logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 12

Jannelle's POV.
Naglalakad kami ngayon kasama si Rose.
"Bakit parang ang hirap hagilapin ng mga pinagkakatiwalaan ni Braille?" tanong ko sa sarili.
"Niloloko yata tayo ni Braille," isang tinig sa utak ko ang biglang sumulpot na ikinakaba ko.
"Baliw na ba ako? Ba't may naririnig akong nagsasalita sa utak ko?" tanong ko pa rin sa sarili.
"Your not crazy," natatawang saad pa nito sa akin. Lumingon ako sa gilid, kung saan na roon si Dave, pagtingin ko ay lumingon din siya at doon nakita ko siyang nakangiti na parang kulang na lang tumawa siya nang pagkalakas-lakas.
"Ba't ka nakangiti diyan?" tanong ko rito habang nakakunot ang noo.
"Nothing," sagot pa nito.
"Dave tulong," bulong ko rito.
"Why?" tanong nito sa akin.
"May nagsasalita sa utak ko... Mababaliw na yata ako..." mangiyak-ngiyak na saad ko.
"Basta pagnabaliw ako dalhin mo ko sa mental hospital, tapos sabihin mo sa pamilya ko na mahal ko sila..." dugtong ko pa na ikinatawa niya nang malakas. Tawang ikinagulat ko, grabe marunong pala siya tumawa nang ganyan?
Tawa lang siya nang tawa at lahat ng bampirang naroon kasama na si Rose at ako ay napatingin sa kaniya, tumigil naman siya sa pagtawa at mukhang tiningnan niya nang masama ang mga bampirang nakatingin sa kaniya dahilan para ituon nilang muli ang paningin sa kaniya-kaniya nilang ginagawa. Pagtingin sa akin ay nakangiti siya habang ako naman ay nakatingin lang din sa kaniya na hindi pa rin makapaniwala, ang tawa niya ay normal lang pero bakit ganon? Bakit ba sa tuwing may kakaiba na 'di ko pa nakikita sa kaniya na ngayo'y nakikita na mismo nang mga mata ko ay namamangha ako? Bakit sa tuwing may mangyayaring ganon, sinasabi nang puso kong sulitin iyon... Aysst I never felt this way before... 'Di ko rin ma-iwasang maitanong sa sariling "Bakit nga ba?"
"Hey!" tawag nito sa akin na ikinapukaw ng diwa ko. 'Di ko namalayang nagsasalita siya at dahil sa mga pinag-iisip ko ay hindi ko siya napakinggan.
"A-ano 'y-yon?" nabubulol na tanong ko.
"Never mind..." saad nito atsaka sumeryoso na naman ang mukha at itinuon ang sarili sa paglalakad.
"Nasaan na ba ang mga kasamahan mo?" tanong ko kay Rose.
"Wait lang, malapit na tayo... " sagot nito.
Naglakad pa kami sa kung saang hindi namin alam...
Ilang sandali pa ay namangha ako sa mga nakita ko dahil sa ang daming mga punong nakapaligid. Sa kadahilang ang mga punong iyon ay isa sa mga sikat sa buong mundo, ang General Sherman Tree kung saan sa mundo ko ay matatagpuan ito sa California Sequoia National Park at ito ang pinakamalaking puno sa buong mundo na may edad na 2,000 years old.
May mga bench doon kung saan naka-upo ang ilang bampira, sila na siguro ang sinasabi ni Braille sa amin.
"Heto na sila," maligalig na saad ni Rose sa amin.
Pumunta kami sa kung saan sila naka puwesto at doon nakita nang mga mata ko ang sinsabing bampira ni Braille. Kakaiba ang mga ito sa ilang bampirang nakita ko, iba-iba ang mga mata ngunit hindi mapagtatakahan ang kanilang maputlang kutis at mapulang labi dahil common naman na iyon sa mga bampira.
Pagkalapit namin sa kanila ay agad na pumuwesto si Rose sa gilid ng isang lalaking bampira.
"This is Maxven Arcker," pagpapakilala nito sa lalaking katabi niya. Ang mga mata niya ay kulay Gray, naka messy hair at 'di mapagkakaila na gwapo siya.
"Hi," bati nito sa amin. Siya yata ang tipo sa miyembro nang barkada na masayahin.
Lumakad naman si Rose at tumabi naman sa lalaking katabi no'ng Maxven.
"Eto naman si Mark Twain," pagpapakilala nito sa lalaki. Mero'n itong kulay blue na mata, masiyahin din kung titingnan.
"Hi," bati naman nito. Umupo na si Rose na wari mo'y napagod na sa pagtayo at pagtabi sa ilang miyembro.
"Eto naman si Jamwell Drew " mukhang nahihiyang pagpapakilala nito sa amin. Napaghahalataan si Rose, hay nako. Natatawa na lamang ako sa kaniya, hindi ko mawari ang pagtaas ng chick bone ni Rose parang ilang sandali lang ay maaabot na nito ang mga niya.
Mabalik tayo kay Jamwell, si Jamwell ay may kulay Violet na mata.
"H-hi," nabubulol na bati nito sa amin.
"Eto naman si Ladynie Millan," pakilala nito sa babaeng may mentol green na mga mata.
"Hi," nakangiting bati nito sa amin.
"Last but not the list, si Ayuri Cae," pakilala nito sa babaeng may red na matang katulad ng kay Dave. Hinintay pa namin ng ilang segundo ang pagbati niya ngunit wala kaming narinig na pagbati galing sa kaniya.
"Hello sa inyong lahat!" bati ko sa kanila habang si Dave naman ay nanatiling tahimik at seryosong nakatingin sa kanila.
"I'm Jannelle, but you can call me Ja," dugtong ko pa.
"Eto naman si Dave—,"
"Bakit kakaiba ang amoy ng dugo mo?" tanong ng babaeng may pulang mata na nagngangalang Ayuri.
"None of your business," cold na sagot ni Dave.
"Tsk!" singhal ng babae sa kaniya. Para silang magkapatid at sa tingin ko ay magkapareho rin ng ugali, totoo nga siguro yung may kamukha kang atleast anim o pitong tao sa mundo...
"Anong ginagawa nila rito?" tanong ng naka-violet na mata kay Rose.
"Sabi ni Braille ipakilala ko raw sila sa inyo, sa atin."
"Bakit?" tanong pa nitong muli ngunit nagkibit balikat lang si Rose.
"Si Dave ang magiging leader sa paghahanda nang paghihiganti..." biglang sulpot ni Braille sa likuran namin.
Nanatili namang tahimik at mukhang in-o-obserhan ni Dave ang mga bampirang ipinakilala sa amin.
"Owws..." tanging nabanggit ng naka-mentol green ang mata.
"Kailan ang simula nang paghahanda?" seryosong tanong ni Ayuri.
"Dave will decide," sagot naman ni Braille.
"I should know them first, "seryosong saad ni Dave.
"Ok," sagot ni Braille at biglang naglaho.
"Dito kayo Ja," imbita sa amin ni Rose.
"O-ok lang ba?" tanong ko.
"Oo naman," singit ng may gray na mata.
"Salamat," nakangiting saad ko at hinila si Dave. Para kasing ayaw ni Dave na makipag-close kaya hihilahin ko na lang.
"Ok bye, I have something to do," saad ni Ayuri na aktong aalis habang nakapamulsa ang mga kamay.
Ang astig niya kung titingnan at mas nakadagdag nang dating ang suot niyang Black Lucky 13 RTW Baggy Jogger Sweatpants at black fitted T-shirt
"Do you here what I've said earlier?" seryoso at cold na tanong ni Dave.
Nakahawak pa rin ako sa braso niya, gustuhin ko mang bumitaw hindi ko magawa dahil baka uminit ang ulo niya at makagawa siya nang sigalot.
"I'm not a deaf," sarkastikong sagot naman ni Ayuri.
"Puwede ba, Ayuri! Tama na at sumunod ka na lang," singit naman nang naka-bule eyes.
"Tsk, sorry pero hindi ako utusan!" pagmamatigas pa nito.
"Hindi ka naman uutusan, tutulungan ka niya, tayo," sabat pa ni Rose.
"Tsk, sorry wala ako sa huwisyo,"
"Ayuri Cae Zhaylord!" sigaw pa ni Dave na ikinabigla nang lahat at kasama na ako roon.
Ayuri Cae Zhaylord? A-anong ibig sabihin no'n? Ang akala ko nag-iisang anak lang si Dave...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (457)

  • avatar
    Antonio Cloves Parnoff

    muito bom

    16d

      0
  • avatar
    Udinsarmi

    505

    21/08

      0
  • avatar
    Yunita06Eka

    ⭐⭐⭐⭐⭐

    03/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด