logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

Jannelle's POV.
'Di ko alam kung sa'n ako magsisimula, 'yong malditong 'yon! Sarap isako! Tsk.
Flashback
Pagmulat ng mga mata ko, naramdaman ko ang sarili kong nakahiga sa isang malambot na kama. Inilibot ko ang mga mata ko at sa tingin ko, kandila ang nagsisilbing liwanag sa kwartong ito. Malaki ang space ng kwarto at ang laki rin ng kama.
"Nasa'n ba ako?" tanong ko sa sarili.
Bumangon na ako sa pagkakahiga at hinanap kung nasaan ang librong regalo sa akin ng Lola ko. "Paano ba ako napunta rito?" Tumayo ako at kinuha ang kandilang nakapatong sa isang gilid para lumabas at maghanap ng daan pauwi. Binuksan ko nang dahan-dahan ang pinto at tuluyang lumabas.
"Bakit ganito? Brown-out ba? Aysssst," tanong ko sa sarili nang makitang puro kandila ang nakasindi sa buong paligid imbes na bumbilya.
Binaybay ko ang daan habang tinitingnan ng mabuti ang bawat sulok ng bahay. Nabigla ako nang makitang halos silver ang dingding ng dinadaanan ko, bawat sulok.
"Mayaman yata ang may-ari nitong bahay, sana all."
Naglakad pa ako at pawang manghang-mangha sa nakikita, nang 'di ko namalayang natabig ko ang isang vase dahilan para mabiyak ito at bumuo ng ingay.
Nabigla ako nang may biglang humawak sa braso ko nang napakahigpit na parang pati buto ko nahahawakan na niya.
End Flashback
'Di ko masyadong nakita ang mukha niya dahil sa ang dilim ng paligid at kahit na may hawak akong kandila, hindi naman puwedeng ilapit ko sa mukha niya para lang makita ko siya. Baka mapaso rin siya sa apoy.
Pagkalabas ko ng bahay niya, inilibot ko ang aking paningin. Kung titingnan ang laki ng bahay niya, parang mansion. Pero ba't gano'n? Ba't puro lanta ang mga bulaklak dito sa hardin niya? 'Di ba siya marunong magdilig? Hay nako...
Lumabas na ako sa gate matapos kong obserbahan ang paligid. Pagkalabas sa gate ay inobserbahan ko pa rin ang paligid, 'di masiyadong tirik ang araw kaya okay lang kung matatagalan ako sa paghahanap ng dadaanan.
Pero ang dami kong napansin, halos lahat ng paligid walang kulay. Lahat ng puno't halaman lanta ang dahon na halos maging itim na ang mga kulay.
"Anong lugar ba 'tong napuntahan ko?" tanong ko sa sarili.
Naglakad-lakad pa ako ng diretso nang may matanaw akong makukulay na bulaklak, nilapitan ko 'yon at saka hinawakan. Kakaiba ito, at sa pagkakaalam ko mamahalin ang mga ito kung bibilhin. Base sa pagkakaalam ko ito ay isang Rose Juliet na may halagang five million dollars hanggang 15 million dollars. Makapitas nga haha!
Nang malapitan ko ng tuluyan ang bulaklak, tumingin ako sa gilid nito at may nakita pa akong mga iba't ibang mga bulaklak tulad ng Orchid "Gold of kinabalu" na nagkakahalaga ng six thousand five hundred dollars. Talagang yayaman ako kapag nabenta ko 'to. Marami ang magiging interesado sa mga bulaklak lalo na ang mga mayayamang pamilya.
Pumitas ako ng isang sanga ng Rose Juliet, hindi na ako kumuha ng Orchid dahil baka magalit na sa 'kin ang may-ari. Matagal pa naman patubuin ang isang Orchid na 'yon.
Sa paglingon ko sa kanan, nakakita pa ako ng mas maraming bulaklak, ito lang yata ang lugar na buhay na buhay at humahalimuyak sa bango ng mga bulaklak.

Naglibot-libot pa ako habang hawak ang bagong pitas na Rose Juliet. Ngunit napahinto na lang ako nang may mga Asong Lobong lumapit sa akin. Para silang natutuwa dahil sa may makakain na sila ngayong araw, at mukhang ako 'yon.
"Arghhhhh! Ba't 'di sila naglagay ng sign na may asong lobo pala rito banda? Ayssst!" saad ko. Matatakot na ba ako?
"Tulooong!" sigaw ko. May nararamdaman akong takot pero pinagsasawalang bahala ko lang iyon dahil kung hindi ko papalakasin ang loob ko, 'di ko 'to malalampasan.
Nasa limang Asong Lobo ang nakapalibot sa 'kin at nakalabas na ang mga pangil nila, ayaw ko pang mamatay Lord!
"Tulong, please!" sigaw ko ulit.
Wala ba talagang tutulong sa 'kin? Ito na ba ang katapusan ko? Please, may mabait sanang tumulong...
Mangiyakngiyak na 'ko sa nangyayari at 'di ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko, akala ko isa lang ang kinatatakutan ko, meron pa pala.
Isang dipa na lang ang kulang para sa kamatayan ko, nanginginig na ang mga tuhod ko sa takot at 'di ko na mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha.
Nabigla ako nang biglang natumba ang mga ito at dahan-dahang dumaloy ang mga dugo nito sa lupa, at pawang nawawala na parang nasusunog na papel.
Inangat ko ang ulo ko at do'n nakita ang isang lalaking may maputlang kutis, mapupulang mga mata at labi, nasa 5'9 ang tangkad.
"S-salamat," tanging usal ko at 'di mapigilan ang sariling yakapin siya.
"Mmm," tanging tugon nito. Kumawala na ako sa pagkakayakap at inusisa siya.
Kita kong nagkasugat siya. Mga sugat na dumarami sa bawat segundo na lumilipas. Naramdam ko ang biglaang pagkahilo dahilan para 'di ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari.
Ilang oras ay naramdaman ko na lang ang malambot na hinihigaan, at do'n ko namalayan na nasa kwarto na naman ako kung sa'n ako nakahiga kanina, wala pa ring pinagbago. Tanging kandila lamang ang nagsisilbing ilaw sa loob ng kwarto, naalala ko ang mga nangyari sa akin kanina. 'Yong mga lobong nanggigigil na makain ako, ang panginginig ng mga tuhod ko at ang mga luhang dumadaloy sa mukha ko...
Di ko namalayan ang sariling umiiyak, 'di lang dahil sa nangyari kanina kundi pati na rin sa pangungulila. I really missed my kuya,my family... Iniisip kong mabuti kung pa'no ako napunta sa lugar na 'to at do'n ko napagtanto na marahil dahil iyon sa libro, sa salitang binigkas ko kahit hindi ko naiiintindihan. Bakit 'di ko kasama ang librong iyon sa pagpunta rito? Hawak hawak ko lang iyon, pero bakit ako lang ang napunta rito? 'Di ko mapigilan ang mga luhang dumadaloy sa mukha ko sa bawat tanong at bagay na naiisip ko...
Pinahiran ko na ang mga luhang nasa mukha ko at bumangon sa kinahihigaan at pinagsisikapang mahanap ang lumang libro, kung kailangan kong halungakatin 'tong buong bahay na 'to, hahalungkatin ko talaga.
"Nasan ba 'yon?" bulong ko sa sarili.
Arghh! 'Di ko na mapigilan ang sarili ko at kinuha ang kandilabra na may kandilang nakatirik at naghahalungkat sa loob ng kwarto.
Una kong hinalungkat ang kama, kung saan ko unang namalayan ang sariling napunta sa mundong ito. Kinuha ko ang unan at ibinalik ulit ng wala akong makitang libro, ngunit unan pa nga lang ang simula nang paghahalungkat ko nang biglang bumukas ang pinto dahilan para mapalingon ako, at doon iniluwa ang isang lalaki.
"What are you doing?" tanong nito sa 'kin ng malditong lalaki.
"None of your business," sagot ko at ibinalik na ang focus sa paghahalungkat sa kama.
"Seems that your unmannered,"
"A-nong—!"
"For your information! Tinuruan ako nang tamang asal ng kuya at magulang ko, kaya wag mo kong sinasabihang unmannered," dugtong ko.
"Tss, yes you don't!"
"Pano mo nasabi? Aberr!"
"I save you, did you that fast to forget what happened?"
"I-ikaw... 'yong... lalaki?"
"Yes!"
"Luhh sorry," tanging saad ko at napayuko.
"What your doing the?"
"Naghahalungkat."
"Why?"
"May hinahanap akong libro, baka yun lang ang paraan para makabalik ako sa amin," paliwanag ko.
"Mmmm."
"Kaya kung p'wede, hahalungkatin ko 'tong k'wartong 'to," mahinahon na paghingi ko nang permiso.
Nang biglang tumunog ang aking tiyan ng pagkalakas-lakas, nakita ko naman ang lalaki na nakatingin lang sa 'kin. Kaya pilit akong ngumiti sa kan'ya.
"Aysssst!" nanggigigil kong isip.
"It seems your hungry," seryosong saad niya.
"Let's go," dugtong pa niya.
Napapansin ko sa lalaking 'to eh seryoso at cold kung magsalita pati yata sa pagkilos e 'di mo mararamdaman.
"Wait, hintayin mo ko!" sigaw ko nang namalayan kong nagpasiuna ito sa paglalakad.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (457)

  • avatar
    Antonio Cloves Parnoff

    muito bom

    17d

      0
  • avatar
    Udinsarmi

    505

    21/08

      0
  • avatar
    Yunita06Eka

    ⭐⭐⭐⭐⭐

    03/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด