"Tsk! " singhal nito.
"Sorry na... Sige ulit," saad ko at kumuha ulit nang sabaw at para makasiguro ay ako na mismo ang umihip rito para hindi ako masinghalan. Ilalapit ko na sana sa bibig niya ang sabaw ng mapansin kong nakatingin siya sa akin dahilan para mapatanong ako sa sarili ko, "Ba't niya ba ako tinitingnan ng ganiyan?"
Hindi ko na lamang iyon pinansin at patuloy na isinubo sa bibig niya ang sabaw, ng ma-isubo ko na ito nang tuluyan sa bibig niya ay kinabahan ako sa kung anong magiging reaksiyon niya.
"Oh, ano? Masarap ba o hindi?" sunod-sunod na tanong ko.
"Masarap," sagot nito.
"Ano ba ito?" nagkakunot noong tanong nito sa akin.
"Sinigang," sagot ko.
"Mmm..."
"Oh tara kain na tayo tapos na 'to," saad ko. Hinanda ko na ang hapag at inilagay ang niluto ko, siyempre hindi mawawala ang kanin.
Pagka-upo ay kumuha agad ako nang kanin at ulam, nakita ko namang sumunod si Dave sa ginawa ko kaya naman nagpasiuna na akong kumain.
"Magdahan-dahan ka at baka mabilaukan ka diyan, " seryosong saad niya.
"Alam mo first time ko magluto nang ganito at hindi ko akalain na magiging successful at masarap," saad ko habang ngumunguya nang pagkain. Na-proud ako sa ginawa ko at kung nandito si kuya malamang proud din iyon.
"Don't talk when your mouth is full" seryoso na namang saad nito habang dahan-dahang sumusubo.
Tsk seryoso na naman! Na saan na 'yong mahinahon? Sa signal yata 'to pinaglihi e, pa-iba-iba nang ugali...
"B-bat ba pa-iba-iba ugali mo?" 'di ko namalayang tanong ko sa kaniya.
"You don't care!"
"Sungit! Nagtanong lang naman, na-cu-curious ako sa buhay na meron ka! Alam mo ba 'yon?" 'di mapigilang tanong ko.
"Hindi mo kailangang malaman!" saad nito na pawang naiinis.
"May karapatan ako kasi kasama kita," pangangatuwiran ko naman.
"Kasama mo lang ako at hindi ka ano-ano," saad niya na may pagdidiin sa pagbanggit ng huling salitang sinasabi.
"Ba't ba ganiyan ka? Alam mo bang nakakinis na 'yang pag-u-ugali mong 'yan ha?" naiinis na saad ko.
Alam kong bawal mag-away sa harap ng hapagkainan pero mukhang 'di ko na kaya ang ugaling mayroon ang kasama ko rito sa bahay, sa mundong ito!
"Then get out of here! Kung ayaw mo sa ugali ko," sigaw nito atsaka tumayo.
"Kung p'wede lang eh, bakit hindi! Kung alam ko lang ang direksiyon pauwi sa amin edi sana wala na ako rito! " sigaw ko naman.
"Wala na akong ganang kumain, tsk! " saad nito at saka umalis.
"Edi 'wag!" dagdag ko pa.
Umalis naman siya habang ako, patuloy pa rin sa pagkain. Nasa kalagitnaan ako nang pagkain ng biglang may kumatok sa pintuan ng pagkalakas-lakas. "Grabe naman makakatok, tsk, " naiinis na saad ko sa sarili. Malayo pa naman ang dinning sa front door at kinakabahan ako at baka mapa'no ako kung ako ang magbubukas. Ngunit 'di natigil ang pagkatok nito nang malakas kaya naman wala akong nagawa kundi ang buksan ang pinto nang walang kasama, sana hindi pa ako mamatay...
Binilisan ko na ang paglalakad at baka masira ang pinto nang bahay ni Dave, katok pa rin ng katok ang taong nasa labas. "Hindi makahintay! Tsk," inis na bulong ko sa sarili.
Pagkarating sa front door ay agad ko nang binuksan ang pinto at doon nakita ko ang isang lalaki na kasing putla ni Dave, may mapulang mata na kasing pula ring mga labi, mas mataas siya nang kaunti sa akin pero mas matangkad pa rin si Dave sa kaniya.
"S-sino—"
"Who are you?" seryosong tanong ni Dave sa kaniya dahilan para hindi ko maituloy ang tanong na sasabihin ko.
Nabigla rin ako sa kaniya dahil sa biglaan niyang pagsulpot, nagtago na lamang ako sa likod niya dahil alam kong safe ako roon. Mabait naman si Dave ang nakakainis lang ang sungit tsk! Sarap isako.
"Im Braille Hantxia," sagot nito habang nakangiti.
"Sino nasa likod mo? 'Di mawari nang ilong ko ang dugo niya," saad nito na ikinakaba ko.
"None of your business," sagot ni Dave.
"Ok, " sang-ayon nito at ngumisi dahilan para makahinga at mawala ang kaba ko.
"What do you want?" seryosong tanong niya ulit dito.
"You," deretsahang sagot nito na ikinabigla ko. "Luhh lumalandi si kuya, barbie pala," natatawang sabi ko sa aking isipan.
"What?" pasigaw na tanong ni Dave.
"Tsk don't think too much bro," natatawang saad nito. "Ayy kala ko barbie," natatawang saad ko sa sarili.
Habang ako naman ay natatawa habang nakikinig sa kadahilanang mukhang nag-assume si Dave at hindi ako maka-move on doon.
"We need you... " dugtong pa nito.
Natigil ako sa paghagikgik dahil napalitan ito nang pagka-curious. "Ba't naman niya kailangan si Dave? We? So marami sila?" naguguluhang saad ko sa sarili.
"Why?" seryoso pa ring tanong ni Dave sa kaniya.
"Dahil malapit ng malagas ang ating lahi..." seryosong saad nito.
"What do you mean?" seryosong tanong ulit nito sa lalaki
"Kailangan ka namin para matalo ang mga asong lobo sa lalong madaling panahon,"
"Why should I help you? Matanda na kayo at alam niyo na mag-isip ng tamang plano para diyan sa gagawin niyo," seryosong saad ni Dave.
"Kailangan namin ng mamumuno sa amin, at ikaw ang napili namin para sa puwestong iyon."
"Bakit hindi na lang ikaw ang maging leader niyon? Bakit kailangan niyo pa akong isama?"
"Wala akong masiyadong alam sa pamumuno, at bakit naman hindi puwedeng ikaw? Alam namin ang—"
"Shut your f*c**ng mouth, you gossiper!" sigaw ni Dave. Ba't ganon na lang ang galit niya? Ano bang nangyari? Aysst sana okay lang si Dave...
"We need you, I know, we know! That you wanna revenge to those f*c**ng werewolves! So please, let's help each other," parang nagmamakaawang saad ni Brai.
"I-iisipin ko m-muna... Now get out!"
"Ok, we'll wait for your decision," mahinahong saad ni Brai at 'di ko na namalayan ang pag-alis niya dahil sa mala-flash na bilis niyang kakayahan. Siguro naman lahat ng bampira may kakayahang tumakbo nang pagkabilis-bilis.
Isinara na ni Dave ang pinto pagtalikod pa lang ni Braille ngunit nakadikit pa rin ako sa likod ni Dave nagtatago at baka kasi bumalik at usisain akong muli ni Braille kung anong dugo mero'n ako, sa isiping 'yon 'di ko namalayang humarap na pala si Dave, ang kaninang likod na kadikit ay sa dibdib niya na ako ngayon nakadikit. Tumibok na naman ang puso ko nang mabilis, bakit ba ako nagkakaganito? May sakit ba ako sa puso? Aysst... Dali-dali akong tumayo at lumayo sa kaniya. Tiningnan ko siya na nakatingin lang din sa akin. Ang tanging ramdam ko lang ay ang awkwardness sa pagitan naming dalawa.
"S-sorry," saad ko para mawakasan ang awkwardness na namumuo sa pagitan naming dalawa.
"P-pati sa nangyari kanina... S-sorry talaga... 'Di ko lang talaga maiwasang mapatanong at mainis," saad ko. Nabigla naman ako nang nag-slow motion ng bigla niya akong yakapin...
"B-bakit nag-slow motion? Arghhh 'di ko na maintindihan ang sarili ko!" galit kong saad sa sarili
Nakayakap lang sa akin si Dave, at ngayon ko lang naramdaman na umiiyak siya. Tatanungin ko ba siya? Aysst bahala na...
"B-baki ka umiiyak?" nabubulol na tanong ko dala nang kaba at baka masinghalan o magsungit na naman 'tong bampirang 'ton.
"I miss them..." saad nito. Tinapik-tapik ko naman ang likod niya, nagbabakasakaling gumaan ang pakiramdam na kaniyang dinadala.
"S-sino?" tanong ko.
"A-hhh parents mo ba? Na saan ba sila?"
"They are already dead," sagot nito na ikinagulat ko.
"P-pano?" tanong ko.
"Werewolves killed them, " sagot niya.
"Anong desisyon mo ngayon? Tatanggapin mo ba 'yong alok ng Braille na 'yon?"
"I don't know..."
"Huwag ka nang umiyak, nasa tabi mo lang naman sila. 'Di mo nga lang nakikita, pero nasa tabi mo lang sila gumagabay pa rin sayo," saad ko. Umiyak pa rin siya at hindi ko na alam ang gagawin ko para tumahan siya.
Alam ko ang pakiramdam na malayo sa pamilya dahil nangyayari ito sa akin ngayon, sana lang pagbalik ko sa mundong kinalakihan ko ay buhay at mayayakap ko pa rin sila. Nag-aalala ako sa pamilya ko kasi baka sa pagbabalik ko wala na akong mayakap kundi ang abo o bangkay nila, what if's was always in my mind everytime I think about them. But I still used to be strong and be a positive thinker everytime I wanna give up, and still hoping to be in my family's side. I know god have reasons why I'm here, at ngayon alam ko na kung bakit ako nandito. Marahil ay dapat ko na tulungan si Dave na makalimot at maging masaya...
"Kain na lang ulit tayo," saad ko. Naalala kong hindi nga pala niya natapos ang kinakain niya dahil sa pinagsasabi ko kanina.
"Thank you," saad nito at kumawala na sa pagkakayakap.
"You're welcome..." saad ko habang nakangiting nakatingin sa kaniya.
"F-Friends?" tanong ko habang naka-pinky swear. Hindi naman siya sumagot at nakatingin lang sa kamay ko, sa tingin ko ay hindi niya alam kung pa'no tumugon doon.
"What's that?" takang tanong niya habang nakaturo sa kamay ko. Sabi ko na eh...
"Kamay, choss! Pinky swear 'yan," saad ko. Kinuha ko ang kamay niya at kinuha ang hinliliit niyang kamay at ipinulupot sa hinliliit kong kamay.
"Gan'yan ang pinky swear, now you know. So friends na tayo ah, 'wag ka na magsungit sakin 'di bagay na mukha mo para kang mangangain," explain ko.
Naglakad na kami papuntang kusina para kumain, I'm happy that we're now friends. Kasi finally wala nang magsusungit...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (457)

  • avatar
    Antonio Cloves Parnoff

    muito bom

    17d

      0
  • avatar
    Udinsarmi

    505

    21/08

      0
  • avatar
    Yunita06Eka

    ⭐⭐⭐⭐⭐

    03/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด